Home / Romance / Marriage A Debt Payment / Chapter 1 (2) Beauty Queen

Share

Chapter 1 (2) Beauty Queen

Author: Death Wish
last update Huling Na-update: 2022-01-25 11:11:07

Chapter 1 (2) Beauty Queen

(Sera POV)

“The name I am going to announce will be crowned as the Miss Universe 2025.”

Yung suspense ng tunog. At ang kamay na hinahawakan ko ngayon, pareho kaming kinakabahan at nanlalamig. Heto na nga, dalawa na lang talaga kaming nakatayo ngayon. Napapangiti kami sa isa’t-isa. Kung hindi man nga ako ang tawagin, ayos na ata ang maging 1st runner up diba? Not bad.

Diyos ko po, kinakabahan ako ng sobra. Alam kong kinakabahan din ang pamilya ko habang nanunuod ngayon. Yung nga, sana wala silang operasyon, kundi magagalit ako kapag inuna nilang makita ako kesa sa pasyente nila. Huwag po kayong mag-alala, sabay-sabay natin papanuorin ang sarili ko sa stage na ito. Pero, sorry kung mabingi kaya kapag tumawa na naman ako na parang walang umaga. Ang mas naiirita talaga sa tawa ko, si Wilma. Kung makatawa daw ako, parang hindi ako nangaling sa pamilya namin. Hahaha.

Sorry na Ate Wilma. Parang hindi doktora. Kahit paano laughing is the best medicine, para sa mga walang lovelife o toxic man yung lovelife nila. Nakakaganda kaya ang tumawa.

“And the Miss Universe is…” May mga sumisigaw ng bansang nirerepresenta ko, pareho lang din ng dalagang hawak ko ang kamay niya. Nagkatanguan kaming dalawa. Kung sino man ang papalarin, siguradong maluwag na tatangapin ng bawat isa sa amin.

Hangang sa narinig ko nga ang pangalan ng bansang nirerepresenta ko. Hindi ako makapaniwala. Sobra. Masaya naman nga akong niyakap ng kandidata. Mayroong ngiti sa kanyang labi, at kanyang kinuha ang sash saka bouquet nito.

Masaya din akong nilapitan ng dating Miss Universe at nilagay sa ulo ko ang Korona na minimithi naming lahat. Sa totoo lang, ang akala ko, hindi tutulo ang aking luha, pero tumulo, para nga sa tinatawag na tears of joy.

Sa nanginginig kong katawan, agad kong niyakap ang bouquet ko pagkatapos nga maisuot ang aking sash. Alam kong masayang-masaya nito ang aking pamilya, mga kababayan at higit sa lahat ang pananalig ko nga sa Poong Maykapal na alalayan kaming lahat sa bawat landas na tinatahak namin.

“Take your first walk, Miss Universe 2025.”

(William POV)

Nakatayo na nga sa unahan ang maganda kong anak at isa nitong katungali sa korona. Pagkatapos ng nalaman ko, nawalan ako ng gana manuod. Hindi ko tangap na masasali bigla si Sera sa napakagulong mundo na iniikutan namin.

Patawarin mo ako Sera… Patawad. Sana nga hindi na lang ikaw ang manalo. Kung pipilitin ka nga nilang mag-aral ng medicina, di ako papayag na makapagtapos ka. Akala ko talaga, hindi ka pag-iinitan ng boss namin.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Nais kong lumabas sa silid, pero hindi ko dapat ipakita ang pagkontra ko sa kagustuhan ni Cedrick. Kung hindi, isang iglap lang mawawalan ng magagandang bukas ang mga anak ko. O parang ako ang gumawa ng bagay na ikakamatay namin ng buo kong pamilya. bakit kasi naisipan ni Ruth na sabihin kay Cedrick ang tungkol kay Sera. Kailangan ko siya maka-usap, pero hindi kami maaring mag-away sa harapan ni Cedrick.

Sera anak, hindi pala maganda ang dala ng koronang yan para sayo. Sana nanatili ka na lang sa bahay, at wala ngang ipinapakitang katangian na ikaka-ayon ni Cedrick. Kapag nanalo ka, ipagkakasundo ka sa binatang walang ikinalayo sa kanyang ama. Si Cedrick mismo ang pumatay sa sarili niyang asawa at ayokong mangyari yun sa anak ko. Ayoko.

Anong ginawa mo Ruth?

Usap-usapan ang paggawa ng paraan ni Nathaniel upang maka-iwas siya sa pagpapakasal. Para sa kanya pangulo lang ang mga babae. Para sa kanya, negosyo ang asawa nito. Sa anim na babaing itinakda sa kanya, dalawa dito ay namatay sa Car accident, at si Nathaniel ang nasa likuran ng lahat ng yun.

