Share

4

Penulis: BlankTinker
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-18 16:00:15

Naiintindihan ni Katrice ang lahat, pero alam niyang hindi biro ang kasal. Napaisip siya at bahagyang umiling.

“Hindi na siguro kailangan, diba? Pwede mo namang kausapin nang maayos si Mr. Manzano...”

Ngunit hindi pa man siya natatapos magsalita ay pinutol na siya ni Ethaniel. Hindi nagbago ang ekspresyon nito, at kalmado ang tono ng boses.

“Bilang kapalit, bibigyan kita ng pera. Consider it compensation.”

Napahinto si Katrice. Pera? Hindi niya alam kung paano tututulan iyon. Natahimik siya. Nasa ospital pa ang kanyang kapatid at kailangan ng agarang gamutan.

Iyon din naman ang dahilan ng pagpunta niya sa Manzano ay para humiram ng pera.

Nang makita ni Ethaniel na tila nag-aalangan na si Katrice, muling nagsalita ang lalaki.

“As long as you agree, you can name your price.”

Tahimik na nagbilang si Katrice ng ilang segundo, saka marahang tumango. “Okay. Pumapayag ako.”

Bahagyang yumuko si Ethaniel, tinatago ang malamig na panunuya sa kanyang mga mata. Sa isip niya, Ang isang babaeng kayang ipagbili ang sarili niyang kasal sa kapalit ng pera... madali lang iyang alisin sa buhay ko balang araw.

“Paghahandaan ko ang kasunduan. Bukas ng umaga, dalhin mo ang mga dokumento mo. Magkita tayo sa City Hall.”

“Sige,” mahina niyang sagot.

Kinabukasan, maagang naghintay si Katrice sa harap ng City Hall. Halos hindi siya nakatulog buong gabi. Magulo ang kanyang isipan, at ngayon lang siya tuluyang natahimik nang dumating si Ethaniel.

Mabagal ang lakad nito papalapit, pormal at walang emosyon sa mukha. Pinilit ni Katrice ngumiti.

“Sir Ethaniel,” tawag niya.

Hindi siya nito tiningnan man lang. Diretso itong pumasok sa loob.

“Bilisan mo,” malamig nitong sabi.

“Ah, opo!”

Matapos ang mabilis na proseso ng kasal, hawak na ni Katrice ang maliit na pulang booklet na tanda ng kanilang kasal. Mabigat ang pakiramdam niya.

Para mabuhay, una niyang ibinenta ang katawan niya. Ngayon, ibinenta na rin niya ang karapatan niya sa pag-ibig.

Sa labas ng gusali, dalawang sasakyan ang nakaparada. Itinuro ni Ethaniel ang isa sa likod.

“Sumakay ka na. Ihahatid ka ng driver sa tirahan mo.”

Tumalikod siya at lumapit sa unahang sasakyan.

“Ma’am,” bati ni Kyle nang lapitan si Katrice. Iniabot nito ang isang card. “Pinabigay ni Sir.”

Hindi nag-alinlangan si Katrice. Tinanggap niya ang card at taos-pusong nagpasalamat.

“Salamat.”

Hindi siya pinansin ni Ethaniel. Para sa kanya, isa lamang itong transaksyon, wala siyang kailangan pasalamatan.

“Kyle, hindi niya kailangan ng tawag na 'Ma’am'. Tara na.”

Hindi sumama si Katrice sa driver. Humingi siya ng address, at pinauwi ito. Siya na lang ang pumunta sa Autism Sanatorium, isang institusyon para sa paggamot ng mga batang may autism.

Samantala, nasa loob ng Bentley si Ethaniel, at kausap si Kyle.

“Si Giselle . Puntahan mo at sabihing wala na ang kasal. Paalalahanan mong wala akong balak na pabayaan siya. Anumang hilingin niya, ibigay mo.”

“Okay, Sir.”

Tumunog ang cellphone ni Ethaniel. Isang notification sa kanyang credit card.

,  ‘Your credit card ending in xxxx has been charged with 200,000.’

Napakunot ang noo niya. Ganito agad kalaki ang nagasos niya?

Paglabas ni Katrice mula sa Autism Sanatorium, maingat niyang isiniksik ang resibo sa maliit na ledger na bitbit niya. Isinulat niya sa loob:

,  Taon xx, buwan xx, araw xx: Utang kay Ethaniel, 200,000 pesos.

Hindi siya sanay tumanggap ng tulong nang walang kapalit. Hindi man niya ito mabayaran ngayon, sisiguraduhin niyang mababayaran niya ito balang araw.

