Share

Bonus Chapter II

Crossing Paths

Gail's POV

Ngayon ay nandito kami ni Justin sa mall kasama ang mga nakababata niyang kapatid na sina Yanyan at Josh. Ibinigay ko na rin kay Yanyan ang birthday gift ko para sa kanya at laking tuwa niya nang maibigay ko iyong Barbie na manika na nakatago sa akin at matagal ko nang hindi nagagamit at nabubuksan.

Dahil medyo maalikabok na sa loob ang manika ay nilinisan at nilabhan ko pa ang damit ni Barbie at pagkatapos ay inisprayan ko ng Bambini cologne kaya mukhang bago na ito at mabango.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses nagpasalamat si Yanyan sa akin dahil sa regalo ko sa kanya. Kapag nakaluwag-luwag talaga ako ay bibilhan ko siya ng bago at mas magandang manika.

Nilibre kami ni Justin sa Jollibee at dahil minsan lang makakain ang mga kapatid niya sa isang fast food restaurant ay tuwang-tuwa ang mga ito habang kumakain kami. Kinantahan na rin namin ng Happy Birthday song si Yanyan.

Ibibigay ko pa sana kay Josh ang one-piece Chicken joy ko pero pinigilan ako ni Ju
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status