Share

Episode 5: Trapped

Ilang sandali pa, mga kalalakihan na ang may hawak sa kanya. Mas lalo nang dumami ang mga taong nag-uusyuso sa kanila. Giniya siya ng mga ito papunta sa dalampasigan.

"Ito ba ang ayaw managot kay Maria?" sigaw ng isang lalaking kakababa lamang sa isang bangka.

"Sandali!" hiyaw ni Maria. "Wala kaming ginagawang masama kaya 'wag niyong sasaktan ang baby ko."

"Hindi mo ba narinig, Maria, na hindi ka pananagutan ng lalaking ito?" sabat ng isang babae sabay kurot sa tagiliran niya. "Hindi pa siya sigurado sa'yo kaya kailangan natin siyang dalhin sa baryo."

"Ano, Benjamin ko?" Naluluhang tumingin sa kanya ang dalaga. "Sabihin mo sa kanila na hindi totoo 'yan. Ngayon pang nakita na kita? Ikaw ang katuparan sa lahat ng hiling ko sa taas. Ikaw, Benjamin! Makinig kayo, may usapan na kami ng mahal ko na magpapaalam sa magulang ko para makaluwas na'ko ng Maynila."

Napamulagat siya sa narinig. Nakakatulig ang katahimikan ng mga taong biglang tumahimik pero ang mga titig ng mga ito, kakaiba. Mukhang may dalang panganib ang nanlilisik na mata ng mga ito pero hindi maaari. Kailangan niyang magpakatotoo sa sarili.

"I'm so sorry but this is my fault, Maria. Akala ko kasi—" Akala niya napakaganda nito kagaya ng boses nito pero mali siya. Maling-mali siya nang patulan niya ang balyenang ito. Sexy at maganda ang kalimitang nagiging nobya niya pero kung ikukumpara si Maria, mas mabuti pang maging single na lang siya forever. Nasa huli talaga ang pagsisisi niya dahil sa padalos-dalos niyang desisyon sa buhay. "Please, let me go. Gusto ko nang umuwi kaya pakawalan niyo na ako."

"Hindi!" hiyaw ni Maria. "Nangako ka sa'kin, Benjamin, na hindi mo'ko iiwan pero bakit? Bakit ayaw mo na sa'kin? 'Di ba sabi mo, 'wag akong mag-alala? Sabi mo hindi mo'ko pababayaan. Hinding-hindi ko 'yon nakakalimutan."

"Hoy, Maria," singit ng isang dalaga. "Natural walang magkakagusto sa'yo, sa hitsura mo ba namang 'yan? Ako ang ka-level niya kaya malamang sa'kin mababaling ang pagtingin niyan. Sa'kin mo na kaya ibigay si Pogi total, mas lamang naman ang ganda ko kaysa sa'yo. Maghanap ka ng ka-level mo, Maria."

Isang malakas na tili ang pinakawalan ni Maria bago nito sinugod ang dalagang nagsalita. Nakakita siya ng pagkakataon nang bigla siyang bitawan ng mga kalalakihan. Nagrambulan na ang dalawang babae nang awatin ito ng mga lalaki. Nagpagulong-gulong ang mga ito sa lupa pero napamura siya. Mas lamang ang mataba dahil sa laki ng katawan nito. Parang nakalabas na ang dila ng payat na babae nang sakyan ito ni Maria. Mabilis siyang kumaripas ng takbo nang masigurong walang nakatingin sa kanya. Dere-deretso lang siya at walang lingon-lingon sa likod niya.

"Hoy, nakatakas ang nobyo ni Maria! Magsitigil kayo riyan," hiyaw ng isang lalaki na agad sumunod sa kanya. "Tulungan niyo 'kong mahuli siya. Ano ba kayo!"

"Habulin niyo!" sunod-sunod na sigaw ng iba pa.

"Huwag niyong titigilan hangga't hindi niyo nahuhuli ang lalaking iyan," sigaw ng nanay ni Maria. "Kailangan niyang panagutan ang anak ko. Magtutuos pa kami ng lalaking 'yan!"

