Hindi pa ako nakarecover sa ginawa niya nang tinawag na niya ako. “Bilisan mo jan!”
“Hoo!” Napabuga ako nang hangin bago tumayo at kinuha ang bag ko saka lumabas ng office. Pagkalabas ko ay agad din siyang naunang maglakad. Pinandilatan ko na lamang ng mata ang likod niya dahil sa ginawa niya sa akin.
Wala siyang matinong ginawa simula nang makabalik ako sa office tapos siya pa itong may ganang maging masungit. Pinaglalaruan ata ako ng babaero na ito.
Araw-araw niya na talagang inuubos ang pasensya ko eh, mabuti nalang boss ko siya. Bakit ba kasi ako pinagtrabaho ng Lolo ko dito. Minsan talaga binalik-balikan ko mga desisyon ko sa buhay. Kung hindi sana ako pumayag noon na maging sekretarya sa lalaking ‘to, baka peaceful pa buhay ko ngayon.
Napabuntong hininga ako sa lahat ng pinagsisihan ko. Pumasok siya sa elevator at sumunod na rin ako. Pinindot ko ang patungong parking at saka naghintay na makababa kami. Sobrang tahimik naming dalawa. Sa usual routine namin sa trabaho, nag-uusap kami. Lalo na at mga concerns sa kompanya at sa mga kliyente ang topic namin. Pero ngayon dahil hindi ko naman alam saan kami pupunta at anong gagawin namin, ay para akong p**e dito.
Idagdag mo pa iyong pananakot niya sa akin kanina na hahalikan niya raw ako kung hindi ako tumahimik. Kaya hanggang sa makasakay ako sa sasakyan niya, at nakarating kami sa isang sikat na 5 star restaurant ay hindi ako nagsalita.
May trauma ako kanina, lalo na nung nakita ko yung mahaba at malaking ehem niya.
Umiling na lamang ako upang mawala sa isip ko ang maruming nasaksihan ko kanina. The fuck, kasalanan to lahat ng lalaking ‘to.
Pagkapasok namin ay iginiya kami ng isang staff sa isang private room. Mukhang may dinner meeting siya sa isa sa mga business partners or investors. Siya ang unang pumasok at sumunod ako.
My eyes widened when I saw my grandfather inside the room. Gumuhit ang ngiti sa mukha ko nang makita ko ang lolo ko.
“Lolo!” tawag ko sa kaniya at agad yumakap na parang nagsusumbong. Kulang nalang magsumamo ako sa harap niya na bawiin na niya ako sa mga La Monte eh. Sinamaan ko ng tingin si Alessandro. Habang nandito ang lolo ko, hindi ko ‘yan boss!
Sa sobrang tuwa ko ay ni hindi ko namalayan na nandito rin pala ang Chairman ng La Monte. Nanlaki ang mata ko nang late kong ma realize ‘yon.
Nag bow ako ng kaunti upang bumati. “Good evening po, chairman.”
“Hija, huwag na maging pormal. Tayo lang naman nandito.”
Ngumiti ako. “Hehe. Okay po Lolo M,” sagot ko na siyang kinatuwa niya. Lolo M ang tawag ko sa kaniya dahil shortcut iyon for Lolo Marinoz. Simula bata pa ay magkaibigan na silang dalawa ng lolo ko. Sabay silang nag business, at sabay ding nag-success. Ngayon, silang dalawa ay may sarili ng kompanya.
Umupo ako sa tabi ng lolo ko pagkatapos, at ganun din si Alessandro. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Tahimik lang siya habang nakikipag-usap ako sa mga matatanda, kinakamusta ang mga buhay nila.
Himala nga tahimik siya eh. Ang seryoso rin ng mukha niya. Nang pasimple ko siyang ninakawan ng tingin ay naabutan ko siyang nakatitig na sa akin. Bahagya ko na lamang siyang pinagtaasan ng kilay dahil dun pero wala pa rin siyang reaksyon.
