Mag-log inMarahil, ito na talaga ang katapusan ng lahat sa kanilang dalawa. At marahil, ito na rin ang pinakamabuti. Mahal niya si Alec pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon para kalimutan ang lahat ng sinira at ipinagkait sa kanya ng pamilya nito.
Tahimik niyang pinanood si Alec habang dahan-dahan itong tumayo. Bagsak ang mga balikat nito tila tuluyan nang nawalan ng pag-asa. Tumayo lang ito sa harap niya, nakatitig ngunit walang salitang namutawi sa mga labi nito.
Hindi niya maipaliwa
“Hindi. Kusang-loob akong pumunta hija. Nang mabalitaan ko ang nangyari sa'yo, halos hindi ako mapakali sa sobrang pag-aalala.” Ramdam niya ang lungkot at pag-aalala sa tinig ng matanda.Alam niyang totoo ang bawat salitang sinasabi nito pero pinili niyang patigasin ang kanyang puso. Hindi na siya pwedeng magpadala sa emosyon. Napakarami na niyang pinagdaanan. Napakaraming beses na siyang nasaktan at niloko ng mga taong pinagkatiwalaan niya kaya natuto na siyang magtayo ng pader sa kanyang puso. Iyon na lang ang natitira niyang panangga upang hindi na siya muling masaktan.“Paano mo nagawa 'yon, Nana?” nanginginig ang boses niyang tanong. “Bakit mo itinago sa akin ang totoo? At bakit mo nagawang ipagkanulo ang pamilya ko?”Tuluyan nang napahagulgol si Nana Marcela nang marinig iyon mula sa kanya. Hindi niya maiwasang masaktan habang nakikita ang matanda na umiiyak. Sa kabila ng lahat ng nalaman niya, mahal niya par
Marahil, ito na talaga ang katapusan ng lahat sa kanilang dalawa. At marahil, ito na rin ang pinakamabuti. Mahal niya si Alec pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon para kalimutan ang lahat ng sinira at ipinagkait sa kanya ng pamilya nito.Tahimik niyang pinanood si Alec habang dahan-dahan itong tumayo. Bagsak ang mga balikat nito tila tuluyan nang nawalan ng pag-asa. Tumayo lang ito sa harap niya, nakatitig ngunit walang salitang namutawi sa mga labi nito.Hindi niya maipaliwanag ang nakikita niya sa mga mata nito. Na para bang matinding lungkot at sakit ang nararamdaman nito. Napansin niya rin ang bahid ng luha sa mga mata nito. Ngayon lang niya ito nakitang umiyak.Kumirot ang puso niya sa nakita pero hindi sapat ang pagdurusang nakikita niya rito para mabura ang sakit na iniwan ng pagkawala ng anak nila. Hindi rin nito mabubura ang lahat ng hinanakit na matagal na niyang kinikimkim. Kailangan na itong matapos. Ang tanging hinihiling na lang niya
"I lost him. I lost the only hope I had. The only reason I had to keep going." bulong niya sa kabila ng paghagulgol.Pakiramdam niya, tuluyan na siyang nawasak. Alam niyang hindi na siya muling magiging katulad ng dati.Ito ba talaga ang kapalit ng pagmamahal niya ng lubos? Ito na lang ba ang nakalaan para sa kanya? Puro sakit, luha, pagkabigo at pagtataksil mula sa mga taong minahal at pinagkatiwalaan niya? Ang anak niya ang naging tanging dahilan na lang kung bakit muli siyang nagkaroon ng pag-asang may mabuti pang naghihintay sa kanya. Pero ngayon pati iyon, nawala na. Paano pa siya magpapatuloy ngayon? Paano pa niya haharapin ang bukas?Sadyang napakadilim at napakalupit ng tadhana. Sa dami ng tao sa mundo, bakit tila siya ang laging pinipiling saktan nito? Hindi pa ba sapat ang lahat ng pinagdaanan niya? Hanggang kailan pa siya kailangang magdusa? At gaano pa kabigat ang kailangan niyang pasanin at pagdaanan bago siya tuluyang maging masaya?“P
