Se connecterNasa loob na sila ng kwarto—ang dating kwarto ng lalaki. Maingat niyang inilagay ang maleta sa gilid ng kama.
“Mauna ka nang maligo…”
Napalingon siya sa lalaki na nakatingin sa kanya.
“Sige…” mahina niyang tugon habang inaayos ang mga gagamitin niya. Pagkatapos ay tumayo siya at pumasok sa loob ng banyo.
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Dapat ba siyang maging masaya dahil magsasama na sila sa iisang kwarto ng lalaking matagal na niyang mahal? O malungkot, dahil alam niyang hindi talaga sang-ayon ang lalaki dito?
Matapos siyang maligo, napatampal siya sa noo nang mapansing wala pala siyang dalang damit—tanging underwear, bra, at tuwalya lang. Pabalik-balik siya sa loob ng banyo, suot ang bra at panty. Sa sobrang lalim ng iniisip niya, hindi niya napansin ang sabon sa sahig. Naapakan niya ito at nadulas siya.
“AHHH!!!” malakas niyang tili.
Bumagsak siya, ngunit mabuti na lang at hindi niya nabunggo ang ulo niya. Malakas ang pagkakabagsak niya.
“Aray!” daing niya.
Isang malakas na katok ang gumising sa kanya mula sa pagkakatulala.
“QUEEN! Buksan mo ‘tong p***o! Ba’t ka sumisigaw? May nangyari ba? Ayos ka lang ba?” sunod-sunod na tanong.
“A-ayos lang ako… Nadulas lang kaya napasigaw ako, pero medyo ok—ARAY!”
Napadaing uli siya nang pilitin niyang tumayo. Maya-maya, narinig niya ang pag-click ng doorknob—may nagbukas ng lock. Paglingon niya, nagtama ang mga mata nila ni King Lex.
Dahan-dahang bumaba ang tingin nito mula sa mukha niya pababa.
“Stop staring… ibigay mo sa’kin ‘yung tuwalya at tumalikod ka…” namumulang saway niya. Parang nagising ito.
“O-okay.”
Inabot nga nito ang tuwalya.
“Tapos ka na?” tanong nito.
Inayos niya ang pagkakatakip ng tuwalya bago sumagot.
“Oo, pwede ka nang lumingon…” utos niya.
Lumapit ito sa kanya at inalalayan siyang tumayo.
“Wala ka bang dalang damit?” mahinang tanong nito.
Maingat siyang pinaupo nito sa kama.
“Saan dito ang susuotin mo?” tanong nito.
“Ahm… pwede bang masahehin mo muna ‘yung paa ko para ako na lang ang maghahanap?” pakiusap niya, baka kasi kung ano pa ang makita nito.
Bumuntong-hininga ito at lumapit sa kanya. Inayos na niya ang pagkakapwesto ng paa niya.
“Ayusin mo ang pag-upo mo. Kung ayaw mong makita ko ‘yung hindi dapat makita…” seryosong sabi nito.
Napaayos naman siya ng upo.
“Ah! Dahan-dahan naman… ayan, sige… hmm… ganyan nga… ah…” mga ungol na lumalabas sa bibig niya habang minamasahe ni King Lex ang paa niya.
Meanwhile…
Tahimik na nakikinig ang ama at ina ni King Lex sa labas ng kwarto. Simula nang marinig nila ang malakas na ungol ni Queen—
“Ah! Dahan-dahan naman…”
Nanlaki ang mga mata ng ina. Nagkatinginan silang mag-asawa. Maya-maya, may narinig pa silang malakas na pagsalpok.
Napasinghap silang dalawa.
“Heh! Tama na, tama na… tara na nga…” bulong ng babae.
Hinila niya ang asawa pababa ng sala. Napailing na lang ang lalaki.
“Grabe… ‘di ko alam na wild pala ang anak natin. Daig pa ako, eh…” natatawang saad nito.
Tinampal ng babae ang balikat ng asawa.
“Ikaw talagang matanda ka…” namumulang saway niya.
“Sinong matanda? Malakas pa ako, no! Halika ka nga sa kwarto… para malaman natin kung sino ang matanda…” seryosong saad nito habang hinihila ang babae.
