Se connecterPumarada na ang kotse nito sa harap ng isang yellow na gate. Tahimik ang paligid, pero sa loob ng sasakyan, parang mas mabigat pa kaysa katahimikan ang nararamdaman niya. Lumingon si King Lex sa kanya.
“Bumababa ka na. Heto ang susi ng bagong bahay nating mag-asawa,” sabi nito habang iniaabot ang susi. “May pupuntahan pa ako… Just don’t forget na ikaw ay nasa master bedroom, akin naman ang kabilang room, okay?”
Bahay nila. Mag-asawa.
Pero bakit pakiramdam niya, siya lang ang naniniwala sa salitang iyon?
Sandaling nanigas si Queen sa kinauupuan niya.
“Pupuntahan mo siya, hindi ba? Pwede bang huwag na lang… Siya na nga ang makakasama mo sa Honeymoon suite natin na, kung tutuusin natin sana ‘yon. Kaya’t pwede bang ako naman ngayon? Kailangan din kita… please stay…” Gusto niyang isantinig lahat ng iyon, pero nanatili siyang tahimik. Tinikom niya ang bibig at marahang bumaba ng sasakyan.
Sinundan niya lang ng tingin ang papalayong kotse ng lalaki.
“Welcome to our new home…” mahinang usal niya, sabay ng mapait na ngiti.
Binuksan niya ang gate at minasdan ang kabuuan ng bahay.
“Ang ganda ng bahay… pero mas maganda sana ‘to kung ang titira ay tunay na mag-asawa…” bulong niya habang humahakbang papunta sa swing sa gilid ng bahay. May malawak ding playground doon.
“Mukhang umaasa talaga sila na magkakaanak kami… kahit ako rin naman…” malungkot niyang dagdag.…pero malabo.”
“Pero… malay natin, hindi ba?” bulong niya sa sarili.
“Pero kung magkaanak kami… tatanggapin kaya siya ng ama niya?” Sabay sandala niya sa lubid ng swing.
Tanghali na nang magpasya siyang pumasok sa loob. Nagpa-deliver muna siya ng pagkain at inaliw ang sarili sa paglibot sa buong bahay.
Tatlong palapag ang bahay. May swimming pool sa labas at sa rooftop. Pagpasok niya, napakaganda ng loob—malawak, elegante, at moderno. Kumpleto sa gamit, may sariling banyo at terrace ang kwarto.
Sumilip siya roon.
“Ang sarap siguro tumambay rito tuwing umaga habang yakap ka ng taong mahal mo… sabay ninyong pinapanood ang pagsikat at paglubog ng araw… magkakape kayo habang nagkukwentuhan hanggang sa mauwi sa lambingan…” napangiti siya nang mapait. “Ang sarap lang… may asawa nga ako pero hindi ko naman siya maangkin. Hanggang kailan ko ba paparusahan ang sarili ko?”
Huminga siya nang malalim.
“Hay… maliligo na nga lang ako, tapos kain na rin.”
Binuksan niya ang cabinet at nagulat nang makitang may mga damit na nakasabit doon.
“Ang sweet talaga nina Mama…” nakangiting bulong niya.
Kumuha siya ng shorts at spaghetti strap na damit at pumasok sa banyo.
“Ang laki ng bathtub… pwedeng dalawa… pero mag-isa lang ako, haha…” pilit niyang tawa.
Naligo siya, nagbihis, at bumaba para kumain.
Pagdating ng hapon, nagluto siya ng dinner para sa kanilang dalawa. Matiyaga siyang naghintay sa sala, tinatanggap ang gutom at lamig habang umaasang uuwi ito nang maaga.
Hindi niya namalayang nakatulog siya.
Nagising siya nang may marahang tapik sa pisngi niya.
“Ba’t dito ka natulog?” Pungas-pungas siyang bumangon.
“Ano kasi… hinintay kita. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako…” nakayuko niyang sagot.
Sasagot pa sana ito nang biglang mag-ring ang cellphone nito.
“Hello, babe… yeah, makauwi na ako… oo naman, I had a great time… masarap yung pagkain sa restaurant… okay, good night… I love you.”
