Share

Chapter 2

Author: Akiyutaro
last update Last Updated: 2025-10-21 21:48:46

Marahang tumatama ang ulan sa glass walls ng opisina, mahina pero tuloy-tuloy — gaya ng mga iniisip na ilang linggo nang gumugulo sa isip ni Adrian Cruz. Tahimik siyang nakatayo sa harap ng bintana, nakatanaw sa malawak na lungsod sa ibaba.

Doon, sa ilalim ng mga ilaw ng Maynila, nagsimula ang lahat.

Hindi niya akalaing isang babae ang magpapabago ng direksyon ng utak niya — lalo na kung iyon ay isang taong hindi naman niya kilala, isang babaeng galing sa mundong malayo sa kanya.

Pero noong unang beses niyang makita si Celestine Navarro, may nagbago sa loob niya.

Hindi iyon love at first sight — hindi siya naniniwala sa ganung bagay.

Ang pinaniniwalaan ni Adrian ay logic, power, at mga planadong desisyon.

Pero noong araw na iyon, nang aksidente siyang mapadaan sa event ng Navarro Group — isa sa mga business partners niya — nakita niya ang isang eksenang tumatak sa isip niya.

Si Celestine, nakatayo sa gitna ng silid, habang hayagang minamaliit ng kanyang stepmother na si Margarita Navarro sa harap ng mga bisita.

“She’s nothing but a burden,” malamig na sabi ni Margarita, pilit tinatakpan ng peke niyang ngiti ang galit sa mukha.

Sa tabi niya, ang stepsister naman ni Celestine na si Vivianne Navarro, sabik na sumabay sa pang-aapi ng ina.

Pero si Celestine — hindi siya umatras.

Hindi siya nagmakaawa, hindi siya tumakbo.

Sa halip, humarap siya sa kanila nang diretso, matatag ang tingin.

“Kung pabigat ako,” mahinahon niyang sabi, pero may apoy sa tono,

“baka dahil wala ni isa sa inyo ang sumubok maging magaan sa akin.”

Tahimik ang buong silid pagkatapos noon. Walang makapagsalita.

At sa gitna ng katahimikang iyon, may naramdaman si Adrian na matagal na niyang hindi nararanasan — paggalang.

Hindi siya sanay makialam sa buhay ng iba. Pero ang paraan ng pagtayo ni Celestine — proud, matapang, kahit nag-iisa — iyon ang unang bagay na nagpatigil sa kanya.

Hindi niya alam kung anong klaseng babae si Celestine, pero alam niyang hindi siya ordinaryo.

At nang umalis ito sa event, sinundan lang niya ito ng tingin.

Hanggang sa hindi niya namalayang pinaimbestigahan na niya kung sino ito.

Sa mga sumunod na araw, nalaman niya ang lahat:

kung paano siya pinapabayaan sa bahay nila,

kung paano inaangkin ng stepmother ang lahat ng mana ng yumaong ama,

at kung paanong ginagawa siyang parang wala sa sariling kumpanya na dapat ay kanya rin.

Habang mas marami siyang nalalaman, mas lalo siyang nagagalit.

Hindi dahil naaawa siya.

Kundi dahil hindi niya matanggap na may ganitong babae — matapang pero inaapi ng sarili niyang pamilya.

Isang gabi, habang binabasa niya ang report tungkol dito, napaisip siya.

“What if I could change her life in one move?”

Hindi siya impulsive na tao.

Binubuo niya ang imperyo niya sa pamamagitan ng disiplina at kontrol.

Pero pagdating kay Celestine… parang tumigil mag-isip ang utak niya.

Hindi niya alam kung fascination ba ito o guilt — pero alam niyang gusto niyang protektahan ang babaeng iyon.

Dalawang linggo ang lumipas bago niya sinimulan ang plano.

Kinausap niya ang legal team, at sa loob ng isang linggo, may nabuo na siyang kasunduan:

isang kasal sa papel lang.

