Inicio / Romance / Married To The Arrogant CEO / Chapter 2 : Frist Playful Attempt FAILED

Compartir

Chapter 2 : Frist Playful Attempt FAILED

Autor: KimAthena
last update Fecha de publicación: 2026-10-01 21:19:14

ALLIYAH'S POV :

Nagising akong parang may kulang.

Hindi dahil malamig yung aircon. Hindi rin dahil masakit yung likod ko sa buong araw na nakasuot ng wedding gown kagabi. Kundi dahil wala na si Drake.

Wala na yung coat niyang nakasabit sa upuan. Wala na yung amoy ng pabango niya sa kwarto.

Napaupo ako sa kama at napatingin sa puting kisame ng honeymoon suite. Kasal na ako. Mrs. Drake Santillian na ako.

Pero kagabi pa lang, malinaw na ipinamukha niyang sa papel lang yun.

Napatingin ako sa malaking wedding portrait na nakapatong sa console table. Ang saya naming tignan. Kung picture lang ang pagbabasehan.

"Ang galing talaga nating umarte," mahina kong sabi sa sarili ko bago napangiti nang mapait.

Tumayo ako, naghilamos, at nagpalit ng simpleng puting dress. Pagbukas ko ng p***o, sinalubong agad ako ng amoy ng bagong lutong bacon at kape.

"May tao?" bulong ko.

Sinundan ko yung amoy hanggang sa dining area. At doon ko nakita si Manang Gracia na abalang nag-aayos ng almusal.

"Ay, gising na pala ang pinakamaganda nating bride!" masayang bati niya at ngumiti nang malaki.

Napangiti ako. "Good morning po, Manang."

"Good morning din, hija. Halika na. Mainit pa yung almusal."

Napatingin ako sa mesa. Kompleto. Sinangag. Itlog. Bacon. Prutas. Orange juice. Parang buffet sa hotel.

"Kayo po ba nagluto nito?" tanong ko habang hinihila yung upuan.

"Naku, hindi." Napangiti siya. "Si Sir Drake."

Natigilan ako, hawak ko pa yung tinidor.

"Ha?"

"Oo. Araw-araw siyang nagluluto ng sarili niyang breakfast bago pumasok."

Hindi ko napigilang mapangiti. Marunong pala siyang magluto. Yung Drake na akala ko puro meeting lang at galit lang alam gawin, marunong magprito ng itlog.

Ewan ko, pero bigla akong kinilig sa simpleng impormasyong yun.

"Nasaan po siya ngayon?"

"Umalis na, hija."

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko.

"Maaga po?"

"Kanina pang alas-sais. Sanay yan."

Napatingin ako sa wall clock. Alas-siyete pa lang.

Ganito ba talaga siya kasipag, o gusto niya lang akong iwasan?

"May bilin po ba siya?" tanong ko.

Nagkamot si Manang Gracia ng batok, halatang alangan.

"Meron."

Umupo ako nang maayos. "Ano po?"

"Sinabi niya..." Huminto muna siya at tinitigan ako na parang nahihiya. "'Sabihin mong huwag niya akong hintayin sa almusal. Sa hapunan. O kahit kailan.'"

Hindi ako sumagot. Wala akong sinabi pero kita sa mukha ko na nasaktan ako. Masakit. Pero hindi na ako nagulat. Ganito naman talaga yung inaasahan ko.

"Pero huwag mong dibdibin, hija." Umupo si Manang sa tapat ko at hinawakan yung kamay ko. "Kilala ko si Sir Drake."

"Hindi po ba talaga siya ganito?"

"Hindi." Napangiti siya. "Masungit lang talaga."

Hindi ko napigilang matawa kahit ang sakit ng sinabi.

"Ang layo po yata nun, Manang."

"Paniwalaan mo ako." Tumawa rin siya. "Kapag may mahal na yung batang yun, sobrang maalaga yan. Sobra pa sa sobra."

Napalunok ako. Sana ako rin balang araw. Sana maranasan ko rin yung alagang yun.

