“Excuse me—”
Biglang tumama ang balikat ko sa isang matikas na katawan habang nagmamadali akong lumabas ng café. Napa-atras ako, muntik nang mabitawan ang hawak kong bag. “Sorry! I wasn’t—” huminto ang boses ko nang makita ko kung sino ang nasa harap ko. Matangkad, may dalang aura ng pamilyar na init na parang nakalimutan ko na sa dami ng lamig na dinanas ko nitong mga araw. May ngiti sa labi, at sa kabila ng ilang taon na hindi kami nagkita, hindi ko makakalimutan ang mga matang iyon. “Ari?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig at mainit na kape sabay. “Marcus?” At bago pa ako makapagsalita ng iba, bigla niya akong hinila sa isang mahigpit na yakap. Nabitawan ko talaga ang bag ko sa sobrang gulat. Ang katawan ko, nanigas sa una, pero kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko, unti-unti rin akong lumuwag. “God, hindi ako makapaniwala. Ikaw nga!” tawa niya, sabay bitaw sa akin para titigan ako mula ulo hanggang paa. “Ilang taon na? Ten? Eleven?” “More than that,” sagot ko, halos nangingiti na rin kahit pilit kong pinipigilan. “Bumalik ka na pala. Hindi ka man lang nagparamdam.” “Surprise,” nakangisi siyang nagkibit-balikat. “Kagabi lang ako dumating. And guess what? Ikaw agad ang una kong nabangga. Para tayong teleserye.” Napailing ako, pero hindi ko mapigilang matawa. “Ikaw pa rin. Corny pa rin.” “Corny but effective,” balik niya agad. At may kung anong katiwasayan akong naramdaman sa simpleng banat na iyon, isang bagay na matagal ko nang hindi naranasan. Umupo kami sa loob ng café kung saan ko kanina balak magtago. Hawak niya ang tasa ng kape, at ako naman ay halos nakatulala lang, sinusubukang alalahanin kung paano ba magsimulang magkuwento. “So,” si Marcus, nakatingin sa akin, seryoso ang mata pero may nakatagong biro sa gilid ng labi. “Hindi ko pwedeng palampasin, ang ganda mo pa rin. Pero bakit parang… stressed ka?” Napakunot ako ng noo. “Wow, salamat sa backhanded compliment.” “Hindi, seryoso. Your eyes… may bigat. May iniisip ka, Ari.” Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung bakit parang ang dali-dali lang niyang basahin ako. Ganito pa rin pala siya, yung tipong alam agad kung may tinatago ako kahit hindi ko sabihin. “Let’s just say,” sabi ko, pinaglalaruan ang kutsarita, “I’m… trapped. Parang ang dami kong gustong gawin, pero lahat ng pinto sarado.” Saglit siyang natahimik, pero ramdam ko ang init ng tingin niya. “Sino… o ano ang nagkulong sa’yo?” Umiling ako, mabilis. “It’s complicated.” “Complicated?” Umusog siya palapit, parang hindi siya kumbinsido. “Kilala mo naman ako. Kahit gaano pa ‘ka-complicated’, I can handle it. Remember noong high school? You thought wala kang masasabi sa’kin, pero lahat pa rin nasasabi mo.” Napangiti ako, pilit pero may halong katotohanan. “Yeah, I remember. Lagi kang nandiyan para sumalo sa drama ko.” “Drama mo? No,” ngumiti siya, this time softer. “I called it life. And I liked being part of it.” Maya-maya, nagsimula siyang magkuwento tungkol sa mga taon niya sa abroad, kung paanong lahat ay mabilis, lahat ay puro trabaho at bagong tao, pero wala raw kapantay ang feeling ng umuwi. “Pero wala pa ring tatalo sa adobo ng Mama mo,” dagdag niya, sabay tawa. Napailing ako. “So food talaga ang na-miss mo, hindi ako?” “Hoy,” umirap siya. “Don’t flatter yourself. Ikaw rin, syempre. Actually, ikaw ang isa sa biggest reasons bakit gusto kong umuwi.” Natigilan ako. Nagtagal ang tingin namin, at doon ko lang napansin, iba na siya tumingin ngayon. Hindi na siya ‘yung batang best friend na kilala ko noon. May maturity, may lalim… pero may lambing pa rin na bumabalik sa alaala ko. “Marcus…” bulong ko, hindi ko alam kung paano tatapusin ang sentence ko. “Don’t worry,” mabilis niyang tugon, parang alam niya na agad ang takbo ng isip ko. “Hindi kita pipilitin na magsalita kung ayaw mo. Pero gusto ko lang malaman mo, Ari… I’m here. Kahit anong pinagdadaanan mo, hindi ka mag-isa.” Nagtagal pa ang usapan namin. Naging mas magaan, nagbalik ang alaala ng mga summer noon, yung tumatakas kami para manghingi ng mangga sa kapitbahay, yung sumasama siya sa akin sa piano lessons para lang matawa ako, at yung mga