Inicio / Romance / Married To The Arrogant CEO / Chapter 1 : Wedding Night

Compartir

Chapter 1 : Wedding Night

Autor: KimAthena
last update Fecha de publicación: 2026-10-01 21:19:10

ALLIYAH'S POV :

Hindi lahat ng bride masayang nakatayo sa harap ng altar.

May iba. Katulad ko.

Nakangiti sa harap ng mga bisita, pero halos hindi na makahinga sa bigat ng titig ng lalaking nasa harapan ko. Suot niya ang itim na tuxedo na lalong nagpatingkad sa matikas niyang tindig. Maayos ang gupit, mabango, perpekto. Kahit hindi ngumiti si Drake Santillian, siya pa rin ang sentro ng atensyon ng buong simbahan. Kung hindi mo siya kilala, iisipin mong siya ang pinakamasayang groom sa mundo.

Pero ako lang ang nakakaalam.

Galit siya. Galit na galit.

"Pwede nang maghalikan ang bagong mag-asawa."

Palakpakan ang buong simbahan. Tumayo ang lahat, may nagtilian pa.

Lumapit siya.

Isang hakbang. Hindi siya ngumiti. Hindi rin niya ako tiningnan sa mga mata. Tumingin lang siya sa noo ko, tapos saglit na dumikit ang labi niya doon. Mabilis. Pormal. Malamig. Parang obligasyon lang na kailangan tapusin.

Narinig ko agad ang bulungan.

"Ang sweet naman!" bulong ng isang tita sa second row.

"Bagay na bagay sila," sabi ng isa pa habang naka-video.

"Perfect couple talaga!"

Kung alam lang nila.

Pagkababa namin sa altar, mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Akala ng lahat, sweet at gentleman. Pero ang totoo, masakit yung hawak niya. Yung tipong pinipigilan niyang hilahin ako palayo.

Lumapit siya sa tainga ko, kunwari bumulong na sweet.

"Huwag kang magkakamaling isipin na nanalo ka," mahina niyang sabi pero diin na diin bawat salita.

Napalunok ako. Nanatili yung ngiti ko para sa camera, pero nanginginig na yung kamay ko sa loob ng kamay niya.

"Dahil simula pa lang ito."

Nanigas yung ngiti ko. Hindi na siya nagsalita ulit. Hinayaan niya lang akong maglakad sa tabi niya na parang props sa kasal namin.

Pagdating sa reception, impyerno. Halos bawat limang minuto may lumalapit para magpa-picture.

"Smile, Mr. and Mrs. Santillian!" sigaw ng photographer.

Click. Flash. Click. Flash.

Ngumiti ako. Yung ngiti na sanay na sanay. Pakiramdam ko mannequin ako na pwedeng i-pose kahit saan. Samantalang si Drake, nakatayo lang sa tabi ko, isang kamay nasa bulsa, mukhang gusto nang umuwi at iwan ako doon.

"Congratulations!"

"Perfect match!"

"Ang swerte mo, Drake!"

Ngumiti lang ako ulit. Kung alam lang nila, hindi niya ako piniling pakasalan. Napilitan lang siya. Isang deal na ako lang ang naghabol.

"One more picture!"

Ngumiti ako. Pagkaalis ng photographer, agad nawala ang ngiti ni Drake. Parang may switch.

"Pagod ka na?" tanong ko, mahina. Inayos ko yung laylayan ng gown ko para may magawa yung kamay ko.

Hindi siya sumagot.

Hinayaan niyang dumaan yung ilang segundo. Nakatingin lang siya sa mga bisitang nagsasayawan.

"Galit lang ako," sagot niya, hindi man lang ako tiningnan.

Diretso. Masakit. Pero wala na akong magagawa. Matagal ko nang alam ang magiging kapalit ng desisyong ginawa ko.

Bandang alas-diyes ng gabi nang makarating kami sa Santillian Mansion.

Napakalaki. Napakatahimik. Puting-puti ang ilaw sa labas, pero pagpasok mo sa loob, parang kahit ang hangin alam na hindi normal ang pagsasama naming dalawa.

