“ITO ba ang gusto mong mangyari, Eunice? Ito ba ang rason kaya pinili mo ang lalaking iyon? Ito ba?”
Umalingawngaw sa tainga ni Eunice ang mabibigat na katanungan ni Iñigo nang sandaling iyon.
“Ito na ba talaga ang gusto mo mangyari sa buhay mo, Eunice?” mariing tanong ni Iñigo na may labis na pagkasiphayo. “Sinisira mo ang buhay mo nang dahil sa walang pakialam na lalaking iyon!” gigil nitong dagdag lalo na nang maalala nito ang mga sinabi nito sa kanya kanina na nagkaharap sila idagdagda pa nito ang ginawang pagkulong kay Eunice sa madilim na k’wartong iyon.
“Iñigo, buo na ang desisyon ko at hindi ko na ‘yon magagawang baguhin pa. Nilinaw ko na ang lahat ng ito sa ‘yo noon, ‘di ba?” tugon ni Eunice sa mahina nitong boses.
Napakuyom ng kamay si Iñigo sa labis na pagkasiphayo at panggigigil ngunit pilit niya pa rin na kinontrol ang kanyang emosyon dahil aya
KATATAPOS lang ng libing ni Doña Divina nang makatanggap si Stefan ng tawag galling sa hindi niya kilalang numero.“Who is this calling?” kunot noong tanong ni Stefan sa kanyang sarili habang tinitignan ang numero sa kanyang cellphone.Noong una ay nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin niya ba ito ngunit sa huli ay napagpasyahan niyang sagutin at baka emergency.“Who’s this?” bungad na tanong ni Stefan matapos niyang sagutin ang tawag.“This is SL Hospital. Are you Mr. Stefan Salvatore?” tanong ng babaeng nasa kabilang linya.Mas lalong napakunot ng noo si Stefan nang marinig niya ang salitang ospital. “Yes, why?”“I apologize for the unexpected phone call, but I just wanted to let you know that your wife, Eunice Salvatore, was admitted to our hospital this afternoon. She was unconscious when she was brought here due to shock, and she, along with your baby, i
HABANG naglalakad si Stefan ay hindi magawang maiwasan ng kanyang isipan na maalala ang sinabi ni Iñigo sa kanya kanina.“Pinili ka ni Eunice dahil nag-aalala siya sa ‘yo. Natatakot na maiwan ka mag-isa.”“Pinili niya ang maging miserable sa piling mo dahil sa iniisip niya ang magiging kalagayan mo samantalang ikaw iniisip mo kung paano mo gagawing miserable ang buhay niya dahil sa pagkamatay ng lola mo na pilit mong isinisisi sa kanya.”“Fuck! As if I'm supposed to believe him!” iritang saad ni Stefan sa kanyang sarili at nagpatuloy sa kanyang paglalakad patungo sa nurse station.Nang makarating ay agad siyang nagtanong sa nurse na naroon. “Miss, I’m looking for Eunice Salvatore.”“Kaano-ano po kayo ng pasyente?” tanong ng nurse.Bigla namang napakunot ng noo si Stefan dahil sa pagtanong na ginawa ng nurse sa kanya.“Isn’t it
“No!” sigaw ng isipan ni Stefan sa kanya dahilan para makakawala ito sa kanyang isipang kumakain sa kanyang huwisyo. Nagulat naman si Eunice sa ginawa ni Stefan na biglaang pagtabi sa kanya nito. “Stefan?” “Don’t touch me!” mariing saad ni Stefan na bakas ang pagkadisgusto sa mukha nito. Biglang nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib si Eunice dahil sa biglang pagsigaw sa kanya ni Stefan nang sandaling iyon. “Sorry…” mahina niyang saad sabay yuko para itago ang nasasaktan niyang damdamin. Pumalatak si Stefan at nag-isang matalim na tingin ang kanyang ibinigay kay Eunice. “Stop calling my name using your filthy mouth!” mariin nitong saad at matapos noon ay tinalikuran na ni Stefan ang kanyang asawa at tuluyang nagpunta ng nurse station para ayusin ang discharge order nito. Walang ginawa si Eunice kung ‘di pagmasdan ang imahe ng kanyang asawa naglalakad papalayo sa kanya. “Tuluyan na ba talagang nagbago ang lahat para sa a
LUMIPAS ang araw ay mas lalong nag-iba ang ugali ni Stefan.“All of you are fired! I don’t need your fucking presence!” sigaw nito sa lahat ng kasambahay at manggagawa sa pamamahay ng mga Salvatore.Hindi naman tumutol ang mga kasambahay at manggagawa sa biglaang pagtatanggal sa kanila ng binata sa kanila dahil nais na rin naman nilang umalis. Hindi na nila magawang maatim ang pagbabagong nangyayari dito kaya mas minabuti na lamang na tanggapin ang kompensasyon na ibinigay sa kanila nito at umalis.Hindi na nila magawang maatim ang pag-uugali ni Stefan na labis na nagbago simula nang mawala si Doña Divina."Eunice, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Ito na ang pagkakataon mo para makakawala sa pagmamalupit niya sa 'yo," wika ni Olga kay Eunice."Tama si Ate Olga, Eunice. Bakit hindi mo na lang iwan si Sir Stefan tutal ang sinasaktan ka lang niya," sang-ayon ni Vicky sabay hawak sa dalawang kamay ng dalaga.Ngumiti si Eunice a
