Share

Pangalawang Pahina

Author: BlueFlower
last update Last Updated: 2025-10-31 18:57:42

"Bakit po kayo nagrerehistro ng kasal, ma’am? Basi po sa record namin… kasal na po kayo. Alam niyo po bang krimen ‘yon?"

Yun lang ang linya na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Trina habang hawak niya ang papel na ibinigay ng clerk — isang marriage certificate daw niya.

As in, kasal daw siya.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o matataranta.

Nanginginig ang mga daliri niyang tinanggap ang papel at dahan-dahang lumabas ng opisina, habang nakasunod sa kanya ang lalaking binayaran niya para magpanggap na asawa niya.

Paglabas nila, agad itong nagsalita, halatang may inis sa tono.

 “Kasal ka naman pala! Para saan pa’t binayaran mo ’ko?”

Hindi siya sumagot. Parang walang tunog ang paligid, tanging tibok lang ng puso niya ang maririnig.

 “’Wag ka nang umasa, ha. Hindi ko na ibabalik ang binayad mo,” dagdag pa ng lalaki bago ito tuluyang umalis.

Hinayaan na lang niya.

Wala siyang energy makipag-away — hindi pa rin siya makapaniwalang may asawa raw siya.

Paano ako magiging kasal kung ni minsan, wala pa nga akong boyfriend?

Napabuntong hininga na lamamng si Trina at ibinaba ang kanyang ulo para tingnan ang kopya ng marriage certificate na hawak hawak niya simula pa kanina.

Kung titingnan ang litrato sa ID, ang itsura ng babae ay mukang may pagkamahiyain, pilit ang ngiti, at may nunal sa gilid ng kanyang mata. Walang dudang siya nga iyon.

Samantalang ang lalaki ay may matipunong katangian, matangos ang ilong, at bahagyang nakangiti ang manipis nitong labi. Ang malalim nitong mga mata ay nakatitig sa camera ng matalim na para bang kaya nitong butasin ang papel. Kahit ang itim at puting ng litrato ay hindi kayang itago ang kanyang misteryoso at makapangyarihang aura.

Ng makita ang pangalan ng lalaki ay mahina niya itong binasa.

"Luke Montenegro"

Pagkatapos ay inisip kung pamilyar ba ito pero sumakit nalang ang kanyang ulo kakaisip dahil siguradong siyang wala siyang kilala na kagaya ng lalaking nasa litrato.

Dahil sa gulong-gulo na siya sa mga nangyayari minabuti niyang humingi ng tulong sa isang ka kilala.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at kinuhanan ng litrato ang lalaking "asawa" daw niya.

Pagkatapos makunan ng litrato ay pinindot niya ang isang itim na profile picture at nagsimulang mag type ng mensahe.

"Tulungan mo kong malaman kung sino ito."

Pagkatapos matanggap ang pagsang-ayon ng kakila ay pinasok na niya ang kanyang telepono sa kanyang bulsa at sumakay sa kanyang electric scooter upang pumunta sa marangyang mansyon ng kinikilalang pamilya.

Pagkarating siya ay bumungad sa kanya ang mga naggagandahang mga ilaw at makukulay na dekorasyon. Mapapansin din namga kasambahay na abala sa trabaho sa maayos na paraan, at may mga katulong na pansamantalang kinuha.

Abala ang mga tao sapagkat ngayong araw ay pupunta ang pamilya ng nobyo ng kapatid niya upang mamanhikan.

Sa kanilang banda habang papasok ay nakarinig siya ng bulungan galing sa mga kasambahay.

"Sino siya? Napakaganda naman niya!"

"Shh... wag kang maingay ha. Siya lang naman ang anak sa labas ng amo natin. Si ma'am Sandra ang nanay niya na siyang kabit ni sir Andrew noon."

"Siya ang anak ng bruhang matapobre?"

"Oo, pero magkaiba sila ng ugali. Kung iyong nanay niya mapakasama ng ugali at walang hiya. Akalain mo ba naman pumunta yun dito ng walong buwan ang tiyan niya para mag iskandalo at awayin si Ma'am Dani dahilan para manganak silang pareho sa wala sa oras. Pagkatapos noon, ginawa niya lahat ng paraan manatili lang sa bahay na ito."

