Share

Ika-apat na Pahina

Penulis: BlueFlower
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-31 19:00:32

Bahagyang kumunot ang noo ni Luke Montenegro at bahagyang itinaas ng isang kilay. Nagtataka kung bakit siya tinawag na asawa ng babaeng nakaharang sa dadaanan niya.

“Umalis ka sa daan,” malamig ngunit mahinahong sabi niya.

Napatulala na lamang si Trina ng marinig ang tinig nito dahil sa mababa at kaaya-ayang pakinggan, may halong marangal na himig na nakakaakit na nanaisin mong marinig muli.

Dahil sa parang nawala sa sarili ang babaeng nasa harapan ay pinitik ni Luke ang kanyang daliri sa harapan nito na naging dahilan para bumalik ang ulirat ni Trina.

“Hindi… mo ako kilala?” tanong niya nang may pag-aalinlangan.

Tumingin si Luke pababa sa kanya.

“Dapat ba kitang kilalanin?” wika nito sa kanya.

Mula pa nang pumasok siya sa bahay ng pamilyang Lopez dama na niya ang kakaibang titig na tila sumusunod sa bawat galaw niya. Mga titig na hinuhusgahan ang kanyang buong pagkatao.

Ngunit ang titig ng lalaki ay direkta at totoo — hindi gaya ng mga mapanghusga at nakakasuklam na tingin ng iba.

Tiningnan pa siya ng makailang ulit ni Luke na para bang sinusuri ang kanyang kaanyuan.

Sa isip ni Luke maganda ang babae, may maputi itong balat, may mga matang hugis-melokoton, at may nunal sa gilid na nagbibigay ng nakakaakit ngunit hindi kabastos-bastos na aura. Na kahit nakatayo lang ito sa isang sulok, taglay pa rin nito ang banayad ngunit kapansin-pansing aura ng pagiging mapanghimagsik.

At kahit nahuli niyang nakatingin siya dito ay hindi ito umiwas; sa halip, tititigan din siya nito nang tahasan.

Kakaiba ito sa mga babaeng itinatapon ang mga sarili nila sa kanya. Dahil kung hindi, hindi siya nito dahasang tatawaging asawa.

Sa kabilang banda, habang tinitigan ni Trina si Luke ay napansin niyang bahagyang nag-iba ang ekspresyon nito, halatang may bahid ng pagkainip, at mariing sinabi,

“Miss, may asawa na ako. Pakiusap, igalang mo naman ang sarili mo.”

Nabahala at nalito si Trina.

Klarong hindi siya kilala ng lalaking ito, pero sinasabi niyang may asawa siya.

Posible bang nagkamali ang Local Civil Registry Office sa pagrerehistro?

“Maaari ko bang malaman kung sino ang asawa mo?”maingat at may pag aalanganing tanong niya sa lalaki.

Ngunit mariin lang siyang tiningnan ni Luke.

“Hindi mo na kailangang malaman.” malamig na sagot nito sa kanya.

Huminga nang malalim si Trina, saka mabilis na inilabas mula sa kanyang bag ang isang kopya ng marriage certificate.

“Mr. Montenegro,” mahinahon niyang sabi habang iniaabot ito, “ang lalaking nakalista rito… ikaw, hindi ba?”

Sandaling tumingin si Luke sa papel at nanatili ang mga mata sa pangalan ng babae, Trina Lopez.

Pag-angat niya ng tingin, ang mga labi niya ay bahagyang kumurba, ngunit malamig ang ngiti.

“Miss,” aniya sa mapanuyang tinig, “hindi ba’t mahal ang paggawa ng orihinal? Dapat mas propesyonal ka sa pagpepeke.”

Pagkatapos masabi ng lalaki ang mga katagang iyon ay agad itong naglakad paalis.

Diretso itong naglakad sa maliit na hardin patungo sa parking lot, ang bawat hakbang ay puno ng awtoridad.

Mabilis siyang sinundan ni Trina, pilit gustong magpaliwanag, ngunit bago pa man siya makalapit, dalawang bodyguard na nakaitim ang humarang sa kanya.

Huminto si Trina at sumigaw sa papalayong lalaki,

“Mr. Montenegro! Totoo ang ID na ito! Kung hindi ka naniniwala, maaari kang pumunta sa Local Civil Registry Office para kumpirmahin…”

Ngunit hindi na siya pinakinggan ni Luke na patuloy na naglakad nang hindi lumilingon, saka sumakay sa kanyang kotse at umalis nang mabilis.

Sa kabilang banda nakita ni Gabriela si Trina na tila naghahabol kay Luke Montenegro, bagama’t hindi niya narinig kung ano ang pinag-uusapan nila.Nang makitang umalis si Luke Montenegro at sumunod naman si Trina gamit ang kanyang electric bike, agad siyang nagtanong sa assistant nito na kanyang nakasalubong.

“Bakit umalis si Mr. Montenegro? Meron bang nangulit sa kanya?”

Ngumiti lang ang personal assistant at mahinahong nagsabi,

“May kailangan lang asikasuhin si Mr. Montenegro, kaya umalis na muna siya. Pupunta na ho ako sa loob para ipaalam ang tungkol doon.”

