Share

Marriage Life With My Innocent Secretary
Marriage Life With My Innocent Secretary
Author: Aking Paraluman

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-07-25 18:32:16

Nakasimangot ako habang naglalakad sa hallway ng La Monte building patungong office ng CEO. 6:30 na ng gabi at lagpas na sa duty hours ko nang pinatawag ako ng boss ko sa ‘di ko malamang dahilan. Nakauwi na ako sa condo kanina, mabuti na lamang ay hindi pa ako nakapagbihis kaya nang agaran niya  

akong pinapunta dito ay dumiretso na ako. Rush hour pa naman ngayon. Hanggang 5:30 lamang dapat ang duty ko pero dahil siya ang boss, siya pa rin ang masusunod.

May usapan pa naman kami ng lolo ko ngayon at sabay daw kaming mag dinner. Mukhang ma la-late na naman ako. Hays.

Pagkarating ko sa pinto ng office niya ay huminga muna ako nang malalim nang sa ganoon ay mawala ang pagkakunot sa kilay kong kitang-kita ang pagka-inis. Inayos ko muna ang makapal kong salamin bago tumikhim at kumatok.

“Sir, this is Felicia. Pinatawag niyo po ako dito, sir.”

Naghintay ako ng sagot mga ilang minuto ngunit wala akong narinig. Napakunot na lamang ang noo ko.

Wala bang tao dito? Bakit niya ba ako pinapunta sa opisina niya kung wala siya dito?

Kumatok ako ulit at saka pinihit ang doorknob. Hinay-hinay kong binuksan ang pinto ng office niya at nagulantang sa narinig at naabutan ko.

Hubad na babae na may tape sa bibig ay nasa loob ng opisina ng boss ko. Naka tuwad ito at binabayo ng lalaking kilala ko, si sir Alessandro.

Para akong nabuhusan ng tubig dahil sa nakita ko. Sa tanang buhay po, ngayon lamang nabahiran ang pagka-inosente ko. Ni kahit kiss sa isang lalaki ay hindi ko nagawa, tapos makasaksi ako ng live dito.

 Ganun na lang din ang pagkagulat ng boss ko nang makita niya akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

“Felicia,” tawag niya sa akin.

Late na ang pagtakip ko sa aking mata dahil nakita ko ang haba at laki ng dinadala niya nang hinugot niya ito mula sa babae. Napasinghap ako sa kahihiyan. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko kaya agad tumalikod.

Tumatak sa isip ko ang nakita, lalo na ang malaki at mahabang sandata niya. Dios ko ano ba ‘yon. Paano ba nakaya ng babaeng ‘yon ang ganun kalaki. Kaya siguro nilagyan siya ng tape sa bibig para hindi siya makasigaw. Nagsitayuan tuloy ang mga balahibo ko.

“You can go.” Agad akong tumango sa sinabi ni sir Alessandro kahit hindi ako naka harap sa kaniya. Pinapaalis niya ako para matuloy nila ang naudlot na mainit nilang aktibidad.

“Y-Yes sir,” sabi ko sa nauutal na boses at akmang aalis na.

“Not you, Felicia. You stay.”

“Sir?!” Gulantang akong napabaling sa kaniya, mabuti na lang ay nakasuot na siya ng pantalon.

Hindi niya ako sinagot habang inaayos niya ang sinturon niya sa pantalon. Isa-isang kinuha ng babae kanina ang damit niya at naglakad palabas. Kumindat muna ito sa akin bago isinirado ang pinto kaya bigla akong nakaramdam ng kaba.

Nilingon ko ang boss kong naka-upo na sa sofa ngayon.

“Upo ka.” Turo niya sa harap ng sofa na inuupuan niya.

Nag-alinlangan pa ako at napabuga na lang ng hangin. Bakit ba ako bumalik dito. Bahagya akong napapikit at hinay-hinay na lumapit sa kaniya at umupo sa kaniyang harap. Napakagat lamang ako sa aking pang-ibabang labi nang tuluyan akong naka-upo sa sofa. Naghintay ako sa kaniyang sasabihin.

Napatingin ako sa zipper ng pants niya na hindi nakasara. Nakalimutan niya atang i-zip dahil sa pagmamadali. Napatikhim na lamang ako at umiwas ng tingin.

“Hubarin mo ang suot mo.”

Nanlaki ang mata kong napatingin sa kaniya.

“Ha? S-Sir ano pong ibig niyong sabihi-” Tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang dalawang braso nang bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.

Teka teka teka anong ginagawa niya?

Tuluyan akong napapikit nang makalapit siya sa akin. Nang marinig ko ang bahagya niyang tawa ay binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang mapaglaro niyang ngiti na nasisiyahang inisin ako. Tumikhim ito bago naging seryoso.

Inabot niya sa akin ang isang paperbag. “Magbihis ka,” aniya.