"Grabe naman pala yung babaeng yun."

"Sinabi mo pa, pero iba si Ma'am Trina. Alam niya limitasyon niya. Alam mo bang umalis siya dito noong nasa junior high school siya at hindi na bumalik ng maraming taon. Hindi ko lang alam kung anong nangyari na nagtulak sa kanya para bumalik dito."

Napangiti lang si Trina ng mapait. Sanay na siya sa mga bulung-bulungan. Hindi na bago sa kanya ang mga matang mapanghusga.

Malayo pa ay kitang kita na niya agad ang kanyang inang si Sandra na nakabantay sa pinto na para bang bagot na bagot kakahintay sa kanya.

Pagkarating niya ay agad na hinila ng kanyang ina ang kanyang braso at bumulong.

"Nakapagrehistro kana ba ng kasal mo" tanong nito habang binabaybay nila ang daan papunta sa silid ng kanyang kapatid na si Gabriela.

"Oo." sagot niya sa kanyang ina kahit na hindi siya sigurado dahil sa nangyari kanina.

"Mabuti. Tandaan mo, anak ka lang sa labas at wala kang karapatan na makasal sa isang mayamang pamilya. Si Gabriela lang ang may karapatan kasi siya ang tunay at legal na anak. Kaya tigilan mo na si Xander dahil ikakasal na siya sa kapatid mo." wika ng kanyang ina.

Napangiwi nalang si Trina ng marinig ang ina.

Si Xander Montenegro ay ang panganay sa mga apo ng Pamilyang Montenegro, ang pinakamayamang angkan sa buong mundo. At niligawan siya nito ng apat na taon sa kolehiyo pero kay Gabriela nagpropose noong graduation day.

Nang malaman ito ng kanyang ina ay ipinilit nitong maghanap siya ng mapapangasawa at magpakasal agad para mapigilan ang ano mang pwedeng makasira sa pagsasama nina Gabriela at Xander.

At hindi na bago sa kanya ang ganyang turing ng ina. Dahil simula pagkabata ay palagi siya nitong pinipilit na magparaya kapag kasali sa usapan si Gabriela. At lagi niya itong sinusunod noong bata pa siya pero hindi na ngayon. Nagising na siya sa katotohanan na hindi sa lahat ng oras kailangan niyang magparaya kay Gabriela dahil lang anak siya sa labas.

Pagkarating sa kwarto ay agad nilang nakita si Gabriela.

Ang magandang dalaga ay nakasuol ng magarang damit gaya ng isang prinsesa at nakaupo sa sopa habang pumipili ng mga alahas. Ang buong kwarto ay kumikinang dahil sa mga iton.

Habang si Trina ay nakasuot ng kupas at simpleng dagmit at nakatayo ng tuwid.

Nang makita siya ni Gabriela ay agad siyang tinanong nito.

"Trina, ano ginagawa mo dito?"

Bago pa man makasagot si Trina ay nagsalita na ang kanyang ina.

"Gabriela, kakakasal lang ni Trina ngayong araw!"

"Bat ang aga naman? Sino ang napangasawa mo? Nahigitan ba naman si Xander?" gulat na may halong pang-uuyam na tanong ni Gabriela

"Imposible! Malabo yan, ang kagaya niya ay walang nararapat mapangasawa. Kahit ang pinakamahirap na tao ay hindi gugustuhing pakasalan siya. Pinatulan lang naman siya ni Xander para pampalipas oras. Ikaw lang Gabriela..."

Naputol ang pagsasalita ng kanyang ina ng pumasok ang kanyang ama na si Andrew Lopez.

"May darating na espesyal na bisita at ang ingay ninyo" kunot noonh sabi nito.

"Wala naman, sinabi lang samin ni Trina ikinasal siya ngayong araw." wika ng kanyang ina.

"Kinasal? Bat hindi mo sinabi samin ng mahanapan ka namin ng nababagay sayo. Tingnan ko nga kung sino 'yang pinakasalan mo."

Kinakabahan man ay iniabot niya ang papel na hawak ngunit bago pa man ito makuha na kanyang ama ay hinablot na ito ng kanyang ina.

