HINDI NAGTAGAL ay dumating na ang mga pulis kasama ng lawyer ni Stefan dahilan para mabilis na mapatayo si Stefan sa kanyang pagkakaupo.
“What took you so long?” bungad na tanong ni Stefan sa kanyang lawyer na si Ruru Francisco.
“I apologize if I kept you waiting, Sir, but I just want to make sure that the police move quickly after I request a warrant to arrest Mrs. Salvatore,” paliwanag ni Ruru.
“Stop addressing her as Mrs. Salvatore. She isn't even definitely worthy of it!” mariing saad ni Stefan na ibinaling ang tingin sa nurse station kung saan nakikipag-usap ang mga pulis.
“My apologies, Sir,” muling paghingi ng tawad ni Ruru kay Stefan.
Hindi pinansin ni Stefan ang paghingi ng despensa ni Ruru dahil ang buo nitong atensyon ay nasa mga pulis. Matapos ang ilang saglit pa na pakikipag-usap sa head nurse ay saka ito naglakad patungo sa kinatatayuan nina Stefan at Ruru.
“Magandang hapon,
TULAD ng sinabi ng mga pulis ay dinala si Eunice sa presinto para magsagawa ng imbestigasyon.“Uminom ka muna ng tubig,” sabi ng imbestigador kay Eunice sabay abot ng isang basong tubig sa kanya ngunit tinignan lang ito ni Eunice at hindi ginalaw.“Huwag kang mag-alala wala ‘yan lason. Gusto lang kita pakalmahin bago ko simulan ang imbestigasyon,” wika ng imbestigador.Tinignan ni Eunice ang imbestigador at nakita niya ang maamong mukha nito.“Sige na inumin mo na ‘yan. Kanina ka pa umiiyak. Makakasama sa ‘yo lalong-lalo na sa bata ang maubusan ng tubig sa katawan,” saad nito.At dahil sa ayaw ni Eunice na may mangyaring masama sa kanyang anak ay kinuha niya ang basong may lamang tubig saka uminom nang dahan-dahan. Pinagmasdan lang siya ng imbestigador habang siya’y umiinom hanggang sa siya’y matapos. Naupo naman ang imbestigador sa kanyang harapan at saka nagsimulang bulatlatin ang
Nabalot nang matinding tensyon ang buong interrogation room sa ginawang pagbulyaw ni Lemuel kay Eunice.“Maniwala po kayo, hindi ko magagawang patayin si Lola Divina at wala akong planong—”Hindi natuloy ni Eunice ang kanyang sasabihin nang hampasin ni Lemuel ang mesa nang pagkalakas.“Sinabi ko na sa ‘yo, Mrs. Salvatore, hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Ang kailangan ko ay sagot sa tanong ko. Hindi mo ba ako naiintindihan?” bulyaw ni Lemuel kay Eunice dahilan para matigalgal ang dalaga sa kanyang pagkakaupo at matakot.Gusto na ni Eunice umiyak nang sandaling iyon dahil sa takot na kanyang nararamdaman ngunit pinilit niyang pigilan ang kanyang sarili at ikinuyom nang mahigpit ang kanyang mga kamay.“Eunice, kailangan mong magpakatatag. Hindi ikaw ang pumatay kay Lola Divina. Malinis ang konsensya mo at iyon ang dapat mong patunayan,” saad niya sa kanyang isipan na pilit nilalakasan ang lo
“HINDI ko magagawang pumatay!” mariing saad ni Eunice na hindi na nagawang pigilan ang kanyang emosyon at tuluyan na siyang sumabog.“Mrs. Salvatore, ipagkakailala mo pa rin ba ang krimen na ginawa mo? Hindi mo pa ba nakikita na ayan na ang ebidensya sa harapan mo! Hindi pa ba sapat ang video na ‘yan para umamin ka sa kasalanang ginawa mo?” sigaw ni Lemuel kay Eunice.Paulit-ulit na umiling si Eunice nang sandaling iyon. “Hindi! Hindi ko tatanggapin ang akusasyon na ito!” mariing saad ng dalaga habang patuloy sa pag-iling. “Hindi ko aakuin ang kasalanang hindi ko ginawa! Hindi ako mamamatay tao!”“Pilit mo mang itanggi, ipagkaila at depensahan ang sarili mo, hindi na mababago ang katotohanang ikaw ang pumatay kay Divina Salvatore! Bakit hindi mo na lang aminin ang nagawa mong kasalanan?” mariing tanong ni Lemuel habang pinagtataasan ng boses si Eunice.“Wala nga akong kasalanan! Bakit
