Share

Mark by Him: Owning By The Devil (Series #2)
Mark by Him: Owning By The Devil (Series #2)
Author: EmilyLovesParis

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-06-10 17:25:22

"Mga inutil! Hanggang ngayon ay wala pa rin kayong mahanap na babaeng magiging asawa ko pansamantala, bilang pamalit kay Akiko?" nanglaiting tanong ni Elijah Reigo sa dalawang armadong lalaki sa harapan niya.

Nakita niya ang takot na tingin ng mga ito sa kanya. Nagtutulakan ang mga ito kung sino ang sasagot. Pinatunog niya ang dila, hudyat na hindi niya nagustuhan ang hindi nila pagsagot. Maliit lang ang pasensiya niya at alam ng mga ito na sawa na siya sa paulit-ulit na tanong.

"Did you hear what I was asking? Did you find a damn fúcking woman to replace my fiancée?" tanong niya, habang nagngingitngit ang ngipin. Hinampas niya ang lamesa sa sobrang galit.

A very trusted bodyguard of his stood in front of him. "Sa totoo lang boss, sobrang hirap maghanap ng babae sa Isla na ito. Alam mo namang private resort itong pinuntahan natin. Katatapos lang din ng bagyo."

"God fúcking damn it..." malutong niyang pagmumura na naging dahilan para umatras ang mga ito palayo.

Pinaikot niya ang hawak na baril gamit ang daliri. Tinukod niya ang siko sa armrest at nag-isip ng malalim kung paano niya sosolusyunan ang problemang kinakaharap niya.

"Kung bigyan niyo sana kami ng isang araw para magdala ng babae rito sa Isla, makakaya pa namin bossing pero isang oras lang ang binigay niyo sa amin. Nasa gitna pa tayo ng karagatan. Isda ang marami rito."

"Did I ask your opinion, Jake?!" giit niya sa galit. "Do you think it's funny?" mariin niyang tanong.

Tinaas ni Jake ang kamay na may hawak pang baril. Nang titigan niya ito, agad itong itinago sa likod at ngumisi na parang aso. Ikinunot niya ang noo.

"Pasensiya na, boss. Gusto ko lang kayong pasayahin."

"Cut the crap! For thirty minutes my grandfather will come in this island! Kapag alam niyang nagsinungaling ako, he will not forgive me. He will abandon me. And worse, he will kill me... I need a damn wife right now. So find me a woman or else..."

"Pero boss, nasaan ba kasi si Ma'am Akiko? Bakit hindi siya sumipot sa kasal niyo? Akala ko ba mahal ka ng babaeng 'yun? Ikaw pa tuloy ang malintikan sa Lolo mo niyan at isipin niyang nagsinungaling ka sa kasal niyo," ani Jake habang umiiling.

Mas lalo nitong pina-init ang ulo ni Elijah lalo na't hanggang ngayon iniisip pa rin niya kung ano'ng naging kasalanan niya sa fiancée niya at bakit siya hindi sinipot sa mismong araw ng kasal nila. This is a private wedding dahil 'yun ang gusto ng babae. At ngayong araw din sana makikilala ng babae ang Lolo niya. At ngayon lang sila magkikita. Everything was ruined because of her. Ayaw niyang mawala ang tiwala ng Lolo niya dahil lang sa kasal na ito.

"Mukhang pera lang yata ang habol ng babaeng 'yun sa'yo kaya siguro hindi dumating sa kasal niyo dahil ayaw niyang magpakasal. Baka sumama na sa ibang lalaki," panggagatong pa ni Bobby. He is his trusted bodyguard too.

Hindi niya maiwasang mainis sa mga pinagsasabi ng mga ito. Sinamaan niya sila ng tingin. Humakbang ang mga ito paatras nang tumayo siya at pinatunog ang baril sa harapan nila. Halos tamaan na niya ang mga paa ng mga ito nang dalawang bala ang tumama sa tabi ng mga sapatos nila.