MATAPOS na maihatid ni Eunice ang kanyang ina at sina Vicky at Olga sa terminal ay bumalik siya sa mansyon ng mga Salvatore.Pinagmasdan ng dalaga ang kabuuan ng mansyon at kahit na handa na ang kanyang isipan sa maaaring mangyari ay hindi pa rin mawala sa kanyang katawan ang kaba sa sandaling makita siyang muli ni Stefan.“I don’t want to see your face anymore.”Nanariwa sa kanyang isipan ang malamig na awrang ipinakita ni Stefan sa kanya nang sandaling bitawan nito ang mga katagang iyon. Alam niyang labis ang pagkamuhi nito sa kanya pero kahit na anong pilit at kumbinsi sa kanya ng ibang tao na iwan niya na ang kanyang asawa ay hindi niya magawa. Dahil may parte ng kanyang puso ang nagsasabing kailangan siya nito, may nagsasabing kailangan niya tuparin ang ipinangako niya kay Doña Divina at may parte sa kanyang puso nagsasabing hindi niya kayang iwan si Stefan sa hindi niya malamang rason.Humugot nang malalim na paghin
WALANG ARAW na hindi umuwi nang lasing si Stefan matapos nang nailibing ang kanyang lola. Hindi pa rin nito matanggap ang lahat na nangyari at sa bawat na nagdaan sa tuwing nakikita niya si Eunice ay mas lumalalim ang kanyang galit dito. At sa tuwing nagagalit siya ay paulit-ulit niyang ipinapamukha rito ang kasalanan na ginawa nito at kung minsa’y dinadaan niya sa marahas na pakikipagtalik.“Eunice!” malakas na sigaw ni Stefan nang sandaling makapasok siya ng mansyon at tulad ng dati ay umuwi na naman ito ng lasing.“Eunice!” Muling sigaw ni Stefan na susuray-suray ang paglakad.Nang marinig ni Eunice ang boses ng kanyang asawa ay dali-dali itong naglakad papalapit kay Stefan.“Stefan,” mahinang usal ni Eunice na halatang kagagaling lang sa tulog.“What are you doing? Why aren’t you answering?” galit na tanong ni Stefan nang sandaling nasa kanyang harapan si Eunice na pupungas-pungas.Hindi alam ni Eunice ang kanyang magiging tugon dahil alam niyang anumang rason ang kanyang ibigay a
MATAPOS ang ilang oras na pang-aabuso ni Stefan sa katawan ng kanyang asawang si Eunice ay nakatulog na lamang ito bigla sa sofa.Nanliliit man sa kanyang sarili ay isa-isang dinampot ni Eunice ang kanyang damit at sinubukang itakip sa kanyang katawan kahit na ito’y punit-punit. Nang sandaling iyon habang pinagmamasdan niya ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog dahil sa kanyang kalasingan ay muling nanariwa sa kanyang isipan ang ginawa nito sa kanya sa mga araw na nagdaan. Hindi pa rin niya lubos na maisip na ang sinasapit niya ngayon ay magagawa sa kanya ni Stefan. Alam niyang may pagkamatigas ang ulo nito ngunit hindi niya aakalain na pagbubuhatan siya ng kamay nito.“Stefan…” mahina niyang usal sa pangalan nito. Kasunod noon ay ang pag-agos ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata. “Kailan mo ba ako magagawang pagkatiwalaan muli? Kailan mo magagawang maniwala sa akin?”Dahil sa hindi na makayanan ni Eunice ang kanyang pag-iyak at sakit na nararamdaman ay nagtungo siya sa maid’
HABANG abala sa pamimili si Eunice ay wala silang kalam-alam na pumuslit sina Astolfo at Greta sa bahay ng mag-asawa.“I really have nothing to say to you, Gretta! Ikaw lang talaga ang nag-iisang Gretta de Bunco!” pagpupuring saad ni Astolfo na manghang-mangha sa kanyang kapatid.“Kuya Astolfo, hindi ko makukuha ang pangalang ‘yan kung hindi ako magaling,” pagmamalaking tugon ni Gretta.“Woah!” manghang reaksyon ni Astolfo nang napapailing habang napapalakpak. “Ikaw na talaga.” At patuloy pa rin sa kanyang pagpalakpak.Ngumisi lang si Gretta bilang tugon. “Tara na sa loob bago pa makabalik ang babaeng basurang iyon.”“Let’s go!” masayang saad ni Astolfo.Mabilis na pumasok sa kabahayan ang magkapatid at dali-daling dumiretso sa dating k’warto ng kanilang kapatid na si Divina. Nang sandaling makapasok ang mga ito sa k’warto ay agad nilang iginala a