“Mr. Manzano.” Napahinto bigla si Mr. Perez. Sa mundo ng negosyo, may pangalan at impluwensiya siya, pero kahit anong taas ng lipad niya, hindi puwedeng hindi kilalanin si Ethaniel. “Bakit ka narito?”
Ni hindi man lang nilingon ni Ethaniel si Mr. Perez. Ang mga mata niya ay diretsong nakatingin kay Giselle na noon ay umiiyak at nanginginig pa.
Siya ‘yong babaeng umiiyak sa mga bisig ko kagabi...
Bigla na lang niyang itinaas ang kamay at sinampal si Mr. Perez nang sobrang lakas.Diretsong bumagsak sa sahig si Mr. Perez, at sa lakas ng tama, may lumipad pang ngipin nito, may bahid pa ng dugo.
Ang pamilya nina Giselle ay nanlumo sa takot. Hindi makapagsalita, hindi makagalaw.
May ngisi sa labi si Ethaniel, bahagyang matalim, may halong pangungutya. “Babae ko ‘yan. At ikaw, naglakas-loob kang hawakan siya?”
Gulantang si Mr. Perez, hawak-hawak ang duguang bibig, halos hindi na maintindihan ang sinasabi. “Mr. Manzano, hindi ko alam... hindi ko po alam na babae n’yo siya... wala pa naman pong nangyari... please, patawarin n’yo ako...”
Hindi naniwala si Ethaniel. Binalingan niya si Giselle. “Totoo ba?”
Nakanganga at namumula si Giselle . Parang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. “Hindi po... wala pong nangyari sa’min...”
“Lumayas ka!” malamig at matigas ang boses ni Ethaniel.
“Salamat po! Salamat, Mr. Manzano!” Nagpagapang palabas si Mr. Perez, hindi na nagawang tumayo nang maayos sa hiya at takot.
Ang pamilya naman nina Giselle ay nagkatinginan, hindi alam kung anong gagawin.
Yumuko si Ethaniel para tulungan si Giselle na makatayo. Dahan-dahang pinunasan ng mga daliri niya ang luha sa pisngi ng dalaga. “Don’t cry,” mahinang sabi niya, malalim ang boses na parang alon na nakapapawi ng takot. “I’m here now. No one will dare touch you again.”
Namula ang mukha ni Giselle . Hindi makatingin nang diretso. “You know me?” mahina niyang tanong.
“Last night...” Bahagyang lumambot ang tinig ni Ethaniel. “Moro Hotel, Room 7203. You and I... remember?”
“Ha?” Napalunok si Giselle . Last night? Sa Moro Hotel? Kami?
Nanlaki ang mata ng buong pamilya. May napagtanto sila.
Hindi nagsinungaling si Katrice. Totoo ngang pumunta siya kagabi. Pero mukhang hindi rin nakita ni Ethaniel ang mukha niya! Akala niya si Giselle ang kasama niya.
Kinabahan at kinilig si Giselle. Hawak ang dibdib, tinig na nanginginig, “S-Sino po ba talaga kayo?”
Ngumiti si Ethaniel, malamig at matapang, “Ethaniel Manzano.”
Napasinghap ang tatlo.
Sa buong Bicol, sino ang hindi nakakakilala sa pangalang ‘yon? Presidente ng Manzano Group, pinakamakapangyarihan sa buong siyudad. Tahimik, mailap sa media, pero ngayon, kaharap nila, bata, guwapo, at makapangyarihan.
Namula lalo si Giselle. Bumilis ang tibok ng puso. Ito na ang pagkakataon ko... Akala niya ako ang babae kagabi, edi ako na nga!
Ngumiti si Giselle , kunwa’y nahihiya. “Na-wrong room po ako kagabi... kayo po ba talaga ang, ”
“Hindi na mahalaga,” sabat ni Ethaniel. Tinitigan siya. “You’re mine now. And I need a wife. Let’s get married.”
Parang nabingi ang paligid. Tumigil ang mundo.
Hindi makapaniwala ang tatlo. Masyado yatang mabilis. Masyado yatang maganda para totoo.
Nakita ni Ethaniel na hindi makasagot si Giselle , kaya tinaasan niya ng kilay. “Why aren’t you answering? Don’t you want to?”
“Gusto ko!” Halos mapasigaw si Giselle . Nakatungo siya, pero hindi maitago ang tuwa sa tinig niya. “I do.”
Tumango si Ethaniel, kontento sa sagot. “I’ll handle the wedding. Just wait and be my bride.”
“Okay po,” sagot ni Giselle , pa-cute ang boses, sabik sa bagong kapalaran.