***
Pagkalabas ni Queen mula sa C.R matapos magbihis, naabutan niyang inaayos ni King Lex ang unan at kumot sa couch. Ewan niya pero habang minamasdan niya ang lalaki, nasasaktan siya.
Hindi na nga natuloy ang inaasahan niyang honeymoon nila, tapos heto pa—iniiwasan siya ng lalaki. Parang may nakakahawang sakit siya kung itrato. Kanina lang siya nito hinawakan, kanina lang niya naramdaman na may halaga rin siya rito… pero tapos na pala ‘yon.
Kung pwede lang sanang hindi na matapos ‘yon…
“Oh, tapos ka na pala… ikaw na lang diyan sa bed, ako dito sa couch. Good night,” malumanay na sabi nito sabay higa.
“King Lex…” mahinang tawag niya para makuha ang atensyon ng lalaki.
“Hm?”
“Ako na diyan… malaki ka, di ka kasya diyan. Sasakit lang katawan mo bukas. Palit tayo,” malumanay niyang saad habang tumatayo.
Akala niya tatanggi ito o sasabihing tabi na lang silang dalawa para hindi sila mahirapan. Pero nagkamali siya, dahil tumayo lang ito at sinabing—
“Okay.”
At lumakad papunta sa bed.
Siya naman ang naiwang nakatayo sa gilid ng kama. Parang gusto niyang sampalin ang sarili.
“Tanga…” mahinang usal niya saka lumakad papunta sa couch.
“Paki-off ng light. Thank you,” utos nito.
Tumayo siya para patayin ang ilaw at bumalik sa couch. Tumingin siya sa lalaking mahal niya—ang lalaking sana ay kasama niya sa iisang kama. Pero heto siya, mag-isa, tahimik na hinahangad na sana may kayakap siya sa gitna ng malamig na simoy ng hangin.
Siguro kung ako si Lyka… ngayon, yakap-yakap niya ako at halos di ako mabitawan. Pero hindi eh… ako ‘to, si Queen, asawa mo lang sa papel, ika mo nga.
Pero bakit gano’n? Bakit labis kita mahal?
‘Yan ang mga tanong na paulit-ulit sa isip niya. Pinunasan niya ang luha at nagpasya ng humiga. Malalim na ang gabi, pagod ang isip at katawan niya. Idagdag pa ang bugbog-sirado na puso niya. Siya na ata ang kinasal na umiiyak pa lang sa honeymoon stage. Basa na ang unan niya sa luhang hindi niya mapigilan.
“Ako yung asawa mo pero… bakit gano’n? Para ako pa yung limitado sa oras at attention mo…” hinanakit niya sa isip.
Buong magdamag siyang umiiyak. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog. Kaya ngayon, namamaga ang mga mata niya at masakit ang ulo.
“Iha, umiiyak ka ba? Bakit namamaga ang mga mata mo?” nag-aalalang tanong ng ginang habang nag-aalmusal sila.
Ano sasabihin ko? Hindi pwedeng umamin, baka magtanong… mag-isip ka, Queen!
“Ano kasi, Ma… napuyat po ako. Oo, napuyat lang po, hehe,” alanganing ngiti niya.
“Ano naman, Honey. Parang hindi mo pa naranasan ang honeymoon stage. Natural lang ‘yan, ang mapuyat. Alam mo na,” sabat ng ama ni King Lex.
Hindi na siya umangal para hindi na sila magtanong pa.
“By the way, ngayong umaga kayo lilipat sa bagong bahay niyo, ‘di ba? Pasensya na, pero hindi kami makakasama. May urgent business trip kasi kami ng papa mo,” malungkot na sabi ng Ginang.
“Ayos lang po, Mama,” pag-aalo naman niya.
“Oo nga, Ma. Kaya na namin ‘yon ni Queen, ‘di ba baby?” malambing na saad ni King Lex, sabay hawak sa kamay niya.
Napatingin siya sa dalawang matanda na nakangiting nakamasid sa kanila. Tumango siya at ngumiti.
“Oo naman.”
“Kung sana totoo lang ‘yung sweet gesture mo, King Lex…” Lihim niyang hiling habang nakatingin sa lalaki.
Nang nasa biyahe na sila. Tahimik. Walang imikan.
Oo nga’t mag-asawa sila, pero hindi sila ang tipikal na married couple.