Naisip niya siguro ang kababuyang ginawa niya kanina. Mabuti naman kung ganon. Maguilty ka naman sana sa ginawa mo gung-gong ka.
“Kumusta ang pagiging sekretarya mo hija? Hindi ka ba pinapahirapan ng apo ko?” Napatingin ako kay Lolo M. “Sabihin mo lang kung binubully ka nito, babawasan ko ang allotted budget ng kompanya niya. Isumbong mo lang sa akin.”
Napanguso ako sa kaniya, at tumango. “Aww Lolo M huhu. Speaking of bully lagi po akong pinapagalitan ng apo niyo,” pagsusumbong ko.
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. “Ha? Aba’y minusan ko ng 2 billion ang annual allotted budget ng kompanya niya,” aniya bago tumingin kay Alessandro.
Ngumiti ako. “Joke lang po, Lolo M. Ako po ang mahirapan bilang sekretarya,” pagbibiro ko. Nagsitawanan kaming lahat except kay Alessandro.
“Pero huwag po kayong mag-alala, isusumbong ko po sa inyo ang mga ‘di mabuting pinag-gagawa ng boss ko,” sabi ko na may diin at pinandilatan ng tingin si Alessandro.
Tsk, Lolo kung alam niyo lang po na labis pa sa bully ang pinag-gagawa ng apo niyo eh, baka nasisante na ‘yan sa pagiging CEO ng La Monte.
Pinagtaasan ako ng kilay ni Alessandro dahil sa sinabi ko. Bahagya lamang akong ngumiwi sa reaksyon niya. Inirapan ko siya. Bahala siya jan, isumbong ko siya jan eh.
“Mabuti naman at nagkakasundo na kayo ni Alessandro, apo. Lagi pa naman kayong nag-aaway noong mga bata pa kayo.”
Pasimple lamang akong ngumiti sa Lolo ko sa sinabi niya. Ha ha, kailan po kaya kami nagkasundo, lo?
What if sabihin ko na lang sa’yo Lo ang totoo para bawiin mo na ako sa mga La Monte.
“Nung sinuggest ko sa’yo ang trabaho sa business, ang laki ng ngiti mo. Pero nang sinabi ko na magiging sekretarya ka ng apo ni Marinoz, magdamag kang nagkulong sa kwarto mo. Kulang nalang magrebelde ka sa suggestion ko eh, mabuti nalang sinunod mo pa rin ang utos ko.”
Napatawa ako sa sinabi niya. “Lolo naman huwag nating pag-usapan ‘yon! Hindi kasi diba simula bata pa ako ang taas ng pride ko. Hindi ako nagpapatalo kay Alessandro pero nung sinabi niyo po magtatrabaho ako sa ilalim niya para akong naapakan,” depensa ko na may halong biro.
Napanguso lang ako dahil nagsitawanan na ang dalawang matanda sa sinabi ko. Totoo naman kasi eh! Saksi pa ‘yan silang dalawa sa tuwing nag-aaway kami ni Alessandro noon. Sumilay din ang ngiti sa labi ni Alessandro ngunit agad nawala nang makita ako.
“Tss, mabuti nalang natanggap ko na eh,” bulong ko sa sarili.
“Lagi ka kasing pinipikon ng apo ko noon hija. Bakit ba kasi hindi mo maintindihan ang nangyayari? Ilang ulit na niyang pinaramdam sa iyo pero hindi mo pa rin makuha-kuha.” Lolo M habang bahagyang natatawa. He glanced at his grandson before looking at me.
“Ang alin po?”
“Lo,” pagpipigil ni Alessandro kay Lolo M.
“Na crush ka niya noon,” aniya at tumawa ulit.
Hindi ako nadala sa sinabi ni Lolo M. Sa halip sinamaan ko lang ng tingin si Alesssandro na seryoso ng nakatitig sa akin ngayon. Oh ano na naman? Galit na naman ba ang babaerong ‘yan?