Ngunit sa kabila ng bigat na dinadala niya, nakahinga siya ng maluwag. Matapos ang ilang araw ng tensyon, ngayon lang siya nakaramdam ng kahit kaunting kaginhawahan. Ngunit dahil sa biglang pagkalma, nanghina ang kanyang mga tuhod at tila hindi siya makatayo nang maayos. Nanlamig ang likod at noo niya sa pawis.

Intern siya, at alam niya ang posibleng dahilan.

Yung gabing ‘yon… sobrang sakit. Hanggang ngayon, masakit pa rin at may pagdurugo pa. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Agad siyang pumunta sa ospital at nagpakonsulta sa OB-GYN.

Sa kabilang banda, habang nasa meeting si Ethaniel, nakatanggap siya ng tawag mula kay Kyle.

“Sir! Si Miss Giselle... nahimatay! Nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa kasal, bigla siyang nawalan ng malay. Nasa ospital na siya ngayon!”

“Pupunta ako agad.”

Sa ospital, tahimik na umiiyak si Jessa habang pinupunasan ang luha ng anak.

“Kawawa ang anak ko. Kasal na nga ang inaasahan, biglang nawala. Para mo na rin siyang pinatay!”

“Mom, please don’t say that...” mahinang bulong ni Giselle . “Kasal na si Mr. Manzano sa iba.” Punong-puno ng luha ang kanyang mga mata. “Siguro hindi talaga ako para sa kanya. Mr. Manzano, salamat po sa pagpunta...”

Hindi gusto ni Ethaniel ang babaeng umiiyak, ngunit si Giselle  ang unang babaeng minahal niya, ang una niyang babae. Kahit paunti-unti na ang nararamdaman niya rito, kailangan niyang maging mahinahon.

“Wala akong relasyon sa babaeng iyon. Napilitan lang ako. Kasal man kami, maghihiwalay rin kami. I’m just asking you to wait, Giselle . My promise to you won’t change.”

Biglang huminto sa pag-iyak si Jessa. “Talaga ba, Mr. Manzano? Hindi mo pinapaasa ang anak ko?”

Hindi mahilig si Ethaniel sa mga taong nagdududa sa kanya, kahit pa si Giselle  ang ina ng babae. Tumalim ang tingin niya.

“Hindi ka ba naniwala sa sinasabi ko?”

Agad namang sumingit si Giselle  at mahigpit na kumapit sa manggas ng kanyang damit habang umiiyak.

“Naniniwala ako sa’yo....”

Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Ethaniel. Sa kabila ng lahat, nasasaktan pa rin ang babaeng ito dahil sa ginawa ni Katrice. Sa isip niya, Kung hindi lang talaga dahil kay Katrice, hindi sana nawalan ng tiwala sa akin si Giselle .

“Magpahinga ka muna. Don’t overthink, okay?”

Tumango si Giselle , “Okay. I’ll listen to you.”

Matapos kumalma ni Giselle, agad na naisipang bumalik ni Ethaniel sa kumpanya. Ngunit habang dumadaan siya sa lobby, napansin niya ang isang pamilyar na pigura. 

Napatanong siya sa isipan niya. ‘Hindi siya nagpunta sa bahay na binigay ko, bakit narito siya sa ospital?’

Sinundan niya ito.

Pumasok si Katrice sa isang silid ng konsultasyon. Napatingala si Ethaniel at nakita ang karatula sa pinto ,  Gynecology.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Ethaniel at nanatiling naghihintay sa labas.

Makalipas ang kalahating oras, lumabas si Katrice. Maputla ang kanyang mukha at halatang nanghihina. Nakahawak siya sa pader habang dahan-dahang naglalakad... at eksaktong nagkasalubong sila ni Ethaniel.

Nanlaki ang mata ni Katrice sa gulat. “Anong ginagawa mo rito?”

Hindi siya sinagot ng lalaki at sa halip ay tinanong siya, “Bakit ka nasa department ng gynecology?”

Nag-iba ang tingin ni Katrice. Umiwas siya ng tingin at sumagot, “Wala kang kailangan malaman. It’s my personal business.”

Biglang bumukas ang pinto ng examination room. Lumabas ang nurse na may hawak na folder.

“Miss Katrice, naiwan mo ang medical records mo!”

“Ay, salamat!” Agad siyang lalapit sana para kunin ito, pero inunahan siya ni Ethaniel.

Agad siyang kinabahan at tumakbo palapit. “Ibalik mo ‘yan! Don’t look at it!”

Pero mas matangkad si Ethaniel at kaya niyang itaas ang folder nang hindi ito maabot ni Katrice. Binuklat niya ito habang pilit itong inaagaw ni Katrice.

“Please, ibalik mo na! Don’t read it!”

Ngunit huli na. Nabasa na niya ang laman.

