LOGINMagkahalong tawanan at usapan pa rin ang maririnig sa hardin habang inaayos ni John Santillian ang tripod ng camera na dala niya mula sa sasakyan. "Huwag kayong gagalaw, gusto ko kumpleto ang pamilya sa picture na ito at maayos ang kuha," sabi ni John habang sinusubukang ituwid ang camera na medyo tabingi. "John, limang minuto mo nang inaayos yan, baka tumanda na kami rito sa hardin kakahintay," biro ni Alex Samonte na nakaupo sa garden chair habang may hawak na kape. "Naku, ikaw ang tumatanda, hindi ang camera, kaya bilisan ninyo ang pag-pose," sagot ni John dahilan para matawa ang lahat ng nasa garden. Sa gilid ng garden, nakatayo sina Drake at Alliyah na medyo magkalayo pa rin. "Boss, lapit ka pa kay Ma'am Alliyah, masyado kang malayo sa asawa mo," bulong ni Allen kay Drake habang pinipigilan ang tawa. "Sakto lang ang layo namin, okay na ito para sa picture," sagot ni Drake na medyo nahihiya. "Hindi sakto sa picture ang layo ninyo," singit ni Venice na nasa likod nila at nak
Nakatingin pa rin si Christine sa nakasarang pinto ng master bedroom at mahigpit ang pagkakahawak niya sa railing ng hallway habang nakatayo sa madilim na pasilyo.Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa loob ng kwartong iyon buong gabi, pero isang bagay ang malinaw sa kanya na magkasama sina Drake at Alliyah ngayong gabi at hindi niya iyon gusto.Walang ingay siyang bumalik sa guest wing at isinara ang pinto ng kwarto niya nang marahan para walang makarinig.Hindi alarm clock ang unang gumising kina Drake at Alliyah kinabukasan kundi sunod-sunod na katok sa pinto ng master bedroom."Anak! Gising na ba kayo? Alas-otso na! Lalamig na ang longganisa!" sigaw iyon ni Venice mula sa labas ng pinto.Napadilat si Alliyah dahil sa lakas ng katok at saglit siyang natigilan nang maramdaman ang bigat ng isang braso sa bewang niya.Dahan-dahan siyang lumingon at nakita niyang mahimbing pa ang tulog ni Drake na nakahiga sa tabi niya.Habang natutulog pala si Drake, gumulong ito papalapit sa kanya
"Drake, don't tell me you're sleeping separately from your wife!"Halos sabay na napalingon sina Drake at Alliyah kay Venice Santillian na nakatayo sa pintuan ng master bedroom, isang kamay ang may hawak na maliit na bote ng lotion at ang kabilang kamay ay nakapamaywang habang nakataas ang isang kilay.Nakatingin si Venice sa extra blanket na hawak ni Drake at sa dalawang unan na magkalayo ang pwesto sa kama na halatang hindi pa naaayos.Hindi agad nakasagot ang dalawa dahil pareho silang nagulat sa biglang pagbukas ng pinto.Si Alliyah ang unang natauhan at mabilis na ngumiti kahit kinakabahan."Hindi po, Ma, inaayos lang namin yung unan sa kama kasi medyo gusot kanina," sabi ni Alliyah."At saka kumot, inaayos din namin yung kumot para hindi gusot," dagdag agad ni Drake na halatang hindi man lang pinag-isipan ang idinugtong na salita.Napatingin si Venice sa kumot na hawak ni Drake at tumaas lalo ang kilay niya."Talaga, inaayos ninyo ang unan na may dalang kumot papunta sa couch?"
"Anak, nasa gate na kami." 'yon lang ang laman ng text ni Martha Samonte.Tatlong segundo pa lang ang nakakalipas, tumunog ulit ang cellphone ni Drake."We're five minutes away. Don't tell us you're working this weekend." — John Santillian.Napatingin sina Drake at Alliyah sa kani-kanilang cellphone na hawak nila sa sala."Your parents?" sabay nilang tanong sa isa't isa.Nagkatinginan silang dalawa at parehong nagulat sa timing."Your parents too?" tanong ulit ni Drake kay Alliyah."Oo, my parents too, nasa gate na raw sila, ikaw din pala," sagot ni Alliyah.Parehong pamilya darating ngayong gabi at walang pasabi kahit kanino."Anong gagawin natin, wala pa tayong handa," sabi ni Alliyah."Tawagin mo si Gwen, ayusin ang guest rooms," sagot ni Drake habang tumatayo.Si Alliyah tinawag agad si Gwen na nasa kusina."Gwen, darating ang parents namin pareho, pakihanda ang guest rooms at maglabas ka ng extra kumot," sabi ni Alliyah."Yes, Ma'am, ayusin ko na po ngayon din," sagot ni Gwen.Pa
"They specifically asked that negotiations no longer pass through your office."Hindi agad nakasagot si Drake, nasa home office siya.Ang Legal head ang nasa speakerphone. "Sir, according to Zurich, Chairwoman Alliyah consistently responds within two hours. Compliance issues are resolved the same day. They believe direct coordination will prevent further delays," sabi ng legal. Hindi insulto ang sinabi ng Zurich, professional evaluation, kaya mas masakit. "Is that the exact wording?" tanong ni Drake. "Yes, Sir. Exact email from Zurich compliance head," sagot ng legal. "Send me the email," sabi ni Drake. "Yes, Sir." Binaba ni Drake ang tawag. Naupo siya sa upuan. Hawak ang phone. Kinabukasan, may emergency meeting sa Santillian Tower. Nasa boardroom ang pitong senior directors. Wala si Alliyah, wala si Dexter. Sila-sila lang. Binasa ni Director Lim ang memo mula sa Zurich. "Effective for the next phase, Zurich Holdings requests direct coordination with Chairwoman Alliyah Samon
"This isn't a delay anymore. It's a breach."Nasa boardroom ang tatlong kumpanya. Santillian, Samonte, Asuncion. Nasa harap ang email mula sa Zurich, naka-project sa screen. Naka-freeze ang pondo, 40 million euros. May inconsistency sa financial documents. Hindi pa crisis, warning pa lang, pero lahat seryoso.Si Drake nasa head ng table, katabi ang finance team ng Santillian. Si Alliyah nasa kabila, katabi si Dexter. Labindalawang directors ang nasa paligid.Binasa ni Director Lim ang email."Fund release on hold pending clarification on consolidated reports." Ibinaling ni Director Lim ang upuan kay Drake. "Saan nanggaling ang inconsistency Drake?"Pinasa ni Drake ang folder sa finance head."Chine-check pa namin, Sir. Baka may error sa revenue projections.""Baka sa tax computation," sabat ng isa pa."Na-check na namin ang tax. Wala doon," sagot ng isa pa.Nagtalo sila. Walang makaturo kung saan.Si Alliyah hindi sumali sa pagtatalo. Kinuha niya ang reports."Gwen, pakibigay ang Sant







