Share

Chapter 5

NGAYON lang napagtanto ni Marilyn kung ano ang ibig sabihin ni Hakim sa mga sinabi nito sa kanya kahapon. Dahil ayaw naman niyang maging assumera kung totoo nga ba ang sinabi nito sa kanya ay nanatili nalang tikom ang bibig niya.

Wala pa nga siyang isang buwan sa San Lorenzo ay may ganoon na kaagad na konklusyon si Hakim sa kaniyang mga kapatid? Baka lubos lang naman talagang mababait at nag-aalala para sa kanya ang mga ito dahil nalaman nila ang dahilan ng pag-alis niya sa Maynila.

Hindi rin pwedeng mangyari iyon dahil naghihintay lang si Gabriel sa pagbabalik niya.

Nasa kusina ngayon sina Marilyn at Lola Adele. Tinutulungan niya ang matanda sa pagluluto ng sinigang na bangus at nilagang baka para sa hapunan nila.

"Ngayon lang kita tinuruang magluto ng ganitong mga putahe pero magaling ka na kaagad, Marilyn. Madali mong napag-aaralan ang mga bagay-bagay at maganda iyan." nakangiting sabi ni Lola Adele habang hinahalo niya sa kaserola ang sinigang na bangus na niluluto nila. Inilagay niya na rin ang iba pang mga rekados.

"Fast learner po talaga ako, Lola Adele. Gusto ko nga pong matutong magluto kaso ay ayaw naman ni Mom." nanghihinayang na sabi ni Marilyn.

"Bakit naman?" tanong ni Lola Adele.

"She only wants me to finished my studies at pamahalaan ko raw po ang garments business namin. Ang reason niya ay kaya naman raw ng mga chefs at katulong namin ang pagluluto ng mga kakainin ko at hindi ko na raw po kailangang mag-aksaya ng oras para matutong magluto." she sighed matapos sabihin iyon.

Marami siyang na-miss na opportunity sa buong 22 years sa buhay niya. She allowed her parents to do what they want from her at hindi na niya nagagawa pa ang mga gusto niyang gawin.

She loves her family but they were too much. Ngayon lang talaga niya sinuway ang mga ito dahil sumusobra na sila. They want her to marry her best friend na baliw at obsessed pala sa kanya.

Bigla ay hinawakan ni Lola Adele ang balikat ni Marilyn at marahan itong hinaplos.

"Napakabuting anak mo dahil ginagawa mo ang lahat para sa mga magulang mo. At kung umalis ka man sa poder nila dahil ayaw mong pakasalan ang lalakeng hindi mo naman iniibig ay hindi kita masisisi doon, Marilyn. Tama ang naging desisyon mo at mapalad ka na sa amin ka napadpad. Mababait ang pitong mga apo ko dahil noong mga bata pa lamang sila ay tinuruan na namin sila ng magandang asal ni Defonsi."

Marilyn can see it. Ni wala siyang masabing hindi maganda sa pitong magkakapatid na Monroe. Mababait at maalalahanin ang mga ito sa kanya. Hindi man niya gaanong kasundo sina Abraham at Hakim ay hindi naman niya maramdaman sa mga ito na ayaw nilang dalawa sa kanya.

"Nakikita ko po 'yon sa kanila, Lola Adele and I'm very thankful to them." she smiled na ikinangiti rin ni Lola Adele.

Sandali munang lumabas ng kusina si Lola Adele para bumili ng juice na maiinom nila mamaya kapag kakain na sila ng hapunan.

Habang abala sa paglalagay ng mga hiniwang patatas si Marilyn ay bigla nalang sumulpot sa tabi niya si Levi na nakangiti sa kanya.

Bagong ligo ang binata dahil wala itong suot na pang-itaas at basa naman ang itim nitong buhok.

"Hmm.. ang bango, ah? Nakakagutom naman," sabi ni Levi habang sinisipat nito ang niluluto niyang nilagang baka.

Kahit medyo naiilang man si Marilyn dahil walang suot na pang-itaas si Levi at magkalapit pa sila ay nginitian niya na lang ito.

"Malapit na rin 'tong maluto." sabi niya.