Biglang dumilim ang mukha ni Ethaniel. Hindi siya makapaniwala sa nabasa. “Anong klaseng babaeng walang hiya ka ba?!”

Napapikit si Katrice sa hiya. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha.

Hindi na napigilan ng nurse ang sarili at sumabat.

“Boyfriend ka niya, di ba? Dapat alam mo ang nangyari. Hindi mo man lang ba siya inalagaan? Sarili mo lang iniisip mo. Three lacerations 'yon, tapos ilang tahi. Sa susunod, sana naman marunong kang magpahalaga sa girlfriend mo.”

Paglingon ng nurse ay napabulong pa ito, “Kung wala ka namang experience, huwag mong subukan ang mga mahihirap na posisyon.”

Parang tinamaan ng matigas na bagay si Ethaniel. Three lacerations? Tapos may stitches pa? Gano’n katindi? 

Hindi siya makapaniwala.

Grabe. Ganito pala kabastos ang babaeng ‘to. Kakasal lang namin, niloko na agad ako! At dahil lang sa ganitong babae, nasasaktan pa si Giselle !

“Katrice, ‘shameless’ is not even enough to describe you!”

Hinila niya si Katrice palabas. Napakadiin ng hawak niya kaya napasinghap ito sa sakit.

“Masakit! Saan mo ako dadalhin?!”

“Kay Grandpa. Papakita ko sa kanya kung anong klaseng babae talaga ang pinakasalan ko!”

Punong-puno ng galit si Ethaniel. Ang babaeng ito, may gana pang humarap sa Manzano at ipilit ang kasunduan sa kasal? Hindi man lang marunong mahiya.

Gusto sanang sabihin ni Katrice na hindi naman siya ang nagpumilit sa kasal. Siya mismo ang nagsabing peke lang ito, walang label, walang pakialaman, at agad ding maghihiwalay.

Pero dahil sa utang na loob niya kay Ethaniel, napabuntong-hininga na lang siya. Bahala ka na kung anong gusto mong gawin.’ sabi niya sa isip niya.

Pagdating nila sa ward, galit na binuksan ni Ethaniel ang pinto at itinulak si Katrice papasok.

“There! Tell him what kind of woman you are!”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married To A Billionaire Beast   142

    Sa labas ng opisina ng direktor, tinawagan ni Katrice si Kyle."Katrice!" Masiglang sagot ng lalaki."Kyle..." mahina ang boses ni Katrice, may pag-aalangan, halatang nahihiya siyang magsalita.Tahimik siya sandali, saka marahang nagsalita."Pwede ba... makausap ko si Ethaniel ng sandali?""Siyempre, nandito lang ang second brother." Agad namang tugon ni Kyle.Pagkalipas ng ilang segundo, iba na ang boses sa kabilang linya."Hello." Malamig at walang emosyon ang tinig ni Ethaniel. "Ano ‘yon?"Diretsong tanong ni Katrice, "Yung pagsali ko sa cardiopulmonary project team... ikaw ba ang

  • Married To A Billionaire Beast   141

    Huminto ang kotse sa harap ni Katrice.Bumaba ang salamin, at sumilip si Kyle mula sa loob. May banayad na ngiti sa kanyang mga labi."Katrice, saan ka papunta? Sakay ka na, ihahatid na kita."Nilingon ni Katrice si Ethaniel, nasa front seat ito. Nagulat siya.Bakit siya nandiyan? Nasa isip lang niya. Bakit laging ganyan? Laging nagkakasalubong.Umiling siya kaagad."Salamat, pero ‘wag na. Ayos lang ako."Ayaw na niyang sumakay muli sa kotse ng kahit sino sa kanila. Lalo na kung pareho silang naroon, masyado nang nagiging komplikado ang lahat.Ngunit hindi rin umalis si Kyle."Sakay ka na." Nakangiti pa rin ito, tila hindi nagpapaapekto. "Gusto mo ba akong bumaba at buksan ang pinto para sa’yo?""Hindi na..."Patuloy pa rin ang pagtanggi ni Katrice, pero nagsimula nang magreklamo ang mga tao sa waiting shed malapit sa kanila."Ano ba ‘yan, hindi ba nila alam na bawal humarang sa bus lane?""Ang tagal! Hindi makausad ang bus!""Uy, Bentley pa oh! Akala mo naman kung sino!"Habang tumat