Pagbukas ng p***o, sinalubong kami ng isang matandang babae na naka-apron pa.

"Congratulations po, Sir Drake. Ma'am Alliyah," sabi niya at ngumiti sa akin. "Welcome home."

"Salamat po, Manang Gracia," sagot ko at sinubukan kong ngumiti nang totoo.

"Sus, ang ganda-ganda mo naman, hija." Hinawakan niya yung kamay ko. Mainit yung kamay niya.

Napangiti ako nang tuluyan. Sa buong araw, siya pa lang ang unang taong tumingin sa akin na parang tunay na bride, hindi parang display.

"Manang." Malamig ang boses ni Drake. Tumayo siya sa likod ko.

"Ihanda n'yo na ang guest room."

Napakurap ako. Lumingon ako sa kanya. Guest room?

Tumingin si Manang Gracia sa aming dalawa, halatang nagulat.

"Sir... akala ko po sa master—"

"I said guest room," putol ni Drake. Maikli pero matigas.

Hindi na siya nagtuloy.

"Po... Sir," sagot ni Manang at yumuko.

Pag-akyat namin sa second floor, wala pa ring nagsasalita. Naririnig ko lang ang tunog ng sapatos namin sa marmol na sahig. Yung wedding gown ko, kinakaladkad ko na lang.

Huminto siya sa harap ng pinakamalaking silid. Binuksan niya ang p***o.

Wedding suite. Puti ang kurtina. May mga kandila na nakasindi. May mga rosas sa sahig at sa kama. At isang malaking kama sa gitna na parang nang-aasar.

Humarap siya sa akin. Ngayon lang niya ako tinitigan nang diretso. Kanina pa siya umiiwas.

"Alam mo ba kung ano ang pinakamalaking pagkakamali mo?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Wala akong sinabi pero kita sa mukha ko na hinihintay ko yung sunod niyang sasabihin.

Lumapit siya. Isang hakbang lang, pero umatras ako ng isa.

"Ang isipin na dahil asawa na kita..." Tumingin siya sa singsing ko, tapos sa mukha ko. "May karapatan ka na sa buhay ko."

Huminto siya sa harap ko. Amoy ko na yung pabango niya. Ang lapit.

"Hindi kita minahal noon," sabi niya, bawat salita malinaw.

Napaatras ako nang isang hakbang ulit. Pero hindi siya tumigil.

"At lalong hindi kita mamahalin ngayon."

Parang may humigpit sa dibdib ko. Masakit. Yung tipong kahit huminga ka, masakit pa rin. Pero pinilit kong ngumiti. Yung ngiti na ginagawa ko pag nasasaktan na ako nang sobra.

"Hindi naman kita pinipilit na mahalin agad ako," sabi ko, mahina.

"Ayaw kong marinig ang kahit anong dahilan," putol niya agad. Malamig ang tingin niya. "Sa papel lang kita asawa. Sa labas, gagampanan ko ang responsibilidad ko. Pero sa loob ng bahay na 'to..." Lumapit pa siya nang kaunti, halos bulong na. "...huwag mong aasahan na magiging asawa mo ako."

Tumalikod siya. Hinubad ang coat niya at isinabit iyon sa upuan nang may diin. Pagkatapos ay muling humarap sa akin, inaayos yung manggas ng polo niya.

"Welcome to hell, Mrs. Santillian."

Tuluyan na siyang lumabas ng silid.

Bang! Malakas na nagsara ang p***o.

Naiwan akong mag-isa. Nasa honeymoon suite. Suot ang wedding gown na pinangarap ko mula high school. At hawak ang pangarap na ilang taon kong ipinaglaban na parang unti-unti nang nadudurog sa harap ko.

Huminga ako nang malalim. Napatingin ako sa salamin. Pulang-pula yung mata ko.

"Hindi ako susuko, Drake," bulong ko sa sarili ko. Pinunasan ko yung luhang hindi ko na napigilan. Mahina akong napangiti kahit namumuo na yung luha. "Kung galit ang meron ka ngayon... gagawin kong pag-ibig ang ipapalit mo balang araw."

