LOGIN"Sino ba yang Luke Montenegro? Makapangyarihan ba siya?" tanong ni Gabriela sa ama na halatang nalilito at hindi pa rin alam ang nangyayari.
Habang si Trina naman ay tahimik lang na nakikinig dahil gusto niya din malaman kung sino ba talaga si Luke Montenegro. May mga connections at alam siya tungkol sa mga Montenegro pero hindi pa niya kahit minsan narinig ang pangalang Luke Montenegro.
"Normal na hindi mo siya kilala. Siya ay napakamisteryosong tao. Kahit ako ay hindi ko pa siya nakikita. Si Luke Montenegro ay dalawampu't walong gulang palang at siya ang bagong chairman sa pamilyang Montenegro."
"Kung ganon pala ay mas nababagay na siya ang pakasalan ni Gabriela kesa kay Xander!" masayang wika ng kanyang ina.
"Tumingil ka nga!" galit na suway ng kanyang ama.
"Si Luke Montenegro ay kasal na!" dagdag pa nito.
Nanliit ang mata ni Trina sa narinig. Kung kasal na ang sinasabi nilang Luke Montenegro na nasa marriage certificate na hawak niya. Dapat malaman niya ang nangyayari.
Sa kabilang banda, bahagyang nadismaya si Sandra sa kanyang narinig.
"Sino naman kaya ang asawa niya? Mas masuwerte pa yata siya kay sa kay Gabriela." wika ng kanyang ina.
Agad na napatingin si Trina sa kanyang ama ng sumagot ito.
"Hindi ko rin alam. Basta ang narinig ko lang, hindi sila mahilig lumabas o makihalubilong mag-asawa."
"Ngunit nagtataka lang ako kung ano ang nagtulak sa kanya para pumunta ngayon rito" dagdag pa nito habang nakakunot ang noo.
Ang pamilyang Montenegro kasi ang pinakamayamang angkan sa buong mundo. Kaya normal na kilalang kilala si Luke Montenegro dahil ito ang tumatayong chairman ng kanilang angkan.
Habang ang pamilyang Lopez naman ay nasa karaniwang antas lamang, kaya ang kasalang ito ay malinaw na paraan para mapataas ang antas ng katayuan ni Gabriela sa pamamagitan ni Xander Montenegro.
Kaya malaking palaisipan kung bakit ito pupunta ngayon sa pamamanhikan.
"Dahil siguro sa pambihirang talento at ganda ni Gabriela kaya napansin siya ng pamilyang Montenegro! Gabriela, hindi bagay sa iyo ang diamond necklace na iyan. Dahil may napakahalagang panauhin na darating ngayon, dapat magsuot ka ng mas marangya!" sabi ng ina sabay balik ng marriage certificate kay Trina na hindi man lang niya nabasa. Mas nag-aalala pa siya kesa sa tunay na ina ni Gabriela.
"Sir, Paparating na po ang pamilyang Montenegro" wika ng kasambahay.
Dahil sa pagpapaalala ng kasambahay ay napagdesisyunan ng kanyang ama na bumaba na para hintayin ang mga bisita. Nang mapadaan sa kanya ang ama ay may sinabi ito sa kanya.
"Matagal ka nang hindi umuuwi. Makihalubilo ka muna bago ka umalis" saad ng ama.
Tumango nalang din si Trina dahil gusto niya din talagang makilala at makita kung sino ba talaga si Luke Montenegro.
Pagkababa ay tamad na sumandal si Trina sa madilim na bahagi ng hagdanan habang nakatitig sa pintuan, hinihintay ang pagdating ng pamilyang Montenegro.
Makalipas ang ilang minuto nang bumaba mula sa itaas si Dani Lopez, ina ni Gabriela, na tinutulungan ng isang katulong sa paglalakad. Nakasuot ito ng simpleng damit ngunit mababa pa rin ang karangyaan. Bahagyang itong payat, may anyong marangal at may malaming ngunit matalinong karisma.
"Madam, hindi maganda ang pakiramdam ninyo. Mas mabuti pong huwag na kayong bumaba" mahinang bulong ng katulong.
Ngunit umiling lang si Madam Dani.