Levi nodded. "Gusto mong sumama sa amin mamaya ni Kuya Exodus? Pupunta kami sa birthday party ng kaibigan niya. Kahit hindi tayo invited ay pwede naman tayong pumunta doon dahil ganito naman sa San Lorenzo." tanong nito sa kanya.

"Really? Hindi ba nakakahiya 'yon?" nag-aalangang tanong ni Marilyn.

"Hindi naman. Kasama mo naman ako at si Kuya Exodus doon." sabi ni Levi.

Kinagat ni Marilyn ang kaniyang ibabang labi sa pag-iisip kung papayag ba siyang sumama mamaya kina Exodus at Levi. Napansin niyang napatitig pa sa labi niya si Levi bago ito mabilis na nagbawi ng tingin sa kanya.

"Sige na nga." she happily said na ikinangiti naman ni Levi.

"Maghanda ka na mamaya. Mga alas-dos ng hapon tayo aalis." sabi ni Levi at pagkatapos ay tinulungan na rin siya nitong magluto sa kusina.

Makalipas ng isang oras ay naluto na rin ang mga pagkain at nag-umpisa na silang kumain ng hapunan.

Sabay-sabay silang kumaing sampo sa hapag at sa tanang buhay ni Marilyn ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kasiyahan sa tuwing kumakain siya.

Masyadong moderno at istrikto pareho ang mga magulang niya kaya kadalasan ay hindi niya ito palaging nakakasabay na kumain. Kung sabay-sabay man silang kumain sa hapag kasama ang Kuya Genesis niya ay tahimik lang silang kakain dahil ayaw ng mga ito ang ingay at pag-uusap sa tuwing kumakain sila. Isa iyon sa mga table etiquette na rules ng kaniyang inang si Donya Mercedes.

"Aalis kayo mamayang hapon? Ingatan niyo si Marilyn at baka mailang siya sa birthday party ng kaibigan mo, Exodus." bilin ni Lolo Defonsi kay Exodus na tumango naman sa sinabi niya.

"Huwag po kayong mag-alala, lolo, babantayan at iingatan ko po si Marilyn mamaya. Kasama rin naman namin si Levi do'n." nakangiting sabi ni Exodus.

"Siguraduhin niyo lang, ah? Magandang bata pa naman itong si Marilyn at baka pormahan pa ito ng mga kaibigan mo, Exodus." sabi naman ni Lola Adele habang umiinom ito ng tsaa.

Napangiti si Marilyn dahil sa likas na pag-aalala sa kanya ng dalawang matanda. Bagay na hindi niya pa nararanasan man lang sa kaniyang mga magulang. Mabuti nalang at may kapatid siya na nakakaintindi sa lahat ng mga problema niya.

Speaking of Kuya Genesis, kumusta na kaya siya ngayon? I'm sure that he's still finding me.

Uuwi rin ako, kuya pero hindi pa sa ngayon.

Pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay kaagad nang naligo si Marilyn sa banyo na ginagamit nila ni Lola Adele. Mabuti nalang at may separate na banyo para sa lalake at babae kaya hindi sila gumagamit ng iisang banyo lang. Nakakahiya iyon dahil puro mga lalake pa naman ang kasama niya sa loob ng bahay.

She decided to wear a floral dress na binili niya kasama ng kambal nang magpunta sila sa bayan ng San Lorenzo. Inilugay rin niya ang kaniyang natural at kulot na brown na buhok at naglagay rin siya ng light make-up para naman kahit papaano ay maging presentable siya sa harap ng ibang tao.

Marilyn has a light gray eye color na nakuha niya sa ina niyang si Donya Mercedes na isang half american na taga Illinois, USA.

Sa taas niyang 5'10, minsan ay nagpapart-time model rin siya. Marami ring nagsasabi sa kanya na may pagkakahawig siya sa American model na si Taylor Hill.

Bandang 1:30pm nang matapos na sa pag-aayos si Marilyn. May kumatok naman mula sa tinutuluyan niyang kwarto at bumungad sa kanya sina Exodus at Levi na sobrang gwapo sa casual na suot ng mga ito na longsleeve polo shirt at dark jeans.

Pinigilan niyang huwag matulala sa dalawang hunk na nasa harapan niya. Panigurado na may mga babae nang napaiyak ang mga ito kung may umaasa man sa kanila.