Diyos ko po… Sana wag niyong ibigay ang korona para sa anak ko. Napakabigat ng pasanin ang naghihintay sa kanya kapag tinangap nga niya ito. Ayokong may mangyaring masama sa anak ko. Diyos ko po…

Ngunit napapikit ako ng aking mga mata ng, si Sera ang nakasungkit nga ng korona. Masaya namang napalundag si Ruth sa kanyang kinaka-upuan saka napapalakpak si Cedrick. Narinig ko ang tawa nila na parang halakhak ng demonyo. Kailangan na ipaliwanag ito sa akin ng asawa ko. Dapat hindi niya ito ginawa.

“Now the deal is set and sealed. Nanalo ang anak niyo, so, arrange marriage between my son and your daughter, William.”

“Maraming salamat Cedrick.” Si Ruth. Ako, napatango na lang.

“What is that face for William?” Nahuli ako. Ngunit kaagad kong inayos ang sarili ko. “Hindi lang ako makapaniwala Cedrick na nanalo ang anak ko, at mapapangasawa niya ang nag-iisa mong anak.”

“Ganito talaga yang si William. Sa katunayan nagagalak talaga siya ng sobra.” Salo sa akin ni Ruth. “Dahil napakakisig at matalinong binatilyo si Nathaniel. Napakapalad ni Sera ang anak namin para siya ang mapangasawa.”

“Ipaparating ko kaagad sa anak ko ang kasunduan na ito.”

“Cedrick.” Walang kating tawag ko sa kanya. “Sa tingin ko mas makakabuti na pag-uwi na lang ni Sera sabihin niyo sa kanya.”

“Why?” Nanghahamon ang tanong niya sa akin. Kilala niya ang sarili niyang anak. Maari nitong ipapatay si Sera kahit pumayag ito sa kasunduan. Gagawin ni Nathaniel ang lahat, hindi lang siya matali sa bagay na hindi naman talaga nito nais.

“May balak din akong sabihin kay Sera kapag umuwi siya. Mas personal mas mainam.”  

“May chansa bang tumangi ang anak mo? Tss. Wag kang tanga William. Meron ba?”

“Cedrick…” Kuha ni Ruth ng attention nito. “Hindi tatangi si Sera. Sa katunayan nga may lihim na pagtingin si Sera sa anak niyo.” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kay Ruth, na ikinatawa ni Cedrick.

“Ganoon ba? O bakit ayaw niyo kaagad sa kanya sabihin.”

“Inaalala ng asawa ko, walang mas hihigit pang magandang i-aahin kay Sera sa pag-uwi niya bukod na sabihin dito na ikakasal nga siya kay Nathaniel.”

Ruth… Hinding-hindi magugustuhan ni Sera ang tungkol sa bagay na ito. Alam mo yan.

“Ahhh. Sige, sasabihin ko lang sa anak ko na meron na naman nga akong ipagkakasundong babae para sa kanya. Di ko sasabihin ang pangalan, at mas maganda siguro, iset-up natin sila na magcross ang landas. Bilang regalo ko na din sa anak ninyong matagal na palang pinagpapantasyahan ang anak ko. Sinabi mo sana ng maaga sa akin Ruth.”

@DeathWish

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ay grabe ang ina pala ni sera ang may kagustuhan sa anak
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Marriage A Debt Payment   Finale: The New Beginning

    Sunod-sunod na kulay itim ng sasakyan ang pumarada di kalayuan sa napaka-abalang simbahan sa araw na yun.Sa unahang sasakyan. Abalang tinatawagan ng isang nakangising lalaki ang numerong alam niya na makakausap ng sasagot nito ang sasalubong na kamatayan mamaya lang.Lalo siyang natawa dahil ano man ang siyang ginawa niyang pagbabanta dito. Hindi siya sineseryoso. Napasenyas sa leader ng tauhan niya.“The hero needs a lot of villains. Di lang nagtatapos sa isang kalaban ang challenge na kailangan niyang kaharapin.” Saka mala-demonyong tumawa.Nagsilabasan ang mga lalaking may kanya-kanyang dala na mga baril. Pumwesto na di namamalayan ng mga tao.“Well, I am needing a lot of blood.”Sinundan nito ang kilos nang isang photographer na siyang puntirya nga nilang lahat.“How pity you are filthy rat.”***Napangiti ang isang photographer dahil sa nakuha niyang larawan. Di man siya kabilang sa official na kinuhang photographer, di parin ito napigilan na pumunta at kumuha ng mga larawan par

  • Marriage A Debt Payment   TtDCEO II.25

    (Jing-ER POV)Di ko narinig na sumagot ang babae kundi buntong hininga lamang ni Prince Kean.Malungkot ang aura ng lugar. Dahil nga may nangyayaring tangihan.Ouch.“KC, kung yan ang desisyon mo, kapag na-engage kami sa darating na araw ng babaeng di ko naman kilala, isipin mo na lang na ginagawa ko yun para sa ating dalawa. Nirerespeto ko ang desisyon mong ito. Nirerespeto ko ang pangarap mo. Gagawin ko ito para sa future natin at mabigyan ka nga ng oras para magtagumpay sa minimithi mong pangarap.”WOW! Ang supportive naman ni Prince Kean. Sana lahat ng lalaki sa mundong to naiintindihan ang mga babae. Yung tipong lalaki ng ang may mas maraming paraan na maunawaan ang babae.Ahaha. May saltik pa naman kaming babae kung minsan, diba?Nawawala sa sarili.“Hihiwalayan ko na lang siya balang araw para sayo.”OY! UNFAIR KA NAMAN PRINCE KEAN!

