Share

Chapter 4

"GAB, ang dami mo nang nainom, pre! Mahihirapan na naman akong iuwi ka sa bahay niyo dahil nagpapakalasing ka na naman na parang walang bukas. Tsk!" namomroblema at umiiling na sabi ni Kobe sa kaibigang si Gabriel na halos matumba na sa kinauupuan nila dala ng matinding kalasingan nito.

"I miss my girlfriend already, Kobe but she left me!" nakangisi at tumatawa namang ani Gabriel. Nasinok pa ito sa huling sinabi.

"FYI, nililigawan mo palang si Marilyn kaya 'wag kang assuming dyan." sagot ni Kobe.

"Doon rin naman kami papunta kaya advance na akong mag-isip!" nagawa pang magbiro ni Gabriel kaya pinigilan ni Kobe na huwag matawa.

Masyado talagang in love ang kaibigan niya kay Marilyn at alam niya na ganoon rin si Marilyn dito.

Nasa bar sila ngayon at sinasamahan ni Kobe na uminom si Gabriel dahil baka mapaano pa ito kung papabayaan niya lang na maglasing. Masyadong nalulungkot ang kaniyang kaibigan sa pagkawala ni Marilyn.

Kung hindi lang torpe at mahiyain si Gabriel (mahiyain na siya sa lagay na 'yan) ay baka naging girlfriend na nito si Marilyn pero kung kailan maayos na ang lahat sa dalawa at nasa ligawan stage na sila ay doon pa nila malalaman na naka arranged marriage si Marilyn sa pinsan ni Gabriel na si Prince Euzon Romero.

Naiinis talaga si Kobe sa Euzon na iyon. Halata namang lumaking lahat nalang yata ay kinaiinggitan nito kay Gabriel. Dahil sa likas na mabait at manhid si Gabriel ay hindi na nito napapansin ang pasimpleng pamba-backstabbed sa kanya ni Euzon.

Mabuti nalang at nasa tabi siya palagi ng kanyang kaibigan kaya nailalayo niya ito sa bad influence na Frog Prince na iyon.

"Alam mo pre, sa tingin ko ay naglayas si Marilyn para lang hindi matuloy ang kasal niya sa pinsan mong palakang kokak. Ikaw ang mahal nun kaya hindi siya papayag na matali sa lalakeng hindi naman niya mahal." sabi ni Kobe kaniyang kaibigan.

"Then, bakit hindi man lang siya humingi ng tulong ko? If she loves me ay hindi niya rin ako iiwan at sasabihin niya ang ganong plano niya sa akin. I'll help her to deal with her problems. Itatanan ko rin siya para maging masaya kaming dalawa."

Tila nawala bigla ang kalasingan ni Gabriel dahil sa sinabi ni Kobe. Tuwid na ulit itong magsalita at mukhang seryoso na.

"Ayaw niya lang siguro na madamay ka pa sa problema niya. She also knows na nasa financial crisis na ang business ng pamilya niyo at baka ayaw niya lang na madagdagan pa ang problema mo. We know Marilyn, she's too understanding and kind-hearted to the point na naging sunod-sunuran nalang siya ng Mom at Dad niya." sabi ni Kobe.

Alam ni Gabriel iyon, Marilyn's family are sophisticated and business-minded persons. Wala ring naging ibang kaibigan si Marilyn nang mag-aral ito noong elementary, high school at college dahil ang lahat ng taong gustong mapalapit sa kanya ay pinipigilan palagi ni Euzon at ng mga magulang niya. Si Euzon at siya lang ang tanging nakakalapit kay Marilyn.

Umiling si Gabriel at muling ininom ang bote ng beer sa lamesa. "Nagtatampo pa rin ako sa kanya dahil tinakasan at sinarili lang niya ang problema niya. I'm always here for her and now, I'm being a useless suitor dahil hindi ko man lang alam kung nasaan siya!"