Walang ceremony, walang emotion — puro proteksyon.

Kung ikakasal sa kanya si Celestine, wala nang magtatangkang saktan siya.

Hindi siya pwedeng galawin ng pamilya niya, hindi siya pwedeng manipulahin.

At dahil legal na asawa ni Adrian Cruz, automatic, magiging protektado siya sa pangalan pa lang.

Alam niyang matindi iyon.

Pero iyon lang ang nakikita niyang paraan para tuluyang mailayo si Celestine sa panganib.

Kaya noong araw na pumayag si Celestine, hindi dahil alam niya ang lahat, kundi dahil gusto niyang makalaya — doon naramdaman ni Adrian ang kakaibang halo ng relief at guilt.

Ayaw niyang malaman ni Celestine ang totoong dahilan.

Alam niyang hindi iyon tatanggapin ng babae.

Si Celestine Navarro ay hindi tipo ng babaeng gusto ng awa —

isa siyang babaeng lumalaban kahit sugatan na.

At iyon ang dahilan kung bakit niya ito minahal nang tahimik.

Nang pumasok si Celestine sa opisina niya kanina, halos ayaw niyang tumingin.

Ayaw niyang makita nito kung ano ang nasa likod ng malamig niyang mga mata — ang kaguluhan na siya mismo ang may gawa.

Simple lang ang suot ni Celestine — white blouse, pencil skirt, maayos ang buhok.

Walang bakas ng karangyaan, walang kayabangan, pero may lakas sa paraan ng pagtayo niya.

Nakita ni Adrian kung paano kumabog ang dibdib nito habang tinitingnan ang kontrata.

Gusto sana niyang sabihin, “You’re safe now.”

Pero hindi lumabas ang mga salita.

Kaya nanatili siyang tahimik, hinayaang ang bigat ng desisyon niya ang magsalita para sa kanya.

Tahimik niyang pinanood habang pumipirma ito — kalmado, matapang, totoo.

At nang magtagpo ang mga mata nila, may kumislot ulit sa loob niya.

Ang tingin ni Celestine, puno ng tanong at pagtataka — parang hinahamon siyang magpaliwanag.

Pero hindi niya ginawa.

Sa halip, sinabi lang niya ang tanging mga salitang kaya niyang bitawan.

“You are under my protection now.”

Dahil iyon lang ang totoo.

Lahat ng iba pa — ang paghanga, ang pagnanasa, ang lihim na pagnanais na makilala siya — lahat iyon kailangan niyang itago.

Pagkaalis niya sa opisina, tahimik siyang naglakad papunta sa elevator.

Hindi niya intensyong magkaroon ng koneksyon. Hindi siya naniniwala sa tadhana.

Pero sa tuwing naiisip niya si Celestine — kung paano ito lumaban sa pamilya niya, kung paanong nanatiling matatag kahit gusto siyang durugin ng mundo — hindi niya maiwasang hangaan ito nang sobra.

At kahit hindi pa niya alam kung saan hahantong ang kasunduang ito, isang bagay lang ang malinaw kay Adrian Cruz:

poprotektahan niya ito.

Kahit hindi ito malaman ang tunay na dahilan.

Kinagabihan, habang nasa penthouse siya at tahimik na nagbubukas ng alak, pumasok na naman sa isip niya ang tanong na ilang beses na niyang iniiwasan.

“Bakit mo talaga siya pinakasalan?”

Hindi niya sinagot.

Kinuha lang niya ang baso, tumingin sa mga ilaw ng siyudad, at sa isip niya, malinaw ang imahe ng babaeng iyon —

ang babaeng nakatayo sa gitna ng lahat ng pang-aapi, matapang, marangal, kahit nag-iisa.