Hindi lang siya, pati ang mga magulang niya ay halos maiyak sa tuwa. Magiging asawa siya ng Manzano! Kayamanan, kapangyarihan, kasikatan, lahat ‘to sa kanila na.
***
Sa kabilang banda, nakarating si Katrice sa bahay ng mga Manzano. Maingat na ibinalik ni Jaime ang jade bracelet sa kahon, saka itinulak pabalik kay Katrice. “Ibalik mo na sa bag mo. Para talaga ‘yan sa’yo.”
“Opo, Mr. Manzano.”
“Mr. Manzano pa rin?” Napabuntong-hininga si Jaime. “Noong iniligtas ako ng mama mo, ibinigay ko ang bracelet na ‘yan bilang tanda ng pasasalamat. Kasabay n’yan, pinagkasunduan namin ang kasunduan n’yo ni Ethaniel. Ang tagal n’yong nawala. Hindi ko alam na sumakabilang-buhay na pala ang mama mo. Mabuti na lang at nahanap ka rin sa wakas.”
Tinitigan niya si Katrice, may lungkot pero may tuwa rin sa mata. “Malaki ka na. Panahon na para mag-asawa. Kaya ngayon, tatawagin mo na akong lolo?”
Hindi makapagsalita si Katrice.
Bago pumanaw ang kanyang ina, sinabi nito sa kanya ang tungkol sa kasunduan sa kasal, ngunit malinaw rin nitong ipinaalala na huwag itong seryosohin. Hinding-hindi niya kailangang ipilit ang sarili para lang makabayad ng utang na loob.
Hindi siya pumunta ngayon para sa kasunduan. Nais lang niyang humiram ng pera para sa pagpapagamot ng kanyang kapatid.
Niligtas ng kanyang ina si Jaime noon. Malamang ay papahiramin siya ng mga ito. Babayaran niya rin naman ito balang araw. Kung hindi lang talaga siya desperado, hinding-hindi siya pupunta sa mansyon ng mga Manzano para humiram ng pera.
Saglit siyang nag-isip at dahan-dahang nagsalita. “Sir, hindi po ako nandito ngayon para sa, ”
Biglang may mga yabag ng sapatos na narinig mula sa labas.
Napangiti si Jaime. “Ethaniel is back!”
Dahil nangako siya sa lolo niya na uuwi siya, hindi na siya nagtagal sa pamilya Basco. Matapos ang usapan tungkol sa kasal, bumalik agad siya sa Daraga. Nais din niyang sabihin kay lolo ang magandang balita para sumaya ito.
Habang papasok siya, bakas sa kanyang mukha ang maaliwalas na disposisyon. Ang postura niya’y maayos, matangkad, at napakakisig.
“Grandpa, I’m back. Sasamahan na kita kumain at mag-chess…”
Bigla siyang natigilan sa pagsasalita.
Nakita niya si Katrice.
Ang babae’y payat, maputi, at halos walang bahid ng kapintasan ang ganda ng mukha. Sobrang perpekto na parang iginuhit.
Masaya siyang tinapik ni Jaime.
“Ethan, siya ang fiancée mo, si Katrice. Maghanda ka na, pakasalan mo na siya.”
Nahihiyang tumayo si Katrice at magalang na tumango. “Hello po.”
Biglang lumamig ang ekspresyon ni Ethaniel. Ang saya sa kanyang mukha ay nawala na parang bula.
Naala niya ang sinabi ng matanda noon na magiging fiancée niya.
Kung dumating lang sana siya ilang araw nang mas maaga, baka napilitan pa siyang sundin ito para sa kaligayahan ng lolo niya.
Pero ngayon, may Giselle na siya. Siya ang babaeng naging kanya noong gabing ‘yon. Siya rin ang pinangakuan niya ng kasal. Hindi niya ito basta pwedeng talikuran.
Para sa kanya, wala nang puwang ang iba.
Saglit siyang tumingin kay Katrice at mariing nagsalita, “Grandpa, I can’t marry her.”
Napakunot-noo si Jaime. “Ano’ng sinabi mo?”
“Grandpa, may napili na akong babaeng pakakasalan.”
“Kalokohan!” sigaw ng matanda, halatang hindi matanggap ang sinabi ng apo.“Nonsense!”
Bumigat ang tono ni Ethaniel. “I’m not joking. Hindi ko siya pakakasalan.”
Lumingon siya kay Katrice, matigas at malamig ang tingin. “You actually believed in that marriage agreement?”
“Tumigil ka! You're going to make me lose my temper!” sigaw ni Jaime habang hawak-hawak ang dibdib, hirap na hirap sa paghinga. “Paano ba kita pinalaki? I taught you to always repay kindness and honor your words! Gusto mo ba akong gawing walang utang na loob sa huling mga taon ko?”