"Dad and his teams are doing their best para lang mahanap nila si Marilyn. We will join them tomorrow para sa paghahanap kay Marilyn kaya 'wag kang masyadong magpakalasing dyan dahil maaga ang alis natin bukas." Kobe tapped Gabriel's shoulder.

Bigla namang umupo ng tuwid si Gabriel at inayos na nito ang sarili dahil sa sinabi ni Kobe.

"You're right, Kobe. Kailangan na nating mahanap si Marilyn. Sa oras na mahanap na natin siya ay yayayain ko na siyang magpakasal kaagad para wala ng rason ang pamilya niya na ipakasal siya sa lalakeng hindi naman niya mahal." Gabriel declared seriously.

I'm going to find you, Marilyn. Please wait for me.

HINDI maialis ni Marilyn ang kaniyang tingin kay Diego na abala sa pagpapakain ng damo sa mga alaga nitong kambing. Nasa malawak na bukirin sila ngayon ng pamilya Monroe at sumama siya kay Diego. Ayaw naman niyang magkulong sa bahay at maiinip lang siya doon dahil wala naman siyang gagawin.

"Marilyn, gusto mo bang magpakain ng mga damo sa kambing?" tanong ni Diego.

Tumango naman siya at unti-unting lumapit sa pwesto ng binata. Inabot naman sa kanya ni Diego ang isang timba na naglalaman ng mga damo.

"Hindi ba sila nangangagat?" natatakot na tanong ni Marilyn na ikinatawa ni Diego.

"Mababait ang mga alaga ko. Nadisplina ko na sila ng maayos noon pa man kaya 'wag kang mag-alala, Marilyn." nakangiti namang sabi ni Diego.

"Hmm.. sabi mo 'yan, ah?"

Kumuha na ng mga damo si Marilyn sa timba at dahan-dahan siyang lumapit sa isang kambing. Nang inilahad niya ang kanyang kamay na may damo ay kaagad na sinunggaban ito ng kambing. Muntik pa siyang mapatili sa gulat pero 'di kalaunan ay hindi na rin siya natakot sa mga kambing.

When she mastered on how to feed the goats ay may isang proud at malaki na siyang ngiti na nakapaskil sa kanyang mukha. Nagsilapit na rin sa kanya ang iba pang mga kambing at halata ang tuwa sa mga ito dahil sa damo na pinapakain niya.

"Diego, this is so fun!" she smiled at Diego na nakangiti at titig na titig naman sa kanya.

"Malapit ka na kaagad sa mga alaga ko. Marahil ay natutuwa sila dahil may magandang dilag na nagpapakain sa kanila ng damo." Diego was complimenting her na ikinainit naman ng pisngi ni Marilyn.

Sa loob ng ilang araw na niyang pananatili sa probinsya ng San Lorenzo ay wala siyang ibang narinig kundi ang marinig ang mga papuri sa kanya ng magkakapatid.

Sina Abraham at Hakim lang ang hindi niya nakakausap dahil nararamdaman niyang naiilang sa kanya ang mga ito.

Si Abraham na sa tuwing nakikita siya ay kaagad itong umiiwas ng tingin sa kanya at si Hakim naman na parang invisible lang siya sa mga mata nito dahil hindi talaga siya nito pinapansin at kinakausap.

Baka hindi lang talaga sanay ang dalawang iyon na may babae na silang nakakasama sa iisang bahay. Puro mga lalake pa naman silang magkakapatid at tanging si Lola Adele lang ang babae.

Nang maubos na ang mga damo na pinapakain ni Marilyn sa mga kambing ay pinapasok na ni Diego sa isang kuwadra ang higit kumulang sa sampong kambing na mga alaga nito.

Naghugas na rin sila ng kamay sa poso na katabi lang ng kuwadra at ng matapos nun ay niyaya na siya ni Diego na umuwi sa kanila.

"Maganda ba ang Maynila, Marilyn?" biglang tanong ni Diego habang naglalakad na sila pauwi.