At sa katahimikan ng gabi, isang pangako ang tumatak sa isip niya:

“I’ll protect you, Celestine… even if you’ll never know who I truly am.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marreid to the secret Billionaire   Chapter 178

    CHAPTER: What Power Sounds Like When It’s QuietUmaga pa lang, ramdam na ni Calestine ang pagbabago.Hindi dahil may nagsalita.Kundi dahil wala.Ang hallway papunta sa office floor ay dati laging may bulungan—mga paanas na tawa, mga tingin na may halong panghusga. Ngayon, ang tunog lang ay ang maingat na yabag ng sapatos at ang mahihinang pag-click ng keyboard mula sa loob ng mga cubicle.Hindi siya minamadali ng oras. Hindi rin siya hinahabol ng kaba.Huminto siya sandali sa harap ng salamin sa restroom. Tinitigan ang sarili—ang postura niya, ang linya ng balikat, ang steady na mga mata. Hindi ito ang Calestine na dati niyang nakilala. Hindi na siya yung marahang umiiwas ng tingin.She adjusted her blazer. Isang maliit na galaw, pero may bigat.Paglabas niya, naroon na si Adrian sa dulo ng hallway, nakatayo malapit sa bintana. Hindi siya tumingin agad. Parang alam na niya ang presensya nito.Magkasabay silang naglakad papunta sa executive floor—walang hawak-kamay, pero magkasing-hak

  • Marreid to the secret Billionaire   Chapter 173

    CHAPTER: The Weight of SilenceTahimik ang opisina pagkatapos ng announcement. parang tumatak sa mga empleyado ang mga sinabi ni adrian. Walang nag tangka, walang sumuway, pero bakas sa mukha nila na gusto nilang mag usap, gustong may pag usapan, pero bawal.Hindi yung normal na tahimik—kundi yung klase ng katahimikan na may iniwang bakas sa hangin. Parang may dumaan na bagyo, tapos lahat ng tao nagkukunwaring normal kahit ramdam pa rin ang pinsala.Naglalakad si Calestine papunta sa desk niya, hawak ang tablet, tuwid ang likod, steady ang hakbang. Pero sa loob niya, ramdam pa rin niya ang tibok ng puso—hindi mabilis, hindi magulo—kundi mabigat. Parang bawat hakbang ay may kasamang alaala ng mga panahong hindi siya ganito kalakas.Napansin niya ang mga mata.Hindi na mapanuri.Hindi na mapanghusga.Kundi maingat.May ilan na umiwas ng tingin. May ilan na biglang nagkunwaring busy. May ilan na hindi alam kung paano siya titingnan—parang gusto magsalita pero natatakot.At sa unang pagk

  • Marreid to the secret Billionaire   Chapter 172

    Hindi agad sinabi kay Adrian.Hindi direkta.Hindi harapan.Dumating lang sa kanya ang chismis sa paraan na kinaiinisan niya—pira-piraso, pabulong, palihim.Mga mata na biglang umiilag kapag papalapit siya.Mga boses na biglang tumitigil sa kalagitnaan ng pangungusap.At isang katahimikan sa opisina na masyadong pilit para maging normal.Napansin niya iyon bago pa man may magsabi.At nang kumpirmahin ni Calestine—hindi sa reklamo, kundi sa isang mahinahong ulat—doon tuluyang nagdilim ang mukha ni Adrian.“Hindi na bago,” sabi ni Calestine, kalmado habang inaayos ang files sa tablet niya. “Pero mas malakas ngayon. Mas lantad.”Hindi siya galit.Hindi rin nasasaktan.Pero si Adrian?Hindi umupo. Hindi huminga nang malalim.Tumayo lang siya sa gitna ng opisina niya, nakapamewang, tahimik—yung klase ng katahimikan na mas nakakatakot kaysa sigaw.“How long?” tanong niya.“Since yesterday afternoon,” sagot niya. “After the announcement.”Napangiti si Adrian. Hindi dahil amused—kundi dahil n