“Agh…” Biglang nanikip ang dibdib ng matanda, napapikit at biglang bumagsak.
“Grandpa!”
“Mr. Manzano!”
Agad siyang dinala sa ospital. Matapos ang emergency treatment, nailipat na siya sa ward.
Pagkatapos maayos ang kalagayan ni Jaime, bumalik si Ethaniel sa lobby ng ospital kung saan naroon si Katrice.
Nakatayo si Katrice, halatang kinakabahan at balisa.
“Kamusta na po si Mr. Manzano?”
“Maayos,” maikling sagot ni Ethaniel, halatang hindi maganda ang pakiramdam.
“Buti naman po kung gano’n…”
Alam ni Katrice na hindi siya gusto ng lalaki. Kaya agad siyang nagsalita.
“Pakisabi po kay Mr. Manzano na hindi po talaga ako pumunta para sa kasunduan sa kasal.”
Hindi niya inaasahan na mauuwi sa atake si Jaime dahil sa pagpipilit nito sa kasal. Lalong wala na siyang mukhang ihaharap para humiram ng pera.
“Since maayos na po ang kalagayan niya, aalis, ”
Hindi pa siya natatapos magsalita nang putulin siya ni Ethaniel. Mabigat at malamig ang tingin nito.
“So what? You cause trouble and now you think you can just walk away?”
Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana inatake si Grandpa. Alam niyang mahal ng matanda ang salita at utang na loob. At hindi niya hahayaang manganib ang buhay nito.
May malamig na ngiti si Ethaniel sa mga mata niya. “Gusto mo bang sabihin na pababayaan kong mamatay ang lolo ko sa sama ng loob? The marriage will proceed.”
Napamaang si Katrice.
Automatic na gusto sana niyang tumanggi, pero parang naubusan siya ng salita. Paano nga ba siya tatanggi?
Kung hindi siya pumunta sa Manzano residence, hindi sana inatake ang matanda…
Nakatitig si Ethaniel sa kanya. “Let’s make a deal. Pumayag ka na magpakasal, for Grandpa’s sake. Pero sa papel lang. Walang pakialaman. Once he recovers, we’ll divorce.”
Isang kasunduang kasal. Naitindihan iyon ni Katrice.
Sa labas ng opisina ng direktor, tinawagan ni Katrice si Kyle."Katrice!" Masiglang sagot ng lalaki."Kyle..." mahina ang boses ni Katrice, may pag-aalangan, halatang nahihiya siyang magsalita.Tahimik siya sandali, saka marahang nagsalita."Pwede ba... makausap ko si Ethaniel ng sandali?""Siyempre, nandito lang ang second brother." Agad namang tugon ni Kyle.Pagkalipas ng ilang segundo, iba na ang boses sa kabilang linya."Hello." Malamig at walang emosyon ang tinig ni Ethaniel. "Ano ‘yon?"Diretsong tanong ni Katrice, "Yung pagsali ko sa cardiopulmonary project team... ikaw ba ang
Huminto ang kotse sa harap ni Katrice.Bumaba ang salamin, at sumilip si Kyle mula sa loob. May banayad na ngiti sa kanyang mga labi."Katrice, saan ka papunta? Sakay ka na, ihahatid na kita."Nilingon ni Katrice si Ethaniel, nasa front seat ito. Nagulat siya.Bakit siya nandiyan? Nasa isip lang niya. Bakit laging ganyan? Laging nagkakasalubong.Umiling siya kaagad."Salamat, pero ‘wag na. Ayos lang ako."Ayaw na niyang sumakay muli sa kotse ng kahit sino sa kanila. Lalo na kung pareho silang naroon, masyado nang nagiging komplikado ang lahat.Ngunit hindi rin umalis si Kyle."Sakay ka na." Nakangiti pa rin ito, tila hindi nagpapaapekto. "Gusto mo ba akong bumaba at buksan ang pinto para sa’yo?""Hindi na..."Patuloy pa rin ang pagtanggi ni Katrice, pero nagsimula nang magreklamo ang mga tao sa waiting shed malapit sa kanila."Ano ba ‘yan, hindi ba nila alam na bawal humarang sa bus lane?""Ang tagal! Hindi makausad ang bus!""Uy, Bentley pa oh! Akala mo naman kung sino!"Habang tumat
