Nagising si Claudette sa malambot na kama. Ramdam niya ang sakit ng ulo at pagkahilo. Agad siyang dumaing nang pagkamulat ng mata, mas lalo niyang naramdaman ang pananakit nito. Natulala siya nang ilang saglit, iniisip ang nangyari kanina.
"W-What... was happening? W-Where am I?"
Una niyang nakita ang mataas na ceiling na may malaki at magandang chandelier. Huminga siya nang malalim sapagkat hindi niya talaga alam kung nasaan siya. Agad siyang bumangon nang mapagtanto niyang hindi pala panaginip ang nangyari kanina—na may maraming armadong lalaking gusto siyang patayin.
"You still have 5 minutes to change your clothes."
Naigtad siya sa gulat nang makarinig ng baritonong tinig sa isang sulok kung saan mayroong sofa. May isang lalaking nakaupo sa black leather couch. Hindi pa niya masyadong makita nang klaro ang mukha nito pero sa paraan ng pag-upo, nakakatakot itong pagmasdan. Sa aura nito at sa pananamit, para itong isang serial killer sa pelikula. Naka-black suit at may suot na black tinted shades—mas lalo siyang kinilabutan.
“S-Sino ka? Papatayin mo ba ako?” Agad siyang tumayo mula sa kama. “I know martial arts. I know how to fight. Don’t you dare touch me.”
Hindi agad nagsalita ang lalaki. Naroon lang ito, pinapanood siya na para bang isa siyang baliw na kung anu-anong sinasabi.
Naalala na niya ngayon ang nangyari kanina, at kung bakit siya napunta sa malaking kwartong ito. May pinaamoy ang mga lalaki sa kanya... at...
Nanlaki ang mata niya nang may mapagtanto. Kinapa-kapa niya ang sarili, at sa ngayon, wala naman siyang naramdamang pananakit sa gitnang bahagi ng katawan. Hindi rin nagalaw ang suot niya. Buo pa rin siya.
“I didn’t touch you,” malamig na sabi ng lalaki, na tila ba alam nito ang iniisip niya. Halatang naiinis ito habang tinitingnan ang suot nitong gold watch.
Nataranta siya nang tumayo ito at maglakad palapit sa kanya.
“Just stay there... I know you’re part of the syndicate. Kung ano man ang mga transaction na ginagawa niyo rito, alam kong pumapatay kayo ng tao. Promise, I won’t tell this to anyone. Gusto ko lang umalis rito. I wanna go home.”
“Hindi ka makakauwi hangga’t hindi mo nagagawa ang utos ko.” Namulsa ito. Bawat hakbang ng lalaki ay nagpapakabog ng puso niya sa takot at kaba.
Agad siyang umatras hanggang sa tumama siya sa headboard, palayo sa gilid ng kama kung saan ito hihinto. Nang huminto ito sa paglalakad, mas klaro na niya ngayon ang mukha nito.
May matangos itong ilong, na lalong pinatingkad ng suot nitong itim na shades. Ang panga at baba nito ay perpektong bumagay sa hugis ng mukha. May kaunti itong balbas na bumagay sa kanya. Ang buhok ay bahagyang natatakpan ang noo. Mapupula ang maninipis nitong labi.
Lumunok siya nang mapagtanto ang itsura ng lalaki, masyadong kaakit-akit. May gwapong mukha at katawan na malalaking muscles, animo’y araw-araw nasa gym.
“W-What do you want from me?” Sa kabila ng takot niya, taas-noo pa rin siyang nagtanong.
“You’ll be my bride today,” walang pagdadalawang-isip nitong sagot.
Tinanggal nito ang suot na shades. Doon niya mas nakitang gwapo ito, ngunit nakakatakot ang titig. Kahit wala itong ipinapakitang emosyon, para siyang hihimatayin sa paraan ng pagtitig nito.
Napakidlat siya ng mata. Pinoproseso ang sinabi nito. Tama ba ang dinig niya? Bride?
Nang makabawi na siya sa gulat, muling lumunok.
“B-Bride? Ikakasal ako sa’yo? Are you crazy? Hindi nga kita kilala.”
“It’s whether you like it or not... Ikakasal ka sa araw na ito. And you must follow everything that I say. Kung ayaw mong mabulok rito sa Isla.”
Ang dominante nitong mga mata ay nakatuon sa labi niya.
Tumaas ang balahibo niya nang maglabas ito ng baril sa harapan niya at inilapag iyon sa kama. Sinundan niya ito ng tingin. Natameme siya nang yumuko ang lalaki para silipin ang mukha niya. Tanging masamang tingin lang ang naigawad niya rito.
