Share

Chapter 2

Author: Noemamommy
last update Last Updated: 2026-01-21 07:50:40

"Oh, Fuck!"

Ang bawat ingay na nagmumula sa kaniya, ang bawat kalansing ng headboard ng kama sa pader na tila sumasabay sa ritmo ng aming mga katawan, ang malapot na tunog ng aming mga balat na nagdidikit sa gitna ng pawis, at ang kaniyang paos na pag-ungol ay tila musikang nagpapatakbo sa madilim kong sistema. Sa loob ng marangyang penthouse na ito, tanging ang aming mga hininga lamang ang bumabasag sa katahimikan ng gabi.

Hindi lang ito basta pakikipagtalik, para sa akin ito ay pag-angkin. Isang paraan ng pagpapakawala ng lahat ng tensyong naipon sa mundo ng negosyo. Dalawang araw na akong tila bulkang sasabog dahil sa mga pressure sa kumpanya, at si Sam ang tanging lunas sa tindi ng init na ito. Siya ang sisidlan ng aking pagnanasa, ang distraction na kailangan ko.

Mas lalo kong idiniin ang aking pagkakahawak sa kaniyang leeg, hindi para saktan siya, kundi para mas maramdaman niya ang aking init na nananalaytay sa bawat ugat ko. Ang kaniyang mukha ay namumula na, ang kaniyang mga mata ay tila nakatitig sa kawalan habang nilalamon siya ng sensasyong ako lang ang nakakapagbigay. Sa bawat paggalaw ko, ramdam ko ang kaniyang pagsuko sa ilalim ng aking kapangyarihan.

"Look at me, Sam," bulong ko sa kaniyang tainga, ang boses ko ay halos isang ungol na lang na puno ng awtoridad. "Tingnan mo kung paano kita kinukuha."

Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Puno ito ng luha, hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa tindi ng sarap na halos hindi na kayanin ng kaniyang katawan, dahil sa laki ng aking pag-aari at magkahalong sarap at sakit ang nararamdaman niya ngayon. Ang kaniyang mga labi ay bahagyang nakabuka, mabilis ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib habang hinahabol ang hininga na tila ba malulunod siya sa bawat pagbayo ko.

"Aquil... please... f-faster..." pagsamo niya.

Ang pagsamo niyang iyon ang naging hudyat para tuluyan akong mawala sa sarili. Binilisan ko pa ang aking bawat bayo, binabalewala ang anumang pag-iingat. Ang bawat tulak ko ay may kasamang puwersa na tila ba gusto kong pumasok sa pinakamalalim na bahagi ng kaniyang pagkatao, hanggang sa maubos ang kaniyang lakas. Ramdam na ramdam ko ang bawat muscle sa loob ng kaniyang kuweba na humihigpit, tila ba ayaw na akong paalisin doon, pilit akong kinukulong sa kaniyang init.

"You're so tight, baby... so fucking tight," mura ko habang nararamdaman ang papalapit na rurok.

Nabitawan niya ang vibrator na hawak niya na nadikit sa kaniyang cunt kanina at ang kaniyang mga kamay ay lumipat sa aking likuran. Bumaon ang kaniyang mga kuko sa aking balat, nag-iiwan ng mga pulang marka na alam kong magiging paalala ng gabing ito bukas. Pero wala akong pakialam sa sakit; ang sakit ay bahagi lamang ng sarap na tinatamasa namin. Ang tanging mahalaga ay ang init na namumuo sa aking puson, ang pressure na tila sasabog na anumang sandali.

"Aquil! I'm... I'm close! Ughhh!" sigaw niya, ang kaniyang buong katawan ay nagsimulang manginig sa matinding ligaya.

Nararamdaman ko ang kaniyang orgasm. Ang kaniyang kiki ay nagsimulang kumontrata nang mabilis, hinihigop ang aking pag-aari sa paraang halos ikawala ko ng ulirat. Sa bawat kalmot niya, mas lalo akong naggigil. Hindi ko siya hinayaang makawala, mas lalo ko pang sinagad ang bawat pagbayo hanggang sa marating ko rin ang dulo.

"Not yet, Sam... sasabay tayo," sabi ko habang ang aking pawis ay pumapatak na sa kaniyang malaking dibdib, kumikinang sa ilalim ng malamlam na ilaw.

