“Anak, please. Pirmahan mo na.”
Boses ni Papa ang bumungad habang nakaupo ako sa mahaba naming dining table. Nakatapat sa akin ang kasulatan, isang marriage contract na parang hukom na naghihintay ng lagda ko. “Papa…” nanginginig ang boses ko. “Hindi ‘to tama. Hindi ako bargaining chip.” Napatingin ako kay Mama, umaasang kakampi ko siya. Pero umiwas siya ng tingin, pinaglalaruan lang ang baso ng tubig na hawak, para bang iyon na lang ang kayang pagkakitaan ng lakas ng loob. “Hindi lang ikaw ang nakasalalay dito, Arielle,” mariin na sagot ni Papa. “Kung hindi ka papayag, mawawala sa atin ang lahat. Ang kumpanya, ang pangalan natin, pati mga empleyadong umaasa.” “Pero bakit ako? Bakit buhay ko ang kailangan isakripisyo?” halos pasigaw kong tanong, ramdam ko ang panginginig ng dibdib ko. “Dahil ikaw ang anak namin.” Malamig pero mariin ang boses niya. “At bilang anak, minsan kailangan mong gawin ang tama para sa pamilya.” Parang tinuhog ako ng mga salita niya. Emotional blackmail sa pinakamasakit na paraan, ginagamit ang mismong pagmamahal ko para itali ako. “Mama…” halos iyak ang tono ko. “Sabihin mo kay Papa… sabihin mo na hindi ‘to tama.” Nakita kong nanginginig ang kamay ni Mama habang inilalapit sa akin. “Kung may ibang paraan lang sana, anak. Pero wala. Ito na lang ang natitirang solusyon.” Humigpit ang hawak ko sa ballpen. Halos mabali ito sa diin. Ang mga mata ko, nagluluha pero matigas. “Hindi niyo alam kung anong hinihingi niyo sa akin. You’re asking me to ruin my own life.” Walang sumagot. Tanging tik-tak ng orasan ang narinig ko, parang hinuhusgahan din ako. Hanggang sa maramdaman kong tumulo ang luha sa pisngi ko. At bago pa ako tuluyang bumigay, napapirma ako. At sa mismong sandaling iyon, parang tuluyang gumuho ang mundo ko. Kinabukasan, magkahalong flash ng camera at hiyawan ng media ang sumalubong sa akin. Sa gitna ng engrandeng engagement party, magkahawak-kamay kaming naglakad ni Leandro papasok ng ballroom. “Smile,” bulong niya, malamig, halos hindi gumagalaw ang labi. “Unless gusto mong magmukhang talunan sa harap ng lahat.” Napakagat-labi ako, halos mapunit. Sa harap ng daan-daang bisita, sa mga lente ng camera, napilitan akong ngumiti. Pero sa loob-loob ko, umaapoy ang galit. “Ladies and gentlemen!” malakas na anunsyo ng host. “We are here tonight to witness the union of two powerful families. Let us all congratulate Miss Arielle Velasco and Mr. Leandro Vergara on their engagement!” Hiyawan. Palakpakan. Flash ng camera na halos bumulag sa akin. At doon, sa mismong entablado, habang magkahawak-kamay kami, pakiramdam ko para akong nakatayo sa gilid ng bangin. Habang tuloy-tuloy ang mga litrato, bahagya siyang yumuko, inilapit ang labi malapit sa tainga ko. “You clean up well,” bulong niya, mababa ang boses, puno ng pang-uuyam. “Sayang lang, kahit anong ganda mo, para ka pa ring pawn na nadali sa laro ko.” Nanginig ang kamay ko sa hawak kong champagne glass. “Bastos ka,” mariin kong balik, pilit pa ring nakangiti para sa camera. “Hm. Maybe,” sagot niya, walang pakialam. “Pero aminin mo, Arielle… wala ka nang kawala.” “Kung hindi lang nakatingin ang lahat…” mariin kong bulong, “baka nasampal na kita.” Bahagya siyang natawa, malalim, mababa, parang lalo lang akong pinapahiya. “Oh, I’d love to see you try.” “Hindi ka Diyos, Leandro,” balik ko, mas matalim ang tono. “Kahit gaano ka kayaman, hindi mo pwedeng kontrolin lahat ng bagay. Hindi mo ako pwedeng bilhin.” “Pero pumirma ka,” sagot niya, bahagyang nakataas ang kilay, habang hawak pa rin ang baso ng alak na parang siya ang may hawak ng lahat ng kontrol. “At alam mo kung ano’ng ibig sabihin