Naririnig niya ang hiyawan ng mga ito kaya mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo. Panay ang mura niya dahil sa nangyaring ito. Halos mangudngod ang nguso niya sa lupa nang maramdaman niya ang malakas na pagtulak sa likod niya. Naabutan siya ng isang lalaki.

"Tulungan niyo 'ko, nadapa siya," hiyaw ng isang lalaking yakap-yakap na siya. "Ang kupad pala nitong tumakbo kahit ang laking tao. Nakakabakla ang kaguwapuhan nito pero sorry, kailangan nitong managot kay Maria. Pare, 'wag ka namang ganyan. Nadadala sa mahinahong usapan ang lahat."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at ang nguso nitong nakadikit na sa pisngi niya. Mas natuon ang pansin niya sa matabang babae na tumatakbo palapit sa gawi nila. Tumatalbog ang katawan nito sa sobrang katabaan at kitang-kita niya ang pagkahingal nito; na walang iba kundi si Maria. Hawak-hawak na siya ng tatlong kalalakihan. Pinilit niyang humulagpos sa pagkakahawak ng mga ito pero ang matandang babae na nanay ni Maria, bigla itong humawak sa balikat niya. Tatayo na sana siya pero hindi niya magawa.

"Sige, dalhin niyo sa bahay para makapag-usap kami nang maayos. Kailangang panagutan niya ang nag-iisa kong dalaga," sigaw ng matandang babae. "Hindi na makakawala 'to at kailangan naming mag-usap kung ano ang plano nila ng anak ko."

Helpless siya. Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya. Grabe ang paninisi niya sa parachute niya dahil sa islang 'to nagkrus ang landas nila ng babae kagabi.

"Inay, huwag niyo naman pong ganyanin si Benjamin ko." Umiiyak na si Maria nang yakapin nito ang ina at ilayo sa kanya. "Hayaan mong pag-usapan muna namin ang lahat. Benjamin," anas ng dalaga nang lumuhod ito para magpantay ang mukha nila.

"M-Maria." Puno ng galit ang mga mata niya, "Huwag ganito, p-please." Naiiyak niyang tinitigan ito para paalisin na lang siya sa malas na islang ito. "P-please..."

Pigil na pigil niya ang sarili pero namumula na ang mata niya. Naisip agad niya ang dakila niyang Mama Regine. Sinisigaw ng utak niya ang pangalan nito sa ganitong sitwasyon. Kailangan niya ng tulong. Kailangan niya ang ina para mawala ang takot niya.

"Sorry, Benjamin ko," naiiyak na saad ni Maria. "Kailangan mong pumunta sa amin para mapag-usapan ang kasal natin. Baka kasi ano'ng gawin nila sa'tin."

"Dapat lang, Maria, na pakasalan ka ng lalaking 'yan," sabat ng isa pang matanda. "Nakakahiya sobra ang ginawa mo. Diyos ko! Kalat na kalat na sa buong baryo ang ginawa niyong—hay naku. Mga kabataan talaga ngayon. Nauuna pa ang mga ganyan kaysa kasal."

Hawak siya nang mahigpit ng mga kalalakihan nang umagapay ito sa paglalakad niya. Ang babaeng mataba, hawak din siya nito sa kamay. Hindi niya kayang tingnan ang hitsura nito dahil nangingitim ito at puno ng maliliit na taghiyawat ang mukha ng babae. No way! Hindi siya makakapayag na ito ang mapangasawa niya.

"Benjamin, 'wag kang mag-alala. Pagkatapos ng kasal natin, hindi ka na kukuyugin ng mga taong 'to. Mga kamag-anak at kapitbahay ko sila." May ngiti sa labi ni Maria nang mapatingin sa kanya. "Kailangan mo'kong panagutan para hindi nila tayo saktan. Ikaw lang ang pag-asa ko. Alam na ng buong baryo ang nangyari kaya nakakahiya sobra kung uurong ka. Para sa dangal ng pamilya ko."

Ganun kabilis kumalat ang tsismis? Napamura siya pero hindi na niya ito isinatinig. Oras na malingat niya ang mga ito, tatakas talaga siya. Isang malakas na pagtapik sa likod niya ang ginawa ng lalaking nakahawak sa kanya.