Ang silid ay tila nagliliyab na sa init ng aming mga katawan. Ang bawat ungol niya ay nagiging mas mabilis, mas malakas, hanggang sa marating namin ang rurok. Isang huling marahas na tulak ang ginawa ko, isinagad ko ang aking pag-aari sa kaniyang pinakamalalim na bahagi habang nararamdaman ang pagdaloy ng aking init sa loob niya.

"Ughhh! Fuck!" napasigaw ako habang ang buong mundo ko ay tila tumigil sa sandaling iyon.

Napasandal ako sa kaniya, ang aking bigat ay nasa kaniyang katawan habang pareho kaming naghahabol ng hininga. Ang puso ko ay tila gustong kumawala sa aking dibdib sa bilis ng tibok nito. Ang amoy ng pawis, pagnanasa, at ang aming pinagsamang init ay bumabalot sa buong paligid, isang paalala ng aming pagpapakasasa.

Ilang minuto kaming nanatiling ganoon, nakakandong sa katahimikan ng gabi, ang tanging naririnig ay ang aming malalalim na hininga. Dahan-dahan akong kumalas sa kaniya at nahiga sa kaniyang tabi, pinagmamasdan ang kaniyang anyo. Ang kaniyang buhok ay magulo, ang kaniyang mga labi ay namumutok sa tindi ng aming halikan kanina, at ang kaniyang balat ay kumikinang sa pawis sa ilalim ng malamlam na ilaw ng kwarto.

Tumingin ako sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi, isang simpleng galaw na walang halong emosyon. "Still alive?" biro ko sa kaniya, bagaman ang boses ko ay seryoso pa rin.

Ngumiti siya nang bahagya, isang matamis at pagod na ngiti na tila ba ay may nakikita siyang hinaharap sa akin. "I hate you, Aquil... you're a monster."

Natawa ako nang mahina at hinila siya palapit sa akin, hinahayaan ang kaniyang katawan na dumampi sa aking balat. Ipinatong ko ang kaniyang ulo sa aking dibdib. "I'm your monster, Sam. Don't ever forget that."

Si Sam ay maganda, oo. Siya ang pinakamasarap na laruan na nakuha ko sa loob ng nakaraang dalawang linggo. Pero sa huli, alam ko sa sarili ko na siya ay isa lamang sa mahabang listahan ng mga babaeng dumaan sa kama ko. Walang permanente sa mundong ginagalawan ko.

I am Aquil. I don't do love. Para sa akin, ang pag-ibig ay isang kahinaan na walang puwang sa aking tagumpay. At sa gabi na ito, ang akin ay ang kaniyang katawan, ang kaniyang dangal, at ang kaniyang bawat pag-ungol. Ito ang buhay ko bilang isang bilyonaryo—makapangyarihan at walang limitasyon.

Ang mundo ay parang isang malaking buffet, at ang mga babaeng katulad ni Sam ang nagsisilbing panghimagas. Kahapon, isang French model ang kasama ko. Noong isang araw, isang sikat na aktres. Ngayon, si Sam. At bukas? Baka may bago na naman na mas nakakaakit sa aking paningin.

Bilang isang lalaking nasa tuktok ng lipunan, sanay akong makuha ang lahat. Ang kumpanya, ang pera, at ang mga babae. Kinuha ko ang aking cellphone sa gilid at tiningnan ang isang notification. Isang mensahe mula sa aking secretary tungkol sa isang bagong model na darating bukas para sa isang private meeting. Napangisi ako sa isiping iyon.

Lumingon ako kay Sam na ngayon ay mahimbing na ang tulog, pagod na pagod sa ginawa namin. Hinaplos ko ang kaniyang mukha, ngunit walang anumang lambing. "Enjoy it while it lasts, baby," bulong ko sa hangin.

Dahil sa mundo ko, walang nagtatagal. I am Aquil Monzepat, and I never stay with just one woman. Bumangon ako at nagtungo sa veranda, nagsindi ng sigarilyo habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad na tila ba ay nakayukod sa aking paanan. Ang gabing ito ay isa na namang tagumpay, isa na namang panandaliang aliw.