Nang isinerve ang mga pagkain ay hindi natigil sila Lolo at Lolo M sa pagsasalita. Kumain na lang ako habang patuloy sila sa pag-ungkat sa past naming dalawa ni Alessandro na puros naman bangayan.
Hiniwa ko na lang ang steak ko at sinnubo.
“Alam mo kasi hija, okay na din ‘yong nagkamabutihan kayo ng apo ko dahil ikakasal na naman kayo sa susunod.”
Nabilaukan ako sa aking narinig.
Ininom ko ang tubig na agad binigay ni Alessandro sa akin. Nilingon ko si Lolo M sa reaksyong nagulantang at naguguluhan.
“Kasal?!”
Naglakad ako palabas ng Bamboo Garden sa ilalim ng tirik na araw. Hindi na ako lumingon sa aking likuran upang tignan lang pabalik si Alessandro. Bahala na nga siya jan. Naiinis na ako dito. Hindi ko alam kung bakit umiinit ang ulo ko sa kaniya dahil sa ginawa niya. Isabay pa itong panahon na walang katapusang init.Mabuti nalang paglampas ko ng gate ay may pararating na na isang taxi cab kaya agad akong nag para. Ngunit bago pa man ito makahinto nang tuluyan sa harapan ko ay isang kotse ang pumaharurot ang daan palabas mula sa bamboo garden. Muntik na akong matumba dahil sa gulat!Dumaan lang naman sa aking harapan na animo'y isang sports car. Nilupad nito ang aking mga buhok at salo ko lahat ang paglanghap ko sa usok na niluwa mula sa exhaust pipe ng sasakyan niya. Malutong akong napamura sa sarili.What the hell? Sino ang walang hiyang bobong 'yon?Pagkatapos kong pagpaypayin ang sarili mula sa mga usok, galit akong napabaling sa sasakyan na unti-unti ng lumalayo sa akin. Isang
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Naabutan ko siyang seryoso pa rin ang mga matang nakatitig sa akin. Siya ang unang napabuga ng hangin at nagsalita na tila talunan sa patagalan ng titig naming dalawa. "Her name was Talliana Tallington, daughter of the Tallington Corp," aniya at humalukipkip. Tumango ako sa sinabi niya. Tallington Corp. huh? I've never heard he's close with the Tallington's. Sa dalawang taon kong paninilbihan sa kaniya bilang isang sekretarya, ngayon ko lang alam na magkasosyo sila ng Tallington Corp. He even knew the daughter.What a coincidence it is, huh? "Your turn, who called you?" tanong niya, habang naka-ukit ang kurba sa mga kilay niya."Friend," simple kong sagot. Alam kong hindi siya naging kuntento sa sinabi ko dahil mas lalo lamang kumunot ang noo niya."Friend who?""None of your business," sabi ko at tumayo. "I'm done eating." Dugtong ko sa pahayag kahit kaka start ko lang kumain kanina. Nagtiim bagang siya sa biglaang inasta ko pero hindi ko siya pi
"Saan tayo pupunta?" Ako na ang pumutol sa katahimikang namayani sa loob ng kotse kahit naiinis ako sa kaniya. Ilang minuto na rin kasi siyang nagmamaneho at iilang restaurant na rin ang nadaanan namin. Malapit pa naman ang area ng La Monte Group sa mga kainan at hotels kaya maraming mapipilian agad agad kapag lalabas ng building.Pero ang gung-gong na ito, dinadaanan niya lamang ang lahat na akala mo nagsawa na siya sa mga 'yan. Akala mo talaga ni minsan ay naka-apak na siya sa bawat kainang nandito."Where are we going?" Tanong ko ulit dahil hindi niya sinagot ang una kong tanong.Maikli niya lamang akong pinasadahan ng tingin bago tumugon. "Secret. Surprise nga hindi ba?"Napa-irap ako. Huwag niyang sabihin na totohanin niya talaga ang lahat ng kasinungalingang sinabi niya kanina sa mga chairman? Surprise, my ass! Pinaglalaruan niya lang talaga ako."Pwede ba? Hindi ako nagbibiro dito.""What? Me neither," aniya at nagfocus lamang sa pagmamaneho. Pinagsingkitan ko siya ng mata. "
