"Kapag nalaman ng Daddy ko ang ginawa nila sa akin, mananagot sila!" ngitngit na bulong ni Claudette.
Mabigat ang suot niyang wedding gown. Buong minuto na niyang inaayos ang sarili dahil hindi siya mapakali. Para siyang lalamunan ng sama ng loob, dahil hindi niya gusto ang nangyayari sa buhay niya.
Parang kahapon lang, nakahiga pa siya sa malambot na kama, nagtatrabaho sa isang bilang CEO. Kung alam lang niya na mapupunta siya sa islang ito, sana hindi na lang siya tumuloy. Sana hindi siya namomroblema nang ganito, at hindi siya sasabak sa kasalan ng isang estranghero.
Pinunasan niya ang mga luha. Tuwing naiisip niya ang kinabukasan, lalo lang itong bumibigat. Tinali niyang maayos ang buhok dahil wala naman siyang dalang kahit anong pampaganda. Isang simpleng mukha lang ang itsura niya. Hindi niya pinangarap na ganito kapangit ang itsura niya sa araw ng kanyang kasal. Maski foundation o lipstick, wala man lang siya.
Pagkalabas niya ng kuwarto, laking gulat niya nang makita na naman ang lalaking nakakatakot kanina. Nakasandal ito sa dingding habang seryosong naninigarilyo. Bumaling ito sa kanya. Agad na tinapakan ang sigarilyo at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Nagtagal ang titig nito sa mukha niya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dahil kinikilabutan siya sa mga titig nito... parang may nagawa siyang mali.
"Have you looked at yourself in the mirror?"
Sabi na nga ba niya, sobrang pangit niya talaga dahil wala man lang siyang kolorete sa mukha. Iniling niya ang ulo saka nagbuntong-hininga.
"Do you think may oras pa ako para magpaganda?"
"You're already beautiful. I'm referring to your eyes. It's swollen, you need to wipe your tears away. Baka isipin ng Lolo ko na pinaiyak kita."
Pinilig nito ang ulo.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa compliment nito o mapi-feel na insulto iyon.
"Hindi ba?" balik niyang tanong. "Sapilitan mo akong ipakasal sa'yo. Do you think hindi nakakainyak ito?"
Kinunutan lang siya ng noo ng lalaki, para bang wala itong pakialam sa nararamdaman niya.
"Huwag kang umalis sa tabi ko," malamig nitong sabi. "The ceremony will start as soon as you get out in the rest house. Just follow me."
Umahon ito sa pagkasandal at naunang naglakad. Hirap naman siyang sumunod dahil medyo mahaba ang suot niyang wedding gown. Panay ang tingin niya sa lalaking nasa unahan—maski isang beses, hindi man lang siya binalingan o kinumusta kung kaya ba niyang dalhin ang wedding gown nang mag-isa.
Sa takot siya sa lalaking iyon, tahimik na lang siyang sumunod. Hindi na siya nagreklamo. Hindi na lang niya pinagtuunan ng pansin ang kabuuan ng rest house, dahil ang tanging alam niya ay sobrang laki ng lugar na ito.
Nilakad niya ang mahabang first floor ng rest house. Malayo na ang lalaki sa kanya. At doon niya lang napansin na maraming naka-men in black sa bawat sulok ng first floor. Para silang mga statwa sa tabi, hindi umiimik, maski magsalita.
Ganito ba talaga kayaman ang lalaking papakasalan niya? Ang dami nitong bodyguards sa paligid, naka-de-uniporme pa. Malalaki ang hawak na baril. Parang isang putok lang, diretso ka na kay kamatayan.
Ilang beses siyang lumunok nang makarating sa pintuan ng rest house. Ang sabi ng lalaki, magsisimula na ang ceremony oras na lumabas siya rito.
Biglang may humarang na lalaki sa kanya. Kinunutan niya ito ng noo dahil ito ‘yung lalaking gray ang buhok kanina.
"Ikaw 'yung lalaki kanina!" bulalas niya at galit siyang tumitig dito. Umatras ito palayo at ngumisi.
