Accueil / Romance / Married At First Sight / Episode 4: Misfortune

Share

Episode 4: Misfortune

Auteur: monteevs
last update Dernière mise à jour: 2023-01-04 22:04:59

Nasa tabi niya lang ang dalaga na nagbibigay ng kapanatagan ng loob niya sa kabila ng hagupit ng bagyong kinatatakutan niya. 

"Huwag kang mag-alala dahil bukas ng umaga, mag-uusap tayo sa relasyon natin." Nagtagpo ang labi nila nang hindi sinasadya pero mabilis lamang niya itong ginawa.

"Huwag mo'kong lolokohin, ha, Benjamin?" Napasinok pa ang dalaga at lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. 

Nalasahan niya ang luha nito sa pisngi nang bigla niya itong kintalan ng halik kaya pinilit niya itong pakalmahin ang sarili. "Maria," inis niyang sita. "I told you, 'wag ka mag-isip ng hindi maganda. Magiging ok din ang lahat. Wait nating humupa ang bagyo at bukas, ime-meet ko ang parents mo. Happy?" 

"Happy?" ulit ng dalaga. "N-natatakot lang ako, baby, kasi kapag niloko mo'ko, baka—ano." Napabuntong-hininga ang dalaga, "Baka kulamin ka ni Nanay pero wala pa naman siyang napapatay sa kulam niya kasi parang hindi naman umeepekto sa taong kinukulam niya. Hay!" 

Malakas na halakhak niya ang pumaimbabaw dahil kuwela rin pala ito. Mas lalong nadagdagan ang pagkagusto niya rito. Bahala na ang bukas pero tiwala siyang isang ubod ganda na dalaga ang kanyang kasama ngayon. 

Isa siyang ultimate heartthrob na businessman na may dignidad na iniingatan pero walang makakaalam kung saan niya nakilala ang bagong nobya. Tutulungan niya ang dalaga na mag-improve para naman maging presentable ito sa harap ng publiko. Kailangan niyang mag-ingat sa reputasyon niyang iniingatan lalo na't konektado sa kawanggawa ang kanyang mga adhikain. He's a philanthropist. Scholarships, jobs and trainings; these are some of the benefits he offered to all qualified applicants. 

"Babe?" untag niya nang manahimik ang babae bigla. "A-ayos ka lang b-ba?" 

Ang hikbi ng babae kanina, naging hagikhik na ito ilang sandali pa. "Yes, my Benjamin. Masaya lang ako sobra dahil hulog ka ng langit ngayong gabi. Maipagmamalaki ko nang may nobyo na'ko. Hindi na'ko sapilitang ipapakasal ni Nanay sa matandang iyon." 

"Good then." Wala man siyang alam sa buhay nito, hinding-hindi ito magsisisi oras na malaman nito ang estado niya. "Siguradong magugustuhan ako ng pamilya mo, I assure you that." 

Nalagay siya sa malalim na pag-iisip pero sinupil niya ang mga negatibong pumapasok sa utak. Ngayon lang niya na-realize, parang hindi pa siya handa mag-asawa pero ok lang sa kanya ang pagkakaro'n ng girlfriend muna. Sumasabay ang kulog at kidlat sa salit-salitang pagsasalita nila. Siya; pilit niyang pinapangakuan ang babae at ang dalaga, tiwalang-tiwala ito sa mga pangako niya. Napapitlag siya nang ubod lakas na kumulog kaya natakot siya. 

"Maria." Niyakap niya nang ubod higpit ang dalaga. Nakaramdam na naman siya ng lamig kaya kailangan nilang umamot ng init sa isa't isa. "Y-yakapin mo'ko," may nginig sa boses niya nang kapain niya ang dalaga. 

Malaki ang pasasalamat niya nang makaramdam siya ng ginhawa nang sundin ito ng dalaga. Malaking bagay ang presensiya ng babae at sukdulan ang saya niya dahil nakatulong ito sa kanya. Kung siya lang sa lugar na ito, baka himatayin siya bigla sa sobrang takot niya. 