Ngunit mariing tumanggi si Gabriela at pinagpilitang siya nalang ang magsasabi sa kanyang mga magulang

"Ako na lang ang magsasabi para hindi kana maabala at makahabol ka kaagad sa iyong amo" nakangiting wika nito.

" Sige po ma'am, salamat po" nakangiting saad ng personal assistant

Agad namang tumango si Gabriela at magalang na inihatid palabas ang assistant.

Pagkabalik ni Gabriela sa sala ay hindi na muna niya ipinaalam ang tungkol kay Luke Montenegro bagkus nagsimula na silang pag-usapan ang tungkol sa kasal na mangyayari.

Makalipas ang isang oras ay natapos na silang magkasundo sa petsa ng kasal at masayang nananghalian. At hindi nagtagal ay nagpaalam na ang pamilya Montenegro.

Pagkaalis nila, nag-aalalang nagtanong si Mr. Lopez.

“Bakit biglang umalis si Mr. Montenegro? May pagkukulang ba tayo sa pakikitungo sa kanya?”

“Dad, nakita ko si Trina na iniistorbo si Mr. Montenegro. Umalis siya na galit at... nag-iwan pa ng mensahe...” usal ni Gabriela kahit wala naman gano'ng sinabi ang assistant ni Luke Montenegro.

Naiinis lang siya kay Trina dahil sa naging reaction ni Xander kanina na balisa at parang may hinahanap.

Dahil sa inis at selos na naramdaman ay naikuyom nito ang kamao ang nasambit ng mga hindi katotoonan.

“Ano?” mabilis na tanong naman sa kanya ng ama.

“Sinabi ni Mr. Montenegro na alagaan ninyong mabuti ang anak niyo” kagat-labing sabi ni Gabriela.

 “Kung gagawa si Trina ng ganitong bagay, hindi kaya isipin ng pamilyang Montenegro na masama ang pagpapalaki natin sa kanya?" sulsol naman ng ina Trina na si Sandra.

Namutla agad ang mukha ni Mr. Lopez sa narinig.

" Dapat talaga na turuan iyan ng leksyon para natututo. Hindi man lang iniisip ang magiging epekto sa pamilyang ito ang mga pinaggagawa niya. Kahit kailan talaga sakit sa ulo. Wag ka mag-alala ako na bahala sa batang iyon" dagdag pa ni

to na akala mo hindi niya anak ang pinag-uusapan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married into His Billion-Dollar Life   Sa loob ng opisina

    "Who the fvck let you in here Ms. Lopez?" napa sigaw nalang si Trina ng wala sa oras nang marinig niya ang baritonong boses na iyon. Narinig naman kaagad iyon ng sekretarya ni Luke at binuksan ang pintuan ng opisina."Anong problema Mr. Montenegro?" nabaling ang tingin ng sekretarya kay Trina. Nasa gilid lamang siya ng pintuan, naka tayo at tulala sa lalaking kasalukuyang naka upo sa isang swivel chair malapit sa glass na dingding. Napa lunok ng sariling laway ang dalaga at siya na mismo ang umiwas ng tingin. Hindi niya maitatangi na may itsura talaga ang lalaki mula ulo hanggang paa, walang tapon!Ulam lahat!"Paano ka nakapasok dito, Miss?" taas kilay na tanong sa kanya ng sekretarya siguro ni Luke Montenegro base sa hitsura at suot nito.May kasama itong tatlong lalaki sa likuran nito na naka suot ng full black tuxedo at may mga wires sa gilid ng tainga nila.Inayos ni Trina ang tindig niya at taas noong tumingin sa lalaking kasalukuyang abala sa laptop nito sa kaniyang lamesa."N

  • Married into His Billion-Dollar Life   Impormasyon

    "Huwag ka na ngang magpasikot sikot, sabihin mo na." naiinip na si Trina. Huminto muna siya saglit sa paglalakad sa hallway.Napa kamot naman sa sariling ulo ang kausap niya sa kabilang linya."Ang ipinapa imbistiga mo sa akin na si Luke Montenegro ay isa palang bunsong anak. Ayon sa aking pagsisiyasat, ang kanilang pamilya ay masiyadong ginagalang dahil sa katayuan narin ng kanilang yaman. Ngunit kahit masiyado mang perkpektong tingnan sa publiko ang pamilya Montenegro, may isyu parin sa loob ng kanilang pamilya."Napa tirik naman sa ere ang mata ni Trina sa inis."So ano nga si Luke Montenegro?""Iyon na nga Ma'am, ang lola ng Luke Montenegro na ito ay basta nalang pumili ng kung sinong babae galing sa isang simpleng pamilya para lamang ipakasal sa kanya. Ngunit nagkaroon ng gulo, walang mga imbitasyon at kasalang naganap at basta na lang inanunsyo sa publiko na siya ay kasal na." Napa tango tango naman si Trina habang nagpapatuloy sa paglalakad."At patungkol naman sa kaniyang asa

