LOGINKanina pa kami pinapahanda ni Dad dahil darating daw ang mga pinakamahalagang tao sa buhay niya. Yes, sounds bitter, but it’s the truth. Sa bawat okasyong ganito, ramdam ko ang bigat ng pagiging isang Hidalgo—isang palamuti sa harap ng mga taong kailangan niyang pasayahin.
Hindi kami ang mahalaga sa kaniya. Never kaming naging priority ng sarili naming ama. Ang kaniyang atensyon ay laging nakatuon sa pagpapalago ng kaniyang impluwensya, at kaming kaniyang mga anak ay tila mga piyesa lamang sa kaniyang chessboard na handa niyang itaya anumang oras.
Ang tinutukoy niyang mahalagang bisita ay ang kaniyang business partner at ang boss ng mga boss niya. Honestly? Wala talaga akong balak harapin ang mga taong iyon. I know their world too well. Alam ko kung gaano kadumi ang mga kamay nila sa likod ng kanilang mga mamahaling coat at kurbata. May mga business silang legal, sure. Pero ang totoo? Karamihan ay illegal. Nagpapatayo sila ng mga clubs para gawing front, may mga private gambling dens, at kung ano-ano pang ipinagbabawal na gamot ang ibinebenta nila sa ilalim ng lamesa habang ang lahat ay nakangiti nang pormal.
I’m 22, and I’m just a few months away from finishing my Architecture degree. Binibilang ko na ang mga araw. Next year, gagraduate na ako at talagang lalayas na ako sa impyernong mansyon na ito. Wala akong balak manatili sa anino ng maruming yaman ni Dad.
NBSB ako, hindi dahil sa pangit ako, sobrang ganda ko kaya pero siguro dahil baka allergic ako sa mga lalaki, o sadyang wala lang talaga sa isip ko ang commitment sa mundong puro kasinungalingan naman ang nakikita ko. Wala akong ibang pangarap kundi ang mamuhay nang mag-isa, malayo sa mga mapanuring mata ng lipunan. I have everything money, clothes, status, pero ang tanging hiling ko lang na hindi mabibili ng pera ay ang katahimikan at kalayaan.
Knock. Knock.
Napabaling ang tingin ko sa pinto nang dahan-dahan itong bumukas. Iniluwal niyon si Aiah, ang kaisa-isa kong kapatid. She’s only 16, at malapit na siyang umalis ng bansa kasama si Mommy. Nginitian ko siya upang itago ang aking pag-aalala. She looked so innocent in her doll-like dress. Bagay na bagay sa kaniya ang naka-pigtails na buhok na may mga cute na red ribbons, malayo sa dumi ng mundong kinabibilangan ni Dad.
"Ate, Dad said we need to hurry up. Malapit na daw dumating yung mga guests," malambing na sabi niya, bakas sa tinig ang pagsunod sa utos ng aming ama.
Kumunot ang noo ko. "Pinapababa ka rin ba ni Dad?"
Ayaw ko siyang madamay sa mga usapan ng matatanda. She was too young and too pure for their world. Gusto ko siyang ikulong sa isang silid kung saan hindi siya maaabot ng mga mapanuring mata ng mga bisitang ito.
"Yes—"
"No. Mag-stay ka lang sa kuwarto mo, Aiah," putol ko sa sasabihin niya. Napa-pout siya, halatang naguguluhan at medyo nasasaktan sa biglaang pagbabawal ko.
"But why, Ate? Baka magalit si Dad. I want to go down with you," pangungulit niya.
Napabuntong-hininga na lang ako. I knew that look. Kapag pinilit ko siyang magtago, baka lalo lang siyang mapag-initan ni Dad at tawaging walang galang sa harap ng mga bisita. Wala na akong nagawa kundi hayaan siyang sumama sa akin, ngunit nanumpa ako sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang mawalay sa tabi ko sa buong gabi.
Nagsuot ako ng isang fitted red dress na gawa sa mamahaling tela. Custom-made ito para talaga sa body shape ko, yakap na yakap ang bawat kurba ng aking katawan na tila ba ayaw akong pakawalan. I let my long hair flow, cinurl ko lang nang kaunti ang laylayan upang magmukhang elegante, at nagsuot ng black heels na lalong nagpadagdag sa aking tindig. Simple pero palaban ang dating. Nakakahiya naman kasi sa mga bisita ni Dad kapag hindi kami nag-ayos, at ayaw kong bigyan siya ng dahilan para saktan o ipahiya kami.
