ログイン
"M-Married? No, Dad! You can't do this to me!"
Nanggagalaiti ang aking usal habang pilit kong tinititigan ang aking ama sa gitna ng namumuong tensyon sa loob ng kaniyang opisina. Bakas sa aking tinig ang matinding pagmamatigas, isang huling pagkapit sa aking dangal na pilit niyang tinatapak-tapakan. Ngunit sa likod ng aking matapang na boses, nanginginig ang aking buong kalamnan. Pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay ang aking mga binti dahil sa tindi ng emosyong nananalaytay sa aking mga ugat.
"The decision is final, Armea. Magpapakasal ka kay Aquil Monzepat sa susunod na linggo. Kailangan natin siya."
Walang humpay ang pag-agos ng luha sa aking mga mata, tila mga sapa na hindi maubusan ng tubig habang binabagtas ang aking namumulang pisngi. Isang masidhing poot at hindi maipaliwanag na sama ng loob ang namumuo sa aking dibdib para sa sarili kong ama. Siya ang taong dapat sana ay nagpoprotekta sa akin mula sa bagsik ng mundo, ang sandigang inaasahan kong hahadlang sa anumang panganib na darating sa aking buhay. Ngunit sa puntong ito, siya mismo ang naging mitsa ng aking pagdurusa. Hindi ko na nagawang pigilan ang pagtaas ng aking boses upang isigaw ang lahat ng pait na nararamdaman ng aking puso.
"You can't replace me just for the sake of business, Dad!" muling bulyaw ko sa kaniya, punong-puno ng pagkadismaya.
Ang bawat salita ay parang lason na lumalabas sa aking bibig, bunga ng sakit na malamang ay habambuhay kong dadalhin. Hindi ko maisip kung paano niya nagagawang ituring ang sariling anak na parang isang kagamitan lamang na maaaring ipagpalit sa mga numero, sa mga shares, at sa katanyagan ng aming kumpanya.
"Our agreement is over, there’s nothing you can do about it. Just marry him para hindi na tayo nagtatalo," malamig na tugon ng aking ama.
Ang kaniyang boses ay walang kabuhay-buhay, tila isang robot na nagbabasa lamang ng isang pormal na kontrata sa isang business meeting. Iniiwasan niya ang aking tingin, tumitingin sa malayo o sa mga papeles sa kaniyang mesa, halatang naririndi na sa walang tigil na pagpupumiglas ko. Para sa kaniya, ako ay isa lamang suwail na panganay na hindi marunong tumanaw ng utang na loob sa pamilya.
Dahil sa kaniyang malamig na pakikitungo, lalong umalab ang apoy sa aking dibdib. Humabol ako at muling hinarap ang aking ama, determinado akong hindi magpasakop sa malupit niyang kagustuhan. Ang bawat hakbang ko sa makinis na sahig ay tila isang deklarasyon ng giyera.
"No, Dad! I’m not doing what you want!" pagmamatigas ko sa kaniya. "I refuse to marry him."
Patuloy ang pagpatak ng aking mga luha sa kabila ng aking matapang na anyo. Ang bawat patak ay simbolo ng aking pagluluksa para sa kalayaang ninakaw sa akin sa isang iglap. Hindi ko matanggap na maikakasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal at kinalalakihan ko nang kinasusuklaman. Ang isiping magiging pag-aari niya ako habambuhay ay mas masahol pa sa kamatayan para sa akin.
Sa gitna ng aking marahas na pag-alma, biglang sumugod si Dad sa aking direksyon. Ang bilis ng kaniyang pagkilos ay ikinaatras ko dahil sa gulat at takot. Ngunit bago pa ako makalayo ay marahas niyang hinawakan ang aking pisngi. Ang kaniyang mga daliri ay bumaon sa aking balat, isang hapdi na nagpasinghap sa akin sa gulat. Nanlilisik ang kaniyang mga mata habang hinihigpitan niya ang pagkakasakal sa aking mukha, tila isang hayop na handang manila.
"You’re his now, stick to the agreement if you want to be safe," banta niya habang pinandidilatan ako ng mga matang tila lalamon ng aking buhay.
Ang kaniyang mga salita ay puno ng lason, bawat kataga ay tumatagos sa aking balat at nag-iiwan ng malalim na sugat sa aking pagkatao. Pakiramdam ko ay isa na lamang akong produkto na matagumpay niyang naibenta sa pinakamataas na bidder.