Pero sa kabilang banda, alam ko na bukas, may panibago na namang laro. At sa larong iyon, ako pa rin ang palaging panalo, dahil hindi ko hinahayaang makuha ang puso ko. Binuksan ko ang screen ng phone ko at dinial ang isang numero. Nagring ito at agad na sinagot ang linya.

"Mr. Clevy, so how's our business?" usal ko at muling humithit ng sigarilyo, pinapanood ang usok na tinatangay ng hangin.

"Well, it's always good. Don't worry," usal ng matandang lalaki na nasa kabilang linya.

Tumango tango naman ako habang nakatingin sa kawalan, hawak hawak pa din ang sigarilyo. Ang negosyo ay maayos, ang lahat ay kontrolado. Ibinaba ko na ang linya matapos kong tumango. Mabilis akong bumalik muli sa kama at natulog na, hindi alintana ang babaeng katabi ko.

Nagising ako kasabay ng sikat ng araw na tumatagos sa bintana, pero ang init na naramdaman ko kagabi ay napalitan na ng kasing-lamig na yelo na sistema. Ang adrenaline ay naglaho na, pinalitan ng karaniwang lamig ng aking pagkatao. Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Sam o kung anuman ang pangalan ng babaeng ito na napulot ko lang sa club kagabi, mula sa aking dibdib.

Umupo ako sa gilid ng kama at nagsindi ng sigarilyo, ang usok ay pumupuno sa kwarto. Naramdaman ko ang kaniyang pag-inat at ang pagdampi ng kaniyang labi sa balikat ko, isang pagtatangkang maging malambing.

"Morning, Aquil..." malambing niyang bulong, puno ng pag-asa.

Mabilis ko siyang hinarap at marahas na tinabig ang kaniyang mukha. Wala na ang lalaking mapusok kagabi; ang kaharap niya ngayon ay ang bilyonaryong walang puso. "Get up. Wear your clothes. And leave," malamig kong utos.

"A-Ano? Pero Aquil, akala ko ba—" nabulol siya, ang kaniyang mga mata ay nagsimulang mapuno ng kalituhan.

"Akala mo ano? Na espesyal ka na?" putol ko sa kaniya habang tumatayo ako at isinusuot ang aking silk robe. "I needed a body to relieve my stress, and you were there. Nakuha ko na ang gusto ko. You're done."

"Gano'n gano'n na lang 'yon?! You promised me—" tumayo siya, pilit na hinahanap ang hustisya sa aking mga mata.

"I promised nothing!" sigaw ko na ikinatalon niya sa gulat. Ang boses ko ay umalingawngaw sa buong penthouse.

Kinuha ko ang isang bundle ng pera sa bedside drawer at marahas itong inihagis sa mukha niya. Ang mga papel ay nagliparan sa ibabaw ng hubad niyang katawan na tila ba ay basura. "There. Isang daang libo para sa isang gabi. Tip ko na 'yan dahil masarap ang ungol mo kagabi. Now, get out before I have my security drag you out naked!"

Nanginginig siyang bumangon, humihagulgol habang mabilis na isinusuot ang kaniyang gulo-gulong damit. Ang kaniyang dignidad ay durog na, katulad ng lahat ng babaeng nag-akalang mababago nila ako. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin habang naglalakad siya palabas ng pinto, bitbit ang kaniyang sapatos at ang ilang perang dinampot niya sa sahig.

"Luis," tawag ko sa aking tauhan sa telepono pagkasara ng pinto. "Clean the room. Burn the sheets. I don't want to smell her cheap scent in my penthouse."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married To The Obsessed Billionaire    Chapter 4

    Maya-maya pa, bumukas ulit ang pinto at sa wakas ay pumasok na si Dad kasama ang iba pang business partners. Pero lahat sila, mukhang mga tauhan lang kumpara sa lalaking nasa harap ko ngayon. Ibang-iba talaga ang bigat ng presensya nito."Mr. Monzepat! You're here," bati ni Dad sabay yuko, isang bagay na hindi ko akalaing gagawin niya sa ibang tao. Ang aking ama na laging mataas ang tingin sa sarili ay yumuyuko sa harap ng lalaking ito. Sumunod din ang iba pang mga kasama ni Dad at yumuko bilang pagkilala."Tsk. Ano ba siya, santo?" bulong ko sa sarili ko.Hindi man lang tumayo si Aquil Monzepat. Nanatili siyang nakaupo habang umiinom ng wine. He just gave a small nod para paupuin sila."Lucas... you never mentioned that your eldest daughter is very beautiful," sabi ng lalaki habang malagkit na nakatingin sa akin. Pinandilatan ko lang siya."Ah, yes. Come here, Armea, Aiah," utos ni Dad. "This is my younger daughter, Aiah, and the oldest, Armea," pagpapakilala niya sa amin. Yumuko lan