Pagbaba namin sa malawak na sala, wala pa si Dad. Mukhang ma l-late siya dahil nasa office pa at may tinatapos na tawag kaya tinawagan niya si Aiah para kami muna ang sumalubong sa mga bisita. Isang mabigat na obligasyon na ayaw ko sanang gawin.
Tumulong ako sa mga maid na mag-ayos ng table at terrace. Everything had to be perfect dahil special daw ang darating. Habang inaayos ko ang mga pillows sa sofa, biglang bumukas ang napakalaking main door namin, na tila ba ang hangin sa labas ay nagbababala ng isang panganib.
Isang matangkad na lalaki ang pumasok. Ang kaniyang aura ay agad na pumuno sa buong silid, mabigat at tila nakakasuffocate. He was wearing a crisp white long-sleeved shirt na halatang designer brand. May gintong necklace siya at matching gold watch na kumikislap sa ilalim ng chandelier. Ang mga butones ng polo niya ay bukas hanggang sa dibdib, at ang sleeves ay nakatupi hanggang siko, sapat na para makita ang mga tattoo niya sa braso na tila mga marka ng isang madilim na nakaraan.
Nagkatitigan kaming dalawa. His eyes were a piercing gray with hints of green, matalas at tila may kakayahang bumasa ng bawat sikretong itinatago ko. May kaunting balbas siya na nagpadagdag sa pagka-guwapo at pagka-misteryoso niya. He looked at me with zero emotion, cold and dangerously calm.
Nang bumalik ako sa aking ulirat mula sa panandaliang pagkagulat, pilit akong lumapit para batiin siya bilang respeto sa bahay. "Ah, this way, Sir—"
"Who are you?" putol niya sa sasabihin ko. Ang kaniyang boses ay napakalalim at napakalamig. Parang huminto ang tibok ng puso ko sa kaba habang nakatitig sa kaniyang walang ekspresyong mukha.
"I’m Armea Hidalgo, the older daughter of Lucas Hidalgo," pagpapakilala ko. I tried my best na huwag ipahalatang nanginginig ang boses ko. Itinindig ko ang aking balikat upang ipakita na hindi ako basta-bastang matatakot sa presensya niya.
Imbes na sumagot, nilagpasan niya lang ako na parang isang hangin. Umupo siya sa sofa namin na parang siya ang may-ari ng bahay. He looked exhausted pero hindi nabawasan ang pagka-intimidating niya. Mabilis kong sinenyasan ang mga maid na kumuha ng wine, pero natigilan sila nang muling magsalita ang lalaki.
"I want her to serve the wine."
Nakaturo siya sa akin nang hindi man lang tumitingin sa akin nang diretso. Napakuyom ang kamay ko sa inis. Ang kapal din ng mukha nito, ah? Ginawa pa akong waitress sa sarili naming bahay. Kinuha ko ang bote ng wine at lumapit sa harap niya. Habang nagsasalin ako, ramdam ko ang titig niya. It was heavy and lingering. Mula sa bewang ko hanggang sa dibdib ay tinitigan niya ako bago tumingin sa mga mata ko. Napalunok ako. Hindi lang ito bastos, nakakatakot pa.
Binilisan ko ang pagsasalin at lumayo agad, pero ang tingin niya ay nakasunod pa rin. Pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ako sa isip niya gamit lang ang mga titig na iyon. Napansin niya si Aiah sa tabi ko, at agad na gumuhit ang protektibong instinto sa akin. Mabilis kong hinablot ang kamay ng kapatid ko at itinago siya sa likuran ko. Isang nakakalokong ngisi naman ang isinagot ng lalaki.