Pagkatapos kumain, inikot ko yung buong mansion. Napakalawak. May mini library. Game room. Indoor garden. Swimming pool. At isang napakalaking kusina.

Huminto ako sa kusina. Ito ang paborito kong lugar kahit saan ako pumunta.

Lumapit ako sa counter. Kumpleto yung gamit. Mukhang bihirang gamitin. Yung mga kaldero, makintab pa.

"Hmm..." Napatingin ako sa refrigerator. Binuksan ko. Maraming fresh ingredients. May chicken, may gulay, may itlog.

Biglang may pumasok na ideya sa isip ko.

"Mahilig pala siyang magluto," bulong ko at hindi ko namalayang napapangiti na ako. "Kung ganun..."

"Anong binabalak mo?" boses ni Manang Gracia sa likod ko.

"Secret po," sabi ko at nagkibit-balikat. "Makikipagkompetensya lang."

"Aba." Tumawa siya. "Ganyan din ang ngiti ng nanay ni Sir Drake kapag may gustong bilhin. Lagot si Sir Drake sayo."

Pareho kaming natawa.

Bandang tanghali, nagpasya akong ayusin yung walk-in closet. Hindi ko pa nailalabas yung ibang gamit ko kagabi.

Pagbukas ko ng cabinet, napansin kong nandoon pa rin yung maliit na kahon sa pinakadulong shelf.

Kinuha ko ulit. Parehong kahon na itim na may pulang ribbon.

Binuksan ko. Nandoon pa rin yung librong may kakaibang pamagat.

"How to Seduce Your Husband."

Napanguso ako. "Sino naman ang nagbibigay ng ganitong wedding gift? Ang lala."

Binuklat ko yung unang pahina. May sticky note pa rin.

_Rule #1: A husband who refuses to look at his wife... is usually afraid of looking too long._

Napasinghap ako. Parang may point nga naman.

Isinara ko yung libro at napatingin sa kisame. Ilang segundo lang, may naisip ako.

Hindi ako susuko. Kung ayaw niya akong pansinin, ako yung gagawa ng paraan para mapatingin siya.

Doon nagsimula yung una kong plano.

Alas-singko ng hapon. Naligo ako nang matagal. Naglagay ako ng kaunting pabango — yung vanilla na nabili ko pa nung college. Tapos binuksan ko yung maleta ko.

Kinuha ko yung pinakatago kong pambahay. Yung hindi ko talaga sinusuot pag may ibang tao. Puting crop top na manipis, tapos black shorts na sobrang ikli, kita yung buong legs ko.

Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin.

"Okay... okay to," bulong ko at inayos yung buhok ko na nakalugay. "Kahit si Drake, mapapatingin dito. Sana."

Kabadong-kabado ako. First time kong magsuot ng ganito sa harap ng lalaki. Lalo na sa asawa kong galit pa sa akin.

Naupo ako sa sofa sa may sala, kunwari nanonood ng TV pero wala talaga akong maintindihan. Pinatong ko yung isang leg sa kabila, yung libro nakapatong sa hita ko, bukas sa

Rule #1 : Make him look.

Ilang minuto lang, narinig ko yung tunog ng gate. Tapos yung main door.

Bumukas.

Umuwi na si Drake.

Tumayo ako agad, inayos yung crop top ko. Pinilit kong maging calm.

Pero hindi siya nag-iisa.

May isang matangkad at gwapong lalaki na nakangiting sumunod sa kanya. Naka polo rin, moreno, at halatang sanay sa Santillian Mansion dahil diretso siya sa loob.

Napahinto ako. Yung kamay ko nasa buhok ko pa.

Pagkakita sa akin nung lalaki, agad itong napangisi nang malaki. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa — yung shorts, yung legs ko, yung crop top.

"Whoa," sabi niya at napatingin kay Drake. "Ikaw pala yung babaeng nakapagpatumba sa kaibigan ko."

Lumapit siya at inilahad yung kamay niya sa akin, nakangiti pa rin.

"Allen Villaflor. Best friend ng asawa mo."

Gusto kong lamunin ako ng sofa.