"A-ang ganda mo lalo, Marilyn. Maganda ka na pero mas maganda ang ayos mo ngayon." nakangiti at nakatitig na sabi sa kanya ni Exodus.

Namula naman siya sa sinabi ng lalake. "Thank you."

Tumingin siya kay Levi na nakangiti at titig na titig rin sa kanya. Ngumiti nalang siya sa binata dahil sa hiyang nararamdaman niya.

Nagpaalam na sila sa iba pang magkakapatid na Monroe pati na rin kina Lola Adele at Lolo Defonsi na aalis na sila. Ang kotse ni Exodus ang gagamitin nila para makapunta sa bahay ng kaibigan nito na may birthday.

The Monroe Brothers have their own cars pero ang kotse nina Abraham at Exodus lang ang ginagamit ng mga ito dahil hindi na magkakasya pa ang ibang mga kotse sa parking lot na nilaan sa bahay ng mga Monroe.

Ang limang panganay na magkakapatid ay may kanya-kanya nang mga properties, bahay at kotse ngunit mas pinili nila na samahan at tumira pa rin sa kanilang Lola Adele at Lolo Defonsi.

Walang pang 15 minutes ay nakarating na rin sila sa bahay ng kaibigan ni Exodus. Isang simpleng celebration na may karaoke ang naabutan nila sa loob ng bahay na may kalakihan rin.

Awtomatikong napalingon sa kanilang tatlo nina Exodus at Levi ang mga bisita sa loob nang makita sila.

Lumapit naman ang isang lalake na sa tingin ni Marilyn ay ang birthday celebrant dahil nakakulay pula itong t-shirt at may suot na party hat.

Nakipag man-to-man hug ang lalake kay Exodus maging pati na rin kay Levi.

"Mabuti at nakarating kayo!" nakangiting sabi ng lalake sa magkapatid at nang tumingin ito sa kanya ay biglang umawang ang bibig nito nang makita siya.

"Syempre naman. Sinama ko nga pala si Levi at ang kaibigan naming si Marilyn. Ayos lang ba, Ezra?" tanong ni Exodus sa lalakeng si Ezra na kaagad namang tumango sa sinabi niya.

"Oo naman, Exodus! Ikaw pa e, malakas kayo sa'kin ng mga kapatid mo. Hi pala, Marilyn. Ako si Ezra, college batchmate ako ni Exodus at ako ang birthday celebrant. It's nice to meet you." sabi ni Ezra at kaagad itong nakipag-kamay kay Marilyn na tinanggap naman ang kamay niya.

"It's nice to meet you, too." Marilyn smiled at him.

"Kumain na kayo. Marami akong handa ngayon at sigurado akong mag-eenjoy kayo dito sa birthday party ko." pagyaya ni Ezra sa kanila at inasikaso na nga sila ng lalake.

Umupo sila sa isang bakanteng table at si Ezra na ang nagdala ng mga pagkain sa kanilang tatlo. Nakakahiya man at pinagsisilbihan pa sila ng birthday celebrant ay ayos lang raw iyon dahil mga bisita naman sila.

Kanina pa napapansin ni Marilyn na pinagtitinginan siya ng mga bisita ni Ezra ngunit mas pinili niyang huwag nang pansinin ang mga ito. Baka naninibago lang siguro sila dahil ngayon lang siya nakita ng mga ito.

"Masaya ka ba dito sa birthday party ni Ezra, Marilyn?" tanong ni Exodus habang kumakain ito ng pork barbecue na kakaluto lang dahil umuusok pa iyon.

She nodded and smiled. "Oo naman. Ezra is nice and this is my first time to attend this kind of celebration. It's overwhelming." sabi niya.

"Mabuti naman kung ganoon. At least ngayon ay nakakasubok ka ng mga bagay na hindi mo pa nararanasan noon." sagot ni Exodus na inabutan siya ng buko pandan dessert.

"I'm glad about that. Thank you," she thanked Exodus na ngumiti lang sa sinabi niya at nagpatuloy na ulit ito sa pagkain.