"Hi... I'm Jake. Nandito ako para sabihin sa’yo ang mga gagawin mo. Ang utos ni bossing, dapat kailangan mong kumalma at magpanggap na masaya habang ikakasal. Dahil ‘yung Lolo niya mismo ang makikilala mo. Siya ang importanteng tao na nandito, kaya kailangan mong mag-ingat sa mga galaw at pananalita mo kung ayaw mong si bossing mismo ang papatay sa’yo."
Sa totoo lang, nakakatakot na talaga ang lugar na ito puro pagpatay ang ginagamit nilang salita para takutin ang isang tao.
"Wala kayong kasing sama! Gusto ko lang naman umuwi bakit—"
"Magsisimula na ang kasal niyo ni boss. Lumabas ka na rito." Tinalikuran siya ng lalaki.
Huminga na lang siya nang malalim. Pagkabukas ng pintuan, bumungad sa kanya ang simoy ng hangin mula sa dalampasigan. May red carpet siyang tatapakan at maraming bulaklak ang nasa paligid. Sa pinakagitna ng red carpet, may arc formation na may disenyo gamit ang mga artificial na bulaklak.
Hindi niya gusto ang lahat ng nangyayari ngayon. Ngunit kailangan niyang gampanan ang papel lalo na’t napansin niyang may isang armadong lalaki ang patagong tumutok sa kanya ng baril.
Kung hindi niya itutuloy ang kasal, alam niyang hindi siya makakalabas ng buhay sa islang ito. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago narinig ang tunog ng violin at piano. Hinawakan niya nang mariin ang ibang bulaklak para walang makapansin sa panginginig ng kanyang mga kamay.
Nagsimula siyang maglakad palapit sa lalaki at sa pari. Mahina ang bawat hakbang ng kanyang mga paa. Nagmistula siyang pagong sa bagal ng paglalakad.
Nang makarating siya sa arc, doon niya nakita ang isang matanda na may hawak na tungkod. Nakatitig ito sa kanya ng diretso at tumango habang nakangisi.
Sinubukan niyang ngumiti. Napansin niya ang lalaki na nagbigay ito ng senyas na ngumiti siya sa kanyang lolo. Mukhang iyon na nga ang matandang tinutukoy nito. Tulad ng sinabi sa kanya kanina sa labas ng kuwarto, kailangan niyang gumalaw nang maayos at i-impress ang matandang lalaki.
Bawat tapak sa carpet ay may kasamang patak ng luha. Para siyang pinagsakluban ng lahat ng sama ng loob. Kulang ang salitang “takot” upang ilarawan ang kanyang nararamdaman.
Pagkarating sa harapan ng lalaki, agad itong naglahad ng kamay. Tinaas nito ang kilay nang mapansing wala siyang balak abutin iyon.
"Don't make me kill you," bulong nito, sakto lang para siya lang ang makarinig.
Huminga siya nang malalim saka tinanggap ang kamay nito. Pagdating nila sa harap ng pari, agad nagsimula ang seremonya. Lutang siya sa mga nangyayari. Sinusunod na lang niya ang bawat utos ng pari.
Nagpirma sila sa isang marriage contract at pangalan ni Claudette ang nilagay roon dahil 'yun ang sabi ng lalaki. At isa sa mga kinatatakutan niyang mangyari...
"You may now kiss your bride."
Para siyang nakalutang sa kawalan at hindi niya alam kung ano'ng sasabihin, lalo na't first kiss pa niya ang mawawala. Nagkatinginan sila ng lalaki. Seryoso lang itong nakatitig sa kanya. Hinimas pa nito ang pisngi niya kaya agad siyang lumayo, ngunit hinawakan nito ang isa niyang braso at mariin iyong pinisil.
"Stay... My grandfather is looking on us. Don’t make me pull the trigger just because you disobeyed me. Would you like to die in here?"
Heto na naman siya, tinatakot na naman siya sa mga salita nito. Bago pa siya makapagsalita, bigla na lang nitong nilapit ang labi sa kanya. Mabilis lang ang halik, halos hindi niya naramdaman ang mga labi nito.
At iyon na nga. Kasal na siya sa isang estranghero.
"Glad to meet you, iha. Hindi ko akalain na ang ganda pala ng napangasawa ng apo ko," ani ng matandang lalaki sa harapan niya.