"You're so evil..." madiin at nangangatog na tugon ko. Tinitigan ko siya nang diretso sa mata, kahit pa ang aking buong pagkatao ay nanginginig na sa tindi ng takot.
Isang mabilis na lapat ng palad sa hangin ang tumama sa aking mukha. Sa lakas ng sampal ay agad akong napasubsob sa sahig. Ang tunog ng kaniyang palad sa aking balat ay umalingawngaw sa buong silid, kasabay ng biglang paghinto ng mundo para sa akin.
Humahagulgol na napahawak ako sa aking namamanhid na pisngi habang ang aking paningin ay nananatiling nakapako sa amang punong-puno ng galit sa aking harapan. Ang sakit ng sampal ay wala sa kalingkingan ng sakit na nararamdaman ko sa aking puso. Gusto kong magwala, gusto kong tumayo at tumakas mula sa impyernong ito, ngunit tila nawalan na ng lakas ang aking buong katawan. Ang bawat himaymay ng aking kalamnan ay sumuko na sa bigat ng kaniyang kalupitan.
"Napakakapal ng mukha mo!" singhal ni Dad sabay duro sa akin. Ang kaniyang boses ay puno ng pandidiri, na tila ba ako ang pinakamasamang tao sa mundo dahil lamang sa pagtatanggol ko sa aking sarili.
Tatalikod na sana siya upang iwan ako sa aking kinalalagyan, ngunit sa gitna ng aking kawalan ng pag-asa, mabilis akong gumapang at yumakap sa kaniyang tuhod. Wala na akong pakialam kung magmukha akong kahabag-habag sa kaniyang paningin.
"Dad.. please.. p-please Dad don't do t-this," pagmamakaawa ko sa pagitan ng malakas na paghikbi. Ang bawat salita ay putol-putol dahil sa hirap kong huminga. "I'm your daughter d-dad... p-please... d-don't.."
Ito na lamang ang tanging paraan na naiisip ko upang gisingin ang natitirang konsensya ng aking magulang. Nagbakasakali ako na sa likod ng kaniyang matigas na anyo ay naroon pa ang amang nagmahal sa akin noong bata pa ako. Ngunit tila bato na ang kaniyang puso. Hindi ko man lang siya nakitaan ng kapiranggot na awa sa kaniyang mga mata. Ang kaniyang tingin ay nananatiling malamig at walang pakialam sa aking paghihirap.
"Bullsh!t!" nanggagalaiting sigaw niya.
Halatang rinding-rindi si Dad sa aking pag-iyak. Ramdam ko na wala nang puwang ang awa sa kaniyang puso. Ang bawat patak ng aking luha ay tila gasolina na lalong nagpapaalab sa kaniyang galit. Dahan-dahang bumagsak ang aking mga balikat at nanghihinang binitawan ang kaniyang tuhod. Wala siyang kahit katiting na awa para sa sarili niyang anak.
Tila pinipiraso ang aking puso sa katotohanang kaya akong itapon, ipamigay, at ipagpalit ng sarili kong ama para lamang sa isang negosyo. Hindi makatarungan ang lahat ng ito. Ni hindi man lang niya ako tinanong o kinonsulta sa mga dokumentong habambuhay na magkukulong sa akin sa isang buhay na hindi ko kailanman ninais. Para sa kaniya, ang aking kaligayahan ay isang maliit na sakripisyo lamang para sa kaniyang ambisyon.
"Dad..." namamaos kong tawag.
Ang tinig na dati ay puno ng pag-asa at pagmamahal ay napalitan na ng labis na pighati. Habang nakalumpisak ako sa sahig, gulo-gulo ang aking buhok at basang-basa ang aking mukha ng luha, unti-unting nilamon ng dilim ang aking mundo.
Ang liwanag na dati ay gabay ko sa bawat araw ay unti-unti nang naglalaho, pinalitan ng isang malamig at malalim na kawalan. Wala akong kasiguradohan kung mabibigyang liwanag pa ang aking buhay pagkatapos ng gabing ito. Ang lahat ng pangarap ko ay gumuho na kasabay ng pagsara ng pinto ng kaniyang opisina, iniwan akong mag-isa sa dilim ng aking sariling pagdurusa.