"Matulog na tayo, babe. Masyadong malamig sa labas kaya kailangang magtago tayo r-rito pansamantala." Naririnig pa niya ang huni ng hangin pero wala na siyang narinig sa babae. "M-Maria?" 

Ilang sandali lang, malakas na hilik nito ang sumasaliw sa tunog ng kulog sa labas. Napangiti siya hanggang hilahin na siyang muli ng antok niya pero bago niya pinikit ang mata, isang desisyon ang nabuo niya. 

"I think, I found my perfect match—" Napangiti siya sa naisip. Ang weird niyang makipag-date sa dilim pero masaya siya sa naging desisyon niya. "You will be my new girl para tantanan na'ko ng ibang humahabol sa'kin. Thanks, Maria, and don't worry—I'll spoil you, baby." 

Ginupo na sila ng antok dala na rin ng malamig na panahon. May ngiti sa labi niya nang tuluyan siyang hatakin ng antok niya. Samut-sari ang nararamdaman niya pero hindi na ito mahalaga. 

Kinaumagahan...

"Naku, sino kayang lalaki ang kasama ni Maria sa loob? Ang lupit niya, ha. Kaya pala hindi nakauwi dahil may tinatago rito. Masyadong pinag-alala ang magulang, 'yon pala may kababalaghan nang ginagawa. Naku, hindi bagay sa kanya ang pangalan niyang Maria." 

"Grabe! Ang sabi ng nanay niya, guwapong lalaki raw. Ang swerte naman ni Tabatsoy sa kanya. Baka kinulam 'yan ni Maria kaya pumatol sa kanya, 'di ba? Posible! Macho raw ang nobyo ni Maria at mukhang Amerikano." 

Parang may mga bubuyog siyang naririnig pero antok na antok pa rin siya. Kanina pa niya naririnig ang mga usapang iyon at ang isa, ang malakas na sigaw nito. 

"Gumising kayong dalawa!" 

Kahit tinatamad, pinilit niyang minulat ang mata pero nagulantang siya. May isang matanda na nandidilat pa ang mata at nakapameywang sa paanan nila. 

"Ikaw pala ang nagtanan sa anak ko? Sino ka at sa'n ka nanggaling?" galit na singhal nito sa mukha niya.

Napabalikwas agad siya ng bangon. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig dahil agad nagising ang natutulog niyang diwa. Napaupo siya pero muli na namang napahiga nang biglang dumantay sa tiyan niya ang malaking hita ng katabi. Nanlaki ang mata niya sa nakita. Isang matabang babae na naglalaway pa ang nakayakap sa kanya. Ang masaklap pa, halos triple ng laki niya ang size nito. Napamura siya bigla. Ito ba ang nagmamay-ari ng mala-Diyosang boses na iyon kagabi? 

"Oh, God" nagulat na hiyaw niya pero napaaray siya nang biglang hilahin ng matanda ang tainga niya. "Fuck, what is this? Ouch! W-who are you?" hiyaw niya sa katabing mataba pero tulog pa rin ito. Panay din ang salag niya sa kamay ng matandang pilit siyang hinahawakan.

"Maria, gumising ka!" hiyaw ng matanda sabay yugyog sa natutulog na dalaga matapos siyang tantanan. "Sino ang lalaking ito, ha?" Nanlisik ang mata nito nang muling tumingin sa kanya. "Huwag mong bigyan ng kahihiyan ang walang bahid dungis na karangalan natin. Bakit mo ito ginawa, Maria?" bulyaw ng matanda sa tulog na babae. 

Napaungol ang dalaga bago dahan-dahan nitong minulat ang mata. "Nanay?" Gulat na gulat ang dalaga nang mapagsino ito. 