  • Married To The Obsessed Billionaire    Chapter 3

    Kanina pa kami pinapahanda ni Dad dahil darating daw ang mga pinakamahalagang tao sa buhay niya. Yes, sounds bitter, but it’s the truth. Sa bawat okasyong ganito, ramdam ko ang bigat ng pagiging isang Hidalgo—isang palamuti sa harap ng mga taong kailangan niyang pasayahin.Hindi kami ang mahalaga sa kaniya. Never kaming naging priority ng sarili naming ama. Ang kaniyang atensyon ay laging nakatuon sa pagpapalago ng kaniyang impluwensya, at kaming kaniyang mga anak ay tila mga piyesa lamang sa kaniyang chessboard na handa niyang itaya anumang oras.Ang tinutukoy niyang mahalagang bisita ay ang kaniyang business partner at ang boss ng mga boss niya. Honestly? Wala talaga akong balak harapin ang mga taong iyon. I know their world too well. Alam ko kung gaano kadumi ang mga kamay nila sa likod ng kanilang mga mamahaling coat at kurbata. May mga business silang legal, sure. Pero ang totoo? Karamihan ay illegal. Nagpapatayo sila ng mga clubs para gawing front, may mga private gambling dens,

  • Married To The Obsessed Billionaire    Chapter 2

    "Oh, Fuck!"Ang bawat ingay na nagmumula sa kaniya, ang bawat kalansing ng headboard ng kama sa pader na tila sumasabay sa ritmo ng aming mga katawan, ang malapot na tunog ng aming mga balat na nagdidikit sa gitna ng pawis, at ang kaniyang paos na pag-ungol ay tila musikang nagpapatakbo sa madilim kong sistema. Sa loob ng marangyang penthouse na ito, tanging ang aming mga hininga lamang ang bumabasag sa katahimikan ng gabi.Hindi lang ito basta pakikipagtalik, para sa akin ito ay pag-angkin. Isang paraan ng pagpapakawala ng lahat ng tensyong naipon sa mundo ng negosyo. Dalawang araw na akong tila bulkang sasabog dahil sa mga pressure sa kumpanya, at si Sam ang tanging lunas sa tindi ng init na ito. Siya ang sisidlan ng aking pagnanasa, ang distraction na kailangan ko.Mas lalo kong idiniin ang aking pagkakahawak sa kaniyang leeg, hindi para saktan siya, kundi para mas maramdaman niya ang aking init na nananalaytay sa bawat ugat ko. Ang kaniyang mukha ay namumula na, ang kaniyang mga m

  • Married To The Obsessed Billionaire    Chapter 1

    "M-Married? No, Dad! You can't do this to me!"Nanggagalaiti ang aking usal habang pilit kong tinititigan ang aking ama sa gitna ng namumuong tensyon sa loob ng kaniyang opisina. Bakas sa aking tinig ang matinding pagmamatigas, isang huling pagkapit sa aking dangal na pilit niyang tinatapak-tapakan. Ngunit sa likod ng aking matapang na boses, nanginginig ang aking buong kalamnan. Pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay ang aking mga binti dahil sa tindi ng emosyong nananalaytay sa aking mga ugat."The decision is final, Armea. Magpapakasal ka kay Aquil Monzepat sa susunod na linggo. Kailangan natin siya."Walang humpay ang pag-agos ng luha sa aking mga mata, tila mga sapa na hindi maubusan ng tubig habang binabagtas ang aking namumulang pisngi. Isang masidhing poot at hindi maipaliwanag na sama ng loob ang namumuo sa aking dibdib para sa sarili kong ama. Siya ang taong dapat sana ay nagpoprotekta sa akin mula sa bagsik ng mundo, ang sandigang inaasahan kong hahadlang sa anumang panga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status