Unang araw pa lang ni Claudette sa rest house ni Elijah, tila hindi na niya yata kaya. At ang masaklap pa... akala niya'y sa pagpapakasal lang matatapos ang lahat, pero hindi pala ganoon kasimple. Parang unti-unti siyang nahihirapang huminga habang naroon. Kailangan niyang mag-adjust.
"W-What? We're... gonna stay in the same room?" Para siyang nabagsakan ng mabigat na bagay nang marinig ang sinabi nito. Tapos na siya sa lahat, naligo na at nakapagpalit ng damit. Pinahiram siya ni Elijah ng isang malaking t-shirt at boxer. Hanggang hita ang haba at labis sa laki para sa kanya.
Patulog na sana siya nang kumatok ito sa pintuan at ipinaalam na doon ito matutulog.
"We're already married. Magtaka si lolo kung sa ibang kuwarto ako matutulog. I'm gonna stay here tonight."
Ni-lock ni Elijah ang pinto at dumiretso sa loob, para bang normal lang ang lahat. Napanganga si Claudette sa presko nitong kilos at pagkakasabi. Mabilis siyang lumapit at hinarangan ito bago pa makapag-alis ng damit.
"T-Teka! Teka! Hindi naman yata pwede 'yan. Alam mong hindi kita kilala at sa pilitan ang pagpapakasal ko sa'yo. We don't need to pretend anymore that we're loving each other. So, walang rason para matulog tayo sa iisang kama. You're a stranger and I hate you for blackmailing me!" diretsahan niyang sambit.
Tiningnan siya ni Elijah nang walang emosyon. Kahit anong kisig ng katawan nito, ang buong atensyon ni Claudette ay nasa mukha lang nito. Gusto niyang umiwas sa anumang tukso. Ramdam niya na sa titig pa lang ng lalaki, kaya ka nitong patigilin sa paghinga. Paano pa kung sa katawan nitong parang sundalo sa hulma? Isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit siya natatakot. Parang kayang-kaya siya nitong patumbahin nang walang kahirap-hirap.
"I hate to do this. But I don't have a choice. This is part of our marriage, being in the same room. We don't need to pretend that we're in love. Unless if my grandpa is on us."
"Kahit na... Hindi ako sanay na may kasama sa iisang kuwarto. I want you to leave!" mariing sabi niya.
Mula kanina, ngayon lang siya nagkalakas ng loob na sitahin ito. Ngunit tinignan lang siya nito nang tila walang interes.
"This ain't your room. You're the one who leave if you want. Unless if you want to sleep with my men? There's no room available here." Tinaasan pa siya nito ng kilay.
Muli siyang napanganga. Kinurap-kurap niya ang mga mata sa preskong asal ng lalaki. Hinintay ni Elijah kung may sasabihin pa siya, pero wala na siyang nasabi. Nilagpasan siya nito at dumiretso sa banyo.
Gusto na lang niyang sumigaw sa inis. Oh hell! Bakit siya pinapahirapan nito nang ganito?
Umupo siya sa kama at nagsimulang mag-isip kung saan siya hihiga. Hindi na siya pwedeng umalis sa kuwarto dahil, ayon kay Elijah, ubos na ang mga kuwarto. Marami kasi sa mga tauhan nito ang naroon, kaya puno ang rest house kahit gaano pa ito kalaki.
Malaki naman ang kuwarto. Pwede siyang humiga sa sahig. Hindi siya sanay, pero mas gugustuhin na niya iyon kaysa matulog sa iisang kama kasama ang lalaking iyon. Kaya, sa unang pagkakataon sa buong buhay niya, sa sahig siya matutulog. Titiisin na lang ang lamig.
Bago pa matapos si Elijah sa pag-shower, naghanap na siya ng maipapatong sa sahig at isang kumot para kahit papaano'y maging komportable ang pagtulog niya.
Nakahanap rin agad siya ng isang manipis na foam at isang comforter. Kumuha rin siya ng unan sa kama, binawasan ang apat na unan roon. Agad niyang nilatag ang foam. Medyo malayo ang distansya nito sa kama. Sinubukan niyang matulog kahit hindi siya komportable sa higaang iyon. Ilang beses siyang palimbag-limbag. Pilit niyang hinahanap ang kumportableng posisyon. Naka-ilang paglunok pa siya sa ilalim ng comforter nang marinig niya ang pagbukas ng shower room, hudyat na tapos na si Elijah maligo.