nun? Nabenta mo na ang kalayaan mo.” Naramdaman kong kumirot ang dibdib ko. Para bang bawat salita niya ay tinataga ako ng paunti-unti, pero ayokong ipakitang talo na ako. “Hindi ko ‘yon ginawa dahil sa’yo!” halos mabasag ang boses ko, pilit kong pinapanatili ang pekeng ngiti sa labi habang may mga camera pa ring nakatutok sa amin. “Ginawa ko ‘yon para sa pamilya ko. At kung iniisip mong magkakaroon ka ng kapangyarihan sa puso ko, kalimutan mo na.” Nagtagpo ang mga mata namin, ang sa akin ay puno ng apoy, ang sa kanya ay malamig pero may halong aliw, parang lalo pa siyang nae-entertain sa galit ko. Sandaling natahimik siya, at akala ko tapos na ang pang-aasar. Pero hindi, dahil muling gumuhit ang pamilyar na ngiti sa labi niya, ang ngiting kayang magpasabog ng pasensya ko sa isang iglap. “We’ll see,” bulong niya, mababa pero malinaw, sapat para ako lang ang makarinig. “Ang puso, madaling turuan kapag nasanay na sa presensya ng isang tao. Hindi mo namamalayan, unti-unti na itong bumibigay.” Lumapit pa siya, halos dumikit ang labi niya sa tainga ko, dahilan para kumabog ang dibdib ko kahit na ayokong aminin. “At tandaan mo, Arielle… ako na ‘yon ngayon.” Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa baso, pero hindi ko puwedeng ipakita ang kahinaan ko. Pinilit kong ngumiti ulit, mas maliwanag pa kaysa kanina, kahit na ang totoo’y gusto ko na lang ibato ang baso sa mukha niya. “Huwag kang mag-ilusyon, Leandro,” malamig kong balik. “Kahit anong gawin mo, hindi mo kayang angkinin ang isang pusong marunong lumaban," sambit ko ng may tapang, habang mas naging malamig ang kaniyang tingin. "Siguraduhin mo lang na kaya mo panindigan ang mga sinasabi mo, dahil ikaw ang mananatili na talo kapag nahulog ang loob mo sa akin." Napalunok ako, pilit na pinipigil ang apoy ng galit na gustong sumabog. Pero alam kong tama siya sa isang bagay, wala na akong kawala sa sitwasyong ito. Samantala, sa kabilang dako ng siyudad, nakaupo si Marcus sa loob ng isang café. Hawak niya ang cellphone, at habang nag-a-update ang feed, bumungad ang breaking news headline: “Vergara and Velasco Families Unite Through Engagement!” Naka-display ang litrato ng dalawa, ang kaibigan na nakangiti ng pilit; si Leandro, nakangising parang hari na nagtagumpay. Dahan-dahang nanigas ang panga ni Marcus. Unti-unting nangitim ang tingin niya, puno ng galit at determinasyon. “Leandro Vergara…” mahina niyang sambit, halos pabulong pero nagngangalit ang boses. “Hindi kita palalampasin.” At sa unang pagkakataon, alam nilang lahat na hindi na lang ito laban ni Arielle at ni Leandro. Si Marcus, handa na ring pumasok sa digmaan ng mga puso.Maingay ang bar. Tawanan, kantiyawan, tunog ng mga basong nagbabanggaan. Pero sa pinakadulong booth, mag-isa lang si Leonardo, nakatitig sa baso ng alak na para bang nando’n lahat ng kasagutan na matagal na niyang hinahanap. Mabigat ang bawat lagok. Masakit ang bawat lunok. Para bang bawat patak ng whiskey ay may kasamang alaala na ayaw na ayaw na niyang balikan. Pero gano’n yata talaga ang sakit—kahit anong pilit mong lunukin, bumabalik pa rin. Mas matalim. Mas malupit. Flashback. “Leo, hindi mo naman kailangang gawin ‘to,” mahinang sabi ni Daniella noon, habang nagkakapatong ang mga librong binili niya mula sa sahod na halos wala na siyang itinira para sa sarili. Ngumiti siya noon, kahit ramdam na ramdam ang pagod. “Gusto ko. Huwag mong isipin na tinutulungan lang kita. Isipin mo na ini-invest ko ‘to para sa atin. Para sa future na bubuuin natin.” At sa sandaling iyon, nakita niya ang mga mata ni Daniella, puno ng ningning, puno ng pangako. Hanggang sa araw na iyon.