  • Married into His Billion-Dollar Life   Palaban

    Continuation...Ngumisi ang dalaga. Napa singhap naman kaagad ang mga tao sa paligid, para silang tumitingin ng isang impromptu na palabas sa mga teleserye."Misis Lopez!" hindi maipinta ang mukha ni Ma'am Castro at kaagad itong tumakbo upang pigilan ang ang Ina niya."Bitiwan mo ako, Ma'am Castro! Suwail kang anak!""Misis Lopez, huminahon kayo, nasa publiko kayo." parang natauhan naman ang Ina ni Trina at kaagad napa tingin sa bukana ng pintuan kung nasaan ang mga nagkukumpulang mga trabahador.Ang iba ay nagbubulungan at ang iba naman ay kumukuha pa ng litrato."Bumalik na kayo sa mga lamesa niyo ngayon din!" uto ni Ma'am Castro at parang isang bula nawala kaagad ang mga ito.Napa mura naman sa hangin ang dalaga ng mapansin niyang may dugo ang kaniyang kamay. Kumurba pa malaking guhit ng kuko ng kaniyang Ina doon hindi alintana ang sakit sa kanyang pisngi."Ma'am Castro, ako na ang nagsasabi sa iyo na ang batang iyan." sabay turo niya sa dalaga. "Isa siyang walang modong anak. Kami

  • Married into His Billion-Dollar Life   Argumento

    Maagang nagising si Trina para paglutuan ng almusal ang kaniyang sarili. Bata pa lamang ang dalaga ay hindi niya naranasan na ipagluto siya ng sarili niyang Ina. Ilang subo pa lamang ng kanin ang nagawa niya nang bigla na lang tumunog ang kaniyang selpon sa bulsa.Kumunot ang noo niya ng makita na si Ma’am Castro ang tumatawag. Ang pinuno nila sa kanilang departamento.“Magandang umaga Ma’am Castro, ano po kailangan nila?”“Pwede ka bang pumunta sa opisina ngayon?” mahinahon ang boses ng babae sa kabilang linya ngunit ramdam ni Trina ang tensiyon mula doon.Napa tingin ang dalaga sa orasan na nasa sala ng inuupahan niyang bahay, alas-otso palang ng umaga.“Ngunit hindi ba’t day-off ko ngayon Ma’am?” pinaka na ayaw ni Trina na nagtatrabaho siya pati sa day off niya. Kulang na nga lang gawin niyang opisina kuwarto niya dahil sa dami ng trabaho na ginagawa niya.Narinig niyang nag buntong hininga ang babae sa kabilang linya.“Importante ito Trina, magkita tayo sa loob ng tatlong put lima

  • Married into His Billion-Dollar Life   Ika-anim na Pahina

    "Ano pangalan ng apo mo Lola?" tanong ulit ni Trina.Nagsimula ulit alalahanin ng matandang babae ang pangalan ng kanyang apo, “Ang pangalan niya ay Lu… Lu… ano nga ulit… Lukas? Hindi, hindi Lucas... ano nga ulit yun... Lu... Lu... nakalimutan ko na” saad ng matandang babae.Napabuntong hininga nalang si Trina.Kakapasok lang sa isip niya ang pangalan, ngunit paglabas nito sa bibig niya, nakalimutan niya agad.Medyo nabahala ang matanda, binubuka at isinasara ang bibig pero hindi niya talaga masabi ang mga salitang iyon."Wag po kayong mag-alala, lola, ayos lang kung hindi ninyo maalala,” ani Trina habang dinadial ang contact number na nakasulat sa karatula.Sa kabilang banda, sa mga sandaling iyon, sa isang kalye hindi kalayuan, nakaupo si Luke sa loob ng kanyang magarang sasakyan, maitim ang mukha sa galit.Ang kanyang tauhan na si JV ay halos hindi makahinga sa takot.“Ako po ang may kasalanan dahil hindi ko siya nabantayan nang maayos. Napabayaan kong makaalis si Madam Victoria!”

  • Married into His Billion-Dollar Life   Ika Limang Pahina

    Samantala, pinilit na habulin ni Trina si Mr. Montenegro kaya dali-dali siyang sumakay sa kanyang electric bike ngunit pagkalabas pa lang niya ng villa area ay tuluyan ng nawala sa kanyang paningin ang lalaki.Habang naiinis at nadidismaya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Pagkasagot niya sa tawag, isang lalaking tinig ang narinig niya sa kabilang linya. Ito ang kanyang tauhanna si Drake.“Boss, maraming tao ngayon ang naghahanap at nagtatanong kung sino si Dr. Nan.” saad nitoAgad na kumunot ang noo ni Trina."Hindi pa naman siya nabubunyag, ’di ba?" may halong pag-aalalang tanong niya.“Siyempre hindi pa" sagot ni Drake.“Sino ba naman ang mag-aakalang si Dr. Nan, na nakasolve ng problema sa hydrogen oil fuel, ay isang babaeng bagong graduate lang at mukhang inosente?” natatawang wika nito.“May iba pa?” putol ni Trina sa madaldal niyang tauhan.“Ah, oo! Nahanap ko na rin ang impormasyon ni Luke Montenegro.!”“Sabihin mo.”“Si Luke Montenegro ay ang ikalawang anak ng pamily

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status