  • Married To A Billionaire Beast   140

    Gaya ng nakagawian, muling nagtungo si Katrice sa ospital upang dalawin si Kathlyn.“Hi, Ate ni Kathlyn,” bati ng nars na may ngiti.“Maaga ka ngayon, ah,” dagdag pa nito.“Natapos na kasi 'yung internship ko,” paliwanag ni Katrice habang naglalakad papasok.“Pero may nauna na sa’yo,” bulong ng nars habang patuloy ang ngiti.Napahinto si Katrice, nagtatakang nagtanong, “Sino?”“Noong huli mong punta, nabanggit mo na siya… Tatay ninyo ni Kathlyn.”Mabilis na nagdilim ang mukha ni Katrice. Si Roy na naman.Anong pumasok na naman sa isip ng taong ‘yon ngayon? Napakunot siya ng noo.“Ah, at isa pa,” dagdag ng nars sabay hila sa kanya palapit at pabulong na nagsalita, “Tinanong niya tungkol sa ‘Wells Agency.’ Kung dito raw ba tinatanggap ‘yung mga pasyenteng isinasailalim sa assessment.”Lalong lumalim ang kunot ng noo ni Katrice nang marinig iyon.“Gets ko na. Salamat,” maikli niyang sagot.“Walang anuman,” sagot ng nars, saka siya iniwan.Pagkapasok ni Katrice sa silid ni Kathlyn, bumung

  • Married To A Billionaire Beast   139

    Sa sandaling niyakap ni Ethaniel si Katrice, agad niyang napansin ang isang bagay, bakit parang lalong lumiit ang katawan nito?Mula’t simula’y hindi naman talaga siya malusog tingnan, pero ngayon… mas kapansin-pansin na ang pangangayayat niya.Wala nang panahon para magtanong pa. Ang mahalaga, maresolba ang sitwasyon sa harap niya.Malinaw sa kanya, mababang blood sugar ang dahilan ng pagkahilo ni Katrice.Nakaalalay siyang lumapit, hawak-hawak si Katrice at nagtanong agad."May candy ka ba? Asukal, kahit ano?"Mahina pero malinaw ang tugon ni Katrice. Tumango ito at binuka ang bibig, saka itinuro ang loob.May nakasubo na pala siyang candy.Pero kahit meron na, bakit parang hindi pa rin siya nagiging okay?Biglang dumilim ang mukha ni Ethaniel. Hindi na siya nagdalawang-isip, binuhat niya si Katrice."Huwag... huwag..." mahina niyang pagtutol. "Ibaba mo ako..."Pero dahil nanghihina ang katawan, halos wala rin siyang lakas para lumaban.Napangiti si Ethaniel, may halong sarkasmo sa

  • Married To A Billionaire Beast   138

    Biyernes ng gabi, dumalaw si Ethaniel sa bahay ng mga Basco.Naki-dinner siya sa pamilya at habang kumakain, biglang nagsalita si Jessa habang palihim na sumulyap sa kanyang asawa."Roy, malapit na ang kaarawan mo. Kahit hindi ito malaking okasyon, hindi pa rin puwedeng palampasin nang basta-basta. Anong plano mo? Dito ba sa bahay o sa labas?"Hindi iyon basta tanong, may layunin.Gusto niyang marinig ito ni Ethaniel. Kung may malasakit ang binata, kusa itong mag-aalok na asikasuhin ang selebrasyon. Kapag ganoon, may mukha silang maipagmamalaki, at makakatipid pa sila.Hindi sila binigo ni Ethaniel. Tahimik muna siya ng ilang segundo bago nagsalita nang kalmado."Ang kaarawan ni U

  • Married To A Billionaire Beast   137

    Tinitigan ni Ethaniel ang maamong mukha ni Katrice. Bahagyang paos ang kanyang boses nang magsalita.“Bakit? Ayaw mo na ba talaga?”Hindi man matagal ang pinagsamahan nila, alam niyang hindi malakas kumain si Katrice. Kaya kung pinuntahan pa niya ang snack shop para bumili, ibig sabihin, gustong-gusto talaga nitong kainin 'yon.Pero heto siya ngayon, tumatanggi.Siguro nga, galit lang talaga siya.Nasasaktan si Ethaniel habang pinagmamasdan siya. Tahimik ang sakit, pero ramdam niyang mabigat at masikip sa dibdib. Kaya’t pilit niya itong kinausap nang mahinahon.“Galit ka pa rin ba? Hindi ba sinabi ko noon, hati na lang kayo sa hawthorn cake? Bakit mo hindi tinanggap?”Napakunot ang noo ni Katrice, sabay taas ng kilay at biglang napatingin sa kanya."Huwag mong sabihing nagpaparinig ka pa ngayon? Ako 'yung unang nagtanong kung meron, ako 'yung unang bumili, tapos pagdating niyo, gusto mong hatiin ko pa? Gano’n ba 'yon? Dapat ba akong magpasalamat dahil hinayaan niyong may matira sa’kin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status