“Do you hear what I say?” tanong nito, may bahid ng takot ang tinig.
Pinagmasdan niya ang lalaki. Sa itsura pa lang nito, halatang ayaw ng paligoy-ligoy at mas lalong ayaw ng biro. Nagiging seryoso na ito.
“P-Papatayin mo ba ako... kapag hindi ko sinunod ang utos mo?” tanging naitanong niya dahil hindi na rin niya alam ang gagawin. Ang tanging gusto niya ay makaalis sa isla at makatakas mula sa nakakatakot na lalaking ito.
“Exactly... I will kill you if you run. Kung gusto mo pang mabuhay, tanging pagpapakasal lang sa akin ang paraan para makaalis ka sa lugar na ito.”
Tinangka niyang magsalita pero nanatiling nakabuka lang ang kanyang bibig. Umayos ito sa pagkakatayo at namulsa. Pinagmasdan siya ng lalaki sandali, tila naghihintay ng reaksyon. Nagkaroon ito ng kaunting ekspresyon—isang hindi maipaliwanag na tingin. Tumaas ang kilay nito at napabuntong-hininga.
“Huwag mo rin subukan tumakas dahil hindi magdadalawang-isip ang mga tauhan ko na patayin ka. And I can’t protect you because I already warned you.”
Parang sasabog ang isipan niya sa iniisip na dapat gawin. Kulang ang salitang nakakatakot para ilarawan ang nararamdaman niya sa estrangherong lalaki. Sino'ng mag-aakala na sa ganitong tao siya matatali?
Is this for real? Talaga bang ikakasal siya ngayong araw?
"The wedding... Makatotohanan ba talaga 'yan or... it's just a pretend marriage?"
“It’s a real wedding. You’re not just pretending. Ikakasal ka ngayong araw at pagkatapos nu’n pwede ka nang umuwi… Wear that wedding gown. Hihintayin kita sa labas.”
Tiningnan niya ang puting gown sa may paanan ng kama. Sobrang ganda niyon, isa sa mga pangarap niyang suotin kapag ikakasal siya sa lalaking mahal niya. Pero paano niya matutupad ang kagustuhan niya kung sa lalaking hindi niya kilala siya ikakasal? Wala siyang nararamdaman dito at pinilit lang siya sa pagpapakasal.
“Hindi ako nagbibiro rito. Ayaw kong magpakasal sa’yo.” Iniling niya ang ulo, nananatiling matatag sa desisyong hindi dapat siya magpakasal sa isang estranghero. Akala niya sa pelikula lang nangyayari ito, pero nangyayari pala talaga.
“H-Hindi ako pwedeng makasal sa’yo. Hindi kita kilala, wala akong gusto sa’yo. Kaya huwag kang magbiro ng ganyan. This isn’t real, right?”
Sumeryoso lalo ang titig ng lalaki sa kanya. Kumunot ang noo nito.
“I’m not kidding here. I can kill you right now.” Mabilis nitong kinuha ang baril sa kama.
Nataranta siya sa takot at mabilis na tumayo palayo sa kama.
“F-Fine… Magpapakasal na ako. Just don’t kill me.” Hindi niya napigilang maiyak dahil wala na talaga siyang pagpipilian. Halata sa lalaki na desidido itong pumatay ng tao basta hindi siya sumunod.
“Good… When you walk out on that door, wala kang ibang gawin kundi sundin lahat ng utos ko. Maliwanag?” maawtoridad nitong utos.
Marahan siyang tumango habang humihikbi. Wala na talaga siyang choice.
“Now, I want you to fix yourself. Be presentable in front of my grandfather. Because if you didn’t behave, the gun are always in my pocket. I can easily pull the trigger in your head without hesitation.”
Nilagay nito ang baril sa likod at itinago iyon. Pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa, kita ang pag-clench ng panga nito bago tumalikod. Iniwan siya sa kwartong ‘yon na walang kasiguraduhan kung ano ang naghihintay na kapalaran sa buhay niya oras na magpakasal siya sa lalaking mukhang miyembro ng sindikato.
"Bakit ako pa?!" Inis niyang sinabunutan ang sarili at napaupo na lang sa sahig.
