Share

Chapter 1 Beauty Queen

Marriage, A Debt Payment

By Death Wish

Chapter 1 Beauty Queen

(Sera POV)

Every young girls dream of being crown as a Beauty Queen. Kaya ang mga kasamahan ko ngayon sa pageant na ito, ay nakikita ko ang mga version nila noong bata pa sila. Nangangarap na makarating sa napakataas na entablado ng mga beauty pageant, ang Miss Universe. Kinakabahan ako ng sobra, halos nga hindi ko maisuot ang hikaw ko dahil mamaya lang sasabak na ulit kami. Kinakabahan man, ngunit may isang himalang nangyayari sa akin, kinakabahan lang ako kapag nasa backstage at kapag nasa stage na, alam kong ito ang huli kong pagkakataon para ipaglaban ang korona. Isang laro na lahat kaming naririto minimithi ang korona. May kanya-kanyang pinagdaanan at may kanya-kanya ding pag-aalalayan. Ginagawa ko ito para sa napaka-supportive kong pamilya. Kahit anong gustuhin ko, handa silang sumuporta at ibigay ang makakaya nila. Kaya naman ibibigay ko din ang lahat ng makakaya ko. Hindi ko man lang inisip na hindi para sa akin ang Korona, dahil yun ang ipinunta ng karamihan dito.

Ako si Sera Louisa Mendevil, twenty-five at iwinawagayway ang bandera ng mga single! Yeah! Hahaha. Sa wala naman sa akin nagtatangka manligaw. Dadaan muna sila sa pamilya ko bago nga ligaw. Yun ang nirerespeto ko din na kagustuhan ng aking pamilya. Sa totoo nga wala naman akong napupusuan na lalaki talaga. Siguro nais ko makita sa lalaki yung katangian ng aking ama. Maalaga, magalang, mapagmahal na asawa at ama, higit sa lahat napakasipag niya. Lahat ng kasapi ng pamilya ko, hindi ko naman sa ipinagyayabang, masisipag silang mga doktor at doktora. Kaya marami ang nagsasabi, di man lang dumanas ng hirap pagdating sa pera ang pamilya ko. Sa totoo lang dahil yun sa kasipagan ng aking ama.  Kasipagan lang talaga ang susi para umangat ang isang tao, idagdag pa natin ang pagiging masinop.

“Batch 3! Hurry and prepare yourself at the backstage!” Sigaw na nga ng coordinator. Isang titig sa salamin, muli na naman akong ngumiti. Kakayanin natin Sera!

(Dr. William POV)

Doktor ako pero hindi ko mapigilan na kabahan para nga sa anak kong si Sera. Wala kami sa lugar mismo ng pageant niya, dahil meron kaming kailangan tapusin at ilang deadlines na dapat hindi namin mabigo ang umaasang cliente.

Nakatitig kami sa malaking screen. Narito ang buo kong pamilya, pwera nga lang kay Sera. Ngunit kasama naman namin ang nasa likuran ng pag-unlad ng pamilya namin, si Mr. Cedrick Yao. Kung wala siya, walang ngiti ang labi ng aking asawa, walang proteksyon sa aking mga anak, at lalong-lalo na wala ang masayahin kong anak na si Sera.

Lumabas na muli siya sa stage at kanya-kanya nga nagpakilala. Nang ang anak ko na, makapagpigil-hininga pero mapapaluha ka na lang talaga sa ngiti ng bunso ko.  Masaya ako na lumaki siyang ganyan.

“William…” Napalingon ako kay Mr. Cedrick Yao. Bakas sa mukha niya ang kasungitan, ngunit halata rin ang katandaan nito. Malakas pa siya tignan. Pero ilang operasyon na din ang pinagdaanan ng katawan niya.

Agad na sumalubong sa akin ang usok ng tabako niya. “Sa pamilya mo, siya na lang ang walang silbi sa organisasyon.” Ngumisi ito. “Ngunit may sinabi sa akin ang asawa mong napaka-interesante.” Katabi ko lang ang asawa ko, pero di ko parin inaalis ang paningin kay Mr. Cedrick, ang tinaguriang pinakamakapangyarihang Mafia boss, na kahit autoridad sinasanto nga siya, kaya wala akong magawa kundi sumang-ayon sa mga kagustuhan niya. Di ko alam kung ano ang pinag-usapan nila ng asawa ko, ngunit parang may kinalaman ito kay Sera.

Pinaki-alaman na niya ang buhay namin, ng dalawa kong anak, wag na sina niyang isali pa si Sera, ang bunso kong anak.

“Tignan mo, ngiti pa lang ng anak mo, mananalo talaga siya.” Napatango ako. “Sayang nga ang kagandahan ng anak mo kung magiging doktora lang siya at abala ngang mag-opera. Sayang ang tindig at inosente nitong mukha kung gagaya din siya sa inyo.”

Nais ko magsalita, alam ko ang ngisi ni Cedrick ay mayroong kahulugan. Hindi yun maganda. Ano ba talaga ang pinag-usapan nila ng asawa ko?

“Ganito na lang William, kapag natalo ang anak mo, at ibig lang sabihin hindi niya napatunayan ang sarili para sa titulo niyang inaabot, sa ayaw mo man o hindi kailangan niyang sumunod sa yapak ninyong boung pamilya.”

Ano ito… Napalingon na ako sa asawa ko. Napatango ito. Hindi nakuha ng asawa ko ang titig na binibigay ko sa kanya. Akala ko ba napag-usapan namin na si Sera hindi namin idadamay sa di makataong ginagawa namin.

“Wag kang mag-alala William, sa tingin ko hindi ka malulugi sa arrangement na ito. Kaya wag mong titigan ng ganyan ang asawa mo. Saka napakagandang ideya nga ito ni Ruth.”

“Oo William, kung hindi nga papalarin si Sera, ang anak natin, unfair naman sa ibang nating anak na may inaambag sa organization. Kailangan niyang sumunod sa atin. At kung para nga sa kanya ang korona, hindi ko siya pipilitin na maging ganap na doktor.”

“Ruth…” Dismayado ako sa narinig ko.

“Pero kung papalarin, ipagkakasundo natin siya sa nag-iisang anak ng boss natin.” Nakangiti pa talagang sinasabi ito sa akin ng asawa ko.

“William…” Hinihingi ni Cedrick ang paningin ko sa kanya kaya agad kong itinago ang pagkadismaya ko. “Kilala mo si Nathaniel, nag-iisa kong anak, kaya lang masyadong woman-hater. Maarte pa sa babae ang usap-usapan ng mga katulong sa bahay.” Saka tumawa ito. “At kung papalarin nga ang anak mo, ikapitong babaeng ipagkakasundo ko sa kanya. Alam mo ba ang nangyari sa anim? Saka pumapayag naman si Nathaniel, ngunit gumagawa ng paraan para hindi matuloy. Haist. Nais ko na di lang naman magkaroon ng apo. Maluwag na ang Mansion para sa akin. Nakakabingi ang sobrang katahimikan. Nais ko lang bago malagutan ng hininga makita ang apo ko, o mga apo. Napakasarap noon isipin, diba William?”

Napalunok laway ako sa aking narinig. Is this an arrange marriage? At kilala ko nga ang nag-iisa nitong anak. Kahit si Cedrick hindi niya ito kayang kontrolin. At ipapain nila sa kamatayan ang anak ko? Anong kalokohan to?

@DeathWish

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oh grabe pala itong nathaniel woman hater
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status