"Tumayo ka!" bulyaw ng babae. "Nakakahiya dahil alam na ng lahat na may kasama kang lalaki rito sa loob. Nasa labas ang mga pinsan mo at tiyuhin kasama ang ilang kapitbahay natin."

"N-naku, b-bakit kasama mo ang mga kapitbahay nating tsismosa, Nanay?" Napatingin ito bigla sa kanya kasabay ng panlalaki ng mata nito. "Diyos ko, Benjamin, ikaw ba 'yan?" Agad napaupo nang tuwid ang dalaga. "Nanay, siya nga pala ang... ang n-nobyo ko." 

Excited na tumayo ito at hinila na lang siya bigla palabas. Mas lalo siyang napamura na ikinatingin ng lahat sa kanya. Nagulat siya sa kumpulan ng mga taong naghihintay sa labas ng kuweba. Wala siyang suot na pang-itaas dahil sa bilis ng pangyayari pero hindi nakaligtas sa mata niya ang nakangangang mga kababaihan nang makita siya. Hindi niya masikmurang sulyapan ang malaking pangangatawan ng nagngangalang Maria at ang sandamakmak nitong taba sa katawan, nakakaumay sobra. 

"Makinig kayo, ipinapakilala ko ang nobyo ko, si Benjamin." Biglang napalingon ang dalaga sa kanya nang magulat siya. Isang mahigpit na yakap ang ginawa nito sa kanya. "My Benjamin, ako 'to, si Maria. Diyos ko, hulog ka nga ng langit. Napakaguwapo mo pala talaga." 

"Hay naku, Maria," komento ng isang kapitbahay ng dalaga. "Akala mo naman bagay kayo pero swerte mo riyan sa diyowa mo, ha. Ang guwapo, Maria. Ang macho niya."

Biglang ngumiti sa kanya ang katabi kaya kita niya ang sungki-sungki nitong ngipin. Halos masuka siya nang maalala na kahalikan niya ito kagabi. Muli na naman siyang napamura nang maalala na sinagot siya nito kagabi kaya magnobyo na sila para rito. Bakit sunod-sunod ang kamalasan niya? Gusto niyang tumakbo pero hindi niya magawa dahil kung titingnan ang mukha ng mga taong kaharap, parang wala siyang kawala.

"S-sandali." Napatingin siya sa katabing babae nang bigla itong umabrisyete sa braso niya. "Nagkakamali ka, M-Maria," nautal niyang saad. Pasimple niyang winaslik ang kamay nito pero parang tuko kung makakapit ang matabang babae sa kanya. "W-wala ho kaming relasyon nitong si Maria." 

Isang hampas sa braso mula sa nanay ni Maria ang natanggap niya. Pinanlisikan siya nito ng mata bigla pero napailing lang siya para patunayang wala silang relasyon ng anak nito.

"N-nakita ko kayong magkayakap sa loob, ah," galit na hiyaw ng matanda. "M-may relasyon kayo kaya 'wag niyo nang itago. Buko na kayo!"

"S-sandali lamang," sigaw ng isang binatilyo sa nanay ni Maria. "Tatawagin ko ang buong taga-baryo para hindi makatakas ang lalaking ito, Lola." Kumaripas na ito ng takbo nang makitang hawak-hawak na siya ng lahat habang nagpupumiglas. 

"S-sandali!" hiyaw niya nang panay kurot ang gawin ng mga babae sa kanya. "Mag-usap tayo," saad niya sa matandang babae. "Mag-usap po tayo, Nanay." Pera. Ito lang ang katapat ng matanda para tantanan siya nito. "Magbabayad ako basta pakawalan niyo lang ako. Hindi ako tatakas." 

