Share

Kabanata 8

Nanigas ang ngiti ni Cordelia nang makaramdam siya ng kalungkutan sa kanyang puso.

Tama si Linda. Pang habangbuhay ang kasal, at nagpakasal siya ng hindi nag-iisip. Ni hindi man lang niya naranasan na makipagdate. Totoo na tinapon niya ng habangbuhay ang kanyang kasiyahan. Gayunpaman…

Tinikom niya ang kanyang mga labi bago siya tumawa. "Hindi naman ganun kasama ang nangyari. Yung totoo, gusto kong magpasalamat kay Marcus. Kung hindi niya ako pinakasalan, hindi ako magkakaroon ng $40,000!"

Basta't gagaling ang kanyang ina at makakapag-aral at makakapamuhay ng maayos ang nakakabata niyang kapatid, magiging masaya siya.

"Sige na, bababa na ako!" Nagmamadali si Cordelia na ibaba ang tawag. "Babalik ako ngayon para sa pera. Babalitaan kita kapag nakuha ko na ang pera!"

Maingat na binalik ni Cordelia ang phone niya sa kanyang bag at di-nagtagal ay nakarating siya sa maingay na kalye ng Jangasas. Habang nakatayo siya sa kalye at pinagmamasdan niya ang maingay na buhay sa harap niya, pakiramdam niya ay ilang taon na ang lumipas.

"Oh, nagbalik ka, Cordelia!" Puno ng pang-iinsulto ang nakakairitang boses ni Yelena habang pababa siya ng hagdan at mayabang siyang tumingin kay Cordelia.

Napaisip si Yelena kung hindi ba nahirapan si Cordelia sa mga nakalipas na araw. Nang maisip niya na kinasal si Cordelia sa isang lalaking walang pera, na kilala rin bilang isang sanggano, hindi niya napigilan ang tuwa niya.

Natalo siya kay Cordelia sa halos lahat ng bagay mula pa noong mga bata pa sila. Kahit na magsuot ng mga lumang damit si Cordelia, pinupuri pa rin ng mga tao ang kagandahan niya.

Si Cordelia ay mahinahon at mahinhin, at gusto siya ng maraming tao. Mahusay din siya sa pag-aaral.

Matagal na siyang tinik sa lalamunan ni Yelena. Kahit na walang intensyon si Cordelia na saktan siya, sinasamantala niya ang lahat ng pagkakataon na mayroon siya at ginagawa niya ang lahat upang pahirapan si Cordelia.

Iniisip ni Yelena na nararapat lang na pinalitan siya ni Cordelia at siya ang ikinasal kay Marcus. Kaso lang, hindi pa ito sapat para sa kanya. Gusto niyang makita na lalo pang maghirap si Cordelia at maging mas miserable ang kanyang buhay.

"Cordelia, masarap ba sa pakiramdam ang maging bagong kasal?" Hinawakan ni Yelena ang kamay ni Cordelia at nagbait-baitan siya habang nakangisi siya.

"Narinig ko na nagpapakasal lang ang mga matatanda noon sa utos ng mga magulang nila at hindi nila nakikita ang isa't isa bago ang gabi ng kasal nila… Hah, makaluma din ang naging kasal mo, huh!"

Tumawa si Cordelia at hinila niya ang kamay niya mula kay Yelena.

Wala siyang nararamdamang pagmamahal para sa pamilyang ito. Ang tanging gusto niya lang ay ang umalis dito sa lalong madaling panahon pagkatapos niyang kunin ang pera niya at tatapusin na niya ang ugnayan niya sa mga Jenner simula ngayon.

"Ang dinig ko ilang beses na daw nakulong ang brother-in-law ko dahil sa pakikipag-away?" Nang-iinsulto ang mga tingin ni Yelena habang nakangisi siya.

"Anong ginagawa niya ngayon? May maayos ba siyang trabaho? Paano ka niya aalagaan kung wala siyang trabaho?!

"Kung talagang hindi siya makahanap ng trabaho, pwede ko siyang tulungan! Heh. Alam mo, pwede ko siyang irekomenda para sa ilang magagandang trabaho, gaya ng construction work o port labor. Sakto 'yun sa kanya, hindi ba? O pwede rin siyang magtrabaho sa kumpanya namin. Nangangailangan ng aso ang mga security guard namin. Pwede siya dun!"

Bumaling sa kanya ang mga mata ni Cordelia.

Pakiramdam ni Yelena na sumikip ang kanyang dibdib. Ang buong akala niya ay madaling kayan-kayanan si Cordelia. Tila may kakaiba sa mga tingin ng babaeng ito ngayong araw.

Huminga ng malalim si Cordelia at hindi niya inalis ang kanyang mga mata kay Yelena habang sinasabi niya na, “May mga kapintasan ang asawa ko, pero hindi nito naaapektuhan ang kakayahan niya na maging breadwinner ng pamilya namin. Tsaka, kahit na gustuhin niyang maghanap ng trabaho, hindi kami lalapit sa’yo. Ireserba mo na lang ang magagndang trabaho na binanggit mo para sa future brother-in-law ko!”

“Ikaw—”

Sumimangot si Yelena sa sobrang inis. “Cordelia, sino sa tingin mo ang kausap mo?”

“Ano?” Ang tanong ni Cordelia. “Pagtatrabaho sa construction, port labor, o maging isang security dog… Maganda ang mga trabaho na ‘to para sa’yo, hindi ba? Tinutulungan mo kami sa pamamagitan ng pag-aalok sa asawa ko na gawin ang mga trabaho na ‘yun, kaya hindi ba tama lang ang ginawa ko bilang isang kapatid na sabihin sa’yo na ireserba na lang ang mga trabaho na ‘yun para sa future husband mo?”

Nainis si Yelena. Kailanman ay hindi niya inakala na ganito katalim ang dila ni Cordelia.

“Hah, ikaw lang ang tanging magtatanggol sa isang lalaki na gaya niya na para bang isa siyang mamahaling brilyante!”

Umirap si Yelena habang nakatikom ang kanyang mga labi at umakyat siya sa hagdan, suminghal siya habang naglalakad. “Huwag mong isipin na hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka bumalik ngayon… Heh, kaso, wala si dad ngayon. Nag-aksaya ka lang ng oras sa pagpunta mo dito!”

"Anong sinabi mo?"

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Cordelia at agad siyang kinutuban ng hindi maganda.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status