Home / Romance / Married By My CEO Enemy / Kabanata 1: Nakatakdang Kasal

Share

Married By My CEO Enemy
Married By My CEO Enemy
Author: authorj_

Kabanata 1: Nakatakdang Kasal

Author: authorj_
last update Last Updated: 2025-09-10 09:46:53

Tahimik ang buong hapag. Ang kanin sa plato ko ay halos hindi ko malunok, habang si Papa ay nakatitig sa akin na para bang naghahanap ng tamang tiyempo para magbitiw ng isang bomba.

“Arielle,” basag niya sa katahimikan, “may kailangan tayong pag-usapan. Importante ito.”

Napatingin ako sa kanya, agad kong naramdaman ang tensyon. Nasa tabi niya si Mama, mahigpit ang hawak sa baso, parang pinipigilang manginig.

“Ano na naman ‘yon, Dad?” medyo iritado kong sagot. Hindi ko gusto ang mga ganitong eksena, lalo na kung business-related.

Nagkatinginan muna sila bago naglabas ng malalim na buntong-hininga si Papa. “Napagdesisyunan na ng board. Ang tanging paraan para matapos ang gulo sa pagitan ng kumpanya natin at ng Vergara Empire… ay kasal.”

Parang natigilan ang buong mundo ko. Nalaglag ang tinidor mula sa kamay ko at tumunog sa plato. “Wait. Ano?!”

“Yes,” mahina pero mariing sabi ni Mama. “Ikaw at si Leandro Vergara.”

Natawa ako, hindi yung tawa ng natutuwa, kundi yung tawa ng hindi makapaniwala. “Seriously? Ikakasal n’yo ako sa kanya? Sa taong pinaka-ayaw ko sa lahat?!”

“Arielle, please lower your voice,” saway ni Mama, pero hindi ko na kayang pigilan ang init ng ulo ko.

“I’m not some kind of pawn, Ma!” Tumayo ako mula sa upuan, halos tumalsik ang tubig sa baso. “Hindi ako bargaining chip na pwedeng ialay sa altar para lang maligtas ang negosyo!”

“Arielle, makinig ka naman,” malalim na boses ni Papa, ramdam ko ang frustration. “This is not about selling you off. This is about saving everything your grandparents built. Unti-unti nang bumabagsak ang kumpanya. If we don’t do this, mawawala lahat.”

Halos mapailing ako. “So ano? Ang solution, ipapakasal n’yo ako sa halimaw na siya ring dahilan kung bakit tayo nalulugi?!”

“Anak, wala na tayong ibang option,” halos pakiusap ni Mama. “Kung hindi natin gagawin ito, lahat ng pinaghirapan ng pamilya natin mawawala. Hindi lang tayo ang maaapektuhan, pati lahat ng empleyado, libo-libo sila, Arielle.”

Napahawak ako sa sentido ko, pilit na kinakalma ang sarili. Pero sa utak ko, bumabalik ang lahat ng alaala...

Naalala ko ang unang beses kong makasalubong si Leandro Vergara. College pa lang ako noon, at invited kami sa isang business forum. Naka-barong siya, naka-ngisi habang nagsasalita sa mga investors. Nung lumapit ako sa group para makipagpakilala, nilingon niya ako saglit, at may sinabi siyang hindi ko malilimutan:

“Middle-class minds don’t belong in boardrooms.”

Ramdam ko pa rin ang sakit ng bawat salita niya. Ang tingin niya sa akin? Parang wala akong halaga.

Ilang taon ang lumipas, ilang kontrata ang nawala sa amin, kontratang siya ang kumuha, gamit ang impluwensya at kapangyarihan niya. At sa tuwing magtatagpo ang landas namin sa mga events, lagi siyang mayabang, lagi niyang ipinamumukha na mas mataas siya.

Cold. Ruthless. Walang puso.

Kaya ngayong naririnig ko sa mismong mga magulang ko na siya ang magiging asawa ko, parang gusto kong sumabog.