Ilang segundo lang, tumayo ako at binuksan yung walk-in closet para magpalit ng damit. Hindi ko na kaya yung bigat ng gown.

Pero pagbukas ko, hindi damit ang bumungad sa akin.

Isang kahon. Maliit. Itim. May pulang ribbon.

Kinuha ko. Binuksan.

Sa loob, may isang libro. Luma pero makinis. At sa ibabaw nito, may note na iisang linya lang ang nakasulat, sulat-kamay na pamilyar.

Nakasaad: "How to Seduce Your Husband."

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 16 : THE GIFT

    ALLIYAH'S POV :Halos alas-singko na nang makarating ako sa Santillian Mansion. Pagod katawan ko buong araw, pero mas pagod yata utak ko sa kakaiwas kay Gwen. Sa bawat break, inaabangan niya ako sa pantry para ulitin yung eksena sa hallway."Rice cooker..." bulong ko habang bumababa ng sasakyan. "Bwisit ka talaga, Gwen."Pagpasok ko sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ni Manang Gracia. May kakaiba sa mukha niya."Hija, buti dumating ka na," wika ni Manang."Bakit po, Manang? May nangyari ba?" tanong ko."May dumating na package kaninang tanghali. Hindi namin ginalaw. Nasa sala," sagot niya.Napalingon ako sa center table. May malaking puting kahon doon. Matte wrapper, itim ang ribbon, malinis ang pagkakabalot. Walang pangalan ng sender, walang logo.Lumapit ako."Para kanino po?" tanong ko."Ikaw daw," sagot ni Manang."Ako?" Tumango si Manang. "Nakasulat, Mrs. Drake Santillian."Napatigil ako. Simula nang ikasal kami, ngayon lang may dumating na package na nakapangalan sa akin bil

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 15 : The First Move

    ALLIYAH'S POV : "Besh, effective ka pala."Tinapik ko nang dalawang beses yung pink na libro na nakadapa sa kama. Lukot pa rin yung cover, may tupi pa sa gilid at may maliit na mantsa ng kape sa may likod kasi ilang beses ko nang hinagis sa pader nitong nakaraang linggo.Hinagis ko kasi sabi niya magsuot ako ng pula, sunod titigan ko daw si Drake nang matagal, at halos mamatay ako sa hiya. Pero ngayon, Hindi ko na siya mahagis. Parang may utang na loob na ako. Binuklat ko ulit ..*Rule #10 : Ang isang muntik na halik ay mas mapanganib kaysa sa totoong halik.Umupo ako sa gilid ng kama, nakayakap sa unan, at binasa ulit nang paulit-ulit yung linya na parang may exam ako mamaya at ito yung coverage."Sige na, panalo ka na sa round na ito. Hindi kita ibebenta sa bangketa, hindi pa sa ngayon. Diyan ka lang muna sa drawer. Pero kapag naging mayabang ka at sinabi mong ikaw na dahilan kaya kami magkakatuluyan ni Drake, babalutan talaga kita ng plastic at iiwan kita sa waiting shed."Isinik

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 14 : Almost A Kiss

    ALLIYAH'S POV :Pagkatapos ng insendente sa lingerie department sa mall, isang linggo kong pinag-isipan kung ibebenta ko na ba sa bangketa yung librong : "How to Seduce Your Husband"Isang buong linggo na hindi ako makatulog nang maayos kakaisip kung paano ako nagmukhang balot na nahulog sa mantika sa harap ng asawa ko. Naka-red lace ako noon, dapat sexy. Pagbukas ni Drake ng pinto, natapilok ako sa kurtina, sumabit yung lace sa door knob, at muntik ko pang mahila yung buong kurtina pababa. Sabi niya lang, "Ano yan?" Tapos umalis.Kaya ngayon, nakadapa ako sa kama, nakataas ang dalawang paa ko na parang bata, hawak yung pink na libro. Lukot na yung gilid kasi ilang beses ko na itong naihagis sa pader tuwing naiinis ako sa author.Binuklat ko sa susunod na page. May pa-heart pa na sticker sa gilid na ako lang nagdikit.* Rule #10 : "Kapag medyo lumalambot na ang asawa mo, gumawa ka ng sitwasyong kayong dalawa lang. Ang isang muntik na halik ay mas mapanganib kaysa sa totoong halik"N