"Hindi... uhm...napakahalaga ng araw na ito para kay Gabriela...uhm...hindi ko ito pwedeng palampasin..."
Kaya magkasabay silang naglakad patungo sa pintuan at hindi man lang napansin si Trina.
Habang si Trina ay tiningnan lamang ang likod ni Madam Dani ng puno ng paghanga.
Nakakatawang isipin na kung hindi dahil kay Madam Dani, ang taong may pinakamarapat na dahilan para kamuhian siya, ang siya ring tanging nagbigay sa kanya ng init at kabaitan sa buong pamilya Lopez.
Noong bata pa siya, madalas siyang pabayaan ng ina kaya payat na payat siya. At nang matutong maglakad, naghahalukay na siya ng basura para lang may nakain.
Isang araw, nakita siya ni Madam Dani, at mula noon ay palihim na itong nag-iiwan ng pagkain para sa kanya sa hardin.
Na nagpatuloy sa loob ng labindalawang taon
Kung hindi dahil sa kabaitan ni Madam Dani matagal na siyang namatay sa gutom.
Kaya habang pinagmamasdan niya si Mrs. Lopez na naglalakad palayo at naririnig ang kanyang pag-ubo ay labis ang kanyang pag-aalala.
Habang pinagmamasdan si Mrs. Lopez ay biglang may narinig si Trina na ingay mula sa pintuan. Pagkatingin niya ay dumating na pala ang pamilyang Montenegro na agad sinalubong ng mag asawang Lopez.
Agad namang napansin ni Trina si Luke Montenegro.
Nakasuot siya ng itim na couture suit na perpekto ang sukat sa kanya, naglalakad sa unahan na parang isang bituin na napapaligiran ng iba pang mga bituin. Mas matikas ang kanyang mukha kaysa sa litrato.
Ang lalaki ay may malalim na mga mata na tila hindi mo mabasa, at ang kanyang manipis na mga labi ay nag-iiwan ng malamig na impresyon. Sa bawat galaw niya ay ramdam ang likas na dignidad at
kapangyarihan.
At marahil ay naramdaman nito ang kanyang titig kaya bigla itong tumingin sa kanya.
Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata.
Ang matalim na titig ng lalaki ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam kay Trina. Sinubukan niyang basahin kung anong damdamin ang nasa likod ng mga matang iyon, ngunit agad din inalis nito ang tingin at tumingin sa ibang direksyon.
Napakunot-noo si Trina, nalito.
Alam ba niya kung sino siya… o hindi?
Sa kabilang banda ay ngumiti si Mr. Lopez at magalang na nagsabi,
“Mr. Montenegro, nasaan po ang asawa ninyo? Hindi mo ba siya kasama ngayon?”
Pagkarinig nito, naramdaman ni Trina na muling sumulyap sa kanya si Luke bago sumagot.
“She's busy” malamig na wika nito habang patuloy na naglalakad papunta sa sala.
Sa likod ng mga nakatatanda ay nakita ni Trina si Xander, ang dati niyang kaklase na nanligaw sa kanya sa loob ng apat na taon. Nakasuot siya ng pormal na amerikana, mas mukhang mature kesa noong nasa kolehiyo pa.
Ng magtipon ang lahat sa sala ay saka lamang lumabas sa dilim si Trina.
Tahimik lang siyang nakatayo, pinagmamasdan ang kasiglahan sa loob ng sala nang biglang hinawakan ng ina ang braso niya.
"Anong ginagawa mo dito Trina? Hindi mo pa rin ba matanggap na hindi para sayo si Xander? Tandaan mo, mapapangasawa na siya ng kapatid mo" mahina ngunit mariing wika nito sa kanya.
“’Wag kang mag-alala, hindi ako interesado maging kabit. Si Mr. Lopez mismo ang nagsabi na manatili” sagot niya.
Ngumisi na lamang ang kanyang ina habang pinipigilan ang galit.
“’Yun ay pormal lang na sinabi niya, at sineryoso mo pa? Talagang hindi mo alam ang lugar mo! Sa ganitong okasyon, kahit ako ay hindi basta makikihalobilo dahil ayokong mapahiya ang pamilyang Lopez. Ikaw pa kayang isang anak lang sa labas. Lumayas ka rito, ngayon din!”