Hangga't maaari, gusto pa rin niyang magpakatao kahit pa ubod ng panget ang babaeng nakahalikan niya kagabi. Gusto niyang iuntog ang sarili sa malaking puno dahil sa frustration niya. Ito ang napapala niya sa pagiging Mr. Romantiko niya sa babae. Kahinaan niya sobra ang babae kaya heto, he had suffered a great deal of misfortune. Gusto niyang tumakbo pero papaano? Six footer ang tangkad niya at ang babaeng nakahalikan niya kagabi, hanggang balikat niya lang ito. Nagmukha itong unano kaya asar na asar siya. Walang dating ang inaakala niyang ganda nito dahil ubod ito ng panget sa paningin niya.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Married At First Sight   Episode 90: A Heart's Enchantment: The Ending

    Benjamin's POV Inis niyang tiningnan ang babae. Kitang-kita na ang umbok ng tiyan nito pero nagpapakipot pa rin ito. Ano bang problema nito? "Ilang buwan na lang, manganganak ka na, Maria, pero look at you, nag-aaral ka pa rin. Hindi ba pwedeng pagkatapos mong manganak saka ka bumalik sa school?" Kahit nakakapagod ang magpabalik-balik sa probinsya every week, tiniis niya ito para lang suyuin ang babae. "Kaya ko ang sarili ko," inis nitong sagot. "Gusto kong makapagtapos kahit pa buntis ako. Hindi mo'ko mapipigilan sa pangarap ko." "Pag-aaralin kita ng bachelor's degree after mong manganak." Isang short course ang kinuha ng babae sa bayan na under ng TESDA pero hindi niya ito ikinatuwa. Mas gusto niyang mag-focus muna ito sa baby nila at sa sarili nito para masiguro ang kaligtasan ng mag-ina niya. Sa bayan ito pansamantalang nakatira dahil sa kalagayan nito kasama ang mga magulang nito. Isang malaking apartment ang nirentahan niya para sa mga ito. Mabilis niyang nilabas ang bungko

  • Married At First Sight   Episode 89: It's Love

    Benjamin's POV Magdadalawang buwan na ang lumipas nang makabalik siya ng Manila. Updated naman siya ng mga tao niya sa proyektong naiwan sa isla. Umangat ang mukha niya nang tingnan ang kaharap. "I'm listening, Venice." Napangiti nang kimi ang babae nang salubungin nito ang tingin niya, "Gusto ko lang mag-sorry, Ben, at magpasalamat kaya ako nandito—at magpapaalam na rin syempre." Naluluha ito nang muling magsalita. "Sorry kasi pinilit kitang balikan ako kahit na niloko kita. Salamat kasi—tinulungan mo pa rin akong makapagsimula rito sa Manila." Napatango siya. Nagpapasalamat siyang nagiging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. "Sigurado ka na ba?" Tumango si Venice, "Oo, sapat na siguro ang dalawang buwan para makapag-isip ako nang maayos. Haharapin ko si Saeed para magkaro'n ng katahimikan ang isip ko. Pasensiya na." Nakatayo na ang babae nang hawakan niya ang kamay nito," I wish you all the best in life, Venice." Nang tumalikod ang babae at tuluyan nang naglaho sa lo

  • Married At First Sight   Episode 88: Second Thoughts

    Benjamin's POV "Wala ka bang balak umuwi?" Tanong niya nang lapitan siya ulit ng babae. "Give me some time, Venice. My priority is not our relationship right now." Hindi niya maintindihan kung bakit na lang siya biglang nanlamig dito. Inamin na kasi nito ang lahat; ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Saeed pero balak na itong bitawan ng babae. All this time, pinaniwala siya nitong single ito pero hindi na 'yon mahalaga sa ngayon. "I made it clear, right, Venice? I just want to ensure that there is no confusion between us. Hanggang dito na lang muna tayo. We're done, iyon ang gusto ko." "Yes," napabuntong-hiningang saad nito pero nagtangka itong yakapin siya na agad niyang pinigilan. "Nagkamali ako, Ben, I'm sorry at sadyang naguguluhan lang nang una dahil nga sa issue namin ni Denise pero sigurado na'ko na ikaw ang pipiliin ko. Yong pagsampal ko sa'yo kahapon, nabigla lang talaga ako."Napatingin siya sa paligid. May ilang katutubo ang nag-uusap at ang tatay ni Maria, kanina pa