Naamoy niya ang shampoo at sabon—sobrang bango ng buong kuwarto pagkalabas nito. Hindi masakit sa ilong.
Hindi na siya gumalaw sa higaan dahil ayaw niyang isipin ni Elijah na gising pa siya. Pikit lang ang mga mata, ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit nagkakagulo ang damdamin niya sa presensiya ng lalaki.
Narinig niya ang mga yabag nito palapit sa kanya. At dama niya ang presensiya nitong nakatayo sa likuran niya. Naamoy niya rin ito... sobrang bango.
“Why are you sleeping on the floor?”
Dahil nagpanggap siyang tulog, hindi niya ito pinansin. For what? Halata namang ayaw niyang makatabi ito sa kama, bukod pa sa hindi niya ito kilala. Nakakatakot rin ang lalaking 'yon. Kaya bakit pa ito nagtatanong?
“Who told you to sleep in there!” anito ulit sa baritonong tinig. Umaalingawngaw iyon sa buong kuwarto.
Iniisip na lang niya sa mga oras na 'yon, pagtiyagaan na lang ang pagsama sa lalaking ito hanggang makauwi ang Lolo nito. Wala rin naman siyang magagawa lalo na't maraming tauhan sa rest house at hindi siya basta-basta makakatakas.
“Hey...” tawag ulit nito. Tinapik pa siya sa balikat. Pero mahusay siyang umarte, napaniwala niya ito na tulog na nga siya dahil sa kalaunan, umalis rin ito.
Narinig niyang bumukas ang malaking closet. Sumilip siya sandali at nakita niyang nagbibihis na ito. Nakatapis lang ito ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan. Napakunot ang noo niya nang tanging likod lang ang nakita niya. May malaking tattoo ito sa likod, halos sakupin na ang buong bahagi. Mahirap matukoy kung ano ang disenyo ng tattoo. Maging sa braso nito, may tattoo rin. Hindi siya makapaniwalang ganun ka-maskulado ang katawan ng lalaki, pati ang mga biceps nito.
Nang makita niyang nagsuot na ito ng puting T-shirt, bumalik siya sa puwesto kanina, gayon din ang posisyon sa pagtulog. Narinig niyang muli ang mga yapak nito palapit sa kanya.
“I’ll carry you on the bed. You must sleep in there. I’ll be the one who gonna sleep here instead.”
Hindi niya alam kung napansin ba nito na gising siya, dahil kinakausap pa rin siya kahit halatang tulog ang inaakto niya. O baka alam nitong nagpapanggap lang siya?
Bago pa siya makareact, naramdaman na lang niyang iniangat siya mula sa foam. Binuhat siya nito. Gusto niyang magsigaw sa gulat pero dahil walang hirap siyang pinasan, pinakalma na lang niya ang sarili at mariing pinikit ang mga mata. Patuloy ang pagpapanggap na tulog siya.
Ilang sandali pa, naramdaman niya ang paglapag ng katawan niya sa kama. Hindi niya alam, pero para bang unti-unting nagkaroon siya ng kaunting tiwala rito. Akala niya sobrang sama na talaga ng lalaki at pababayaan siyang matulog sa sahig, pero hindi siya hinayaang manatili roon.
Does he care for her? Or maybe he just wanted to act like a good husband? Nakonsensiya kaya ito dahil napilitan siyang pakasalan? At ito ang paraan nito para alagaan siya?
Naramdaman pa niyang tinakpan siya ng kumot bago ito tuluyang lumayo sa tabi ng kama.
Narinig niya ang pagpatay ng ilaw at tanging dim light ng kuwarto ang naiwan.
Sa gabing iyon, nakatulog siya nang walang ibang iniisip. Imbes na pagkukunwari lang ang tulog-tulugang akto niya, nauwi ito sa makatotohanan.
She felt really safe knowing that Elijah was on the floor... guarding her and letting her sleep on his smooth bed.
