Napalingon si Celestine, kahit hindi niya alam kung saan ito nakaupo.Pero sa di maipaliwanag na paraan, parang naramdaman niya ang presensya nito.Tumigil na ang ulan.Kinuha niya ang bag, handang umalis.Celestine:I’m heading out. Thanks for keeping me company—virtually.Unknown:Always. Get home safe, Celestine.Huminto siya, nakatingin sa mensahe.“Always,” bulong niya, sabay ngiti.Habang naglalakad palabas, hindi niya napansin na ilang hakbang lang sa likod niya, sumunod si Adrian.Tahimik lang. Paglabas ni Celestine sa café, malamig pa rin ang paligid.Katatapos lang umulan, kaya basa ang kalsada at may mga patak pa ng tubig na dumudulas sa canopy ng mga gusali.Naka-sling bag lang siya, habang hawak ang payong kahit hindi na kailangan.Habang naglalakad, naririnig niya lang ang click ng heels niya sa sementadong daan at ang tunog ng mga sasakyan sa malayo. Tahimik ang gabi, pero may kakaibang pakiramdam na hindi siya mag-isa.Huminga siya nang malalim. “Huwag kang paranoid,
Terakhir Diperbarui : 2025-11-02 Baca selengkapnya