"Maghahanap kayo ng babaeng ipapalit kay Akiko o sa ulo niyong dalawa ipasabog itong hawak kong baril." And he pointed the gun on their forehead. Kita niyang nanginginig sila sa takot. Siniko ni Jake si Bobby.

"M-Maghahanap na kami boss," taranta nilang sabi.

"I'll give you twenty minutes to find a woman... Kapag wala kayong makuhang babae para gawin kong pamalit, two of your damn head will be buried."

"Gagawin namin ang lahat para—Ah! Shit!"

Hindi na natapos ni Jake ang sasabihin nang kamuntikan na niya itong mabaril sa may tenga.

"No more talking!" he said irritatedly.

Nagmadaling umalis ang dalawang tauhan niyang sina Jake at Bobby, sinama nila ang iba pang mga naka-men in black.

Of all the places na pwede niyang pakasalan si Akiko, dito pa talaga sa Isla kung saan sobrang layo sa mga syudad. Alam niyang imposibleng makahanap ng babae sina Jake sa Isla na ito. It took a fúcking 3 hours before they arrived in here from the city. Sobrang layo pang karatig Isla.

Hindi alam ni Elijah kung saan siya maghahanap ng babae para magpanggap na maging bride niya pansamantala. Because his real fiancée hasn't come in their wedding. Mabuti na lang hindi pa nakikita ni Lolo ang babaeng papakasalan niya kaya pwede pa siyang maghanap ng ipapalit muna kay Akiko.

And he’ll make sure... After this wedding, hahanapin niya ang babaeng 'yun. Hindi puwedeng iwan na lang siya nito nang ganito. He needs her damn fúcking explanation why she left him behind.

Kung totoo man na pera lang ang habol nito sa kanya, hindi niya ito mapapatawad. He’ll make her life miserable as hell.

No one can turn him down, not her. Hindi niya ito papatahimikin.

**

Dahan-dahang iminulat ni Claudette ang kanyang mga mata nang maramdaham ang marahang tumutulak sa likod niya.

Mabilis siyang umupo at napasinghap nang mga armadong lalaki ang bumungad sa kanya. Kinurap niya ang mga mata para tiyaking hindi siya nananaginip lang. Nakaramdam siya ng takot dahil malalaki ang mga baril na hawak ng mga ito. Nakatutok pa ito sa kanya. And all of them were wearing a black suit. Para silang mga bodyguard o miyembro yata ng sindikato.

They looked very scary!

“Paano ka napunta rito? Hindi mo ba alam na isa itong pribadong Isla at walang pwedeng makakatapak sa lugar na ito? Pwede mong ikamatay ang pagpunta rito nang walang pahintulot sa boss namin!” Isa sa armadong lalaki ang nagsabi niyon.

Kinurap ulit ni Claudette ang mga mata. Wala siya sa pamilyar na lugar at hindi niya alam kung anong gagawin.

“W-Wait… Let me explain. Huwag niyo akong patayin!” tanging nasabi niya.

Pinagpawisan siya. Sobrang lakas ng kaba niya sa mga oras na ’yon. Of all the places na pwede siyang tangayin ng alon ng dagat, dito pa sa Isla kung saan maraming mga sindikato ang nanirahan.

Parang may senyas ang isa sa kanila. May nakita si Claudette na isang lalaki na may kausap sa tainga nito na konektado sa kung saan. Kung hindi siya nagkakamali, parang earpiece ’yon.

“Parating na si Jake at Bobby para kunin ang babaeng ’yan. Sila na ang bahala rito. Mukhang siya na ang gagawing pamalit ni boss,” narinig niyang sabi noong isa.

Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Bigla na lang siyang hinawakan ng dalawang lalaki sa braso at sa pilitan na itinayo mula sa pagkakaupo sa buhanginan.

“Bitawan niyo ako! Ano ba! Magpapaliwanag nga sabi ako! Hindi ko intensyon ang pumunta rito sa Isla! Nasira ang yate ko at inabot ako ng bagyo kagabi! I just really need a help!” Sa kabila ng takot, nagawa pa rin ni Claudette na pumalag.

