Share

Chapter 136

Author: Helenmaria
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-11 16:00:55

“Hindi. Kusang-loob akong pumunta hija. Nang mabalitaan ko ang nangyari sa'yo, halos hindi ako mapakali sa sobrang pag-aalala.” Ramdam niya ang lungkot at pag-aalala sa tinig ng matanda. 

Alam niyang totoo ang bawat salitang sinasabi nito pero pinili niyang patigasin ang kanyang puso. Hindi na siya pwedeng magpadala sa emosyon. Napakarami na niyang pinagdaanan. Napakaraming beses na siyang nasaktan at niloko ng mga taong pinagkatiwalaan niya kaya natuto na siyang magta

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Married To The Ruthless   Chapter 136

    “Hindi. Kusang-loob akong pumunta hija. Nang mabalitaan ko ang nangyari sa'yo, halos hindi ako mapakali sa sobrang pag-aalala.” Ramdam niya ang lungkot at pag-aalala sa tinig ng matanda.Alam niyang totoo ang bawat salitang sinasabi nito pero pinili niyang patigasin ang kanyang puso. Hindi na siya pwedeng magpadala sa emosyon. Napakarami na niyang pinagdaanan. Napakaraming beses na siyang nasaktan at niloko ng mga taong pinagkatiwalaan niya kaya natuto na siyang magtayo ng pader sa kanyang puso. Iyon na lang ang natitira niyang panangga upang hindi na siya muling masaktan.“Paano mo nagawa 'yon, Nana?” nanginginig ang boses niyang tanong. “Bakit mo itinago sa akin ang totoo? At bakit mo nagawang ipagkanulo ang pamilya ko?”Tuluyan nang napahagulgol si Nana Marcela nang marinig iyon mula sa kanya. Hindi niya maiwasang masaktan habang nakikita ang matanda na umiiyak. Sa kabila ng lahat ng nalaman niya, mahal niya par

  • Married To The Ruthless   Chapter 135

    Marahil, ito na talaga ang katapusan ng lahat sa kanilang dalawa. At marahil, ito na rin ang pinakamabuti. Mahal niya si Alec pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon para kalimutan ang lahat ng sinira at ipinagkait sa kanya ng pamilya nito.Tahimik niyang pinanood si Alec habang dahan-dahan itong tumayo. Bagsak ang mga balikat nito tila tuluyan nang nawalan ng pag-asa. Tumayo lang ito sa harap niya, nakatitig ngunit walang salitang namutawi sa mga labi nito.Hindi niya maipaliwanag ang nakikita niya sa mga mata nito. Na para bang matinding lungkot at sakit ang nararamdaman nito. Napansin niya rin ang bahid ng luha sa mga mata nito. Ngayon lang niya ito nakitang umiyak.Kumirot ang puso niya sa nakita pero hindi sapat ang pagdurusang nakikita niya rito para mabura ang sakit na iniwan ng pagkawala ng anak nila. Hindi rin nito mabubura ang lahat ng hinanakit na matagal na niyang kinikimkim. Kailangan na itong matapos. Ang tanging hinihiling na lang niya

  • Married To The Ruthless   Chapter 134

    "I lost him. I lost the only hope I had. The only reason I had to keep going." bulong niya sa kabila ng paghagulgol.Pakiramdam niya, tuluyan na siyang nawasak. Alam niyang hindi na siya muling magiging katulad ng dati.Ito ba talaga ang kapalit ng pagmamahal niya ng lubos? Ito na lang ba ang nakalaan para sa kanya? Puro sakit, luha, pagkabigo at pagtataksil mula sa mga taong minahal at pinagkatiwalaan niya? Ang anak niya ang naging tanging dahilan na lang kung bakit muli siyang nagkaroon ng pag-asang may mabuti pang naghihintay sa kanya. Pero ngayon pati iyon, nawala na. Paano pa siya magpapatuloy ngayon? Paano pa niya haharapin ang bukas?Sadyang napakadilim at napakalupit ng tadhana. Sa dami ng tao sa mundo, bakit tila siya ang laging pinipiling saktan nito? Hindi pa ba sapat ang lahat ng pinagdaanan niya? Hanggang kailan pa siya kailangang magdusa? At gaano pa kabigat ang kailangan niyang pasanin at pagdaanan bago siya tuluyang maging masaya?“P