"Ako na titingin kung sino napakasalan niya." wika ng ina.

"Dad, sino ang espesyal na bisita ang tinutukoy mo?" malambing na tanong ni Gabriela sa kanilang ama.

"Si Luke Montenegro" may kislap sa matang sambit ng ama.

Biglang nanlamig si Trina.

Luke… Montenegro?

Parang huminto ang mundo niya.

Iyon an

g pangalan na nakasulat sa marriage certificate na hawak niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married into His Billion-Dollar Life   Palaban

    Continuation...Ngumisi ang dalaga. Napa singhap naman kaagad ang mga tao sa paligid, para silang tumitingin ng isang impromptu na palabas sa mga teleserye."Misis Lopez!" hindi maipinta ang mukha ni Ma'am Castro at kaagad itong tumakbo upang pigilan ang ang Ina niya."Bitiwan mo ako, Ma'am Castro! Suwail kang anak!""Misis Lopez, huminahon kayo, nasa publiko kayo." parang natauhan naman ang Ina ni Trina at kaagad napa tingin sa bukana ng pintuan kung nasaan ang mga nagkukumpulang mga trabahador.Ang iba ay nagbubulungan at ang iba naman ay kumukuha pa ng litrato."Bumalik na kayo sa mga lamesa niyo ngayon din!" uto ni Ma'am Castro at parang isang bula nawala kaagad ang mga ito.Napa mura naman sa hangin ang dalaga ng mapansin niyang may dugo ang kaniyang kamay. Kumurba pa malaking guhit ng kuko ng kaniyang Ina doon hindi alintana ang sakit sa kanyang pisngi."Ma'am Castro, ako na ang nagsasabi sa iyo na ang batang iyan." sabay turo niya sa dalaga. "Isa siyang walang modong anak. Kami

  • Married into His Billion-Dollar Life   Argumento

    Maagang nagising si Trina para paglutuan ng almusal ang kaniyang sarili. Bata pa lamang ang dalaga ay hindi niya naranasan na ipagluto siya ng sarili niyang Ina. Ilang subo pa lamang ng kanin ang nagawa niya nang bigla na lang tumunog ang kaniyang selpon sa bulsa.Kumunot ang noo niya ng makita na si Ma’am Castro ang tumatawag. Ang pinuno nila sa kanilang departamento.“Magandang umaga Ma’am Castro, ano po kailangan nila?”“Pwede ka bang pumunta sa opisina ngayon?” mahinahon ang boses ng babae sa kabilang linya ngunit ramdam ni Trina ang tensiyon mula doon.Napa tingin ang dalaga sa orasan na nasa sala ng inuupahan niyang bahay, alas-otso palang ng umaga.“Ngunit hindi ba’t day-off ko ngayon Ma’am?” pinaka na ayaw ni Trina na nagtatrabaho siya pati sa day off niya. Kulang na nga lang gawin niyang opisina kuwarto niya dahil sa dami ng trabaho na ginagawa niya.Narinig niyang nag buntong hininga ang babae sa kabilang linya.“Importante ito Trina, magkita tayo sa loob ng tatlong put lima

  • Married into His Billion-Dollar Life   Ika-anim na Pahina

    "Ano pangalan ng apo mo Lola?" tanong ulit ni Trina.Nagsimula ulit alalahanin ng matandang babae ang pangalan ng kanyang apo, “Ang pangalan niya ay Lu… Lu… ano nga ulit… Lukas? Hindi, hindi Lucas... ano nga ulit yun... Lu... Lu... nakalimutan ko na” saad ng matandang babae.Napabuntong hininga nalang si Trina.Kakapasok lang sa isip niya ang pangalan, ngunit paglabas nito sa bibig niya, nakalimutan niya agad.Medyo nabahala ang matanda, binubuka at isinasara ang bibig pero hindi niya talaga masabi ang mga salitang iyon."Wag po kayong mag-alala, lola, ayos lang kung hindi ninyo maalala,” ani Trina habang dinadial ang contact number na nakasulat sa karatula.Sa kabilang banda, sa mga sandaling iyon, sa isang kalye hindi kalayuan, nakaupo si Luke sa loob ng kanyang magarang sasakyan, maitim ang mukha sa galit.Ang kanyang tauhan na si JV ay halos hindi makahinga sa takot.“Ako po ang may kasalanan dahil hindi ko siya nabantayan nang maayos. Napabayaan kong makaalis si Madam Victoria!”