  • Marreid to the secret Billionaire   Chapter 171

    Sa umaga pa lang, alam na ni Calestine—hindi ito magiging tahimik na araw.Hindi dahil sa schedule. Hindi dahil sa workload.Kundi dahil sa hangin sa opisina.Yung klase ng hangin na punô ng bulungan, ng mga matang kunwari busy pero palihim na sumusunod sa bawat galaw mo. Yung klaseng presensya na ramdam mo sa batok kahit hindi ka nililingon.Habang naglalakad si Calestine papunta sa desk niya sa labas ng opisina ni Adrian, diretso ang tindig niya. Walang ni isang hakbang ang nagbago. Walang bakas ng pag-aalinlangan.Pero sa paligid—Huminto ang mga daliri sa keyboard.Bumagal ang paghinga.At sabay-sabay na nagsimula ang tahimik na usapan.“Siya na ’yon…”“Diretso sa tabi ni Adrian.”“Grabe ang tiwala.”Hindi sila nag-uusap tungkol sa trabaho.Nag-uusap sila tungkol sa kapangyarihan.At mas lalo silang nag-uusap dahil hindi na sila makalapit.Binuksan ni Calestine ang tablet niya, sinimulang ayusin ang mga files. Kalma ang galaw. Eksakto. Walang sayang na kilos.Pero sa loob niya, al

  • Marreid to the secret Billionaire   Chapter 170

    Tahimik ang executive floor—mas tahimik kaysa dati. Hindi dahil walang tao, kundi dahil walang gustong magkamali. Lahat ay alam na: may nagbago na sa balanse ng kapangyarihan.At ang sentro ng pagbabagong iyon ay ang babaeng kasalukuyang naglalakad sa hallway, diretso ang likod, hawak ang tablet, at walang bakas ng pag-aalinlangan sa mga mata.Si Calestine.Unang araw niya bilang executive secretary ni Adrian Cruz.Bawat hakbang niya ay may kasamang bigat. Hindi dahil sa pressure—kundi dahil sa mga matang sumusunod sa kanya. Dati, ang mga matang iyon ay mapangmataas. Ngayon, halo na ng pag-iingat at takot.Sa likod niya, ilang hakbang ang layo, naglalakad si Adrian. Hindi niya kailangang magmadali. Ang presensya niya mismo ang nag-uutos sa mundo na magbigay-daan.Huminto si Calestine sa harap ng opisina. Automatic na bumukas ang pinto. Pumasok siya, inayos ang mesa—malinis, maayos, walang kahit anong personal na gamit. Propesyonal.“Schedule?” tanong ni Adrian, isinara ang pinto sa li

  • Marreid to the secret Billionaire   Chapter 169

    Tahimik ang umaga sa loob ng opisina, pero hindi iyon yung uri ng katahimikan na kalmado. Ito yung katahimikang may nakaambang tensyon—parang alam ng buong gusali na may mangyayaring babago sa takbo ng lahat.Magkatabi sina Adrian at Calestine habang papasok. Pareho silang naka-formal attire, pero kitang-kita ang kaibahan. Si Adrian, dominante ang aura—isang lalaking sanay sundin, sanay katakutan. Si Calestine naman, tahimik pero matatag, hindi na yung babaeng yumuyuko sa bigat ng mga mata ng iba.Ngayon, sila ang iniiwasan tingnan ng mga tao sa company.Habang naglalakad sila sa hallway, ramdam ni Calestine ang mga bulong—hindi na bastos, kundi puno ng pagtataka.“Siya ba talaga…?”“Kasama niya lagi si Mr. Cruz…”“Grabe, ibang iba na siya ngayon.”Hindi na iyon nakakabawas ng loob. Sa halip, parang bawat bulong ay kumpirmasyon ng isang bagay na matagal na niyang ipinaglaban—narating niya ito.Huminto si Adrian sa gitna ng floor. Isang simpleng kilos lang, pero sapat para tumigil ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status