  • Married At First Sight   Episode 87: Redirected

    Maria's POV Ang saya niya nang matapos ang pagpapa-DNA nina Jacob at ng mama ni Ben. Resulta na lang ang hihintayin nila para malaman kung talagang mag-ina ang dalawang ito. "If you think we're done, Maria, think again," anas ni Jacob nang mapadaan ito sa gawi niya. "Tinakbuhan mo'ko. Tinraydor mo'ko nang bawiin mo ang kasong inihabla mo kay Benjamin." Kumabog ang dibdib niya sa sinabi ng lalaki at para na siyang maiiyak nang tingnan ito, "J-Jacob, ayoko na ng gulo. B-baka nga kapatid mo pa si Ben, eh." Napatiim-bagang ang kaharap nang sabihin ito, "I don't think so." Saad nito. "Not that guy, I hate him." "J-Jacob?" tawag ng mama ni Ben nang makalabas ito mula sa isang cubicle kasama naman ang tita ng lalaki. Agad itong naglakad palapit sa kanila. "The result will be delivered to us in two to three weeks." Huminto ito nang tuluyang makalapit, "I just wanted to say thank you for helping out tonight. Although I'm eager to find out, I know in my heart that I'm right." Sa isang osp

  • Married At First Sight   Episode 86: In Manila

    Maria's POV Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya habang papasok na sa building ni Jacob ang sinasakyan nila. Sa tulong ng tiyahin nito, pumayag na humarap ang lalaki pero hindi pa nito alam na sila ang kakatagpuin nito. "Maria." Ginagap ng babae ang nanginginig niyang kamay nang tuluyang mag-park ang sinasakyan nila, ito ang tiyahin ni Jacob na nagpaanak sa mama ni Ben. "Relax, gusto ko nang itama ang lahat kaya nandito ako kahit pa nangako ako sa namatay kong kapatid na ibabaon ko sa hukay ang sekretong ito."Nakausap na siya ng mama ni Ben pati na ng babae ukol dito. Si Jacob ay anak ng mama ni Ben pero dahil nga sa pakikipagsabwatan ng daddy ni Jacob at ng babaeng ito, pinalabas na namatay ang bata para maitakas ang sanggol palayo sa ina nito. Dahil ang mama ni Ben ay kasal na kaya pinili nitong manatili sa asawa nang magtaksil ito. Handa namang tanggapin ng asawa nito ang anak sa labas ng babae pero iba ang plano ng kerido ng mga oras na iyon. Napuno ito ng galit dahil mas pi

  • Married At First Sight   Episode 85: Unknown Emotions

    Benjamin's POVParang bumabalik lang ang dating nangyari sa kanila nang nasa loob na sila ng kweba pero sa pagkakataong ito, pareho na nilang nakikita ang isa't isa sa tulong ng emergency light na nakabukas. Nakapikit siya habang hinahalikan ang babae na hindi kababakasan ng pagtutol."B-Ben," napasinghap na tawag nito.Bumaba ang halik niya sa leeg nito hanggang tinunton ng labi niya ang pinakakaasam niyang yaman nito. Doon siya nagtagal habang impit na tinatawag ng babae ang pangalan niya. Salit-salitan niyang hinahalikan ang mayamang dibdib ng babae habang nakasabunot naman ang dalawang kamay nito sa buhok niya. "N-nakikiliti ako," reklamo ng dalaga pero napaungol lang siya habang binabaybay naman ng labi niya ang tiyan nito. "D-Diyos ko, Ben." HIndi napigilang mapaigik ng dalaga nang maramdaman na nito sa singit ang paghalik niya.Nostalgia. Ito ang hinahanap ng puso't katawan niya na nangyari na noon pero muling naulit ngayon. Handang-handa na siya ngayong gabi at nakalimutan na