Para akong nabunutan ng tinik at nakahinga nang maluwag sa sinabi niya. Akala ko ano na. “Po? Bakit po-”

 “Tsk. Huwag ka nang magtanong. Oh baka gusto mong maghubad at gawin natin yung ginawa ko kan-”

Agad kong hinablot ang paperbag mula sa kamay niya. “Ay hehe oo nga po sir magbibihis na hindi na magtatanong.” Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at nagpunta agad ako sa comfort room ng office niya upang magbihis. Muntik na ako dun.

Isang white dress na hanggang tuhod lang ang haba nito sa akin. May heels na rin na kulay puti kaya isinuot ko ito. Kinuhaan ko na lamang ng tali ang buhok ko at naglagay ng kaunting lipstick bago lumabas. Nang makalabas ako ay naabutan ko si sir Alessandro na tinutupi ang long sleeve niyang puti hanngang siko. Nagtagpo ang mga mata namin kaya ako ang agad na umiwas.

Tumikhim ako. “Saan po tayo pupunta ngayon sir? May event po ba ang isa sa mga client natin?” Curious kong tanong. Sa pagkaka-alam ko wala naman akong na receive na heads-up o ‘di kaya ay invitation letter ng isang event. Kakabirthday lang din naman ng Chairman nitong nakaraang buwan, kaya hindi ko alam anong event ang dadalohan namin ngayon.

“Huwag ka ngang maraming tanong. Ako mismo magpapatahimik sa’yo kung ‘di ka tumahimik jan,” sabi niya sa masungit na boses.

“Eh kasi po sir wala akong na receive na invitation ng event. Baka nagkamali lang po kayo,” depensa ko. Dahil totoo naman eh, wala akong natanggap. Minsan pa naman siyang nagkamali noon tapos ako ang pinagalitan sa huli tsk.

Nanlaki ang mata ko nang hinawakan niya ako sa pisngi at lumapit sa aking mukha. “Isang tanong mo pa, hahalikan kita.” Naramdaman ko ang mainit niyang hining sa mukha ko dahil sa ginawa niya. Napakurap ako wala sa oras dahil sa gulat.

Napalunok ako at dahan-dahang tumango.

Nang lumayo siya at naglakad palabas ay para akong hinila ng sahig. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko feeling ko sasabog na ako. Napa-upo ako sa sofa nang mawalan ng lakas ang tuhod ko.

“Self kumalma ka, huwag kang paapekto sa babaerong ‘yon,” sabi ko sa sarili habang hawak-hawak ang dibdib kong naghuhurumentado.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 23

    Naglakad ako palabas ng Bamboo Garden sa ilalim ng tirik na araw. Hindi na ako lumingon sa aking likuran upang tignan lang pabalik si Alessandro. Bahala na nga siya jan. Naiinis na ako dito. Hindi ko alam kung bakit umiinit ang ulo ko sa kaniya dahil sa ginawa niya. Isabay pa itong panahon na walang katapusang init.Mabuti nalang paglampas ko ng gate ay may pararating na na isang taxi cab kaya agad akong nag para. Ngunit bago pa man ito makahinto nang tuluyan sa harapan ko ay isang kotse ang pumaharurot ang daan palabas mula sa bamboo garden. Muntik na akong matumba dahil sa gulat!Dumaan lang naman sa aking harapan na animo'y isang sports car. Nilupad nito ang aking mga buhok at salo ko lahat ang paglanghap ko sa usok na niluwa mula sa exhaust pipe ng sasakyan niya. Malutong akong napamura sa sarili.What the hell? Sino ang walang hiyang bobong 'yon?Pagkatapos kong pagpaypayin ang sarili mula sa mga usok, galit akong napabaling sa sasakyan na unti-unti ng lumalayo sa akin. Isang

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 22

    Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Naabutan ko siyang seryoso pa rin ang mga matang nakatitig sa akin. Siya ang unang napabuga ng hangin at nagsalita na tila talunan sa patagalan ng titig naming dalawa. "Her name was Talliana Tallington, daughter of the Tallington Corp," aniya at humalukipkip. Tumango ako sa sinabi niya. Tallington Corp. huh? I've never heard he's close with the Tallington's. Sa dalawang taon kong paninilbihan sa kaniya bilang isang sekretarya, ngayon ko lang alam na magkasosyo sila ng Tallington Corp. He even knew the daughter.What a coincidence it is, huh? "Your turn, who called you?" tanong niya, habang naka-ukit ang kurba sa mga kilay niya."Friend," simple kong sagot. Alam kong hindi siya naging kuntento sa sinabi ko dahil mas lalo lamang kumunot ang noo niya."Friend who?""None of your business," sabi ko at tumayo. "I'm done eating." Dugtong ko sa pahayag kahit kaka start ko lang kumain kanina. Nagtiim bagang siya sa biglaang inasta ko pero hindi ko siya pi