Dahil marunong naman siya sa martial arts, sinubukan niyang labanan ang mga ito. Pinatid niya ang isa sa armadong lalaki sa ibabang parte nito at nakita niyang sumugod pa ang isa para hawakan siya sa kamay, pero hindi ito nagtagumpay nang balian niya ng kaliwang braso. Ngunit nabitawan niya agad ang lalaking armado nang makarinig siya ng tunog ng baril.

“Tama na ’yan! Huwag niyong labanan baka magasgasan!”

Napaatras siya sa gulat nang may dalawang lalaki ang lumapit sa kanya. Mukhang kadarating lang nila. Silang dalawa yata ang nagpaputok ng baril. They were wearing a black uniform too. Mukhang iba lang ang aura ng dalawang ito kumpara sa mga lalaking armado na nakapalibot sa kanila. Dahil doon, nakita ni Claudette na sinusunod ng iba ang utos ng isa sa mga ito nang sumenyas itong bitawan siya.

“Ano’ng ginagawa mo rito sa Isla? Hindi mo ba alam na delikado ka rito?” sabi ng lalaking may grey na buhok. Matangkad ito at may appeal. Ngunit seryoso ang tingin sa kanya.

“Nasira ang yate ko. Naabutan ako ng bagyo kagabi at wala dito ako dinala ng alon sa Isla niyo. Don’t worry, aalis agad ako kapag natawagan ko na—”

“Sino’ng may sabi sa’yong aalis ka?” singit naman noong isang lalaki na kasama nito sa pagdating. “This is a private property. Kung sino man ang makapunta rito nang walang pahintulot sa itaas, hindi na makakalabas ng buhay.”

Nanlaki ang mata ni Claudette at lumunok nang tutukan siya ng baril. Umatras siya palayo ngunit nabangga sa isa pang armadong lalaki.

Tumingin sila sa kanya gamit ang seryosong tingin. Nakita ni Claudette na may binulong ang lalaking may grey na buhok sa kasama nito. Pagkatapos kumislap ang mata niya, sabay tango.

“You know what… I can pay you a lot of money. Paalisin niyo lang ako rito.” Kahit takot na takot na siya sa mga tingin nila sa kanya, nandoon pa rin ang kumpiyansa niya na baka maawa pa sila.

Hindi niya matanggap na sa Isla na ito magwawakas ang buhay niya.

“Hindi namin kailangan ng pera mo… Ang gusto namin ay manatili ka rito sa Isla dahil magmula ngayon magiging asawa ka na ng boss namin. At ngayong araw ikakasal kayong dalawa. Sa ayaw o sa gusto mo, magiging pamalit ka muna.”

Laglag ang panga niya. "Mga nahihibang na kayo? Anong kasal—" Naputol ang huli niyang salita nang pinaamoy sa kanya ang isang panyo at nawalan siya ng malay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mark by Him: Owning By The Devil (Series #2)   Chapter 4

    Unang araw pa lang ni Claudette sa rest house ni Elijah, tila hindi na niya yata kaya. At ang masaklap pa... akala niya'y sa pagpapakasal lang matatapos ang lahat, pero hindi pala ganoon kasimple. Parang unti-unti siyang nahihirapang huminga habang naroon. Kailangan niyang mag-adjust."W-What? We're... gonna stay in the same room?" Para siyang nabagsakan ng mabigat na bagay nang marinig ang sinabi nito. Tapos na siya sa lahat, naligo na at nakapagpalit ng damit. Pinahiram siya ni Elijah ng isang malaking t-shirt at boxer. Hanggang hita ang haba at labis sa laki para sa kanya.Patulog na sana siya nang kumatok ito sa pintuan at ipinaalam na doon ito matutulog."We're already married. Magtaka si lolo kung sa ibang kuwarto ako matutulog. I'm gonna stay here tonight."Ni-lock ni Elijah ang pinto at dumiretso sa loob, para bang normal lang ang lahat. Napanganga si Claudette sa presko nitong kilos at pagkakasabi. Mabilis siyang lumapit at hinarangan ito bago pa makapag-alis ng damit."T-Tek