Gustuhin man niyang kausapin ang lalaki, hindi niya magawa. Dahil kung hindi tango, iling, o maikling sagot—ang madalas nitong ibigay sa kanya. At ang pinakamasakit, madalas ay dedma.
Ibang-iba ito kapag si Lyka ang kausap nito. Paano niya nalaman? Kasi ngayon, tumawag ang babae—at narinig niya mismo ang tawag nitong “Babe.”
“Babe… may ihahatid lang ako… yeah… wait for me… okay… take care… I love you.”
Parang kutsilyo ang bawat salitang tumatama sa puso ni Queen.
Pinikit niya ang mga mata at huminga ng malalim. Marahang hinawakan ang dibdib niya—masakit na naman. Hindi siya mapapansin ng lalaki, dahil nasa backseat siya. Oo, nasa backseat siya. Bawal daw sa front seat dahil may nagmamay-ari na roon. Hindi man sabihin, alam niya kung sino.
“Umiiyak ka ba?” takang tanong nito nang sulyapan siya.
Napakurap siya at agad tumingala para pigilan ang luha.
“Huh? H-Hindi… napuwing lang,” malumanay niyang sagot habang pasimpleng pinupunasan ang luha.
Dumating na ang gabi. Tahimik silang kumain ni King Lex sa kusina, habang sabak niya si Lexandra na di inalis ang tingin sa ama. Kahit sinusubuan niya ito, titig na titig ito sa lalaking walang imik na kumakain.Nang matapos na niyang pakainin si Lexandra, nilagay niya ito sa sahig sa gilid niya para makakain siya, pero di siya makakain nang maayos dahil di mawala ang mata niya sa anak sa takot na baka umalis ito sa pwesto. Tumayo si King Lex na kinangat niya ng tingin."Kumain ka, ako na nagbabantay sa kanya..." seryosong sabi nito bago pa man siya makapagsalita.Tinaas ni Lexandra sa lalaki ang dalawang kamay nito, ibig sabihin gusto niyang magpabuhat sa lalaki. Ito ang unang pagkakataong gustong magpabuhat ni Lexandra sa lalaki. Madalas kasi siya lang ang gusto nito.Binuhat naman agad siya ng lalaki. Di maalis ang mata niya sa dalawa na nakaupo sa harap niya. Pag pinagtabi mo sila, di makakailang mag-ama sila. Umiwas siya ng tingin at nagsimulang kumain. Mamaya pa, napatingin siya
Inalis ni Queen ang suot-suot na shades at huminga siya nang malalim nang makababa na siya sa airplane. Yes, she is coming back home with her baby Princess. Babae ang anak nila, magdadalawang taon na ito. Her name is Lexandra. Napangiti siya nang lumapit sa kanya ang kanyang yaya na hawak-hawak si Lexandra, naka-angat ang kamay nito sa kanya, gustong magpabuhat."Aww, miss mo na agad si Mommy, baby ko hmm..." nakangiting ani niya habang kinuha si Lexandra, at yumakap naman ito sa kanya.Si Lexandra ay kamukhang-kamukha niya, pero pag pinagmasdan mo ito nang mabuti, masasabi mong nakuha nito ang mata sa ama at ang labi. Pati ugali ay sa ama-tahimik pero malambing. Gustong-gusto rin nito kapag hinihimas ang ulo niya, just like her. Noong unang buwan niya sa States, she didn't know how to survive; araw-araw hinahanap niya ang presensya ng lalaki. Parang mababaliw siya sa kakamiss rito lalo pa't ito ang pinaglihi niya. Kaya naman isa sa mga unan nito ang dinala niya nang umalis siya-iyon
Meanwhile, hindi alam ni King Lex kung ano ang gagawin.Gusto niyang pigilan ang babae, pero hindi niya magawa. Natulos lang siya sa kinatatayuan niya.Gusto niyang magsalita. Yakapin ito.Pero wala siyang masabi.Habang lumalakad ito palayo sa kanya, pakiramdam niya unti-unting bumabawas ang buhay niya.Nang makalabas na ito ng bahay nila, napaupo siya sa sahig at natulala.Pero mabilis din siyang tumayo nang marinig ang huni ng kotse.Mula sa kwarto nila, tanaw niya ang kotseng sinasakyan ni Queen.Gusto niyang bumaba at pigilan ito, pero wala naman siyang mairason.Lumipas ang isang linggo.Pakiramdam ni King Lex, talaga ngang nawala ang kalahati ng buhay niya.Wala siyang ganang kumain. Ganoon din sa trabaho.Nakakulong lang siya sa kwarto nila ni Queen, yakap-yakap ang unan ng babae.Inaalala niya ang mga halakhak nito, ang lambingan nila sa loob ng silid na iyon.Mula nang umalis ang babae, hinahanap-hanap na niya ang lambing nito-ang ngiti, ang luto, ang amoy, at ang pag-aalaga