Unang araw pa lang ni Claudette sa rest house ni Elijah, tila hindi na niya yata kaya. At ang masaklap pa... akala niya'y sa pagpapakasal lang matatapos ang lahat, pero hindi pala ganoon kasimple. Parang unti-unti siyang nahihirapang huminga habang naroon. Kailangan niyang mag-adjust."W-What? We're... gonna stay in the same room?" Para siyang nabagsakan ng mabigat na bagay nang marinig ang sinabi nito. Tapos na siya sa lahat, naligo na at nakapagpalit ng damit. Pinahiram siya ni Elijah ng isang malaking t-shirt at boxer. Hanggang hita ang haba at labis sa laki para sa kanya.Patulog na sana siya nang kumatok ito sa pintuan at ipinaalam na doon ito matutulog."We're already married. Magtaka si lolo kung sa ibang kuwarto ako matutulog. I'm gonna stay here tonight."Ni-lock ni Elijah ang pinto at dumiretso sa loob, para bang normal lang ang lahat. Napanganga si Claudette sa presko nitong kilos at pagkakasabi. Mabilis siyang lumapit at hinarangan ito bago pa makapag-alis ng damit."T-Tek
"Kapag nalaman ng Daddy ko ang ginawa nila sa akin, mananagot sila!" ngitngit na bulong ni Claudette.Mabigat ang suot niyang wedding gown. Buong minuto na niyang inaayos ang sarili dahil hindi siya mapakali. Para siyang lalamunan ng sama ng loob, dahil hindi niya gusto ang nangyayari sa buhay niya.Parang kahapon lang, nakahiga pa siya sa malambot na kama, nagtatrabaho sa isang bilang CEO. Kung alam lang niya na mapupunta siya sa islang ito, sana hindi na lang siya tumuloy. Sana hindi siya namomroblema nang ganito, at hindi siya sasabak sa kasalan ng isang estranghero.Pinunasan niya ang mga luha. Tuwing naiisip niya ang kinabukasan, lalo lang itong bumibigat. Tinali niyang maayos ang buhok dahil wala naman siyang dalang kahit anong pampaganda. Isang simpleng mukha lang ang itsura niya. Hindi niya pinangarap na ganito kapangit ang itsura niya sa araw ng kanyang kasal. Maski foundation o lipstick, wala man lang siya.Pagkalabas niya ng kuwarto, laking gulat niya nang makita na naman a
Nagising si Claudette sa malambot na kama. Ramdam niya ang sakit ng ulo at pagkahilo. Agad siyang dumaing nang pagkamulat ng mata, mas lalo niyang naramdaman ang pananakit nito. Natulala siya nang ilang saglit, iniisip ang nangyari kanina."W-What... was happening? W-Where am I?"Una niyang nakita ang mataas na ceiling na may malaki at magandang chandelier. Huminga siya nang malalim sapagkat hindi niya talaga alam kung nasaan siya. Agad siyang bumangon nang mapagtanto niyang hindi pala panaginip ang nangyari kanina—na may maraming armadong lalaking gusto siyang patayin."You still have 5 minutes to change your clothes."Naigtad siya sa gulat nang makarinig ng baritonong tinig sa isang sulok kung saan mayroong sofa. May isang lalaking nakaupo sa black leather couch. Hindi pa niya masyadong makita nang klaro ang mukha nito pero sa paraan ng pag-upo, nakakatakot itong pagmasdan. Sa aura nito at sa pananamit, para itong isang serial killer sa pelikula. Naka-black suit at may suot na black
"Mga inutil! Hanggang ngayon ay wala pa rin kayong mahanap na babaeng magiging asawa ko pansamantala, bilang pamalit kay Akiko?" nanglaiting tanong ni Elijah Reigo sa dalawang armadong lalaki sa harapan niya.Nakita niya ang takot na tingin ng mga ito sa kanya. Nagtutulakan ang mga ito kung sino ang sasagot. Pinatunog niya ang dila, hudyat na hindi niya nagustuhan ang hindi nila pagsagot. Maliit lang ang pasensiya niya at alam ng mga ito na sawa na siya sa paulit-ulit na tanong."Did you hear what I was asking? Did you find a damn fúcking woman to replace my fiancée?" tanong niya, habang nagngingitngit ang ngipin. Hinampas niya ang lamesa sa sobrang galit.A very trusted bodyguard of his stood in front of him. "Sa totoo lang boss, sobrang hirap maghanap ng babae sa Isla na ito. Alam mo namang private resort itong pinuntahan natin. Katatapos lang din ng bagyo.""God fúcking damn it..." malutong niyang pagmumura na naging dahilan para umatras ang mga ito palayo.Pinaikot niya ang hawak