“Hindi siya tao, Dad,” mariin kong sabi. “Isa siyang halimaw na naka-suit. Walang konsensya. At gusto n’yo siyang gawing asawa ko?”

“Anak…” lumambot ang boses ni Mama, halos mahulog na ang luha sa mga mata niya. “Hindi namin ‘to ginusto. Pero kailangan. Naiipit na tayo. Isa lang ang paraan para matapos ang feud at mailigtas ang kumpanya.”

“Paano kung tumanggi ako?” balik ko agad. “Ano, pababayaan n’yo na lang akong masira ang buhay ko dahil sa desisyon na ‘to?”

“Arielle,” boses ni Papa, mabigat, halos nanginginig, “minsan kailangan nating magsakripisyo para sa mas nakararami. Hindi lang ito tungkol sa’yo. Tungkol ito sa kinabukasan nating lahat.”

“Kinabukasan?” Napangisi ako, mapait. “So my future doesn’t matter? Basta’t mailigtas ang negosyo, okay lang kahit sirain ang buhay ko?”

“Don’t twist my words,” singhal ni Papa. “We are asking you to do this for the family.”

“Family?” Halos matawa ako sa sakit. “So family means isakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para sa isang lalaking kinamumuhian ko? That’s your definition of family?”

Tahimik si Mama, nakayuko, nangingilid ang luha. Si Papa naman ay mariin ang tingin sa akin, ramdam ko ang desperasyon.

Gusto ko nang sumigaw, gusto kong tumakbo palabas. Pero alam kong kahit anong gawin ko, cornered ako.

Tumayo ako, halos mabuwal ang upuan. “No. Hindi ko gagawin. Hinding-hindi ko gagawin ‘yan. I will never marry that man!”

Tahimik. Walang gumalaw. Walang nagsalita. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko, parang sasabog ang dibdib ko.

Pero habang nakatayo ako roon, nakaharap sa kanila, ramdam ko rin ang bigat ng sitwasyon. Kahit pa anong pagtanggi ko, alam kong hindi ganoon kadali ang lahat.

Naglakad ako papunta sa malaking salamin sa gilid ng dining hall. Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon, namumula ang mga mata, nanginginig ang mga labi.

“I will never marry that man,” bulong ko, mas mahina na ngayon, parang sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko kaysa ang mga magulang ko.

Pero sa ilalim ng lahat ng galit, ng pagtutol, ng tapang na pilit kong pinapakita, may maliit na boses sa loob ko na nagsasabing: wala ka nang ibang pagpipilian, Arielle.

At doon ko naramdaman ang tunay na pagkakulong, hindi sa isang kwarto, kundi sa sarili kong kapalaran.

“Anak…” narinig kong boses ni Mama sa likuran ko, mahina, parang nagmamakaawa. “Hindi namin intensyon na saktan ka. Kung may ibang paraan lang sana…”

Napapikit ako, pilit na pinipigil ang pagpatak ng luha. “Pero wala nga, ‘di ba?” bulyaw ko, hindi na lumingon. “Wala na kayong nakikitang solusyon kundi ibigay ako sa taong pinaka-kinamumuhian ko.”

“Arielle.” Ngayon si Papa na ang nagsalita, mabigat at mariin ang tono. “Hindi mo kailangang mahalin si Leandro. You just need to marry him. That’s all.”

Napalingon ako sa kanila, halos masamid ako sa sariling hininga. “That’s all? Para bang kasal ay isang simpleng kontrata lang? Para bang wala akong puso, wala akong damdamin?”

“Hindi ‘yan ang ibig naming sabihin,” mabilis na dagdag ni Mama, nanginginig ang kamay habang nilalapit sa akin. “Pero please, anak… isipin mo rin kami. Isipin mo ang lahat ng taong umaasa sa kumpanya.”

Parang gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin na hindi ako Messiah na pwedeng isakripisyo para iligtas ang lahat. Pero nang makita ko ang mukha nila, pagod, puno ng takot, napalunok ako ng luha.