Si Drake, nakatayo lang sa likod ni Allen. Tiningnan niya ako. Isang tingin lang — sa legs ko, sa tiyan ko na kita dahil sa crop top, tapos sa mukha ko. Walang emosyon.

Hinayaan niyang dumaan yung ilang segundo bago siya nagsalita.

"Alliyah, magbihis ka," sabi niya, malamig. "May bisita tayo."

At doon ko naramdaman, yung una kong plano na dapat pang-akit, naging pinaka-nakakahiyang gabi ng buhay ko.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 16 : THE GIFT

    ALLIYAH'S POV :Halos alas-singko na nang makarating ako sa Santillian Mansion. Pagod katawan ko buong araw, pero mas pagod yata utak ko sa kakaiwas kay Gwen. Sa bawat break, inaabangan niya ako sa pantry para ulitin yung eksena sa hallway."Rice cooker..." bulong ko habang bumababa ng sasakyan. "Bwisit ka talaga, Gwen."Pagpasok ko sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ni Manang Gracia. May kakaiba sa mukha niya."Hija, buti dumating ka na," wika ni Manang."Bakit po, Manang? May nangyari ba?" tanong ko."May dumating na package kaninang tanghali. Hindi namin ginalaw. Nasa sala," sagot niya.Napalingon ako sa center table. May malaking puting kahon doon. Matte wrapper, itim ang ribbon, malinis ang pagkakabalot. Walang pangalan ng sender, walang logo.Lumapit ako."Para kanino po?" tanong ko."Ikaw daw," sagot ni Manang."Ako?" Tumango si Manang. "Nakasulat, Mrs. Drake Santillian."Napatigil ako. Simula nang ikasal kami, ngayon lang may dumating na package na nakapangalan sa akin bil

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 15 : The First Move

    ALLIYAH'S POV : "Besh, effective ka pala."Tinapik ko nang dalawang beses yung pink na libro na nakadapa sa kama. Lukot pa rin yung cover, may tupi pa sa gilid at may maliit na mantsa ng kape sa may likod kasi ilang beses ko nang hinagis sa pader nitong nakaraang linggo.Hinagis ko kasi sabi niya magsuot ako ng pula, sunod titigan ko daw si Drake nang matagal, at halos mamatay ako sa hiya. Pero ngayon, Hindi ko na siya mahagis. Parang may utang na loob na ako. Binuklat ko ulit ..*Rule #10 : Ang isang muntik na halik ay mas mapanganib kaysa sa totoong halik.Umupo ako sa gilid ng kama, nakayakap sa unan, at binasa ulit nang paulit-ulit yung linya na parang may exam ako mamaya at ito yung coverage."Sige na, panalo ka na sa round na ito. Hindi kita ibebenta sa bangketa, hindi pa sa ngayon. Diyan ka lang muna sa drawer. Pero kapag naging mayabang ka at sinabi mong ikaw na dahilan kaya kami magkakatuluyan ni Drake, babalutan talaga kita ng plastic at iiwan kita sa waiting shed."Isinik

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 14 : Almost A Kiss

    ALLIYAH'S POV :Pagkatapos ng insendente sa lingerie department sa mall, isang linggo kong pinag-isipan kung ibebenta ko na ba sa bangketa yung librong : "How to Seduce Your Husband"Isang buong linggo na hindi ako makatulog nang maayos kakaisip kung paano ako nagmukhang balot na nahulog sa mantika sa harap ng asawa ko. Naka-red lace ako noon, dapat sexy. Pagbukas ni Drake ng pinto, natapilok ako sa kurtina, sumabit yung lace sa door knob, at muntik ko pang mahila yung buong kurtina pababa. Sabi niya lang, "Ano yan?" Tapos umalis.Kaya ngayon, nakadapa ako sa kama, nakataas ang dalawang paa ko na parang bata, hawak yung pink na libro. Lukot na yung gilid kasi ilang beses ko na itong naihagis sa pader tuwing naiinis ako sa author.Binuklat ko sa susunod na page. May pa-heart pa na sticker sa gilid na ako lang nagdikit.* Rule #10 : "Kapag medyo lumalambot na ang asawa mo, gumawa ka ng sitwasyong kayong dalawa lang. Ang isang muntik na halik ay mas mapanganib kaysa sa totoong halik"N

