Share

Chapter 9

last update Last Updated: 2025-08-02 20:31:59

Noong mga bata pa kami, nakakain siya ng cake na maraming almonds. Dahil doon, isang buwan din siyang nakahilata sa hospital. At sa isang buwan niya doon, maraming nangyari at nagbago sa buhay niya. Isa na don ang pagkamatay ng kaniyang Lola.

Sobrang iyak siya noon, pinagsisihan niya nang husto ang sarili dahil hindi niya man lang naka-usap ang lola sa mga huling sandali nito. Kaya ang pagka-ospital niyang 'yon ay siyang naging dahilan kung bakit nagkadevelop ang trauma niya sa allergies niya.

Bumuntong hininga na lamang ako at pinihit ang doorknob ng meeting room 1. Pagkapasok ko, naabutan ko siyang naka-upo sa unahan habang sinasapo ang noo niya. Nagbabasa ito ng iilang files na sa tingin ko ay kakailanganin sa meeting mamaya. Siya pa lamang ang nag-iisa sa hall at kahit narinig niyang may pumasok hindi na ito nag-abalang mag-angat ng tingin.

Umayos na lamang ako ng tayo at saka naghakbang palapit sa kaniya. Nang makalapit ako, inilapag ko ang water bottle na dinaanan ko kanina mul
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fressalie Rivera
next po plss
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 9

    Noong mga bata pa kami, nakakain siya ng cake na maraming almonds. Dahil doon, isang buwan din siyang nakahilata sa hospital. At sa isang buwan niya doon, maraming nangyari at nagbago sa buhay niya. Isa na don ang pagkamatay ng kaniyang Lola. Sobrang iyak siya noon, pinagsisihan niya nang husto ang sarili dahil hindi niya man lang naka-usap ang lola sa mga huling sandali nito. Kaya ang pagka-ospital niyang 'yon ay siyang naging dahilan kung bakit nagkadevelop ang trauma niya sa allergies niya.Bumuntong hininga na lamang ako at pinihit ang doorknob ng meeting room 1. Pagkapasok ko, naabutan ko siyang naka-upo sa unahan habang sinasapo ang noo niya. Nagbabasa ito ng iilang files na sa tingin ko ay kakailanganin sa meeting mamaya. Siya pa lamang ang nag-iisa sa hall at kahit narinig niyang may pumasok hindi na ito nag-abalang mag-angat ng tingin.Umayos na lamang ako ng tayo at saka naghakbang palapit sa kaniya. Nang makalapit ako, inilapag ko ang water bottle na dinaanan ko kanina mul

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 8

    Nagpunta ako sa isa sa mga pantry ng building. Dahil alas otso na, wala ng mga tao. Naging abala ang lahat dahil sa nalalapit na major meeting na inanunsyo ng chairman ng La Monte kaninang madaling araw. Bakit ba kasi nagmamadali yan sila Lolo M, pwede naman kasing ahead of time na siyang magsabi para hindi magmukhang kawawa itong mga staffs ni Alessandro. Araw-araw pa naman silang pinapahirapan ng mga head nila, idagdag pa ang mga directors at shempre ang CEO nilang halos araw-araw na rin nagdadala ng sakit sa ulo nila.Kumuha ako ng cup at saka nagpunta sa coffee machine. Nang malagyan ng kape ang baso ay agad ko na itong kinuha at binitbit patungong opisina ng boss. Hindi na ako nag-abala na lagyan ito ng creamer o 'di kaya sugar. Ganon naman talaga ang kape eh, mapait. Kagaya ng ugali ng babaerong 'yon.Kumatok ako sa pinto ng opisina niya bago pumasok at napahinto sa naabutan ko. Isang office staff ang naka-kandong kay Alessandro habang marahang gina-grind ang sariling puwet nito