  • Married into His Billion-Dollar Life   Ika Limang Pahina

    Samantala, pinilit na habulin ni Trina si Mr. Montenegro kaya dali-dali siyang sumakay sa kanyang electric bike ngunit pagkalabas pa lang niya ng villa area ay tuluyan ng nawala sa kanyang paningin ang lalaki.Habang naiinis at nadidismaya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Pagkasagot niya sa tawag, isang lalaking tinig ang narinig niya sa kabilang linya. Ito ang kanyang tauhanna si Drake.“Boss, maraming tao ngayon ang naghahanap at nagtatanong kung sino si Dr. Nan.” saad nitoAgad na kumunot ang noo ni Trina."Hindi pa naman siya nabubunyag, ’di ba?" may halong pag-aalalang tanong niya.“Siyempre hindi pa" sagot ni Drake.“Sino ba naman ang mag-aakalang si Dr. Nan, na nakasolve ng problema sa hydrogen oil fuel, ay isang babaeng bagong graduate lang at mukhang inosente?” natatawang wika nito.“May iba pa?” putol ni Trina sa madaldal niyang tauhan.“Ah, oo! Nahanap ko na rin ang impormasyon ni Luke Montenegro.!”“Sabihin mo.”“Si Luke Montenegro ay ang ikalawang anak ng pamily

  • Married into His Billion-Dollar Life   Ika-apat na Pahina

    Bahagyang kumunot ang noo ni Luke Montenegro at bahagyang itinaas ng isang kilay. Nagtataka kung bakit siya tinawag na asawa ng babaeng nakaharang sa dadaanan niya.“Umalis ka sa daan,” malamig ngunit mahinahong sabi niya.Napatulala na lamang si Trina ng marinig ang tinig nito dahil sa mababa at kaaya-ayang pakinggan, may halong marangal na himig na nakakaakit na nanaisin mong marinig muli.Dahil sa parang nawala sa sarili ang babaeng nasa harapan ay pinitik ni Luke ang kanyang daliri sa harapan nito na naging dahilan para bumalik ang ulirat ni Trina.“Hindi… mo ako kilala?” tanong niya nang may pag-aalinlangan.Tumingin si Luke pababa sa kanya.“Dapat ba kitang kilalanin?” wika nito sa kanya.Mula pa nang pumasok siya sa bahay ng pamilyang Lopez dama na niya ang kakaibang titig na tila sumusunod sa bawat galaw niya. Mga titig na hinuhusgahan ang kanyang buong pagkatao.Ngunit ang titig ng lalaki ay direkta at totoo — hindi gaya ng mga mapanghusga at nakakasuklam na tingin ng iba.Ti

  • Married into His Billion-Dollar Life   Pangatlo Pahina

    "Sino ba yang Luke Montenegro? Makapangyarihan ba siya?" tanong ni Gabriela sa ama na halatang nalilito at hindi pa rin alam ang nangyayari.Habang si Trina naman ay tahimik lang na nakikinig dahil gusto niya din malaman kung sino ba talaga si Luke Montenegro. May mga connections at alam siya tungkol sa mga Montenegro pero hindi pa niya kahit minsan narinig ang pangalang Luke Montenegro."Normal na hindi mo siya kilala. Siya ay napakamisteryosong tao. Kahit ako ay hindi ko pa siya nakikita. Si Luke Montenegro ay dalawampu't walong gulang palang at siya ang bagong chairman sa pamilyang Montenegro.""Kung ganon pala ay mas nababagay na siya ang pakasalan ni Gabriela kesa kay Xander!" masayang wika ng kanyang ina."Tumingil ka nga!" galit na suway ng kanyang ama."Si Luke Montenegro ay kasal na!" dagdag pa nito.Nanliit ang mata ni Trina sa narinig. Kung kasal na ang sinasabi nilang Luke Montenegro na nasa marriage certificate na hawak niya. Dapat malaman niya ang nangyayari.Sa kabilang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status