Maya-maya pa, bumukas ulit ang pinto at sa wakas ay pumasok na si Dad kasama ang iba pang business partners. Pero lahat sila, mukhang mga tauhan lang kumpara sa lalaking nasa harap ko ngayon. Ibang-iba talaga ang bigat ng presensya nito."Mr. Monzepat! You're here," bati ni Dad sabay yuko, isang bagay na hindi ko akalaing gagawin niya sa ibang tao. Ang aking ama na laging mataas ang tingin sa sarili ay yumuyuko sa harap ng lalaking ito. Sumunod din ang iba pang mga kasama ni Dad at yumuko bilang pagkilala."Tsk. Ano ba siya, santo?" bulong ko sa sarili ko.Hindi man lang tumayo si Aquil Monzepat. Nanatili siyang nakaupo habang umiinom ng wine. He just gave a small nod para paupuin sila."Lucas... you never mentioned that your eldest daughter is very beautiful," sabi ng lalaki habang malagkit na nakatingin sa akin. Pinandilatan ko lang siya."Ah, yes. Come here, Armea, Aiah," utos ni Dad. "This is my younger daughter, Aiah, and the oldest, Armea," pagpapakilala niya sa amin. Yumuko lan
Kanina pa kami pinapahanda ni Dad dahil darating daw ang mga pinakamahalagang tao sa buhay niya. Yes, sounds bitter, but it’s the truth. Sa bawat okasyong ganito, ramdam ko ang bigat ng pagiging isang Hidalgo—isang palamuti sa harap ng mga taong kailangan niyang pasayahin.Hindi kami ang mahalaga sa kaniya. Never kaming naging priority ng sarili naming ama. Ang kaniyang atensyon ay laging nakatuon sa pagpapalago ng kaniyang impluwensya, at kaming kaniyang mga anak ay tila mga piyesa lamang sa kaniyang chessboard na handa niyang itaya anumang oras.Ang tinutukoy niyang mahalagang bisita ay ang kaniyang business partner at ang boss ng mga boss niya. Honestly? Wala talaga akong balak harapin ang mga taong iyon. I know their world too well. Alam ko kung gaano kadumi ang mga kamay nila sa likod ng kanilang mga mamahaling coat at kurbata. May mga business silang legal, sure. Pero ang totoo? Karamihan ay illegal. Nagpapatayo sila ng mga clubs para gawing front, may mga private gambling dens,
"Oh, Fuck!"Ang bawat ingay na nagmumula sa kaniya, ang bawat kalansing ng headboard ng kama sa pader na tila sumasabay sa ritmo ng aming mga katawan, ang malapot na tunog ng aming mga balat na nagdidikit sa gitna ng pawis, at ang kaniyang paos na pag-ungol ay tila musikang nagpapatakbo sa madilim kong sistema. Sa loob ng marangyang penthouse na ito, tanging ang aming mga hininga lamang ang bumabasag sa katahimikan ng gabi.Hindi lang ito basta pakikipagtalik, para sa akin ito ay pag-angkin. Isang paraan ng pagpapakawala ng lahat ng tensyong naipon sa mundo ng negosyo. Dalawang araw na akong tila bulkang sasabog dahil sa mga pressure sa kumpanya, at si Sam ang tanging lunas sa tindi ng init na ito. Siya ang sisidlan ng aking pagnanasa, ang distraction na kailangan ko.Mas lalo kong idiniin ang aking pagkakahawak sa kaniyang leeg, hindi para saktan siya, kundi para mas maramdaman niya ang aking init na nananalaytay sa bawat ugat ko. Ang kaniyang mukha ay namumula na, ang kaniyang mga m
"M-Married? No, Dad! You can't do this to me!"Nanggagalaiti ang aking usal habang pilit kong tinititigan ang aking ama sa gitna ng namumuong tensyon sa loob ng kaniyang opisina. Bakas sa aking tinig ang matinding pagmamatigas, isang huling pagkapit sa aking dangal na pilit niyang tinatapak-tapakan. Ngunit sa likod ng aking matapang na boses, nanginginig ang aking buong kalamnan. Pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay ang aking mga binti dahil sa tindi ng emosyong nananalaytay sa aking mga ugat."The decision is final, Armea. Magpapakasal ka kay Aquil Monzepat sa susunod na linggo. Kailangan natin siya."Walang humpay ang pag-agos ng luha sa aking mga mata, tila mga sapa na hindi maubusan ng tubig habang binabagtas ang aking namumulang pisngi. Isang masidhing poot at hindi maipaliwanag na sama ng loob ang namumuo sa aking dibdib para sa sarili kong ama. Siya ang taong dapat sana ay nagpoprotekta sa akin mula sa bagsik ng mundo, ang sandigang inaasahan kong hahadlang sa anumang panga