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 7

    Agad kong binuksan ang pinto ng opisina niya at pumasok. Naabutan ko siyang naka-upo sa swivel chair niya habang may files na binabasa. Nag-angat siya ng tingin at nang makitang ako ang pumasok ay binitawan niya ang binabasa niyang papel at napabuntong hininga. Tumingin siya sa kaniyang relo bago magsalita."You're almost late," anito."I'm sorry Mr. La Monte it won't happen again," pormal kong sagot na siyang nagpataas ng kilay niya. Sumandal siya sa swivel chair niya na nakahalikipkip ang dalawang braso."Mr. La Monte? Are you still going to call me that? Magiging asawa na kita ah. Ano naman kaya ang itawag ko sa iyo? Misis La Monte?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad napalingon sa pinto ng opisina niya. Baka may makarinig! Agad kong inilock ang pinto at mabilis ang bawat hakbang palapit sa kaniya. Sumilay ang pilyo niyang ngiti sa labi dahil sa ginawa ko. "Huwag mo nga akong tawaging ganiyan baka may makarinig!" Turo ko sa kaniya na may halong iritasyon.Nagkibit balikat

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 6

    Kinabukasan nag-punta ako ng kompanya na may bitbit na mabigat sa aking loob. Parang mayroong bagaheng nakapatong sa dalawang balikat ko na naging dahilan ng bagal ko sa paglakad. Pagkatapos kong maihatid si Alessandro kagabi sa bahay niya, nagpahatid na rin ako ng driver niya patungong condo ko. Pagkatapos nun, magdamag akong gising dahil sa bilis ng pangyayari kagabi. Contract marriage. Madali lang sabihin at isipin pero ngayong naglalakad na ako patungong opisina ni Alessandro ay para akong iniipit sa pagitan ng langit at lupa. Ayoko muna siyang makita. Sa tingin ko kada oras ako bangungutin sa naging desisyon ko eh.Bumuntong hininga na lamang ako at pinasadahan ng tingin ang oras sa relo ko. 2 hours from now mayroong board meeting na magaganap. Pagkatapos ng anunsyo ng mga lolo namin kagabi, agad nagpatawag ng emergency meeting ang Chairman ng La Monte para sa new project nila sa China ng lolo ko.Dapat alas sais pa lang naghanda na ako bilang secretary ni Alessandro pero eto

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 5

    I went inside the room and saw my grandfather’s worried eyes met mine. Agad itong napatayo nang makita ako.“Apo.”Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko siya. Ganun din si Lolo M, nilingon ako at ang taong kasunod kong pumasok. Kita sa mga mata ng mga chairman ang pag-alala dahil sa biglaan kong paglayas kanina.Binigyan ko ng ngiti ang dalawang matanda bago humakbang palapit sa kanila. “Sorry po, urgent lang talaga yung pag-bathroom break ko,” pagsisinungaling ko sa kanila.Hinagod ko ng haplos ang kamay ng Lolo ko upang i-assure siya bago ako umupo sa tabi niya. Umupo na rin si Alessandro sa harapan ko. Kahit wala akong salamin ngayon dahil binato ko sa kaniya kanina, nakita ko pa rin ang titig niya sa akin.Si Lolo M ang unang tumikhim at bumasag sa katahimikan.“So…have you talk?” mahina lang ang boses niya, sinisguradong hindi na ako mabigla.Ngumiti ako kay Lolo M at tumango. “Pasenya na po kanina, Lolo M. Nag-away po kasi kami ni Alessandro kaya nabigla lang po talaga

  • Marriage Life With My Innocent Secretary    Chapter 4

    “Maikasal ka pa rin sa akin.” Umalingawngaw ang bawat salitang binitawan niya sa kaibuturan ng eardrums ko. Nagmukha akong kalahok sa isang patimpalak, dahil sa walang tigil na pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Napalunok ako at kinalma ang sarili habang nakatutok sa sariling repleksyon ng salamin. Sobrang bigat bigkasin ng salitang kasal. Para sa akin napaka banalniyang gawain, napaka sagrado na hindi dapat binabasta-basta lang. Kaya sa tuwing naririnig ko ito mula sa bibig ni Alessandro ay parang nabahiran ng maitim na tinta ang mala krystal na tubig, bigla na lang naging marungis. I sighed and looked at myself in the mirror with pity. Dahil totoo naman kasi ang sinabi niya eh, wala akong magawa kapag nakapagdesisyon na ang lolo. Bilang nag-iisang pamilya niya, ako lang ang may responsibilidad na sundin ang lahat niya para sa akin. Para rin naman sa kapakanan ng kompanya eh. Pero bakit ba kasi kompanya…kompanya nalang palagi. Paano naman ako? Noong sinabi niya na magtra

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status