At ibinaba na nito ang ttawag Bumaling ito sa kanya.
“Ano ‘yung sabi mo kanina?”
“Wala… sige, matulog ka na,” pigil niya ang sariling manginig ang boses.
Tumalikod siya para itago ang luha.
Tiniis niya ang gutom at lamig para lang hintayin ito… pero buong maghapon pala ay kasama nito si Lyka.
Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Dumiretso siya sa kusina at kumain nang kumain. Isang buwan na ang lumipas mula nang magsama sila sa iisang bahay.
Pero sa loob ng isang buwan na iyon, never pa silang kumain nang sabay. Maaga itong pumapasok at gabi na umuuwi. Kapag walang trabaho, sa condo ni Shiela ito tumutuloy.
Kaya ngayon, nagulat siya nang makita niyang nasa bahay ito at hindi umaalis.
“Queen… damihan mo ang lulutuin, papasyal daw si Mama rito,” sabi nito mula sa likuran niya.
“Kaya naman pala…” mahinang usal niya.
Napatingin ito sa kanya.
“What?”
“Wala…”
“Ang sarap mo palang magluto, Iha. Ang swerte naman ng anak ko sa’yo,” masayang sabi ng ina ni King Lex.
“Oo naman, Ma,” sagot nito habang nakangiti at inakbayan pa siya.
Kung hindi niya lang alam na palabas lang iyon, baka ngayon tumatalon na siya sa tuwa.
“Ang sweet ninyong tingnan. Natutuwa akong maayos na kayo. Tama nga ang desisyon naming ipakasal kayo,” masayang sabi ng ginang.
Lalong sumikip ang dibdib niya. Kitang-kita niya ang pag-asa sa mga mata nito.
Hindi siya umiimik. Hinayaan niyang si King Lex ang magsalita.
“May hihingi sana akong pabor kung okay lang…” biglang sabi ng ginang.
Napatingin siya.
“Ano po ‘yon, Ma?”
“May business trip kasi ang papa ninyo, mga two weeks. Pwede bang dito muna ako tumira? Para may kasama ako. Kung hindi naman ako nakakaabala sa inyo.”
Nagkatinginan silang dalawa ni King Lex.
Kapag tumuloy ang ginang dito, malalaman nitong hindi sila okay… at baka madiskubre nitong magkaibang kwarto sila.
“Ahm kasi, Ma—”
Pinutol ni King Lex ang sasabihin niya.
“Sure, Ma. Okay lang ‘yon. May makakasama si Queen dito pag nasa office ako.”
Nagulat siya. Akala niya tatanggi ito. Kaya napilitan siyang tumango.
“Oo nga, Ma…”
“Salamat, mga anak. Babalik na lang ako mamaya. Ihahatid ko pa ang papa ninyo sa airport.”
Ihatid nila ang ginang palabas. Nang makaalis ito, bumaling si King Lex sa kanya.
“Pasok na tayo. Ililipat ko yung gamit ko sa kwarto mo. Baka magtaka si Mama kung bakit separate ang rooms natin.” Tahimik niya itong tinulungan.
“Dahil nandito si Mama, we should act like a real married couple. Pero ‘wag kang mag-assume, okay? Si Lyka lang ang mahal ko. Hindi ‘yon magbabago. Understood?”
“Ahm… okay,” mahina niyang sagot.
Ano pa nga ba ang magagawa niya?
Ganito ang papel niya—ang martir na asawa.
