Share

Kabanata 7

Pagkatapos niya itong hulaan, sinabi ni Marcus na, “Puntahan mo yung drawer sa kwarto. May kahon sa loob. Dalhin mo yung kahon dito.”

Ginawa ni Cordelia ang sinabi sa kanya ni Marcus, nahanap niya ang isang kahon na gawa sa kahoy sa pinakamalalim na parte ng drawer. Napakaganda ng pattern na nakaukit sa kahon, habang may mabangong amoy na nagmumula sa box.

Kinuha ni Marcus ang kahon mula kay Cordelia at binuksan niya ito, at makikita ang ilang piraso ng gintong alahas sa loob nito: isang kwintas, isang pares ng kwintas, isang singsing, at isang pulseras. Ang pulseras ang pinakanatatangi sa lahat, dahil gawa ito sa ginto at jade. Matingkad ang kulay ng jade na nakabaon sa ginto at malamig ito sa pakiramdam.

Nanlaki ang mga mata ni Cordelia habang takang-taka siyang nakatingin sa lalaki.

“Ano ‘to…”

“Hindi pa kita nabigyan ng magandang regalo para sa kasal natin,” ang sabi ni Marcus habang dinadampot niya ang mga alahas at tinitingnan ang mga ito.”

“Ituring mo itong isang regalo mula sa’kin. Tingnan mo 'to at magsabi ka kung may iba ka pang gusto.”

Paulit-ulit na kinuyom ni Cordelia ang kanyang mga kamay sa ilalim ng mesa. Kinakabahan siya. Noong sinilip niya ang seryosong mukha ni Marcus, pakiramdam niya ay pinapahalagahan siya ng husto ni Marcus.

Napakaganda ng mga alahas na ito. Kaso… Paano niya nakuha ang mga 'to?

Hindi napigilan ni Marcus na matawa nang mabasa niya ang nasa isip ni Cordelia. "Huwag kang mag-alala, hindi ko ninakaw ang mga 'to. Nakuha ko ang mga 'to sa marangal na paraan!"

Agad na namula si Cordelia. Paano niya nagawang pag-isipan ng masama ang kanyang asawa?

"Sa'yo na ang mga 'to." Sinara ni Marcus ang kahon at tinulak niya ito papunta kay Cordelia, tahimik niya siyang pinagmasdan gamit ng malalim niyang mga mata.

"Ito lang ang lahat ng kaya kong ibigay at ang lahat ng mayroon sa bahay na ito. Kasal na tayo, at ikaw ang asawa ko, kaya binibigay ko ang lahat ng mga mahalagang bagay sa bahay na 'to sa'yo!"

"Marcus, kasi—"

"Isa pa nga pala." Inunahan niya siyang magsalita. "Hindi ako makakasama na bumisita sa pamilya mo ngayon. Ihingi mo na lang ako ng tawad sa pamilya mo."

Nagulat si Cordelia noong una. Pagkatapos, bigla siyang bumuntong-hininga at huminahon.

"Hmmm, sige," sumagot siya ng nakangiti. "Gawin mo na kung ano ang kailangan mong gawin. Kaya kong umuwi ng mag-isa!"

Umiling si Marcus at natawa, pinagmasdan niya kung gaano kapanatag ang itsura ni Cordelia. Napakakakaiba ng asawa niya. Hindi siya marunong magtago ng emosyon niya, at hindi niya maitago kahit na ang pinakamaliit na sikreto. Nakakapagtaka kapag nagawa niyang maiwasan na apihin siya ng iba kung ganito siya!

Apihin?

Napahinto si Marcus at kinabahan siya. Paano kung apihin talaga si Cordelia ng pamilya niya pagbalik niya doon ngayon? Gayunpaman, ano naman ang pakialam niya kapag inapi siya ng pamilya niya…

Sa inis niya, kumain siya at sinuot niya ang kanyang jacket at umalis.

Hindi alam ni Cordelia kung saan siya nagpunta. Naglinis siya ng bahay sandali at umalis siya upang sumakay sa bus, at nakatanggap siya ng tawag mula kay Linda Quimby habang nasa biyahe siya. Pinakinggan niya ang mga sinasabi ni Linda buong biyahe, at dumadaldal pa rin ang babae noong bumaba siya ng bus.

"Ano ka ba, hindi ba parang masyado kang kampante? Anong araw na ba ngayon? Bibisita ka sa pamilya mo! Tapos wala ang asawa mo? May pakialam man lang ba siya sa'yo o sa kasal niyo?!"

Humahagikhik lamang si Cordelia sa kabilang linya ng phone.

Dalawang taon ang tanda sa kanya ni Linda, at matalik silang magkaibigan noong nag-aaral pa sila. Maingay at pranka si Linda, at laging sinasabi ni Cordelia na kung pinanganak lang si Linda ng mas maaga, siguro ay naging isa siyang gwapong babaeng knight.

Sa kasalukuyan, nauubos na ang pasensya ni Linda habang pinapaulanan niya ng mga salita si Cordelia. "Niligtas siguro ng walang kwentang 'yun ang mundo sa past life niya kaya napakasalan ka niya! Tapos hindi man lang siya magpasalamat sa swerte niya. Bakit hindi ka niya sinamahan? Anong—"

"Sige na!" Napangiwi si Cordelia. "Ayaw ko din naman siyang isama e. Kukunin ko yung… Hihingin ko yung pera ngayon. Malalaman niya ang lahat kapag sumama siya sa'kin ngayon!"

Nanahimik sandali yung babaeng nasa kabilang linya ng phone. Pagkatapos ay bumuntong-hininga si Linda.

"Cordelia, habangbuhay ka nang magpapaalam sa kasiyahan mo!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status