Bumalik ang tingin ko sa salamin. Naroon pa rin ang imahe ng isang babaeng malakas sa panlabas, pero durog sa loob.

“Hindi ko alam kung paano ko ‘to haharapin,” mahina kong bulong, halos hindi nila marinig.

“Pero isang bagay ang sigurado ko, hinding-hindi ko siya mamahalin. Never.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 45: Hindi Bibitawan

    “Ayoko na, Marcus…” mahina ang tinig ni Arielle habang nakatanaw sa bintana, ang mga patak ng ulan ay tila kasabay ng bigat ng dibdib niya. Hawak niya ang malamig na tasa ng kape ngunit hindi niya ito nagagalaw. Parang wala nang lasa ang lahat, parang wala nang saysay, dahil ito ang pakiramdam ng mahalin ang isang Leandro Vergara na dapat sana ay kalaban niya lamang. Tahimik lang si Marcus, nakaupo sa sofa, ang mga mata ay nakatutok sa kanya. Kita sa mukha ang pag-aalala, at sa ilalim nito’y ang tagong pag-asa. “Kung si Leandro pa rin ang hinihintay mo,” malumanay niyang sabi, “masasaktan ka lang talaga, Arielle. Ilang beses ka na niyang pinaiyak. Hanggang kailan mo siya ipagtatanggol? Hanggang kailan mo isasantabi sa isipan mo na ginamit ka lang niya para makapaghigante sa pamilya mo?" Pinikit ni Arielle ang mga mata, pinipigilan ang luha. “Alam ko. Kaya nga siguro… ito na ang huli. Ang totoo, umaasa lang ako sa wala. Sa lahat ng ginawa niya, sa pamilya ko, sa akin, bakit hangga

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 44: Masasaktan Ka Lang

    “Mr. Vergara, everything’s set for your presentation later at the hotel.” Mahinang kumatok ang boses ng kanyang assistant mula sa pintuan ng opisina. “Leave it there.” maikli ngunit madiin ang sagot ni Leandro habang nakaupo sa swivel chair, nakatingin sa malayo, hawak ang ballpen na ilang ulit nang pinaikot-ikot sa kanyang daliri. Ilang segundong katahimikan, bago siya tuluyang napapikit. Sa wakas, pagkatapos ng lahat, galit, gulo, pag-aaway, sakit, parang unti-unti nang nagiging malinaw ang dapat niyang gawin. “Tama na…” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig. “Tama na ang pagtakbo, tama na ang pagtatago. Kung talagang mahal ko siya… hindi ko siya hahayaang mabuhay sa kasinungalingan. Hindi ko siya hahayaang isipin na hindi siya mahalaga.” Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Ang mga alaala ni Arielle, bawat tawa nito, bawat galit, bawat luha, lahat ay bumabalik sa kanya, parang pelikulang paulit-ulit na ipinapakita sa isip niya. Ang sakit ng mga salitang binita

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 43: Masisira Sila

    “Ano ba ‘to…” mahinang bulong ni Leandro habang nakaupo sa leather chair ng opisina niya, hawak-hawak ang cellphone. Kanina pa siya nakatitig sa litrato ni Arielle sa gallery. Iyong simpleng kuha lang, naka-side view siya, nakakunot ang noo, halatang naiinis sa isang bagay. Napangiti siya nang hindi namamalayan. “Laging iritado… laging kontrabida sa akin. Pero bakit ganito, bakit kahit galit siya, hindi ko maiwasang humanga?” Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata, hinayaang sumulpot ang mga alaala. Alaala ng unang beses na nag-away sila. Alaala ng pagtatalo nila sa harap ng pamilya niya kung saan walang takot na ipinamukha ni Arielle na ayaw niyang maikasal sa kaniya. Alaala ng tawa nito, na halos sumisigaw, pero may lambing sa dulo. Lahat ng iyon, parang sugat na mahapdi pero siya mismo ang pumipilit na hindi maghilom. Napabuntong-hininga si Leandro, saka kinuha ulit ang cellphone. Dahan-dahan siyang nag-type ng mensahe. Ilang ulit niyang binubura, tina-type ulit. Paulit

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 42: Mapapasaakin Ka.