gabing nakahiga kami sa damuhan, nagbibilang ng bituin. “Remember that time na nag-away tayo kasi hindi ka pumayag na tawagin akong ‘Kuya Marcus’?” natatawa niyang sabi. “Oh my God,” napahawak ako sa noo. “You were so bossy! Sino ba namang magpapa-Kuya sa best friend?” “Eh kasi naman,” nagkunwari siyang nagtatampo. “Gusto ko lang pakinggan na may authority ako kahit konti.” “Authority? Sa’kin? Nice try.” Nagkatinginan kami, parehong natawa. Pero sa ilalim ng tawanan, ramdam ko ang kakaibang gaan, yung pakiramdam na sa wakas, may kasama ulit akong hindi ako huhusgahan. Nang medyo tumahimik kami, siya ang unang bumasag ng katahimikan. “Ari…” bumaba ang tono niya, seryoso na ulit. “Alam kong hindi mo pa sinasabi lahat. Pero gusto kong marinig mo ‘to.” Nagtaas ako ng tingin, diretso sa mga mata niyang puno ng determinasyon. “If someone hurts you, just tell me. Ipaglalaban kita.” Nanatili lang akong nakatitig sa kanya, para bang bawat salita niya ay pumapasok sa lahat ng bitak ng puso kong matagal nang binabalot ng takot. Ipaglalaban. Isang simpleng salita, pero sa gitna ng lahat ng gulong kinasasangkutan ko, parang napakalaking bagay na marinig iyon. “Marcus…” mahina kong sambit, halos bulong. “Wala kang alam kung gaano kabigat ‘to.” “Then let me carry it with you,” mabilis niyang sagot. “Hindi mo kailangang mag-isa. Hindi mo kailangang magpanggap na kaya mo lahat.” Napalunok ako, ramdam ang init ng mga mata kong namumuo na naman ang luha. Gusto kong sumigaw, gusto kong sabihin lahat, ang tungkol sa kontrata, kay Leandro, sa pwersahang kasal na parang bitag. Pero pinigilan ko ang sarili ko. “Hindi ganun kadali,” nanginginig kong boses. “May mga bagay na… hindi pwedeng malaman ng kahit sino.” “Except me.” Lumapit siya, bahagyang inilapit ang kamay niya sa ibabaw ng mesa, parang gustong abutin ang kamay ko pero nag-aalangan. “Ari, best friend mo ‘ko. Kung hindi mo kayang sabihin lahat, okay. Pero tandaan mo: nandito lang ako. Walang kondisyon.” Napapikit ako sandali, pinilit pigilan ang luhang gustong kumawala. At sa loob-loob ko, kinain ako ng dalawang magkasalungat na damdamin, takot na baka madamay siya sa gulo ko, at kaginhawaan na may isang taong handang manatili kahit hindi niya alam ang buong kwento. At doon ko naramdaman, muling tumibok ang pusong akala ko’y tuluyan nang naging bato.Tahimik ang buong opisina ni Leandro nang gabing iyon. Nasa mesa pa rin ang mga papel ng kompanya pero ni hindi niya magawang tignan. Ang paulit-ulit lang niyang naririnig ay ang sariling boses, malupit, malamig, at nakakasugat. "Whore." Napakuyom siya ng kamao. Napahampas sa mesa hanggang sa natumba ang baso ng alak na hawak niya kanina pa. “Damn it!” mariin niyang mura, mariin ang bawat hinga. Hindi niya alam kung paano niya nasabi iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit, sa tuwing hindi niya makontrol si Arielle, lagi siyang nauuwi sa salita o galaw na siya mismo ang kinamumuhian. Gusto niyang magalit sa kanya, pero mas galit siya sa sarili. Bumalik sa alaala niya ang mukha ni Arielle kanina, yung paraan ng pagkakatingin nito sa kanya, puno ng sakit at galit, pero may halong takot. At iyon ang pinaka-ayaw niya. Hindi siya kailanman gustong katakutan nito. Pero anong ginawa niya? Siya mismo ang nagtulak dito palayo. Napahiga siya sa swivel chair, pinikit ang mga mata. “Anong
Sa labas ng hotel, sa fountain area… Malamig ang hangin, sumasabay sa lamig na gumagapang sa balat ko. Ang mga ilaw mula sa ballroom ay natatakpan na ng gabi, pero rinig pa rin ang mahihinang tugtog mula sa loob. Sa paligid, may iilang guests pang naglalakad palabas, pero sa may fountain, halos kami lang ni Marcus ang tao. “Arielle.” Tinawag niya ulit ang pangalan ko, seryoso ang tono. Hindi kagaya ng madalas niyang banayad na boses, ngayon, may bigat. “Marcus…” halos bulong ko. “Bakit mo ako pinatawag dito? Alam mong delikado, baka may—” Hinawakan niya ang kamay ko bago ko pa matapos ang sinasabi. Mainit ang palad niya, mariin ang pagkakahawak. Para bang gusto niyang ipaalam na hindi niya hahayaang kumawala ako. “Because I can’t stand seeing you with him anymore,” diretso niyang sabi. “Hindi mo kailangang tiisin si Leandro. You can choose me.” Natigilan ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. “Marcus… hindi ito gano’n kasimple. May pinanghahawakan siyang kondisyon, a
