LOGIN“Miss Arielle, hinihintay ka na po sa private lounge.”
Mabilis akong napalingon sa assistant na nagsalita. Suot niya ang black suit na may emblem ng Vergara Group, at kahit wala siyang ginagawa kundi ngumiti nang pormal, ramdam ko ang bigat ng anino ng pangalan nila. Napakagat ako sa labi. Ilang oras pa lang ang nakalipas mula nang ihayag ng mga magulang ko ang plano ng arranged marriage, at ngayon, eto na agad, ang unang round ng laban. Pinilit kong ayusin ang sarili ko habang naglalakad papunta sa lounge. Ang bawat hakbang, parang tinik na tumutusok sa lalamunan ko. At pagdating doon, bumungad agad sa akin ang lalaking matagal ko nang kinamumuhian. Leandro Vergara. Nakaupo siya sa dulo ng leather couch, isang braso nakapatong sa sandalan, hawak ang baso ng brandy na parang props lang. Immaculate as always, dark suit, perfectly styled hair, at yung aura na para bang lahat ng tao sa paligid ay dapat yumuko sa kanya. “Miss Velasco,” bati niya, mababa at malamig ang boses, hindi man lang nag-abalang tumayo. “Vergara,” sagot ko agad, tinanggal ang jacket at pabagsak na inilagay sa gilid ng upuan. “Let’s drop the formalities. Alam nating pareho na hindi ako natutuwa sa meeting na ‘to.” Bahagya siyang ngumisi, yung tipong smug smile na nakakainis. “Good. Kasi ako rin.” Tahimik akong huminga nang malalim para hindi sumabog agad. Pero syempre, hindi rin ako papayag na siya lang ang mayabang. “Kung hindi mo rin gusto, then bakit pa tayo nag-aaksaya ng oras?” sarkastiko kong tanong. “I’m sure may iba ka pang boardrooms na kailangang tapakan.” Tumaas ang kilay niya, saka uminom ng brandy. “Straight to the point ka talaga. Fine. Let’s make this quick.” Inilapag niya ang baso, diretso akong tinitigan, those sharp dark eyes na parang binabasa ang kaluluwa ko. “Marry me, and both families win. Refuse, and your family loses everything.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi man lang siya nagpaligoy-ligoy. Walang kahit konting pakunswelo. “Wow.” Napatawa ako, mapait. “That’s your proposal? Akala ko ba magaling kang negotiator? Wala man lang ring na may diamond?” “I’m offering survival, not romance.” Tumayo siya, mabagal ang bawat galaw na parang sinasadya niyang ipakita kung gaano siya karelaxed habang ako’y halos mabulunan sa galit. “Hindi mo kailangang mahalin ako. Hindi mo kailangang magpanggap. You just have to say yes.” Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit, o dahil sa sobrang kapal ng mukha niya. “So, para sayo, ang kasal… kontrata lang?” panunumbat ko. “Paperwork, merger, signing bonus?” “Yes.” Walang kaemote-emote niyang sagot. “And you, Miss Velasco, are the most logical clause.” Napasinghap ako, halos sumabog. “You arrogant bastard.” Bahagya siyang natawa, halos hindi mo marinig pero lalo lang nakakapikon. “I’ve been called worse.” Lumapit siya sa akin, naglakad nang mabagal hanggang halos magtagpo ang aming mga mata. Ang tangkad niya, mas lalo tuloy akong nainis kasi I had to look up just to glare at him. “Sabihin mo nga, Arielle,” malapit niyang bulong, “ilang taon mo na ba akong kinamumuhian? Five? Seven? And yet, here you are… cornered. Isn’t it ironic?” Nag-init ang pisngi ko, hindi lang sa inis, kundi dahil ang lapit niya, masyado, halos maramdaman ko ang amoy ng mamahaling cologne niya. Damn it, bulong ng isip ko. Bakit kahit nakakainis siya, intimidatingly attractive pa rin? Pinilit kong ngumiti, pilit na hinahamon siya. “Alam mo, Leandro, hindi ako natatakot sa’yo. Pwede kang maging pinakamayaman, pinakamakapangyarihan, pero sa mata ko… isa ka lang spoiled brat na sanay makuha ang gusto niya.” Nag-angat siya ng kilay, impressed pa yata. “Sarcasm. Nice defense mechanism.” “At least hindi ako robot,” balik ko agad, hindi ko hinayaang lamunin ng kaba ang lalamunan ko. “Ikaw? May puso ka pa ba? O baka tinanggal mo na para mas magmukha kang efficient CEO?” Nakita ko kung paano siya saglit na natigilan. Parang isang guhit ng emosyon ang dumaan sa mga mata niya, o baka ilusyon lang iyon ng utak ko, desperadong humanap ng butas sa malamig niyang anyo. Pero mabilis din siyang nakabawi. Ang ngiti