    “Halika...” Mahigpit ang hawak ni Marcus sa kamay ni Arielle, parang takot siyang pakawalan ito.Napakunot ang noo ni Arielle. “Saan mo ba ako dadalhin, Marcus? “Basta,” maikli niyang sagot, pilit itinatago ang kaba sa boses. “Makikita mo rin.” Tahimik siyang nagpaakay. Ilang minuto lang, huminto sila sa isang lugar na halos ikapigil ng hininga ni Arielle. “The playground?” mahina niyang bulong, nanlalaki ang mga mata. Tumango si Marcus, halos mapangiti. “Oo. Naalala mo pa ba? Dito tayo madalas tumambay noong bata pa tayo. Dito kita dinadala kapag umiiyak ka dahil ayaw mong umuwi sa inyo.” Napatitig si Arielle sa mga kalawangin nang swing, sa slide na halos gumuho na, at sa mga damong lumago sa paligid. Parang biglang bumalik lahat ng alaala, mga gabing iyak siya nang iyak, at si Marcus, laging nandyan, tahimik lang na kasama niya. “Marcus…” halos hindi niya maituloy, nanlalambot ang tinig. Umupo ito sa swing at tinapik ang isa pa. “Halika. Umupo ka muna rito.” Dahan-dahan siy

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 41: Pakikipagtulungan

    “Bakit parang… may kakaiba sa sinabi niya?” Arielle whispered to herself, nakatingin sa screen ng phone habang makailan ulot ng pabalik-balik sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Leandro sa interview nito kanina sa press. “‘I’ll make sure Arielle still ends up with me…’” she repeated, halos hindi makapaniwala sa tono ng boses niya. Hindi iyon ang malamig, mapanuyang Leandro na lagi niyang nakikita. May diin, may conviction, parang hindi siya handang pakawalan. At iyon ang kauna-unahan na pagkakataon na narinig niya mula sa labi nito mismo ang sinseridad, bagay na siyang nagpapagulo sa kaniyang puso at isipan. “Umaasa ka na naman, Arielle?” putol ni Marcus, nakatayo sa gilid, hawak ang isang baso ng tubig. He sounded casual, pero halata ang iritasyon sa boses niya. Arielle turned to him, defensive. “I just… hindi ko alam. Hindi naman ako nag-iimbento, Marcus. Narinig mo rin, di ba? Paano kung... may nararamdaman na rin talaga siya para sa akin, ngunit natakot lang siya sabihin sa

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 40: Ipaglalaban Siya

    “Sir Vergara, nakita niyo na po ba ‘yung headlines ngayon?” tanong ng assistant niya habang may hawak na tablet. “Ano na naman?” malamig na sagot ni Leonardo, hindi inaalis ang tingin sa dokumentong binabasa. “It’s about Ms. Daniella Alonso… her comeback. Naka-front page po siya.” Napakunot ang noo ni Leonardo. “Let me see," malamig na tugon niya. Inabot ng assistant ang tablet. Nang makita niya ang litrato ni Daniella na nakangiti sa mga camera, nakasuot ng eleganteng damit, agad sumikip ang dibdib niya. Daniella Alonso Returns: Will Love and Power Reunite? Mariing pinindot ni Leonardo ang screen. “Nonsense.” “Sir, maraming comments. Gusto niyo pong ipa-control?” alanganing tanong ng assistant. “Basahin mo.” Nag-scroll ito. “Power couple reborn. Perfect match ulit. Second chance is sweeter. Maybe fate wants them back together.” Mariin ang panga ni Leonardo. “Enough. Lumabas ka na." Tumango ang assistant at umalis. Naiwan si Leonardo, hawak ang tablet, matalim ang tingin. “

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status