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 13 : Lingerie Disaster

    ALLIYAH'S POV : Alas-diyes pa lang ng umaga pero sira na agad ang araw ko. Nakaupo ako sa opisina ko sa Samonte Group, nasa harap ko yung monthly report. Kanina ko pa binabasa yung Page 3. Kanina pa. Hindi pumapasok sa utak ko. Sa pangatlong basa ko, may narinig akong kaluskos sa gilid. Si Gwen, yung secretary ko, nakasilip sa table ko, nakataas ang kilay. "Ma'am," mahina niyang sabi, medyo nag-aalangan. "Page three pa rin po kayo." Napatingala ako. Lutang. "Ha?" Tinaas ni Gwen yung daliri niya, tinuro yung hawak ko. "Five minutes na po kayong nakatitig diyan. At Ma'am... baliktad po yung ballpen niyo." Napayuko ako. Totoo. Yung takip ng ballpen yung ipinang-susulat ko sa papel. May guhit pa ng walang tinta. "Ay!" Mabilis kong binaliktad. Napahawak ako sa noo ko, ang init ng pisngi ko. "Sorry, sorry. Wala akong tulog eh." Umupo si Gwen sa gilid ng table ko, bumaba yung boses, parang nagchichismis. "Nag-away ba kayo ni Sir Drake?" Umiling ako agad, masyadong mabilis. "Hindi

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 12 : Sleepless Nights

    ALLIYAH'S POV :Hindi ako makatulog.Pangatlong beses ko nang nagpalit ng posisyon sa kama. Paharap. Patagilid. Padapa. Niyakap ko yung unan. Tinulak ko yung kumot. Wala.Nakadilat pa rin ako habang nakatitig sa kisame ng guest room. Alas dose na pero gising na gising pa rin yung utak ko.Napabuntong-hininga ako at hinila yung kumot hanggang baba."Hay naku, Alliyah."Bakit ba kasi kailangan niyang sabihin yun?"One spray is enough to make someone lose focus."Paulit-ulit na umiikot sa isip ko yung mababa niyang boses kanina sa kwarto. Tapos yung paraan ng pagtitig niya sa akin na parang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi bastos. Hindi rin malamig tulad ng dati. Parang... may something.Tapos yung pagyuko niya nang konti para lang maamoy yung perfume ko.Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Mainit pa rin hanggang ngayon. Parang hindi pa bumababa yung dugo sa mukha ko."Ano ba yan, Alliyah..." bulong ko sa sarili habang nakatalukbong ng kumot. "Asawa mo lang yun. Asawa m

  • Married To The Arrogant CEO   Chapter 11 : The Perfume

    DRAKE'S POV :Alas-diyes na ng gabi nang tuluyan kong maiparada yung sasakyan sa harap ng Santillian Mansion.Pagod yung buong katawan ko. Tatlong meeting. Dalawang emergency conference. Halos isang dosenang tawag mula sa iba't ibang investors. Gusto ko na lang humiga at matulog.Pagbukas ko pa lang ng pinto ng sasakyan, agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng gabi.Pero may isa pang bagay na mas mabilis kong napansin kaysa sa lamig.Isang pamilyar na amoy. Mainit na sabaw. Sampalok. Bawang. Pritong isda.Napahinto ako sa paglalakad.Sinigang?Napkunot-noo ako. Hindi naman nagluluto ng ganitong oras si Manang Gracia. Alas-diyes na. Tulog na dapat siya.Pagpasok ko sa loob ng mansion, mas lalong lumakas yung amoy. Galing sa dining room.Lumabas si Manang mula dun, may hawak na tray."Good evening po, Sir," bati niya na may ngiti."May okasyon?" tanong ko habang hinuhubad yung coat ko."Wala po.""Tapos bakit may pagkain?""May naghanda po para sa inyo."Hindi ako nagsalita. Hindi

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status