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 21

    "Saan tayo pupunta?" Ako na ang pumutol sa katahimikang namayani sa loob ng kotse kahit naiinis ako sa kaniya. Ilang minuto na rin kasi siyang nagmamaneho at iilang restaurant na rin ang nadaanan namin. Malapit pa naman ang area ng La Monte Group sa mga kainan at hotels kaya maraming mapipilian agad agad kapag lalabas ng building.Pero ang gung-gong na ito, dinadaanan niya lamang ang lahat na akala mo nagsawa na siya sa mga 'yan. Akala mo talaga ni minsan ay naka-apak na siya sa bawat kainang nandito."Where are we going?" Tanong ko ulit dahil hindi niya sinagot ang una kong tanong.Maikli niya lamang akong pinasadahan ng tingin bago tumugon. "Secret. Surprise nga hindi ba?"Napa-irap ako. Huwag niyang sabihin na totohanin niya talaga ang lahat ng kasinungalingang sinabi niya kanina sa mga chairman? Surprise, my ass! Pinaglalaruan niya lang talaga ako."Pwede ba? Hindi ako nagbibiro dito.""What? Me neither," aniya at nagfocus lamang sa pagmamaneho. Pinagsingkitan ko siya ng mata. "

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 20

    Mabuti nalang paglabas naming dalawa, wala na dun ang mga executives ng La Monte group na buntot na buntot sa dalawang chairman kanina. Dumiretso si Alessandro sa private elevator at nang magbukas ito ay agad siyang pumasok habang hila-hila pa rin niya ang kamay ko. Nang tuluyan kaming dalawa makapasok ay agad ko ng binawi mula sa kaniya ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin. Tsk!"Wala na ang mga matatanda dito," agaran kong sabi. Inunahan ko na siya bago pa pumutok ulit ang bibig niya at magreklamo.Tinitigan niya lamang ako at at bumuntong hininga habang umiiling dahil sa inasta ko."Felicia Sanuevoz, this is why up until now you're still single. You should consider dating nang sa ganoon ay may alam ka sa mga simpleng bagay kagaya ng simpleng paghawak kamay," aniya.I scoffed sarcastically. Umirap ako dahil sa sinabi niya. Ano na namang pake niya sa relationship status ko sa buhay? Like as if makakarelate siya sa akin eh sa dami ng babae niya, napaka insensitive niya sa lahat

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 19

    "Felicia Sanuevoz, bakit mo ako binabaan ng tawag—!"Natigil siya at napakurap nang makita ang dalawang matandang naka-upo sa couch. Mabilis niya akong pinasadahan ng tingin bago bumalik sa dalawang chairman at agad itinikom ang bibig na naiwang nakaawang sa ere.Tumikhim ito. "Mr. Chairman...Mr. Sanuevoz," bati niya at binigyan ako ng tinging nagtatanong kung bakit naparito ang dalawa. Nagkibit balikat lamang ako sa kaniya. Aba malay ko, hindi ko alam kung ano na namang binabalak ng dalawang 'yan. "Quit the formalities, apo. We're here to talk about our personal matter," sabi ni Lolo M saka sumenyas sa upuan.Tumango lamang si Alessandro at tumabi ng upo sa akin. Magkaharap na kaming dalawa sa mga chairman ngayon.Nang maka-upo si Alessandro sa tabi ko, matalim kaming tinitigan ng dalawang matanda kaya hindi ko mapigilan ang mailang. Pinagsingkitan kami ng mata ni Lolo na tila may pagdududa siya sa isipan.Napalunok na lamang ako dahil sa tingin niya. What if alam nilang nagsinungal

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 18

    Naiwan ako sa office niya na matamang nakasimangot dahil sa naging suggestions niya sa akin. Kahit kailan talaga pala desisyon siya sa buhay ko eh! Ayaw ko ngang umuwi bahala siya jan.Napabuntong hininga na lamang ako at saka padabog na lumabas ng opisina niya. Ngunit agad din akong napahinto sa gulat dahil bumungad sa akin ang dalawang chairmen kasama ang mga secretary nila. Sa likod ay nakasunod pa ang iilang mga major shareholders.Napakurap ako at hindi makapagsalita."A-Ah...uhm...good morning, again Mr. Sanuevoz and Mr. Chairman," bati ko sa awkward na tono ng aking boses. Bahagya lamang akong ngumiti sa kanilang dalawa. Tahimik ko silang sinasabihan gamit ang mga mata na makisakay nalang din sa trip ko.However, my Lolo couldn't stop chuckling from my reaction.Seriously, Lo! Pinandilatan ko siya nang mata. Lolo naman, eh! Anong pinaplano mo jan! Bahagya na lang ding napatawa ang chairman ng La Monte na si Lolo M dahil sa naging reaksyon ko."What a rude behavior." Binali

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status