Unang araw pa lang ni Claudette sa rest house ni Elijah, tila hindi na niya yata kaya. At ang masaklap pa... akala niya'y sa pagpapakasal lang matatapos ang lahat, pero hindi pala ganoon kasimple. Parang unti-unti siyang nahihirapang huminga habang naroon. Kailangan niyang mag-adjust."W-What? We're... gonna stay in the same room?" Para siyang nabagsakan ng mabigat na bagay nang marinig ang sinabi nito. Tapos na siya sa lahat, naligo na at nakapagpalit ng damit. Pinahiram siya ni Elijah ng isang malaking t-shirt at boxer. Hanggang hita ang haba at labis sa laki para sa kanya.Patulog na sana siya nang kumatok ito sa pintuan at ipinaalam na doon ito matutulog."We're already married. Magtaka si lolo kung sa ibang kuwarto ako matutulog. I'm gonna stay here tonight."Ni-lock ni Elijah ang pinto at dumiretso sa loob, para bang normal lang ang lahat. Napanganga si Claudette sa presko nitong kilos at pagkakasabi. Mabilis siyang lumapit at hinarangan ito bago pa makapag-alis ng damit."T-Tek
"Kapag nalaman ng Daddy ko ang ginawa nila sa akin, mananagot sila!" ngitngit na bulong ni Claudette.Mabigat ang suot niyang wedding gown. Buong minuto na niyang inaayos ang sarili dahil hindi siya mapakali. Para siyang lalamunan ng sama ng loob, dahil hindi niya gusto ang nangyayari sa buhay niya.Parang kahapon lang, nakahiga pa siya sa malambot na kama, nagtatrabaho sa isang bilang CEO. Kung alam lang niya na mapupunta siya sa islang ito, sana hindi na lang siya tumuloy. Sana hindi siya namomroblema nang ganito, at hindi siya sasabak sa kasalan ng isang estranghero.Pinunasan niya ang mga luha. Tuwing naiisip niya ang kinabukasan, lalo lang itong bumibigat. Tinali niyang maayos ang buhok dahil wala naman siyang dalang kahit anong pampaganda. Isang simpleng mukha lang ang itsura niya. Hindi niya pinangarap na ganito kapangit ang itsura niya sa araw ng kanyang kasal. Maski foundation o lipstick, wala man lang siya.Pagkalabas niya ng kuwarto, laking gulat niya nang makita na naman a
Nagising si Claudette sa malambot na kama. Ramdam niya ang sakit ng ulo at pagkahilo. Agad siyang dumaing nang pagkamulat ng mata, mas lalo niyang naramdaman ang pananakit nito. Natulala siya nang ilang saglit, iniisip ang nangyari kanina."W-What... was happening? W-Where am I?"Una niyang nakita ang mataas na ceiling na may malaki at magandang chandelier. Huminga siya nang malalim sapagkat hindi niya talaga alam kung nasaan siya. Agad siyang bumangon nang mapagtanto niyang hindi pala panaginip ang nangyari kanina—na may maraming armadong lalaking gusto siyang patayin."You still have 5 minutes to change your clothes."Naigtad siya sa gulat nang makarinig ng baritonong tinig sa isang sulok kung saan mayroong sofa. May isang lalaking nakaupo sa black leather couch. Hindi pa niya masyadong makita nang klaro ang mukha nito pero sa paraan ng pag-upo, nakakatakot itong pagmasdan. Sa aura nito at sa pananamit, para itong isang serial killer sa pelikula. Naka-black suit at may suot na black
"Mga inutil! Hanggang ngayon ay wala pa rin kayong mahanap na babaeng magiging asawa ko pansamantala, bilang pamalit kay Akiko?" nanglaiting tanong ni Elijah Reigo sa dalawang armadong lalaki sa harapan niya.Nakita niya ang takot na tingin ng mga ito sa kanya. Nagtutulakan ang mga ito kung sino ang sasagot. Pinatunog niya ang dila, hudyat na hindi niya nagustuhan ang hindi nila pagsagot. Maliit lang ang pasensiya niya at alam ng mga ito na sawa na siya sa paulit-ulit na tanong."Did you hear what I was asking? Did you find a damn fúcking woman to replace my fiancée?" tanong niya, habang nagngingitngit ang ngipin. Hinampas niya ang lamesa sa sobrang galit.A very trusted bodyguard of his stood in front of him. "Sa totoo lang boss, sobrang hirap maghanap ng babae sa Isla na ito. Alam mo namang private resort itong pinuntahan natin. Katatapos lang din ng bagyo.""God fúcking damn it..." malutong niyang pagmumura na naging dahilan para umatras ang mga ito palayo.Pinaikot niya ang hawak