Isang linggo na ang nakaraan. Nasa loob siya ngayon ng banyo, hawak-hawak niya ang pregnancy test.Yes, she tried one para malaman kung tama ang kutob niya, at ang resulta ay nagpatigil sa mundo niya.It’s positive...Halo-halo ang nararamdaman niya—saya, lungkot, pag-aalala, at kaba.Huminga siya nang malalim saka nagdesisyong magpa-test sa ospital para makasiguro.Ilang minuto lang ang nakalipas, nasa harap na siya ng ospital. Kinakabahan man, pero pinatatag niya ang loob niya at pumasok na.Dalawang araw ang makalipas, lumabas na ang result at positive—buntis nga siya.She is one week pregnant.Hawak-hawak niya ang envelope sa kamay niya.Dalawang envelope.Dalawa dahil kanina lang din dumating ang annulment papers nila ni Lex.Oo, kailangan niyang ibigay ito sa lalaki.Hangga’t hindi ito nagsasabing hindi matutuloy, tuloy iyon.Ngayon nga, nanginginig ang mga kamay niya.Patungo siya ngayon sa opisina ng lalaki.Gusto niyang ibigay ang dalawang envelope.Nagbabakasakali siyang bak
Kakaibang experience ang pinagdaanan niya kasama ang lalaki sa napakagandang resort na iyon. Ibang-iba sa dati nilang setup. Masayang-masaya siya sa bawat araw na lumilipas sa lugar na iyon. Doon niya lang din naramdaman na asawa niya ang lalaki, dahil lahat ng ginagawa ng married couple ay ginagawa nila.Wala silang sinayang na oras. Kada araw ay nagto-tour sila sa buong lugar at ginagawa ang mga activities doon—swimming, walking, zip line, at picture taking din sila na hindi niya inaasahang sasabayan ng lalaki. Pagdating naman ng gabi, pinagsasaluhan nila ang mainit na physical type of love.Kaya nalungkot siya dahil pauwi na sila ngayong araw. Hiniling niya na sana walang magbago. So far, okay naman dahil nag-uusap na sila sa loob ng sasakyan, pero nasa likuran pa rin siya."Nag-enjoy ka ba?" tanong nito kaya inangat niya ang tingin."Oo naman, sobra. Salamat ha," malapad na ngiting tugon niya.Ngiti lang ang isinukli nito.Lumipas ang ilang oras at nakarating na sila sa tapat ng g
Kinabukasan, inaasahan na ni Queen na magbabago na ang pakikitungo ng lalaki sa kanya, na tulad ng dati, pero nagulat siyang paggising niya ay nakayakap pa rin siya sa lalaki at nakaunan sa dibdib nito. Inangat niya ang ulo at itinukod ang siko sa unan para pagmasdan ang natutulog na lalaki. Hindi niya maiwasang padulasin ang kanyang kamay sa mukha nito."Ang gwapo mo talaga..." mahinang usal niya saka ngumiti. Siniksik niya ang katawan sa lalaki.Sana ganito na lang tayo lagi, pero alam kong hindi puwede. Hanggang isang buwan lang... Hiram lang kita, ih...Pinahid niya ang luha nang maramdamang gumalaw ang lalaki."Good morning," nakangiting bati niya.Kinusot nito ang mga mata tapos tumingin sa kanya. Akala niya ay itutulak siya nito, pero nagulat siyang ngumiti ito."Morning..""Bangon na at maligo.." mahinang usal niya saka bumangon para makabangon din ang lalaki.Bumangon nga ito at tumayo sa kanilang gilid, habang siya ay inayos ang pagkakatapis ng kumot sa katawan, pero napatil