"Ahm, it's only good because of job opportunities. May mga nagtataasang buildings doon, mga malalaking malls at magagandang pasyalan. Magugustuhan mo ang Maynila if you'll use to live in a city life." sagot ni Marilyn.

Tumango naman si Diego. "Gusto ko talagang makapunta sa Maynila balang araw. Pero pagbisita lang ang balak ko dahil mas gugustuhin ko pa rin talagang dito nalang ako sa San Lorenzo." nagpamulsa ito at nginitian siya.

Marilyn can't help but to mesmerized on Diego. Bagay ang moreno nitong kutis sa mapuputi at pantay nitong mga ngipin. Makakapal na kilay, matangos na ilong, prominenteng hugis ng panga at may pagkakulot na buhok. Halata ang pagiging Scottish nito dahil sa banyaga nitong features. He's too perfect.

"If you want to visit Manila then I will be your tour guide." sabi niya.

"Talaga? Oo ba, pero may itatanong pa pala ako sa'yo, paano ka napadpad dito sa San Lorenzo?" tanong ni Diego.

Napakamot naman ng ulo si Marilyn. "Sumakay kasi ako ng bus sa terminal sa Maynila na hindi ko alam na papunta pala dito sa San Lorenzo. I was so desperate that time to escape from my family just to leave far away from them kaya sumakay nalang ako sa bus na hindi ko alam kung saan patungo. It took me 8 hours to arrived here."

"Mabuti nalang pala at dito ka napadpad sa San Lorenzo. Maraming masasamang tao ang nagkalat sa paligid tuwing gabi kaya maswerte ka at kami ng mga kapatid ko ang nakakita sa'yo sa may daan." Diego said.

Yes. She's lucky that these good-looking and masculine Monroe Brothers found her.

At kung sinuman ang lalakeng nagnakaw ng purple wallet niya na may lamang four thousand pesos ay karmahin sana at tubuan ng mga pigsa sa puwet dahil sa pagiging holdapper niya!

"Thank you for that, Diego. Kapag handa na akong harapin ulit ang pamilya ko ay babalik rin ako kaagad sa Maynila. I don't want to be a burden in your family." she said na ikinaseryoso ng mukha ni Diego.

"Pwede kang manatili sa bahay namin nang kahit gaano pa katagal, Marilyn. At palagi mong tatandaan na nandito lang kami ng mga kapatid ko para sa'yo kung kailangan mo ng tulong namin." mariing sabi ni Diego na ikinatuwa ng puso ni Marilyn.

Concern gentleman really exists at iyon ay si Diego. Gabriel is also a concern gentleman, too pero hindi naman maiiwasan na minsan ay umaakto iyong childish at liberated dahil laking amerika din 'yon at westernized but Diego and his brothers are different.

"Thank you, Diego." pasasalamat ni Marilyn na muling ikinangiti ni Diego.

Habang naglalakad sila sa daan ay may tinderong naglalako ng camote cue at banana cue na huminto sa harapan nila para alukin ng binebenta nito. Bumili nun si Diego at binigyan siya ng tig isang stick nito. It's her first time to eat that kind of food at naimpress siya dahil masarap ang lasa nun.

"Ito ba ang unang beses na makakain ka ng camote cue at banana cue?" tanong ni Diego sa kanya habang kumakain ito ng camote cue.

Marilyn nodded. "Yes. I didn't even know that this kind of food exists." she chuckled while biting her last piece of banana cue.

"Sa subdivision ba kayo nakatira?" Diego asked her.

"Yes, at bawal pumasok sa loob ng subdivision ang mga vendors. My Mom didn't want me to eat street food dahil madumi raw at nakakataba. She's strict that's why." she shrugged.

"Ang sabi nina Israel at Gael ay nagda-diet ka raw. Dahil rin ba 'yon sa Mom mo?" kuryosong tanong ni Diego.

Wow! Naikwento pa pala ng kambal na iyon ang diet thing ko.