Sasagot na sana si Trina nang mapansin niyang tumayo si Luke. Itinuro nito ang kanyang telepono at naglakad patungong balkonahe marahil upang sagutin ang tawag na naging dahilan para magliwanag ang kanyang mata.
“Sige, aalis na ako," kaswal niyang wika sa ina.
Umalis siya sa sala ngunit hindi umuwi, sa halip ay lumiko siya para magtungo sa balkonahe.
Pagkarating niya ay saktong paglingon ni Luke sa kanya.
Ng magtagpo ang kanilang tingi
n ay bigla nalang niyang nasambit ang katagang,
"husband?"
Continuation...Ngumisi ang dalaga. Napa singhap naman kaagad ang mga tao sa paligid, para silang tumitingin ng isang impromptu na palabas sa mga teleserye."Misis Lopez!" hindi maipinta ang mukha ni Ma'am Castro at kaagad itong tumakbo upang pigilan ang ang Ina niya."Bitiwan mo ako, Ma'am Castro! Suwail kang anak!""Misis Lopez, huminahon kayo, nasa publiko kayo." parang natauhan naman ang Ina ni Trina at kaagad napa tingin sa bukana ng pintuan kung nasaan ang mga nagkukumpulang mga trabahador.Ang iba ay nagbubulungan at ang iba naman ay kumukuha pa ng litrato."Bumalik na kayo sa mga lamesa niyo ngayon din!" uto ni Ma'am Castro at parang isang bula nawala kaagad ang mga ito.Napa mura naman sa hangin ang dalaga ng mapansin niyang may dugo ang kaniyang kamay. Kumurba pa malaking guhit ng kuko ng kaniyang Ina doon hindi alintana ang sakit sa kanyang pisngi."Ma'am Castro, ako na ang nagsasabi sa iyo na ang batang iyan." sabay turo niya sa dalaga. "Isa siyang walang modong anak. Kami
Maagang nagising si Trina para paglutuan ng almusal ang kaniyang sarili. Bata pa lamang ang dalaga ay hindi niya naranasan na ipagluto siya ng sarili niyang Ina. Ilang subo pa lamang ng kanin ang nagawa niya nang bigla na lang tumunog ang kaniyang selpon sa bulsa.Kumunot ang noo niya ng makita na si Ma’am Castro ang tumatawag. Ang pinuno nila sa kanilang departamento.“Magandang umaga Ma’am Castro, ano po kailangan nila?”“Pwede ka bang pumunta sa opisina ngayon?” mahinahon ang boses ng babae sa kabilang linya ngunit ramdam ni Trina ang tensiyon mula doon.Napa tingin ang dalaga sa orasan na nasa sala ng inuupahan niyang bahay, alas-otso palang ng umaga.“Ngunit hindi ba’t day-off ko ngayon Ma’am?” pinaka na ayaw ni Trina na nagtatrabaho siya pati sa day off niya. Kulang na nga lang gawin niyang opisina kuwarto niya dahil sa dami ng trabaho na ginagawa niya.Narinig niyang nag buntong hininga ang babae sa kabilang linya.“Importante ito Trina, magkita tayo sa loob ng tatlong put lima
"Ano pangalan ng apo mo Lola?" tanong ulit ni Trina.Nagsimula ulit alalahanin ng matandang babae ang pangalan ng kanyang apo, “Ang pangalan niya ay Lu… Lu… ano nga ulit… Lukas? Hindi, hindi Lucas... ano nga ulit yun... Lu... Lu... nakalimutan ko na” saad ng matandang babae.Napabuntong hininga nalang si Trina.Kakapasok lang sa isip niya ang pangalan, ngunit paglabas nito sa bibig niya, nakalimutan niya agad.Medyo nabahala ang matanda, binubuka at isinasara ang bibig pero hindi niya talaga masabi ang mga salitang iyon."Wag po kayong mag-alala, lola, ayos lang kung hindi ninyo maalala,” ani Trina habang dinadial ang contact number na nakasulat sa karatula.Sa kabilang banda, sa mga sandaling iyon, sa isang kalye hindi kalayuan, nakaupo si Luke sa loob ng kanyang magarang sasakyan, maitim ang mukha sa galit.Ang kanyang tauhan na si JV ay halos hindi makahinga sa takot.“Ako po ang may kasalanan dahil hindi ko siya nabantayan nang maayos. Napabayaan kong makaalis si Madam Victoria!”