Mabuti nalang paglabas naming dalawa, wala na dun ang mga executives ng La Monte group na buntot na buntot sa dalawang chairman kanina. Dumiretso si Alessandro sa private elevator at nang magbukas ito ay agad siyang pumasok habang hila-hila pa rin niya ang kamay ko. Nang tuluyan kaming dalawa makapasok ay agad ko ng binawi mula sa kaniya ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin. Tsk!"Wala na ang mga matatanda dito," agaran kong sabi. Inunahan ko na siya bago pa pumutok ulit ang bibig niya at magreklamo.Tinitigan niya lamang ako at at bumuntong hininga habang umiiling dahil sa inasta ko."Felicia Sanuevoz, this is why up until now you're still single. You should consider dating nang sa ganoon ay may alam ka sa mga simpleng bagay kagaya ng simpleng paghawak kamay," aniya.I scoffed sarcastically. Umirap ako dahil sa sinabi niya. Ano na namang pake niya sa relationship status ko sa buhay? Like as if makakarelate siya sa akin eh sa dami ng babae niya, napaka insensitive niya sa lahat
"Felicia Sanuevoz, bakit mo ako binabaan ng tawag—!"Natigil siya at napakurap nang makita ang dalawang matandang naka-upo sa couch. Mabilis niya akong pinasadahan ng tingin bago bumalik sa dalawang chairman at agad itinikom ang bibig na naiwang nakaawang sa ere.Tumikhim ito. "Mr. Chairman...Mr. Sanuevoz," bati niya at binigyan ako ng tinging nagtatanong kung bakit naparito ang dalawa. Nagkibit balikat lamang ako sa kaniya. Aba malay ko, hindi ko alam kung ano na namang binabalak ng dalawang 'yan. "Quit the formalities, apo. We're here to talk about our personal matter," sabi ni Lolo M saka sumenyas sa upuan.Tumango lamang si Alessandro at tumabi ng upo sa akin. Magkaharap na kaming dalawa sa mga chairman ngayon.Nang maka-upo si Alessandro sa tabi ko, matalim kaming tinitigan ng dalawang matanda kaya hindi ko mapigilan ang mailang. Pinagsingkitan kami ng mata ni Lolo na tila may pagdududa siya sa isipan.Napalunok na lamang ako dahil sa tingin niya. What if alam nilang nagsinungal
Naiwan ako sa office niya na matamang nakasimangot dahil sa naging suggestions niya sa akin. Kahit kailan talaga pala desisyon siya sa buhay ko eh! Ayaw ko ngang umuwi bahala siya jan.Napabuntong hininga na lamang ako at saka padabog na lumabas ng opisina niya. Ngunit agad din akong napahinto sa gulat dahil bumungad sa akin ang dalawang chairmen kasama ang mga secretary nila. Sa likod ay nakasunod pa ang iilang mga major shareholders.Napakurap ako at hindi makapagsalita."A-Ah...uhm...good morning, again Mr. Sanuevoz and Mr. Chairman," bati ko sa awkward na tono ng aking boses. Bahagya lamang akong ngumiti sa kanilang dalawa. Tahimik ko silang sinasabihan gamit ang mga mata na makisakay nalang din sa trip ko.However, my Lolo couldn't stop chuckling from my reaction.Seriously, Lo! Pinandilatan ko siya nang mata. Lolo naman, eh! Anong pinaplano mo jan! Bahagya na lang ding napatawa ang chairman ng La Monte na si Lolo M dahil sa naging reaksyon ko."What a rude behavior." Binali