Dahan-dahan namang tumango si Marilyn. "Well, it's part of my Mom's ten commandments. It's for my own health, too. I'd do exercising to maintain my good figure but now ay hindi na ako nakakapag exercise so I think tataba na ako dito." she smiled shyly.

"May gym sa likod ng bahay namin. Nag-eexercise rin kami ng mga kapatid ko para sa magandang kalusugan namin. Pwede kang mag-exercise doon kung gugustuhin mo." saad ni Diego.

Kaya pala ang gaganda at ang lalaki ng katawan ng pitong magkakapatid na Monroe. They'd do exercise, too. Now I know.

Marilyn clapped her hands because of the excitement she feels. "Really? Thank you, Diego!" she smiled sweetly at Diego na bigla namang namula ang mukha at umiwas ng tingin sa kanya.

"W-walang anuman, Marilyn. Teka at bibili lang ako ng maiinom natin. Umiinom ka ba ng soft drinks?" tanong ni Diego.

Tumango naman si Marilyn. "Of course."

Nagpunta sila ni Diego sa isang sari-sari store at doon ay bumili ito ng dalawang soft drinks na nasa plastic at may straw. Binigay naman nito ang isa sa kanya at pagkatapos ay nagpatuloy na sila sa paglalakad para makauwi na sa bahay ng mga Monroe.

"Hello, Diego!"

Habang naglalakad sila ay may mga nakasalubong silang grupo ng mga kababaihan at kalalakihan na binati si Diego.

Nginitian at binati rin sila pabalik ni Diego. Napansin pa niyang pinagtitinginan siya ng grupo ngunit nagpatuloy lang sila sa paglalakad.

"Mga kaklase ko sila noong high school at kolehiyo pa lang ako." sabi ni Diego nang makalayo na ang grupo sa kanila.

"Parang kilala kayo halos lahat ng taong nandito sa San Lorenzo. Nung nagpunta nga kami sa bayan nina Israel at Gael ay nakita kami doon ng mga kaibigan niya." she said.

"Maliit lang naman itong probinsya ng San Lorenzo kaya magkakakilala halos ang lahat ng mga taong nakatira dito." nakangiting sabi ni Diego sa kanya.

"I see." tumatangong sabi ni Marilyn.

Nang makarating na silang dalawa sa bahay ng mga Monroe ay naabutan nila sa labas ng bakuran si Hakim na naninigarilyo habang nagsisibak ito ng kahoy.

Napalingon saglit si Hakim sa kanila ni Diego ngunit nagpatuloy rin ito sa kanyang ginagawa.

"Ahm.. Diego, dito muna ako sa labas. Magpapahangin lang ako." sabi ni Marilyn kay Diego.

"Ganon ba? Sige, papasok muna ako sa loob. Maliligo lang ako." paalam naman ni Diego sa kanya.

Ngumiti at tumango lang si Marilyn sa sinabi ni Diego hanggang sa pumasok na rin ito sa loob ng bahay.

Muli namang sinulyapan ni Marilyn si Hakim na patuloy pa rin sa ginagawa nitong pagsisibak ng kahoy.

Nakakatakot man i-approach ang lalakeng ito ay syempre hindi naman pwedeng habang-buhay nalang silang walang imikan.

"Hi, Hakim!" awkward na bati niya sa lalake.

"Saan kayo nagpunta ni Diego?" tanong ni Hakim na ikinabigla niya.

Ito ang unang beses na kausapin siya ng binata.

"Ah, sa bukid. Nagpakain kami ng damo sa mga alaga niyang kambing." sagot ni Marilyn.

Sandaling huminto si Hakim sa pagsisibak ng kahoy at tinignan siya nito ng seryoso habang naninigarilyo pa rin.

"Ito lang ang masasabi ko, kung wala silang pag-asa ay 'wag mo na silang paasahin pa. Hindi ka bulag o manhid para hindi mahalata 'yon."

Nang matapos sabihin ni Hakim iyon ay itinuloy na ulit nito ang kanyang ginagawa.

What does he mean about that?

-Ajai_Kim

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status