Maya-maya pa, bumukas ulit ang pinto at sa wakas ay pumasok na si Dad kasama ang iba pang business partners. Pero lahat sila, mukhang mga tauhan lang kumpara sa lalaking nasa harap ko ngayon. Ibang-iba talaga ang bigat ng presensya nito."Mr. Monzepat! You're here," bati ni Dad sabay yuko, isang bagay na hindi ko akalaing gagawin niya sa ibang tao. Ang aking ama na laging mataas ang tingin sa sarili ay yumuyuko sa harap ng lalaking ito. Sumunod din ang iba pang mga kasama ni Dad at yumuko bilang pagkilala."Tsk. Ano ba siya, santo?" bulong ko sa sarili ko.Hindi man lang tumayo si Aquil Monzepat. Nanatili siyang nakaupo habang umiinom ng wine. He just gave a small nod para paupuin sila."Lucas... you never mentioned that your eldest daughter is very beautiful," sabi ng lalaki habang malagkit na nakatingin sa akin. Pinandilatan ko lang siya."Ah, yes. Come here, Armea, Aiah," utos ni Dad. "This is my younger daughter, Aiah, and the oldest, Armea," pagpapakilala niya sa amin. Yumuko lan
Kanina pa kami pinapahanda ni Dad dahil darating daw ang mga pinakamahalagang tao sa buhay niya. Yes, sounds bitter, but it’s the truth. Sa bawat okasyong ganito, ramdam ko ang bigat ng pagiging isang Hidalgo—isang palamuti sa harap ng mga taong kailangan niyang pasayahin.Hindi kami ang mahalaga sa kaniya. Never kaming naging priority ng sarili naming ama. Ang kaniyang atensyon ay laging nakatuon sa pagpapalago ng kaniyang impluwensya, at kaming kaniyang mga anak ay tila mga piyesa lamang sa kaniyang chessboard na handa niyang itaya anumang oras.Ang tinutukoy niyang mahalagang bisita ay ang kaniyang business partner at ang boss ng mga boss niya. Honestly? Wala talaga akong balak harapin ang mga taong iyon. I know their world too well. Alam ko kung gaano kadumi ang mga kamay nila sa likod ng kanilang mga mamahaling coat at kurbata. May mga business silang legal, sure. Pero ang totoo? Karamihan ay illegal. Nagpapatayo sila ng mga clubs para gawing front, may mga private gambling dens,
"Oh, Fuck!"Ang bawat ingay na nagmumula sa kaniya, ang bawat kalansing ng headboard ng kama sa pader na tila sumasabay sa ritmo ng aming mga katawan, ang malapot na tunog ng aming mga balat na nagdidikit sa gitna ng pawis, at ang kaniyang paos na pag-ungol ay tila musikang nagpapatakbo sa madilim kong sistema. Sa loob ng marangyang penthouse na ito, tanging ang aming mga hininga lamang ang bumabasag sa katahimikan ng gabi.Hindi lang ito basta pakikipagtalik, para sa akin ito ay pag-angkin. Isang paraan ng pagpapakawala ng lahat ng tensyong naipon sa mundo ng negosyo. Dalawang araw na akong tila bulkang sasabog dahil sa mga pressure sa kumpanya, at si Sam ang tanging lunas sa tindi ng init na ito. Siya ang sisidlan ng aking pagnanasa, ang distraction na kailangan ko.Mas lalo kong idiniin ang aking pagkakahawak sa kaniyang leeg, hindi para saktan siya, kundi para mas maramdaman niya ang aking init na nananalaytay sa bawat ugat ko. Ang kaniyang mukha ay namumula na, ang kaniyang mga m
"M-Married? No, Dad! You can't do this to me!"Nanggagalaiti ang aking usal habang pilit kong tinititigan ang aking ama sa gitna ng namumuong tensyon sa loob ng kaniyang opisina. Bakas sa aking tinig ang matinding pagmamatigas, isang huling pagkapit sa aking dangal na pilit niyang tinatapak-tapakan. Ngunit sa likod ng aking matapang na boses, nanginginig ang aking buong kalamnan. Pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay ang aking mga binti dahil sa tindi ng emosyong nananalaytay sa aking mga ugat."The decision is final, Armea. Magpapakasal ka kay Aquil Monzepat sa susunod na linggo. Kailangan natin siya."Walang humpay ang pag-agos ng luha sa aking mga mata, tila mga sapa na hindi maubusan ng tubig habang binabagtas ang aking namumulang pisngi. Isang masidhing poot at hindi maipaliwanag na sama ng loob ang namumuo sa aking dibdib para sa sarili kong ama. Siya ang taong dapat sana ay nagpoprotekta sa akin mula sa bagsik ng mundo, ang sandigang inaasahan kong hahadlang sa anumang panga


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