Habang patuloy pa rin silang kumakain ay may isang maganda at sexyng babae naman ang lumapit sa table nila at kaagad nitong hinalikan sa labi si Levi na nagulat sa ginawa niya.

"Hello, babe! You're here pala. Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin?"

What the heck? Is this another pabebe girl here in this province katulad ni Julie na may gusto kay Gael?

Kapag ba nagsasalita ay need talaga na artehan ang boses?

"Ah, biglaan lang naman ang punta ko dito, Chiena. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Levi sa babae.

Tumayo ito mula sa kinauupuan namin at hinarap ang babaeng si Chiena. Yumakap naman si Chiena sa baywang ni Levi.

"Sumama lang ako kay Kuya Trevan dahil boring sa house namin. Nasa labas pa siya dahil pinapark pa niya 'yung motor niya. I'm glad na nandito ka, babe!" maarteng sabi ni Chiena at nang mapatingin ito sa kanya ay bigla nalang nawala ang mga ngiti nito.

Teka lang.. Trevan? Kapatid niya si Trevan na kaibigan nina Israel at Gael?

Bigla ay tumikhim si Exodus kaya napabaling sa kanya si Levi.

"Ahm, si Chiena nga pala, Kuya Exodus at Marilyn. Girlfriend ko." mahinang sabi at nahihiyang pagpapakilala ni Levi sa maganda at sexy niyang girlfriend.

So, girlfriend pala niya ang trying hard na conyang ito?

Maganda at sexy sana ito kaso ang pangit lang talaga niya magsalita ng Taglish. Wala man lang accent unlike her na natural talaga.

"Hi! I'm Chiena. Nice to meet you guys!" nginitian ni Chiena si Exodus na tumango lang sa kanya habang siya naman ay hindi man lang binalingan ng tingin ng babae.

What's her problem with me?

"Hey! Nandito rin pala kayo,"

May isang lalakeng biglang lumapit sa table nila at hindi nga nagkakamali si Marilyn na si Trevan iyon na nakangiti sa kanila.

"Hi, Marilyn!" bati ni Trevan sa kanya.

Awkward na ngumiti na lamang si Marilyn sa lalake dahil hindi talaga siya kumportable na makausap at makasama ito. Kahit kaibigan pa si Trevan ng kambal ay hindi niya magawang maging kampante at palagay ang loob niya rito.

"Dito nalang pala kami uupo sa table niyo para man lang may kakilala kami dito bukod kay Kuya Ezra." sabi ni Trevan at bigla nalang itong umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Marilyn.

Katulad noong una nilang pagkikita ay umupo rin ito sa tabi niya nang kumain sila ng kambal sa pizza parlor sa San Lorenzo.

"That's a great idea, brother! Dito nalang tayo sa table nila para makasama ko rin ang boyfriend ko." sabi naman ni Chiena at hinila niya paupo si Levi sa kinauupuan nito kanina.

Nagulat naman si Marilyn nang biglang umupo si Chiena sa kandungan ni Levi at yumakap pa sa baywang nito.

What the freaking hell? Hindi ba nahihiya ang babaeng ito sa lantarang PDA niya kay Levi na mukhang nahihiya na rin sa ginagawa niya?

"Hi rin pala sa'yo, Professor Exodus. Ngayon lang ulit kita nakita, ah?" pagbati ni Trevan kay Exodus na ngumiti naman.

"Ngayon lang ako nagkaroon ng mahabang bakasyon sa trabaho ko. Professor niyo ako last year sa San Lorenzo University at nakita niyo naman na palagi kaming abala sa faculty ng mga ko co-Professors ko." seryosong sabi ni Exodus na ikinatango ni Trevan.

"Oo nga, Prof. Alam mo, bagay kayo ni Ma'am Criselda dahil balita ko ay may gusto raw 'yon sa'yo-"

"Hindi ko siya gusto. Katrabaho ko lang siya at kaibigan lang ang turingan namin sa isa't-isa." madiing pagputol ni Exodus sa sinasabi ni Trevan at sandali itong sumulyap kay Marilyn.

Ako lang ba ang nakakaramdam na parang may hindi magandang mangyayari mamaya hangga't hindi pa umaalis dito sina Trevan at Chiena?

-Ajai_Kim

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status