“Please... huwag mong sisihin ang sarili mo. Aksidente ang nangyari. Ako na lang ang sisihin mo, kasalanan ko ang lahat.” Sa narinig ay nag-aalab ang galit siyang tumingin Kay Alec. "Please, Alec, nothing you say will ever make this better. Just leave me alone. Get out of here." Halos manginig ang boses niya habang pinipigilan ang sarili.Gusto niyang umalis ito bago pa sila makapagsalita ng mga salitang hindi na nila mababawi. Kinamumuhian niya ito.Sa sandaling iyon, iyon lang ang laman ng puso at isip niya.“Leave. Get out and leave me alone! Umalis ka bago pa ako makapagsabi ng mga salitang pagsisisihan ko. I do not want to see your face! I hate you!" sigaw niya habang nanginginig sa sakit at matinding poot.“I am so sorry... Hindi ko alam. Kung nalaman ko lang hindi sana ito nangyari,”“Sinabi nang umalis ka! Go away. I hate you so much!” sigaw niya.Pakiramdam niya'y sasabog na siya sa tindi ng lungkot, galit,
Mabigat ang kanyang mga mata nang unti-unti siyang magkamalay sa isang hindi kilalang silid. Pagkilos pa lamang niya ay agad na siyang napangiwi sa matinding sakit sa bandang ibabang bahagi ng kanyang tiyan.Puting kisame at mga dingding at matapang na amoy ng alkohol at antiseptic ang bumungad sa kanya. Ilang sandali ang lumipas ay napagtanto niyang nasa ospital siya.Masakit ang buo niyang katawan, lalo na ang kanyang kaliwang binti. Pakiramdam niya ay nabali ang halos lahat ng buto niya sa katawan at bawat galaw niya ay tila nagdudulot ng matinding sakit."How are you feeling?" Ang nag-aalalang mukha ni Alec ang bumungad sa kanya. Nakaupo ito sa tabi ng kanyang kama habang nakatunghay sa kanya.Sunubukan niyang bahagyang gumalaw, ngunit napasigaw siya sa sakit nang muling sumiklab ang matinding kirot sa kanyang tiyan.“Huwag kang masyadong gumalaw. Nabalian ka ng ilang buto sa binti, at sariwa pa ang mga tahi mo. Baka bumuka ang suga
“You deliberately kept all of this from me. Tell me! Did you intend to lie to me forever? Did you ever plan on telling me the truth?" desperadong tanong niya dito.Ngunit nanatiling tahimik lamang ito. Ni isang salita ay wala itong maibigay na sagot at dahil doon ay lalo lamang nagliyab ang galit na nag-aalab sa kanyang dibdib.“Sige. Huli na itong itatanong ko sa'yo. Totoo ba ang lahat ng sinabi nila sa akin? Totoo bang ninakaw ng ama mo ang lahat ng ari-arian ng lolo ko? At totoo bang ipinilit niya ang kasal nating dalawa para balang araw ay sa'yo mapunta ang lahat ng iyon?”Tumitig lamang sa kanya si Alec at nanatili parin itong tahimik. Wala itong masabi ni isang salita at sapat na ang nakita niya sa mga mata nito. Ang katahimikan nito ang naging sagot sa lahat ng kanyang mga tanong.“Kung ganoon... alam mo pala ang lahat! Kaya pala pumayag kang pakasalan ako nang ganoon na lang kadali hindi ba?” nanginginig n
Hatinggabi na at sinubukan niyang matulog, pilit na isinasantabi ang nararamdamang gutom. Pinatay niya ang ilaw at humiga sa kama, ngunit sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, muling bumabalik ang mga alaala ng kagabi. Bakit ba ayaw siyang tantanan ng mga mapanuksong alaalang iyon? Sinubuka
Pagdating nila sa paddock, mabilis itong bumaba sa kabayo. Napasinghap siya nang bigla siya nitong hawakan mula sa pagitan ng bewang at puwitan niya. Naramdaman pa niyang bahagya nitong pinisil ang kanyang puwitan bago siya binuhat pababa sa lupa.Nag-init ang kanyang mga pisng
His touch made her tingle and shiver with fear at the same time. Then the memories of last night suddenly flooded her mind, the memories she had been trying to forget since she woke up this morning.Sobra siyang tinakot nito kagabi, at labis niya itong kinaiinisan dahil sa pagiging asshole nito. S
"It's getting darker, what are you still doing here?" Isang marahas na singhap ang kumawala sa kanyang mga labi nang marinig ang malamig at baritonong boses na iyon mula sa kanyang likuran.It was Alec. Nakasakay ito sa paborito nitong kabayo na si Thunder Storm, suot ang isang cowboy hat at itim na