"S-sumagot ka!" singhal nito. "Gagawa kayo ng milagro pero hindi mo kayang magpakalalaki sa harap namin?"

Papa'no siya sasagot? Baka suntok ang isagot ng mga ito kapag sinabi niya ang nasa loob. Wala siyang gusto sa babae at nabigla lang talaga siya kagabi. Maraming tao ang sumalubong sa kanila. May mga nagvi-video at ang iba, pinipicturan din sila. 

"Naku, 'yan ba ang nobyo ni Maria? Ang guwapo naman." 

"Aanhin mo ang guwapo, kung ayaw namang panagutan si Maria?"

"Naku, kung sakaling tumakas 'yan, kailangan nating pumunta sa bayan para makahingi ng tulong sa kapulisan."

Hindi niya makayanan ang mga naririnig. Kailangan niyang iligtas ang sarili kaya isang desisyon ang nabuo sa utak niya.

"Oh, Mama, tulungan mo'ko. I need you now." Pero ang cellphone niya, nasa loob ng suot niya. Napatingin siya sa babaeng mataba na nakikipag-away na sa mga tao. "Maria," banayad niyang tawag dito. "P-papakasalan kita, ok? Please, tell these people to leave me alone." Natigilan ang babae nang mapatingin sa kanya. "Magpapakasal tayo, ok?" Hindi niya alam kung bakit niya nasabi ito pero iyon ang sigaw ng utak niya para tigilan na sila ng mga taong ito.

Sa isang iglap, nakayakap na sa kanya ang babae. Bigla na lang itong umiyak. Nairita siya nang pugpugin siya nito ng halik sa mukha. Gusto niyang masuka dahil hindi niya type ang babae pero ano ba ang magagawa niya? Kailangan niyang magpanggap na ok lang sa kanya para makatakas siya sa impyernong lugar na ito.

"Mabuhay ang ikakasal!" hiyaw ng isang matanda na sinundan ng palakpakan.

"Ipatawag na agad ang pastor at ikaw," galit na baling ng tiyuhin ng dalaga sa kanya. "Mabilisan ang kasal niyo, ha?" Nakaumang pa ang kamao nito sa mukha niya kaya napalunok siya. "Kailangang manindigan ka sa pinasok mong ito. Kahit mahirap lang kami, hindi kami papayag na may naaagrabyado rito."

Hindi niya maintindihan pero parang hihimatayin siya sa mga pinagsasabi nito. Isang lalaki naman ang agad kinapa ang suot niya kaya inis niya itong binalingan.

"What are you doing?" inis niyang tanong at pinandilatan ito. "This is not fair, everyone. Please, hear me out. I'm really sorry for everything."

"Sagutin mo'ko, ha," gigil na muling sigaw ng lalaking nakaamba ang kamao. "Ano ang dala mo para maikasal ka agad kay Maria?"

Naumid ang dila niya kaya hindi na siya makasagot dahil ramdam na niya ang kamay nitong mahigpit ang pagkakahawak sa braso niya. Papaano siya makakasagot kung ganitong nawalan siya ng tapang bigla? Lahat ng mata, sa kanila nakatutok.

"Wala," hiyaw ng lalaki nang wala itong makuha sa kanya. "Pogi, legal ang kasal mo kay Maria dahil may sarili kaming batas dito." Kumindat pa ito at sinalubong ang mata niyang namamasa na nang muli siyang balingan. "Mabait 'yang si Maria."

Pabuka pa lang sana ang bibig niya para sagutin ito pero mas pinili niyang itikom muna ang bibig. Hindi niya matingnan ang pagmumukha ni Maria dahil para sa kanya, ang panget talaga nito sobra. 

"M-Mama," anas niya. "P-please, h-help me, Mama." Napuno ng takot ang dibdib niya dahil wala na siyang kawala sa kinasadlakang sitwasyon. Sana hanapin na siya ng ina para makaalis na siya rito "Save me, Mama," hiyaw ng utak niya kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. "I-I'm d-dead!" 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status