Share

Kabanata 6

Kinurot ni Marcus ang pagitan ng kanyang mga kilay at mukhang mas malagim ang kanyang ekspresyon bago siya huminga ng malalim at binaba ang tawag. Babalik siya sa Centrolis—pero hindi pa ngayon. Aalertuhin lamang niya ang mga tao na nag-aakala na namatay siya sa plane crash at muli silang gagawa ng plano at hahanap sila ng mas masamang paraan upang patayin siya!

"Boba o grass jelly? Alin dito ang gusto mo?"

Nagising si Marcus sa kanyang pag-iisip dahil sa tanong na 'yun, at sumalubong sa kanya ang makislap at malalaking mata ni Cordelia. Nginitian siya ni Cordelia, ng kasing tamis ng milk tea na hawak niya.

"Anong nangyari sa'yo?" Tumingin sa kanya si Cordelia. "Mukhang hindi maganda ang…"

"Ayos lang ako." Hindi niya gusto na may taong kayang bumasa sa kanya.

Malamig ang boses ni Marcus noong lumingon siya sa kanya. "Inumin mo na lang yung isa. Ayaw ko ng matatamis."

Nanigas si Cordelia sa kinatatayuan niya, habang hawak ang dalawang baso ng milk tea. Ilang sandali ang lumipas bago siya tumakbo kasunod ni Marcus, at kinagat niya ang kanyang labi.

Nanatili siya sa likod ni Marcus, hindi siya nangahas na lumapit sa kanya. Nagmistulang isang malamig na pader ang likod ng lalaki. Mayroong isang mundo na para sa kanya lang sa kabila nito, at hindi siya makalampas dito anuman ang gawin niya.

Lumipas ang ikalawang ang araw ng kanilang kasal ng walang anumang nangyari.

Binigay ni Marcus ang kwarto kay Cordelia at natulog siya sa sofa sa labas. Nag-iisa lang din ang duvet, na binigay din niya kay Cordelia, kaya nagtiis na lamang siya sa isang manipis na kumot.

Sumama ang loob ni Cordelia dito. Ilang oras siyang tumayo sa may pinto ng kwarto, ngunit ang mga salitang “pwede ka ring matulog sa kwarto” ay naipit sa kanyang lalamunan. Marahil ay tama si Marcus. Kailangan niya ng oras upang masanay sa katotohanan na may asawa na siya ngayon.

Hinayaan niya ang sarili niya na makatulog ng may ngiti sa kanyang mga labi.

Sinasabi ng mga tao na si Marcus ay malamig at hindi marunong makipag-usap ng maayos, at lagi siyang napapaaway. Pero, sa tingin niya ay hindi naman siya ganun kasama. Kahit paano ay nirerespeto niya siya at pinagpapasensyahan.

Ayon sa nakagawian, dapat bumisita ang babae sa kanyang pamilya sa ikatlong araw pagkatapos ng kanyang kasal.

Kumakabog ng husto ang puso ni Cordelia mula noong magising siya noong umaga. Para sa iba, malaking bagay ito. Kailangang samahan ng lalaki ang babae, at dapat magdala sila ng matatamis na pagkain sa pagbisita nila. Sama-samang kakain ng tanghalian ang buong pamilya, at uuwi ang mga bagong kasal bago lumubog ang araw. Subalit, para kay Cordelia, uuwi lamang siya upang humingi ng pera.

Pinangakuan siya ng kanyang ama na bibigyan niya siya ng malaking halaga para sa kanyang wedding gift kung magpapakasal siya kapalit ni Yelena. Matutugunan ng perang ito ang pagpapagamot ng kanyang ina at ang tuition ng kanyang nakababatang kapatid.

Tatlong araw na ang lumipas mula noong kinasal si Cordelia at para bang naglaho na ng parang bula ang pangako ng mga Jenner. Wala nang sinuman ang muling bumanggit dito.

Pinag-isipan ni Cordelia ang tungkol dito at nagdesisyon siya na personal itong hingin sa kanila—ngunit hindi niya maaaring isama si Marcus, dahil mabubunyag ang lahat kapag ginawa niya iyon. Anong malay niya kung anong gagawin ng lalaking ito kapag nagalit siya.

“Marcus, kasi…”

Nag-isip siyang maigi ng kapani-paniwalang dahilan, naghanap siya ng makatwirang palusot para hindi sumama sa kanya si Marcus. Ilang oras siyang nag-isip, ngunit nilunok niya ang lahat ng sasabihin niya at pinilit niyang magsalita: “Nagluto ako ng almusal. Kumain ka na.”

Nag-eehersisyo si Marcus sa harap ng bahay. Pakiramdam niya ay natunaw ang malaking bahagi ng yelo sa kanyang puso noong narinig niya ang matamis na boses ni Cordelia.

Gumawa si Cordelia ng scones at pati na rin ng sariwang cream at jam. Noong pumasok si Marcus sa loob ng maliit na bahay, bigla niyang napansin na mas maliwanag na sa loob. Hindi na malungkot ang lugar pagkatapos ng kasal nila.

Mas komportable na ito ngayon. Ang lahat ay naging mainit at magaan sa pakiramdam dahil kay Cordelia.

Hindi napigilan ni Marcus ang ngiti sa kanyang mukha habang paupo siya. Para bang malalim ang iniisip ng babaeng nasa harap niya. Napansin niya ito at nagtanong siya, “Kailangan mong bisitahin ang pamilya mo ngayon, hindi ba?”

Nagulat si Cordelia bago niya kinagat ang kanyang labi at nanatili siyang tahimik, ni hindi siya tumingin sa mga mata ni Marcus.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status