  • Married At First Sight   Episode 84: Confusion

    Benjamin's POV "What?" 'di makapaniwalang tanong ni Clyde nang sabihin niya ang napag-usapan nila ni Maria. "You're such an awful person to say that to her." Pareho lang naman sila ni Maria, nasa sitwasyon din siyang naguguluhan dahil kay Venice. Alam na rin ng mga kaibigan ang ukol dito kaya katakot-takot na advice ang binigay nila. "Stop fantasizing about Venice, hindi ka pa nadala." Walang kangiti-ngiting singit ni Clint sabay tapik sa balikat niya. "Kung type mo si Maria, do it properly at tawagan mo si Venice para makipaghiwalay na. Bro, remember, magkadugo sila ni Denise eventhough paulit-ulit mong sinasabi na iba siya, she's romantically involved with Saeed I think. Medyo natukso lang siya nang ma-meet ka ulit dahil gwapo ka. Red flag, dude." Hindi siya makapaniwala dahil kung tutuusin, mga babaero din ang mga kaibigan noon at walang pakialam ang mga ito kahit ilang babae pa ang dumaan sa kanya. For the first time, nagbigay ng advice ang mga mokong. "I'm afraid we don't ha

  • Married At First Sight   Episode 83: His Agony

    Benjamin's POV "Masakit lang malaman na magpapakasal siya sa'kin dahil napilitan lang," malungkot na saad ni Polding nang magkaharap na sila para pag-usapan si Maria. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. Kung sa'n masaya si Maria, hahayaan ko siyang mamili." "Maria?" untag niya sa babae. "Pasensiya na, Polding," nahihiyang pag-amin ni Maria. "Totoo naman ang sinabi ni Benjamin na wala akong gusto sa'yo pero napakabuti mo kaya pumayag ako pero kanina—" Talagang hindi siya makasagot ng oo agad. "Ok lang 'yon, Maria," hinging-paumanhin nito. "Importante pa rin ang may maramdaman ka sa taong papakasalan mo. Pakisabi na lang sa magulang mo na umalis na'ko." Bilib siya sa lalaking 'to. Good sport ito matapos niyang manalo sa palaro kanina. Nakipagkamay pa ito na kanyang malugod na tinanggap. Nakaligo na rin sila at nakapagbihis pero ang amoy nila, hindi mawala-wala kaya naaasar pa rin siya sa tradisyong ito. "Thank you for understanding everything, Polding. I know you're an educate

  • Married At First Sight   Episode 82: Laban-bawi

    Benjamin's POV "Kung gayon, Polding, dadaan kayo ni Ben sa kinagisnang tradisyon ng tribong ito, ang laban-bawi na palaro. Bilang isang pinuno—" Panimula ni Ka Letong na siyang tatayong watcher din ng kanilang laban. "Ganito ang patakaran sa larong ito: nilaban ni Polding ang pag-ibig niya kay Maria kaya papakasalan niya ang kahuli-hulihang babae na wala pang asawa. Siya ang tatayo sa "laban." Nakatingin na ang matanda kay Maria na walang kibo. "Pero dumating si Benjamin na pinipigilan ang kasalan kaya siya ang babawi sa dalaga. Siya ang tatayo sa "bawi." For them, that actually sounds pretty strange. He doesn't know what this tribe chief wanted them to do to put an end to this marriage. Kung tutuusin, hindi naman legal ang ginagawa ng matanda na pagkakasal kung hindi dumaan sa tamang proseso. "Dude, I think we made the right choice not to go on our mountain trek today. This sounds more fun to me." Bulong ni Clyde sa kanya na nakatayo na sa tabi niya. "Mukhang mapapalaban ka sa is

Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status