  • Mark by Him: Owning By The Devil (Series #2)   Chapter 3

    "Kapag nalaman ng Daddy ko ang ginawa nila sa akin, mananagot sila!" ngitngit na bulong ni Claudette.Mabigat ang suot niyang wedding gown. Buong minuto na niyang inaayos ang sarili dahil hindi siya mapakali. Para siyang lalamunan ng sama ng loob, dahil hindi niya gusto ang nangyayari sa buhay niya.Parang kahapon lang, nakahiga pa siya sa malambot na kama, nagtatrabaho sa isang bilang CEO. Kung alam lang niya na mapupunta siya sa islang ito, sana hindi na lang siya tumuloy. Sana hindi siya namomroblema nang ganito, at hindi siya sasabak sa kasalan ng isang estranghero.Pinunasan niya ang mga luha. Tuwing naiisip niya ang kinabukasan, lalo lang itong bumibigat. Tinali niyang maayos ang buhok dahil wala naman siyang dalang kahit anong pampaganda. Isang simpleng mukha lang ang itsura niya. Hindi niya pinangarap na ganito kapangit ang itsura niya sa araw ng kanyang kasal. Maski foundation o lipstick, wala man lang siya.Pagkalabas niya ng kuwarto, laking gulat niya nang makita na naman a

  • Mark by Him: Owning By The Devil (Series #2)   Chapter 2

    Nagising si Claudette sa malambot na kama. Ramdam niya ang sakit ng ulo at pagkahilo. Agad siyang dumaing nang pagkamulat ng mata, mas lalo niyang naramdaman ang pananakit nito. Natulala siya nang ilang saglit, iniisip ang nangyari kanina."W-What... was happening? W-Where am I?"Una niyang nakita ang mataas na ceiling na may malaki at magandang chandelier. Huminga siya nang malalim sapagkat hindi niya talaga alam kung nasaan siya. Agad siyang bumangon nang mapagtanto niyang hindi pala panaginip ang nangyari kanina—na may maraming armadong lalaking gusto siyang patayin."You still have 5 minutes to change your clothes."Naigtad siya sa gulat nang makarinig ng baritonong tinig sa isang sulok kung saan mayroong sofa. May isang lalaking nakaupo sa black leather couch. Hindi pa niya masyadong makita nang klaro ang mukha nito pero sa paraan ng pag-upo, nakakatakot itong pagmasdan. Sa aura nito at sa pananamit, para itong isang serial killer sa pelikula. Naka-black suit at may suot na black

  • Mark by Him: Owning By The Devil (Series #2)   Chapter 1

    "Mga inutil! Hanggang ngayon ay wala pa rin kayong mahanap na babaeng magiging asawa ko pansamantala, bilang pamalit kay Akiko?" nanglaiting tanong ni Elijah Reigo sa dalawang armadong lalaki sa harapan niya.Nakita niya ang takot na tingin ng mga ito sa kanya. Nagtutulakan ang mga ito kung sino ang sasagot. Pinatunog niya ang dila, hudyat na hindi niya nagustuhan ang hindi nila pagsagot. Maliit lang ang pasensiya niya at alam ng mga ito na sawa na siya sa paulit-ulit na tanong."Did you hear what I was asking? Did you find a damn fúcking woman to replace my fiancée?" tanong niya, habang nagngingitngit ang ngipin. Hinampas niya ang lamesa sa sobrang galit.A very trusted bodyguard of his stood in front of him. "Sa totoo lang boss, sobrang hirap maghanap ng babae sa Isla na ito. Alam mo namang private resort itong pinuntahan natin. Katatapos lang din ng bagyo.""God fúcking damn it..." malutong niyang pagmumura na naging dahilan para umatras ang mga ito palayo.Pinaikot niya ang hawak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status