"She's really amazing, Lolo. As I have said… She's perfectly fine and I know you would like her a lot," sabi naman ng lalaking pinakasalan niya.
"You have a good taste, Elijah. I'm so proud of you. Natali ka na rin sa wakas. Akala ko wala kang balak mag-asawa. Mabuti na lang naisipan mong magpakasal. Kailangan ko na talaga ng apo sa tuhod."
Elijah? Iyon ba ang pangalan nito?
"Have fun here, Lolo. My wife is tired. Mukhang kailangan na niyang magpahinga muna."
Nakahawak pa rin si Elijah sa bewang niya. Sa tuwing may warning ito at hindi gusto ang ipinapakita niyang trato, agad itong bumubulong sa tenga niya at tinatakot siya.
"Oh sure, mukhang pagod nga ang asawa mo. You can have take a rest, iha. Nice meeting you, Claudette." Naglahad ito ng kamay sa harapan niya pagkatapos niyang ipakilala ang buong pangalan niya.
Tumingin siya kay Elijah at sinenyasan siya nito na tanggapin iyon nang bukal sa loob. Dahil magaling yata siyang umarte, kinailangan niyang magpanggap na masaya sa harapan ng matanda.
"Nice meeting you po. Don’t worry, bigyan ko kayo ng maraming apo sa tuhod."
Muling natawa ang matanda. "Simulan niyo na agad ngayong gabi."
Is that a joke? Hindi niya maiwasang ngumiti pero dahil kailangan niyang magpanggap na masaya, tumawa na lang siya sabay tango.
"Grandpa, ihahatid ko lang ang asawa ko sa kuwarto. I’ll come back here," tikhim ni Elijah.
Nakahinga siya nang maluwag. Sa wakas makakaalis na rin siya roon. Hindi na niya kailangang magpanggap na masaya para lang makuha ang loob ng matanda.
"Okay, iho... I’ll wait here."
Inalalayan siya ni Elijah papasok sa loob ng rest house. Mariin ang kapit nito sa kanyang bewang, ngunit maingat rin ito sa paghawak sa kanya. Ngunit noong makapasok sila sa loob ng rest house kung saan wala na ang lolo nito, agad siyang binitawan ni Elijah at lumayo ito sa kanya.
"Go, take a rest in the room," walang kabuhay-buhay na utos nito na tila ba isa siyang batang paslit na kayang utusan basta-basta.
"Uuwi na ako... I’ve done my part. We’re already married. I wanna go home."
"No, you’re not going somewhere," pinal nitong sabi. Mas lalo itong sumeryoso at nakakatakot pagmasdan.
Nalaglag ang panga niya.
"Akala ko ba makakaalis na ako pagkatapos ng kasal natin?!"
Namulsa ito sa harapan niya at balewalang naglabas ng sigarilyo. Nilagay iyon sa bibig at sinindihan gamit ang lighter. Wala itong pakialam sa mga sinasabi niya. Humithit muna ito nang ilang saglit bago nagsalita.
"My grandfather will stay here for five days. And on that day… kailangan mo pa ring magpanggap. Kailangan mo rin akong samahan. And you’re free if you did your job."
Kung may mas malala pa sa pagpapakasal sa baliw na lalaking ito, 'yon ang samahan siya rito at magpanggap na masayahing asawa niya.
"You’re a jerk!" tanging nasabi niya, naiiyak na naman siya.
Pinagmasdan siya nito sandali saka walang ganang tumalikod. Hindi man lang siya binigyan ng assurance para makampante sa pananatili niya roon ng ilang araw.
Paano kung patayin siya nito pagkatapos ng limang araw? Paano siya makakasigurong makakauwi siya ng buhay?