  • Married To The Ruthless   Chapter 133

    “Please... huwag mong sisihin ang sarili mo. Aksidente ang nangyari. Ako na lang ang sisihin mo, kasalanan ko ang lahat.” Sa narinig ay nag-aalab ang galit siyang tumingin Kay Alec. "Please, Alec, nothing you say will ever make this better. Just leave me alone. Get out of here." Halos manginig ang boses niya habang pinipigilan ang sarili.Gusto niyang umalis ito bago pa sila makapagsalita ng mga salitang hindi na nila mababawi. Kinamumuhian niya ito.Sa sandaling iyon, iyon lang ang laman ng puso at isip niya.“Leave. Get out and leave me alone! Umalis ka bago pa ako makapagsabi ng mga salitang pagsisisihan ko. I do not want to see your face! I hate you!" sigaw niya habang nanginginig sa sakit at matinding poot.“I am so sorry... Hindi ko alam. Kung nalaman ko lang hindi sana ito nangyari,”“Sinabi nang umalis ka! Go away. I hate you so much!” sigaw niya.Pakiramdam niya'y sasabog na siya sa tindi ng lungkot, galit,

  • Married To The Ruthless   Chapter 132

    Mabigat ang kanyang mga mata nang unti-unti siyang magkamalay sa isang hindi kilalang silid. Pagkilos pa lamang niya ay agad na siyang napangiwi sa matinding sakit sa bandang ibabang bahagi ng kanyang tiyan.Puting kisame at mga dingding at matapang na amoy ng alkohol at antiseptic ang bumungad sa kanya. Ilang sandali ang lumipas ay napagtanto niyang nasa ospital siya.Masakit ang buo niyang katawan, lalo na ang kanyang kaliwang binti. Pakiramdam niya ay nabali ang halos lahat ng buto niya sa katawan at bawat galaw niya ay tila nagdudulot ng matinding sakit."How are you feeling?" Ang nag-aalalang mukha ni Alec ang bumungad sa kanya. Nakaupo ito sa tabi ng kanyang kama habang nakatunghay sa kanya.Sunubukan niyang bahagyang gumalaw, ngunit napasigaw siya sa sakit nang muling sumiklab ang matinding kirot sa kanyang tiyan.“Huwag kang masyadong gumalaw. Nabalian ka ng ilang buto sa binti, at sariwa pa ang mga tahi mo. Baka bumuka ang suga

  • Married To The Ruthless   Chapter 131

    “You deliberately kept all of this from me. Tell me! Did you intend to lie to me forever? Did you ever plan on telling me the truth?" desperadong tanong niya dito.Ngunit nanatiling tahimik lamang ito. Ni isang salita ay wala itong maibigay na sagot at dahil doon ay lalo lamang nagliyab ang galit na nag-aalab sa kanyang dibdib.“Sige. Huli na itong itatanong ko sa'yo. Totoo ba ang lahat ng sinabi nila sa akin? Totoo bang ninakaw ng ama mo ang lahat ng ari-arian ng lolo ko? At totoo bang ipinilit niya ang kasal nating dalawa para balang araw ay sa'yo mapunta ang lahat ng iyon?”Tumitig lamang sa kanya si Alec at nanatili parin itong tahimik. Wala itong masabi ni isang salita at sapat na ang nakita niya sa mga mata nito. Ang katahimikan nito ang naging sagot sa lahat ng kanyang mga tanong.“Kung ganoon... alam mo pala ang lahat! Kaya pala pumayag kang pakasalan ako nang ganoon na lang kadali hindi ba?” nanginginig n

  • Married To The Ruthless   Chapter 29

    "Oh hi, Phil! Kumusta ka na?" Polite na bati niya dito. "I'm good. It's nice to see you again. And wow! What can I say? You're still stunning as ever," saad ng lalaki habang ang mga mata ay amuse at namamanghang nakatitig sa kanya."Thank you. That's so sweet of you," mahinhin niyang sagot. "

    last updateHuling Na-update : 2026-03-23
  • Married To The Ruthless   Chapter 27

    “Oh, my sweet and lovely Emmie. Alam mong ikaw ay isang De Hizon. Tiyak na ang mga taong hindi ka gaanong kilala ay siguradong hindi makapaniwala na ang mga simpleng bagay lang na ito ang nakakapagpasaya sa’yo. Hinahangaan ko ang kabutihan at kababaang-loob ng puso mo. Hindi ka naghahangad ng lab

    last updateHuling Na-update : 2026-03-22
  • Married To The Ruthless   Chapter 23

    Habang nakaupo sa VIP seat lulan ng eroplano, hindi niya mapigilang maluha. Ilang sandali na lang kasi ay aalis na ang sinasakyang eroplano papuntang Pilipinas. Ilang taon na rin ang lumipas mula ng huling tumapak siya sa bansa. It has been too long since she smelled the fragrance of the wild flo

    last updateHuling Na-update : 2026-03-21
  • Married To The Ruthless   Chapter 19

    Habang nakatayo sa tapat ng pinto ng silid aklatan, napuno ng kaba at pag-aalangan ang kanyang dibdib. Pagkatapos ng isang mahaba at mabigat na buntong-hininga, sinubukan niyang tanggalin ang bikig sa kanyang lalamunan bago kumatok sa pinto ng silid.Kailangan niyang maghanda ng laka

    last updateHuling Na-update : 2026-03-20
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status