niya bumalik, pamilyar na smirk na parang siya pa ang nakakatawa sa lahat ng sinabi ko. “Clever,” tugon niya, kaswal, para bang naglalaro lang kami ng chess. “Pero Arielle, hindi kita tinawag dito para magpalitan ng insulto. I came here to seal a deal.” Umiling ako, halos matawa sa kawalang-hiyaan niya. “Seal a deal? Para bang kontrata lang ako? Hindi ako papel na puwede mong pirmahan at itabi, Leandro.” Mas lalong lumalim ang titig niya, hindi kumukurap. “Hindi kita tinatratong papel. Mas mahalaga ka roon. Ikaw ang magiging garantiya.” “Gu—garantiya?” halos mabulunan ako sa salita. “So, para lang akong collateral? Asset na puwede mong gamitin para sa sarili mong gain?” Hindi siya sumagot agad. Sa halip, bahagya siyang lumapit, sapat para maramdaman ko ang bigat ng presensya niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa intimidation o sa kakaibang aura na dala niya, pero nakaramdam ako ng init na ayaw kong aminin. “You’ll say yes,” bulong niya, mababa ang boses pero sapat para magmarka sa tenga ko. Para bang hindi iyon banta kundi prophecy. “Because you don’t have a choice.” Parang tinuhog ng matalim na espada ang dibdib ko sa bawat salita niya. Tinapos niya ang linya, tapos basta na lang siyang tumalikod, parang wala na siyang kailangang patunayan pa. “Wait—” muntik ko nang isigaw, pero napigilan ko ang sarili ko. Ayokong makita niya na tinatamaan ako, na kahit papaano’y nakukuha niya ang upper hand. Umigting ang panga ko, halos mabasag ang ngipin ko sa sobrang diin. “Over my dead body,” mariin kong bulong, halos kasabay ng pagbagsak ng pinto ng lounge nang tuluyan na siyang lumabas. Nakapikit ako, humigpit ang kamao ko hanggang sa mamutla ang mga daliri. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko, hindi lang sa galit kundi sa takot na pilit kong itinatago. At habang pinagmamasdan kong paalis siya, ang matikas niyang likod, ang hakbang na walang bakas ng pagdududa, ramdam kong unti-unti akong nilalamon ng katotohanan. Baka nga mapilitan talaga ako. At doon, sa mismong sandaling iyon, nagsimula ang pinakamatinding bangungot ng buhay ko. Hindi dahil pinilit niya ako, kundi dahil alam kong kahit gaano pa ako lumaban, mahirap tumakas sa bitag na pinaghanda niya.“Ayoko na, Marcus…” mahina ang tinig ni Arielle habang nakatanaw sa bintana, ang mga patak ng ulan ay tila kasabay ng bigat ng dibdib niya. Hawak niya ang malamig na tasa ng kape ngunit hindi niya ito nagagalaw. Parang wala nang lasa ang lahat, parang wala nang saysay, dahil ito ang pakiramdam ng mahalin ang isang Leandro Vergara na dapat sana ay kalaban niya lamang. Tahimik lang si Marcus, nakaupo sa sofa, ang mga mata ay nakatutok sa kanya. Kita sa mukha ang pag-aalala, at sa ilalim nito’y ang tagong pag-asa. “Kung si Leandro pa rin ang hinihintay mo,” malumanay niyang sabi, “masasaktan ka lang talaga, Arielle. Ilang beses ka na niyang pinaiyak. Hanggang kailan mo siya ipagtatanggol? Hanggang kailan mo isasantabi sa isipan mo na ginamit ka lang niya para makapaghigante sa pamilya mo?" Pinikit ni Arielle ang mga mata, pinipigilan ang luha. “Alam ko. Kaya nga siguro… ito na ang huli. Ang totoo, umaasa lang ako sa wala. Sa lahat ng ginawa niya, sa pamilya ko, sa akin, bakit hangga
“Mr. Vergara, everything’s set for your presentation later at the hotel.” Mahinang kumatok ang boses ng kanyang assistant mula sa pintuan ng opisina. “Leave it there.” maikli ngunit madiin ang sagot ni Leandro habang nakaupo sa swivel chair, nakatingin sa malayo, hawak ang ballpen na ilang ulit nang pinaikot-ikot sa kanyang daliri. Ilang segundong katahimikan, bago siya tuluyang napapikit. Sa wakas, pagkatapos ng lahat, galit, gulo, pag-aaway, sakit, parang unti-unti nang nagiging malinaw ang dapat niyang gawin. “Tama na…” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig. “Tama na ang pagtakbo, tama na ang pagtatago. Kung talagang mahal ko siya… hindi ko siya hahayaang mabuhay sa kasinungalingan. Hindi ko siya hahayaang isipin na hindi siya mahalaga.” Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Ang mga alaala ni Arielle, bawat tawa nito, bawat galit, bawat luha, lahat ay bumabalik sa kanya, parang pelikulang paulit-ulit na ipinapakita sa isip niya. Ang sakit ng mga salitang binita