Gaya ng nakagawian, muling nagtungo si Katrice sa ospital upang dalawin si Kathlyn.“Hi, Ate ni Kathlyn,” bati ng nars na may ngiti.“Maaga ka ngayon, ah,” dagdag pa nito.“Natapos na kasi 'yung internship ko,” paliwanag ni Katrice habang naglalakad papasok.“Pero may nauna na sa’yo,” bulong ng nars habang patuloy ang ngiti.Napahinto si Katrice, nagtatakang nagtanong, “Sino?”“Noong huli mong punta, nabanggit mo na siya… Tatay ninyo ni Kathlyn.”Mabilis na nagdilim ang mukha ni Katrice. Si Roy na naman.Anong pumasok na naman sa isip ng taong ‘yon ngayon? Napakunot siya ng noo.“Ah, at isa pa,” dagdag ng nars sabay hila sa kanya palapit at pabulong na nagsalita, “Tinanong niya tungkol sa ‘Wells Agency.’ Kung dito raw ba tinatanggap ‘yung mga pasyenteng isinasailalim sa assessment.”Lalong lumalim ang kunot ng noo ni Katrice nang marinig iyon.“Gets ko na. Salamat,” maikli niyang sagot.“Walang anuman,” sagot ng nars, saka siya iniwan.Pagkapasok ni Katrice sa silid ni Kathlyn, bumung
Sa sandaling niyakap ni Ethaniel si Katrice, agad niyang napansin ang isang bagay, bakit parang lalong lumiit ang katawan nito?Mula’t simula’y hindi naman talaga siya malusog tingnan, pero ngayon… mas kapansin-pansin na ang pangangayayat niya.Wala nang panahon para magtanong pa. Ang mahalaga, maresolba ang sitwasyon sa harap niya.Malinaw sa kanya, mababang blood sugar ang dahilan ng pagkahilo ni Katrice.Nakaalalay siyang lumapit, hawak-hawak si Katrice at nagtanong agad."May candy ka ba? Asukal, kahit ano?"Mahina pero malinaw ang tugon ni Katrice. Tumango ito at binuka ang bibig, saka itinuro ang loob.May nakasubo na pala siyang candy.Pero kahit meron na, bakit parang hindi pa rin siya nagiging okay?Biglang dumilim ang mukha ni Ethaniel. Hindi na siya nagdalawang-isip, binuhat niya si Katrice."Huwag... huwag..." mahina niyang pagtutol. "Ibaba mo ako..."Pero dahil nanghihina ang katawan, halos wala rin siyang lakas para lumaban.Napangiti si Ethaniel, may halong sarkasmo sa
Biyernes ng gabi, dumalaw si Ethaniel sa bahay ng mga Basco.Naki-dinner siya sa pamilya at habang kumakain, biglang nagsalita si Jessa habang palihim na sumulyap sa kanyang asawa."Roy, malapit na ang kaarawan mo. Kahit hindi ito malaking okasyon, hindi pa rin puwedeng palampasin nang basta-basta. Anong plano mo? Dito ba sa bahay o sa labas?"Hindi iyon basta tanong, may layunin.Gusto niyang marinig ito ni Ethaniel. Kung may malasakit ang binata, kusa itong mag-aalok na asikasuhin ang selebrasyon. Kapag ganoon, may mukha silang maipagmamalaki, at makakatipid pa sila.Hindi sila binigo ni Ethaniel. Tahimik muna siya ng ilang segundo bago nagsalita nang kalmado."Ang kaarawan ni U
Tinitigan ni Ethaniel ang maamong mukha ni Katrice. Bahagyang paos ang kanyang boses nang magsalita.“Bakit? Ayaw mo na ba talaga?”Hindi man matagal ang pinagsamahan nila, alam niyang hindi malakas kumain si Katrice. Kaya kung pinuntahan pa niya ang snack shop para bumili, ibig sabihin, gustong-gusto talaga nitong kainin 'yon.Pero heto siya ngayon, tumatanggi.Siguro nga, galit lang talaga siya.Nasasaktan si Ethaniel habang pinagmamasdan siya. Tahimik ang sakit, pero ramdam niyang mabigat at masikip sa dibdib. Kaya’t pilit niya itong kinausap nang mahinahon.“Galit ka pa rin ba? Hindi ba sinabi ko noon, hati na lang kayo sa hawthorn cake? Bakit mo hindi tinanggap?”Napakunot ang noo ni Katrice, sabay taas ng kilay at biglang napatingin sa kanya."Huwag mong sabihing nagpaparinig ka pa ngayon? Ako 'yung unang nagtanong kung meron, ako 'yung unang bumili, tapos pagdating niyo, gusto mong hatiin ko pa? Gano’n ba 'yon? Dapat ba akong magpasalamat dahil hinayaan niyong may matira sa’kin