Hinawakan ni Leonardo ang manibela nang mas mahigpit kaysa kinakailangan, ang kanyang panga ay umigting, ang mga mata ay nakatutok sa daan. Malabo ang mga ilaw ng lungsod sa ilalim ng ambon, ngunit hindi siya makapag-focus. Something felt… off. He had left the office hours ago, but the image of Arielle, ang katigasan ng ulo, ang distansya, ang tingin na ibinigay niya kanina. Sa bawat pagtatangkang itaboy ang alaala, mas matindi at mas nakakainis itong bumabalik. “Damn,” he muttered under his breath, shaking his head. “Bakit ba kailangan mo na lang palagi gawing komplikado ang lahat?" And then, out of nowhere, he saw her. There she was, standing in the middle of the sidewalk, wala siyang payong, basang-basa na ng ulan, mag-isang niyayakap ang sarili. Leonardo’s chest tightened, hindi dahil sa galit kun'di dahil sa iritasyon at paga-alala na ayaw niyang tanggapin. He slammed the brakes. The tires screeched slightly on the wet asphalt, drawing a few glances from passersby. N
“Mr. De Vergara, pasensya na, pero kailangan naming sabihin nang diretsahan,” malamig pero may kaba ang boses ng isa sa mga investors. “Ang engagement mo kay… kay Miss Velasco, sa totoo lang, hindi magandang tingnan. The press is buzzing. Her background, hindi siya galing sa mundo natin. I mean yes, may background sa industry ang pamilya niya pero hindi gano'n katibay. It might damage your image, and by extension, the company’s.” Napatigil si Arielle sa paglalakad nang marinig ang sariling pangalan mula sa loob ng conference room. Dumaan lang siya para kunin ang naiwan niyang folder, pero biglang nanlamig ang katawan niya. “Hindi personal,” dagdag ng isa, halatang nahihirapan maghanap ng tamang salita. “Pero… she doesn’t belong. Walang koneksyon, walang credibility.” Tahimik saglit. Hanggang sa marinig niya ang boses ni Leandro. “What did you say?" Isang salita lang, pero parang kumidlat sa loob ng silid. Mabilis na natahimik ang lahat. “Kung may sasabihin kayo, siguradu
Simula nang bumalik si Arielle sa mansyon, parang nag-iba ang himig ng buong paligid. Dati, kahit puno ng tensyon, maririnig pa rin ang pagtatalo nila, ang mga sigaw, o kahit ang mga mabibigat na salita ni Leandro. Pero ngayon, ang katahimikan ang siyang umuukit ng lamat sa hangin. Tahimik si Arielle. Walang pagtingin, walang salita. Kung makikita siya ni Leandro sa dining table, palaging nakatungo, kumakain lang kung kinakailangan, walang kahit anong pagtutol. Kung may utos, susunod siya. Kung may tanong, maikli ang sagot. “Handa na,” sabi niya minsan habang inihahain ang kape. Walang emosyon, walang tingin. Nakatitig lang si Leandro sa tasa, kinuha iyon na para bang hindi siya naroroon. Wala siyang sinabi, wala ring reaksyon. Parang wala silang koneksyon kundi ang hangin sa pagitan nila. At kahit na ganyan, ramdam ni Leandro ang pagbabago. Oo, bumalik si Arielle. Oo, nasa mansyon pa rin siya. Pero ang katahimikan nito ay hindi kapareho ng dati. Kung dati, pinupuno niya ang bahay
Tahimik ang buong opisina ni Leandro nang gabing iyon. Nasa mesa pa rin ang mga papel ng kompanya pero ni hindi niya magawang tignan. Ang paulit-ulit lang niyang naririnig ay ang sariling boses, malupit, malamig, at nakakasugat. "Whore." Napakuyom siya ng kamao. Napahampas sa mesa hanggang sa natumba ang baso ng alak na hawak niya kanina pa. “Damn it!” mariin niyang mura, mariin ang bawat hinga. Hindi niya alam kung paano niya nasabi iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit, sa tuwing hindi niya makontrol si Arielle, lagi siyang nauuwi sa salita o galaw na siya mismo ang kinamumuhian. Gusto niyang magalit sa kanya, pero mas galit siya sa sarili. Bumalik sa alaala niya ang mukha ni Arielle kanina, yung paraan ng pagkakatingin nito sa kanya, puno ng sakit at galit, pero may halong takot. At iyon ang pinaka-ayaw niya. Hindi siya kailanman gustong katakutan nito. Pero anong ginawa niya? Siya mismo ang nagtulak dito palayo. Napahiga siya sa swivel chair, pinikit ang mga mata. “Anong
Sa labas ng hotel, sa fountain area… Malamig ang hangin, sumasabay sa lamig na gumagapang sa balat ko. Ang mga ilaw mula sa ballroom ay natatakpan na ng gabi, pero rinig pa rin ang mahihinang tugtog mula sa loob. Sa paligid, may iilang guests pang naglalakad palabas, pero sa may fountain, halos kami lang ni Marcus ang tao. “Arielle.” Tinawag niya ulit ang pangalan ko, seryoso ang tono. Hindi kagaya ng madalas niyang banayad na boses, ngayon, may bigat. “Marcus…” halos bulong ko. “Bakit mo ako pinatawag dito? Alam mong delikado, baka may—” Hinawakan niya ang kamay ko bago ko pa matapos ang sinasabi. Mainit ang palad niya, mariin ang pagkakahawak. Para bang gusto niyang ipaalam na hindi niya hahayaang kumawala ako. “Because I can’t stand seeing you with him anymore,” diretso niyang sabi. “Hindi mo kailangang tiisin si Leandro. You can choose me.” Natigilan ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. “Marcus… hindi ito gano’n kasimple. May pinanghahawakan siyang kondisyon, a