Samantala, pinilit na habulin ni Trina si Mr. Montenegro kaya dali-dali siyang sumakay sa kanyang electric bike ngunit pagkalabas pa lang niya ng villa area ay tuluyan ng nawala sa kanyang paningin ang lalaki.Habang naiinis at nadidismaya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Pagkasagot niya sa tawag, isang lalaking tinig ang narinig niya sa kabilang linya. Ito ang kanyang tauhanna si Drake.“Boss, maraming tao ngayon ang naghahanap at nagtatanong kung sino si Dr. Nan.” saad nitoAgad na kumunot ang noo ni Trina."Hindi pa naman siya nabubunyag, ’di ba?" may halong pag-aalalang tanong niya.“Siyempre hindi pa" sagot ni Drake.“Sino ba naman ang mag-aakalang si Dr. Nan, na nakasolve ng problema sa hydrogen oil fuel, ay isang babaeng bagong graduate lang at mukhang inosente?” natatawang wika nito.“May iba pa?” putol ni Trina sa madaldal niyang tauhan.“Ah, oo! Nahanap ko na rin ang impormasyon ni Luke Montenegro.!”“Sabihin mo.”“Si Luke Montenegro ay ang ikalawang anak ng pamily
Bahagyang kumunot ang noo ni Luke Montenegro at bahagyang itinaas ng isang kilay. Nagtataka kung bakit siya tinawag na asawa ng babaeng nakaharang sa dadaanan niya.“Umalis ka sa daan,” malamig ngunit mahinahong sabi niya.Napatulala na lamang si Trina ng marinig ang tinig nito dahil sa mababa at kaaya-ayang pakinggan, may halong marangal na himig na nakakaakit na nanaisin mong marinig muli.Dahil sa parang nawala sa sarili ang babaeng nasa harapan ay pinitik ni Luke ang kanyang daliri sa harapan nito na naging dahilan para bumalik ang ulirat ni Trina.“Hindi… mo ako kilala?” tanong niya nang may pag-aalinlangan.Tumingin si Luke pababa sa kanya.“Dapat ba kitang kilalanin?” wika nito sa kanya.Mula pa nang pumasok siya sa bahay ng pamilyang Lopez dama na niya ang kakaibang titig na tila sumusunod sa bawat galaw niya. Mga titig na hinuhusgahan ang kanyang buong pagkatao.Ngunit ang titig ng lalaki ay direkta at totoo — hindi gaya ng mga mapanghusga at nakakasuklam na tingin ng iba.Ti
"Sino ba yang Luke Montenegro? Makapangyarihan ba siya?" tanong ni Gabriela sa ama na halatang nalilito at hindi pa rin alam ang nangyayari.Habang si Trina naman ay tahimik lang na nakikinig dahil gusto niya din malaman kung sino ba talaga si Luke Montenegro. May mga connections at alam siya tungkol sa mga Montenegro pero hindi pa niya kahit minsan narinig ang pangalang Luke Montenegro."Normal na hindi mo siya kilala. Siya ay napakamisteryosong tao. Kahit ako ay hindi ko pa siya nakikita. Si Luke Montenegro ay dalawampu't walong gulang palang at siya ang bagong chairman sa pamilyang Montenegro.""Kung ganon pala ay mas nababagay na siya ang pakasalan ni Gabriela kesa kay Xander!" masayang wika ng kanyang ina."Tumingil ka nga!" galit na suway ng kanyang ama."Si Luke Montenegro ay kasal na!" dagdag pa nito.Nanliit ang mata ni Trina sa narinig. Kung kasal na ang sinasabi nilang Luke Montenegro na nasa marriage certificate na hawak niya. Dapat malaman niya ang nangyayari.Sa kabilang