“Leandro, kailangan nating mag-usap.” Ramdam ko ang panginginig ng boses ko habang magkasabay kaming lumalayo sa ballroom. Kumikinang pa rin ang mga ilaw mula sa gala, rinig ang mahihinang halakhakan ng mga bisita na nagmi-mingle, pero bawat hakbang ko papunta sa mas tahimik na pasilyo, mas bumibigat ang dibdib ko. Hindi ako tiningnan ni Leandro. Naninigas ang panga niya, isang kamay nakasuksok sa bulsa ng tuxedo, gaya ng dati,perpekto ang itsura pero nakakasakal ang presensya. “Mag-usap? Kanina pa nga kayo nag-uusap ni Marcus. Mukhang mas marami pa kayong napag-usapan kaysa sa atin.” Napakagat ako ng labi. “Huwag mong gawing biro. Si Marcus ang kasama ko kasi ayokong palaging magmukhang laruan mong fiancée na wala man lang sariling desisyon.” Huminto siya. Dahan-dahan siyang lumingon, matalim ang mga mata. “At ano bang ibig mong sabihin, Arielle? Na may choice ka pa?” Pinilit kong itaas ang ulo ko, kahit nanghihina ang tuhod ko. “Oo. Siguro may paraan pa. Pero hindi ito. Hindi
“Marcus, please sagutin mo…” nanginginig ang boses ko habang hawak ang cellphone. Ilang ulit na akong nag-ring pero wala pa rin siyang sagot. “Damn it, Marcus… kumusta ka na ba? Okay ka lang ba?” Napapikit ako, pinipigilan ang luha. Sobrang bigat ng lahat. Yung eksenang sumugod si Leandro kanina, parang pelikula pero ako ang bida sa bangungot. At si Marcus… napahawak ako sa dibdib ko habang naaalala ang pagkakahila sa akin ni Leandro palayo. “Please, kahit isang text lang. Tell me you’re fine,” bulong ko, parang umaasa sa hangin na makarating ang dasal ko sa kanya. Pero tahimik ang kabilang linya. Huminga ako nang malalim at ibinaba ang phone. Nakatingin lang ako sa kawalan, sa mismong repleksyon ko sa salamin ng bintana. Galit. Yun dapat ang nangingibabaw. Galit kasi wala namang karapatan si Leandro na i-control ang buhay ko. Galit kasi ginagamit niya lang ako para sa sariling laro niya. Galit kasi pinahiya niya si Marcus, at ako pa ang nadamay. Pero bakit may parte sa
“Asshole!” boses na parang kulog, at bago pa ako makareact, ay dumampi na ang kamao ni Leandro sa pisngi ni Marcus. “Leandro, tama na!” halos mapalakas ang sigaw ko, pero wala na siyang pakialam. Ang mga mata niya, parang naglalagablab habang nakatutok kay Marcus. Makailan ulit akong napalunok, ngayon ko lamang siya nakita na ganito. Tumayo si Marcus, agad na sumalubong sa kanya. “Ano ba problema mo?! You barge in here like you own everything—” “Because I do,” singhal ni Leandro, hinila agad ako sa braso. “At wala kang karapatang halikan ang fiancée ko.” Parang sumabog ang paligid. Mga tao sa restaurant nagsimula nang maglabasan ng phone, nagre-record ng eksena. “Leandro, bitawan mo siya!” sigaw ni Marcus, pilit na hinahawakan ang kabilang braso ko. “Fuck you, dude! Hindi nga siya sa'yo!" Nanginginig na halos ang katawan ko sa tensyon. “Stop it, both of you! Nakakahiya!” pero parang wala silang naririnig. “You think you can just swoop in after all these years?” malamig pero ma
“Relax ka lang, Ari. Promise, hindi kita dadalhin sa kung anong sobrang formal o nakaka-intimidate,” bulong ni Marcus habang binubuksan niya ang pinto ng isang maliit na resto na may fairy lights sa labas. “Marcus…” napahinto ako sandali, nakatingin sa paligid. Cozy, may soft music, walang masyadong tao. “Ano ba ‘to?” “Surprise,” ngumiti siya, at parang ang gaan ng buong atmosphere dahil sa ngiti niya. “I figured you needed this. Just one night na wala kang iniisip kundi ikaw lang. Wala si Leandro, wala ang family pressure, wala lahat ng toxicity. Just us.” Napatingin ako sa kanya, pinipilit na alisin sa akin isipan ang nakaraan niyang pag-amin sa akin. “Hindi mo naman kailangan gawin ‘to.” “I know,” seryoso ang tono niya habang hinahawakan ang upuan para makaupo ako. “Pero gusto kong gawin. For you.” Umupo ako, pinakiramdaman ang bawat pagpatak ng pagkakataon. He sat across me, leaning forward a little. Hindi siya ‘yung typical na intense na Marcus sa office, mas gentle,