  • Marriage A Debt Payment   TtDCEO II.24

    (Jing-ER POV)Sino man silang may privilege dito, sila na talaga ang rich Kid.Be thankful na ipinanganak talaga kayo sa mga magulang ninyong may kakayanan na manipulahin ang pera.Huhu. Magulang ko, kaya lang mangako kung kailan babayaran ang inutang nila.Lumabas ako at baka ano pa ang magawa ko. Makabasag pa ako sa mga magaganda nilang kitchen set. Tsk. Tsk. Wag.Binuksan ko naman yung sa kanan pinto.Isang library. Tipong CEO o isang scientist ang nag-aaral dito.Gusto tahimik ang boung paligid. Ngunit malaki ito para nga sa isang tao lang.Siguro lahat ng VIP students ginagamit to.Okey.Aanihin ko naman ang mga gamit dito? Mahalaga lang sa akin lapis at paint brush. Mas gugustuhin kong nasa labas ako para kumuha ng inspiration.Saka ako lumabas ulit sa library.Wala talagang tao. At kung may tao man at mahuli ako na di ako kaagad nakapagtago, edi bah

  • Marriage A Debt Payment   TtDCEO II.23

    (Jing-ER POV)Pwede po ba wag na mag-aral?Na-ju-judge lang ako ng dahil sa pag-aaral. Kapag ganito, nakakatamad na talagang pumasok ng school.Mabuti na lang bag ni Aby ang nadala ko. Pareho kami. Parehong imitation na kala mo naman branded. Sa sinuswerte ka naman, andito ang chippy niya.Thank you so much Aby. Napaka-thoughtful mo talaga sa tummy mo. Pati ako mabibigyan ng blessing. Ang galing.Kahit paano, hindi ako alone. Bleehhh.Andito lang naman ang chippy ni Sena. Kaya, sarap na sarap akong naglalakad sa hallway na thankful walang korona at sash bilang maingay na studyante ngayong araw.Sa totoo lang di ko alam kung saan pupunta sa spare time na meron ako.Pero good idea na din itong pumasok sa isipan ko. Since papalayasin na din naman ako sa school na ito, bakit di ko na libutin habang meron akong pagkakataon?Sayang naman ng tuition fee na ginugol namin dito. Kapag w

  • Marriage A Debt Payment   TtDCEO II.22

    (Jing-ER POV)Lagi kaming nasa likuran ng bawat -isa.Sandalan sa tuwing napapa-disaster ang lahat.Ahahaha.Sinusuportahan at ginagabayan sa tamang landas ang friendship namin.I treasure them na parang sila ata ang pangalawa kong pamilya. Wala palang ata. Sila talaga. Mahal namin ang isat-isa. Walang iwanan sa oras ng pangangailangan.Sa kalokohan lang naman, pare-parehong magkasabwat.Pwera na lang kay Aby. Laging nasa tamang daan ang choice niya. Hehe.Di yan sumasali kapag alam niyang kalokohan ang gagawin namin. Tinatakasan kami niyan after namin magplano ng mga prank na gagawin namin. Tipong makaganti man lang sa ibang taong gumagawa ng kalokohan sa amin. Pero kapag nasa action na, wala na talaga yan si Aby.Si Even ang full support sa akin kung paghihiganti lang naman ang usapan.At si Lost pang-paguilty ang ginagawa niyan sa amin.“Seryoso kayo

  • Marriage A Debt Payment   TtDCEO II.21

    (Jing-ER POV)Napaka-helpless ng school na ito. Wala dapat na special treatment!Paano na kaming mga bobo?Edi mag-aral kayo ng maayos at maigi Jing-ER. Kailangan pa talagang mag-effort? Sa kontento na ako sa mga ginagawa ko ngayon.Pagkatapos ng first subject namin, nabuhayan ako ng marinig ko ang bell.Susunod na schedule yung special subject na ikaw mismo ang pipili at kung saan naroroon ang mga kaibigan ko.Excited to!My special class is Fine Arts!Sa klaseng to lang naman ako nabubuhayan ng kaluluwa. Plus ito talaga ang hilig ko. Ayoko ng ibang subject.Pagpasok ko. Andito na yung mga friends ko.Binati kaagad ako ni Lost kahit may kasalanan ako sa kanya. Masaya ako makita ang mga kaibigan kong to. Mga praning kagaya ko na di mo maintindihan kung saang genes ba talaga kami nangaling.Si Lost, Even at ang pinaka-malditang kaibi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status