Unang araw pa lang ni Claudette sa rest house ni Elijah, tila hindi na niya yata kaya. At ang masaklap pa... akala niya'y sa pagpapakasal lang matatapos ang lahat, pero hindi pala ganoon kasimple. Parang unti-unti siyang nahihirapang huminga habang naroon. Kailangan niyang mag-adjust."W-What? We're... gonna stay in the same room?" Para siyang nabagsakan ng mabigat na bagay nang marinig ang sinabi nito. Tapos na siya sa lahat, naligo na at nakapagpalit ng damit. Pinahiram siya ni Elijah ng isang malaking t-shirt at boxer. Hanggang hita ang haba at labis sa laki para sa kanya.Patulog na sana siya nang kumatok ito sa pintuan at ipinaalam na doon ito matutulog."We're already married. Magtaka si lolo kung sa ibang kuwarto ako matutulog. I'm gonna stay here tonight."Ni-lock ni Elijah ang pinto at dumiretso sa loob, para bang normal lang ang lahat. Napanganga si Claudette sa presko nitong kilos at pagkakasabi. Mabilis siyang lumapit at hinarangan ito bago pa makapag-alis ng damit."T-Tek
"Kapag nalaman ng Daddy ko ang ginawa nila sa akin, mananagot sila!" ngitngit na bulong ni Claudette.Mabigat ang suot niyang wedding gown. Buong minuto na niyang inaayos ang sarili dahil hindi siya mapakali. Para siyang lalamunan ng sama ng loob, dahil hindi niya gusto ang nangyayari sa buhay niya.Parang kahapon lang, nakahiga pa siya sa malambot na kama, nagtatrabaho sa isang bilang CEO. Kung alam lang niya na mapupunta siya sa islang ito, sana hindi na lang siya tumuloy. Sana hindi siya namomroblema nang ganito, at hindi siya sasabak sa kasalan ng isang estranghero.Pinunasan niya ang mga luha. Tuwing naiisip niya ang kinabukasan, lalo lang itong bumibigat. Tinali niyang maayos ang buhok dahil wala naman siyang dalang kahit anong pampaganda. Isang simpleng mukha lang ang itsura niya. Hindi niya pinangarap na ganito kapangit ang itsura niya sa araw ng kanyang kasal. Maski foundation o lipstick, wala man lang siya.Pagkalabas niya ng kuwarto, laking gulat niya nang makita na naman a
Nagising si Claudette sa malambot na kama. Ramdam niya ang sakit ng ulo at pagkahilo. Agad siyang dumaing nang pagkamulat ng mata, mas lalo niyang naramdaman ang pananakit nito. Natulala siya nang ilang saglit, iniisip ang nangyari kanina."W-What... was happening? W-Where am I?"Una niyang nakita ang mataas na ceiling na may malaki at magandang chandelier. Huminga siya nang malalim sapagkat hindi niya talaga alam kung nasaan siya. Agad siyang bumangon nang mapagtanto niyang hindi pala panaginip ang nangyari kanina—na may maraming armadong lalaking gusto siyang patayin."You still have 5 minutes to change your clothes."Naigtad siya sa gulat nang makarinig ng baritonong tinig sa isang sulok kung saan mayroong sofa. May isang lalaking nakaupo sa black leather couch. Hindi pa niya masyadong makita nang klaro ang mukha nito pero sa paraan ng pag-upo, nakakatakot itong pagmasdan. Sa aura nito at sa pananamit, para itong isang serial killer sa pelikula. Naka-black suit at may suot na black
"Mga inutil! Hanggang ngayon ay wala pa rin kayong mahanap na babaeng magiging asawa ko pansamantala, bilang pamalit kay Akiko?" nanglaiting tanong ni Elijah Reigo sa dalawang armadong lalaki sa harapan niya.Nakita niya ang takot na tingin ng mga ito sa kanya. Nagtutulakan ang mga ito kung sino ang sasagot. Pinatunog niya ang dila, hudyat na hindi niya nagustuhan ang hindi nila pagsagot. Maliit lang ang pasensiya niya at alam ng mga ito na sawa na siya sa paulit-ulit na tanong."Did you hear what I was asking? Did you find a damn fúcking woman to replace my fiancée?" tanong niya, habang nagngingitngit ang ngipin. Hinampas niya ang lamesa sa sobrang galit.A very trusted bodyguard of his stood in front of him. "Sa totoo lang boss, sobrang hirap maghanap ng babae sa Isla na ito. Alam mo namang private resort itong pinuntahan natin. Katatapos lang din ng bagyo.""God fúcking damn it..." malutong niyang pagmumura na naging dahilan para umatras ang mga ito palayo.Pinaikot niya ang hawak