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 13 : Lingerie Disaster

    ALLIYAH'S POV : Alas-diyes pa lang ng umaga pero sira na agad ang araw ko. Nakaupo ako sa opisina ko sa Samonte Group, nasa harap ko yung monthly report. Kanina ko pa binabasa yung Page 3. Kanina pa. Hindi pumapasok sa utak ko. Sa pangatlong basa ko, may narinig akong kaluskos sa gilid. Si Gwen, yung secretary ko, nakasilip sa table ko, nakataas ang kilay. "Ma'am," mahina niyang sabi, medyo nag-aalangan. "Page three pa rin po kayo." Napatingala ako. Lutang. "Ha?" Tinaas ni Gwen yung daliri niya, tinuro yung hawak ko. "Five minutes na po kayong nakatitig diyan. At Ma'am... baliktad po yung ballpen niyo." Napayuko ako. Totoo. Yung takip ng ballpen yung ipinang-susulat ko sa papel. May guhit pa ng walang tinta. "Ay!" Mabilis kong binaliktad. Napahawak ako sa noo ko, ang init ng pisngi ko. "Sorry, sorry. Wala akong tulog eh." Umupo si Gwen sa gilid ng table ko, bumaba yung boses, parang nagchichismis. "Nag-away ba kayo ni Sir Drake?" Umiling ako agad, masyadong mabilis. "Hindi

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 12 : Sleepless Nights

    ALLIYAH'S POV :Hindi ako makatulog.Pangatlong beses ko nang nagpalit ng posisyon sa kama. Paharap. Patagilid. Padapa. Niyakap ko yung unan. Tinulak ko yung kumot. Wala.Nakadilat pa rin ako habang nakatitig sa kisame ng guest room. Alas dose na pero gising na gising pa rin yung utak ko.Napabuntong-hininga ako at hinila yung kumot hanggang baba."Hay naku, Alliyah."Bakit ba kasi kailangan niyang sabihin yun?"One spray is enough to make someone lose focus."Paulit-ulit na umiikot sa isip ko yung mababa niyang boses kanina sa kwarto. Tapos yung paraan ng pagtitig niya sa akin na parang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi bastos. Hindi rin malamig tulad ng dati. Parang... may something.Tapos yung pagyuko niya nang konti para lang maamoy yung perfume ko.Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Mainit pa rin hanggang ngayon. Parang hindi pa bumababa yung dugo sa mukha ko."Ano ba yan, Alliyah..." bulong ko sa sarili habang nakatalukbong ng kumot. "Asawa mo lang yun. Asawa m

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 11 : The Perfume

    DRAKE'S POV :Alas-diyes na ng gabi nang tuluyan kong maiparada yung sasakyan sa harap ng Santillian Mansion.Pagod yung buong katawan ko. Tatlong meeting. Dalawang emergency conference. Halos isang dosenang tawag mula sa iba't ibang investors. Gusto ko na lang humiga at matulog.Pagbukas ko pa lang ng pinto ng sasakyan, agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng gabi.Pero may isa pang bagay na mas mabilis kong napansin kaysa sa lamig.Isang pamilyar na amoy. Mainit na sabaw. Sampalok. Bawang. Pritong isda.Napahinto ako sa paglalakad.Sinigang?Napkunot-noo ako. Hindi naman nagluluto ng ganitong oras si Manang Gracia. Alas-diyes na. Tulog na dapat siya.Pagpasok ko sa loob ng mansion, mas lalong lumakas yung amoy. Galing sa dining room.Lumabas si Manang mula dun, may hawak na tray."Good evening po, Sir," bati niya na may ngiti."May okasyon?" tanong ko habang hinuhubad yung coat ko."Wala po.""Tapos bakit may pagkain?""May naghanda po para sa inyo."Hindi ako nagsalita. Hindi

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status