NAPATINGIN si Lemuel kay Ruru kung saan bigyan ito nang tingin na nakikiusap na pagbigyan si Stefan. Napahugot na lamang nang malalim na paghinga ang imbestigador saka naupo sa tabi ni Stefan at ibinaling ang tingin sa binata.“Kapag ginulo mo pang muli ang imbestigasyon na ito, hindi ako magdadalawang isip na ipadampot ka sa mga katrabaho ko at ipasok sa kulungan, Mr. Salvatore. Nagkakaintindihan ba tayo?” babalang saad ni Lemuel kay Stefan.Ngunit hindi umimik si Stefan at nanatiling nakatanim ang mga galit na tingin nito kay Eunice. Napabuntong-hininga na lamang si Lemuel nang malalim habang napapailing at ibinaling na lamang ang tingin kay Eunice.“Mrs. Salvatore—”“She’s not my wife so don’t call her Mrs. Salvatore. I don’t have a wife who is a murderer,” mariing saad ni Stefan.Hindi pinansin ni Lemuel si Stefan at pilit na itinuon ang kanyang pansin kay Eunice na ngayon ay nanatilin
NAPATIIM-BAGANG si Stefan nang sandaling iyon at hindi nagawang makapagsalita. May punto ang sinabi ng imbestigador sa sinabi nito dahilan para mahimasmasan siya sa kanyang pagiging emosyonal na ipinakita kani-kanina lang.Lumipas ang ilang saglit at nabalot nang kakaibang tensyon ang buong investigation room kaya nagsalita si Lemuel para alisin ang tensyong iyon.“Ngayon na sa tingin ko ay kumalma ka na sa tingin ko handa ka na ba makipag-cooperate,” saad ni Lemuel. “Oo lang o hindi ang sagot, Mr. Salvatore. Bumisita si Astolfo at Gretta sa biktima simula nang maisugod ito sa ospital?” pagtatanong muli ng imbestigador.“No,” maikling tugon ni Stefan.Nang marinig ni Lemuel ang kumpirmasyon ni Stefan ay ibinaling nito ang tingin kay Eunice.“Mrs. Salvatore, sabihin na nating pumunta nga sina Astolfo at Gretta sa ospital nang sandaling iyon, nagkaroon ba sila ng pag-uusap ng biktima habang nasa loob ka ng k&
HINDI NAKAPAGSALITA si Eunice nang sandaling iyon, kitang-kita niya ang matinding galit at sakit sa mga mata nito. Hindi niya ito masisisi kung ganoon ang nararamdaman nito lalo na sa sakit na pinagdaanan nito simula ng mawala ang mga magulang at kapatid nito—at ngayong ang kanyang Lola.Napayuko si Eunice. “Alam kong galit at nalulungkot ka ngayon at hindi matatago na kinamumuhian mo ako pero—” Inangat ng dalaga ang kanyang ulo para magtagpo ang kanilang mga mat ani Stefan— “hindi ko magagawa ang ipinaparatang mo sa akin tungkol sa pagkamatay ni Lola Divina. Hinding-hindi ko magagawa na patayin siya lalo na sa laki ng tulong na nagawa niya para sa amin ni Nanay Lucia. Magiging isang malaking utang na loob ko ‘yon sa kanya,” sinserong saad ng dalaga.Hindi umimik si Stefan at tinignan lang si Eunice ngunit makalipas ang ilang saglit ay saka ito nagsalita.“How can I ever believe you when you're the one who's
HINDI tumigil sa kakaiyak si Eunice nang sandaling makita niya ang kanyang ina.“Ina, wala akong kasalanan,” humahagulgol na wika ni Eunice. “Maniwala po kayo sa akin. Hindi ko po magagawang patayin si Lola Divina.”“Alam ko ‘yon, anak. Wala kang kasalanan kaya tahan na,” pag-aalong saad ni Lucia sa kanyang anak habang pinupunasan ang mga luhang lumalandas sa pisngi ni Eunice.“Pero, ina, walang gustong maniwala sa akin. Kahit si Stefan ayaw ding maniwala sa akin,” saad ni Eunice sa pagitan ng kanyang paghagulgol.“Shh… nabigla lang si Stefan sa nangyari kay Doña Divina kaya siya nagkakaganito. Naguguluhan siya sa nangyayari at higit sa lahat hindi niya matanggap ang biglaang pagkawala ng nag-iisang pamilyang meron siya habang lumalaki siya. Kaya unawain mo na lamang siya, anak,” paliwanag ni Lucia sa kanyang anak.“Pero, ina—”Hindi nagawang ta
HINDI NAKAIMIK si Stefan at ibinaling ang kanyang tingin kay Eunice.“Maaaring tawagin mo siya sa kung anong gusto mo pero mananatili pa rin siyang inosente hangga’t hindi napapatunayan ng korte na siya ay may sala. Sa puntong mapatunayan na siya ay guilty doon pa lang siyang matatawag na isang kriminal.” Dagdag ni Lemuel.Napakuyom ng kanyang kamay si Stefan sa labis na pagkasiphayo.“I don't mean to intrude on your private life, Mr. Salvatore, but the person you're accusing of murder is still your wife and the mother of your child, so be sensitive to her feelings even if it's just a little,” wika ni Lemuel. “You're in a difficult situation right now, but that doesn't change the fact that you and your partner are married.”Matapos noon ay tinalikuran na ni Lemuel sina Stefan at Eunice.“Bakit, Stefan?” mahinang tanong ni Eunice dahilan para mapalingon si Stefan sa kanya. “Bakit hindi mo k