“Ano ba ‘to…” mahinang bulong ni Leandro habang nakaupo sa leather chair ng opisina niya, hawak-hawak ang cellphone. Kanina pa siya nakatitig sa litrato ni Arielle sa gallery. Iyong simpleng kuha lang, naka-side view siya, nakakunot ang noo, halatang naiinis sa isang bagay. Napangiti siya nang hindi namamalayan. “Laging iritado… laging kontrabida sa akin. Pero bakit ganito, bakit kahit galit siya, hindi ko maiwasang humanga?” Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata, hinayaang sumulpot ang mga alaala. Alaala ng unang beses na nag-away sila. Alaala ng pagtatalo nila sa harap ng pamilya niya kung saan walang takot na ipinamukha ni Arielle na ayaw niyang maikasal sa kaniya. Alaala ng tawa nito, na halos sumisigaw, pero may lambing sa dulo. Lahat ng iyon, parang sugat na mahapdi pero siya mismo ang pumipilit na hindi maghilom. Napabuntong-hininga si Leandro, saka kinuha ulit ang cellphone. Dahan-dahan siyang nag-type ng mensahe. Ilang ulit niyang binubura, tina-type ulit. Paulit
“Halika...” Mahigpit ang hawak ni Marcus sa kamay ni Arielle, parang takot siyang pakawalan ito.Napakunot ang noo ni Arielle. “Saan mo ba ako dadalhin, Marcus? “Basta,” maikli niyang sagot, pilit itinatago ang kaba sa boses. “Makikita mo rin.” Tahimik siyang nagpaakay. Ilang minuto lang, huminto sila sa isang lugar na halos ikapigil ng hininga ni Arielle. “The playground?” mahina niyang bulong, nanlalaki ang mga mata. Tumango si Marcus, halos mapangiti. “Oo. Naalala mo pa ba? Dito tayo madalas tumambay noong bata pa tayo. Dito kita dinadala kapag umiiyak ka dahil ayaw mong umuwi sa inyo.” Napatitig si Arielle sa mga kalawangin nang swing, sa slide na halos gumuho na, at sa mga damong lumago sa paligid. Parang biglang bumalik lahat ng alaala, mga gabing iyak siya nang iyak, at si Marcus, laging nandyan, tahimik lang na kasama niya. “Marcus…” halos hindi niya maituloy, nanlalambot ang tinig. Umupo ito sa swing at tinapik ang isa pa. “Halika. Umupo ka muna rito.” Dahan-dahan siy
“Bakit parang… may kakaiba sa sinabi niya?” Arielle whispered to herself, nakatingin sa screen ng phone habang makailan ulot ng pabalik-balik sa kaniyang isipan ang mga sinabi ni Leandro sa interview nito kanina sa press. “‘I’ll make sure Arielle still ends up with me…’” she repeated, halos hindi makapaniwala sa tono ng boses niya. Hindi iyon ang malamig, mapanuyang Leandro na lagi niyang nakikita. May diin, may conviction, parang hindi siya handang pakawalan. At iyon ang kauna-unahan na pagkakataon na narinig niya mula sa labi nito mismo ang sinseridad, bagay na siyang nagpapagulo sa kaniyang puso at isipan. “Umaasa ka na naman, Arielle?” putol ni Marcus, nakatayo sa gilid, hawak ang isang baso ng tubig. He sounded casual, pero halata ang iritasyon sa boses niya. Arielle turned to him, defensive. “I just… hindi ko alam. Hindi naman ako nag-iimbento, Marcus. Narinig mo rin, di ba? Paano kung... may nararamdaman na rin talaga siya para sa akin, ngunit natakot lang siya sabihin sa
“Sir Vergara, nakita niyo na po ba ‘yung headlines ngayon?” tanong ng assistant niya habang may hawak na tablet. “Ano na naman?” malamig na sagot ni Leonardo, hindi inaalis ang tingin sa dokumentong binabasa. “It’s about Ms. Daniella Alonso… her comeback. Naka-front page po siya.” Napakunot ang noo ni Leonardo. “Let me see," malamig na tugon niya. Inabot ng assistant ang tablet. Nang makita niya ang litrato ni Daniella na nakangiti sa mga camera, nakasuot ng eleganteng damit, agad sumikip ang dibdib niya. Daniella Alonso Returns: Will Love and Power Reunite? Mariing pinindot ni Leonardo ang screen. “Nonsense.” “Sir, maraming comments. Gusto niyo pong ipa-control?” alanganing tanong ng assistant. “Basahin mo.” Nag-scroll ito. “Power couple reborn. Perfect match ulit. Second chance is sweeter. Maybe fate wants them back together.” Mariin ang panga ni Leonardo. “Enough. Lumabas ka na." Tumango ang assistant at umalis. Naiwan si Leonardo, hawak ang tablet, matalim ang tingin. “