Dumating na ang gabi. Tahimik silang kumain ni King Lex sa kusina, habang sabak niya si Lexandra na di inalis ang tingin sa ama. Kahit sinusubuan niya ito, titig na titig ito sa lalaking walang imik na kumakain.Nang matapos na niyang pakainin si Lexandra, nilagay niya ito sa sahig sa gilid niya para makakain siya, pero di siya makakain nang maayos dahil di mawala ang mata niya sa anak sa takot na baka umalis ito sa pwesto. Tumayo si King Lex na kinangat niya ng tingin."Kumain ka, ako na nagbabantay sa kanya..." seryosong sabi nito bago pa man siya makapagsalita.Tinaas ni Lexandra sa lalaki ang dalawang kamay nito, ibig sabihin gusto niyang magpabuhat sa lalaki. Ito ang unang pagkakataong gustong magpabuhat ni Lexandra sa lalaki. Madalas kasi siya lang ang gusto nito.Binuhat naman agad siya ng lalaki. Di maalis ang mata niya sa dalawa na nakaupo sa harap niya. Pag pinagtabi mo sila, di makakailang mag-ama sila. Umiwas siya ng tingin at nagsimulang kumain. Mamaya pa, napatingin siya
Inalis ni Queen ang suot-suot na shades at huminga siya nang malalim nang makababa na siya sa airplane. Yes, she is coming back home with her baby Princess. Babae ang anak nila, magdadalawang taon na ito. Her name is Lexandra. Napangiti siya nang lumapit sa kanya ang kanyang yaya na hawak-hawak si Lexandra, naka-angat ang kamay nito sa kanya, gustong magpabuhat."Aww, miss mo na agad si Mommy, baby ko hmm..." nakangiting ani niya habang kinuha si Lexandra, at yumakap naman ito sa kanya.Si Lexandra ay kamukhang-kamukha niya, pero pag pinagmasdan mo ito nang mabuti, masasabi mong nakuha nito ang mata sa ama at ang labi. Pati ugali ay sa ama-tahimik pero malambing. Gustong-gusto rin nito kapag hinihimas ang ulo niya, just like her. Noong unang buwan niya sa States, she didn't know how to survive; araw-araw hinahanap niya ang presensya ng lalaki. Parang mababaliw siya sa kakamiss rito lalo pa't ito ang pinaglihi niya. Kaya naman isa sa mga unan nito ang dinala niya nang umalis siya-iyon
Meanwhile, hindi alam ni King Lex kung ano ang gagawin.Gusto niyang pigilan ang babae, pero hindi niya magawa. Natulos lang siya sa kinatatayuan niya.Gusto niyang magsalita. Yakapin ito.Pero wala siyang masabi.Habang lumalakad ito palayo sa kanya, pakiramdam niya unti-unting bumabawas ang buhay niya.Nang makalabas na ito ng bahay nila, napaupo siya sa sahig at natulala.Pero mabilis din siyang tumayo nang marinig ang huni ng kotse.Mula sa kwarto nila, tanaw niya ang kotseng sinasakyan ni Queen.Gusto niyang bumaba at pigilan ito, pero wala naman siyang mairason.Lumipas ang isang linggo.Pakiramdam ni King Lex, talaga ngang nawala ang kalahati ng buhay niya.Wala siyang ganang kumain. Ganoon din sa trabaho.Nakakulong lang siya sa kwarto nila ni Queen, yakap-yakap ang unan ng babae.Inaalala niya ang mga halakhak nito, ang lambingan nila sa loob ng silid na iyon.Mula nang umalis ang babae, hinahanap-hanap na niya ang lambing nito-ang ngiti, ang luto, ang amoy, at ang pag-aalaga
Isang linggo na ang nakaraan. Nasa loob siya ngayon ng banyo, hawak-hawak niya ang pregnancy test.Yes, she tried one para malaman kung tama ang kutob niya, at ang resulta ay nagpatigil sa mundo niya.It’s positive...Halo-halo ang nararamdaman niya—saya, lungkot, pag-aalala, at kaba.Huminga siya nang malalim saka nagdesisyong magpa-test sa ospital para makasiguro.Ilang minuto lang ang nakalipas, nasa harap na siya ng ospital. Kinakabahan man, pero pinatatag niya ang loob niya at pumasok na.Dalawang araw ang makalipas, lumabas na ang result at positive—buntis nga siya.She is one week pregnant.Hawak-hawak niya ang envelope sa kamay niya.Dalawang envelope.Dalawa dahil kanina lang din dumating ang annulment papers nila ni Lex.Oo, kailangan niyang ibigay ito sa lalaki.Hangga’t hindi ito nagsasabing hindi matutuloy, tuloy iyon.Ngayon nga, nanginginig ang mga kamay niya.Patungo siya ngayon sa opisina ng lalaki.Gusto niyang ibigay ang dalawang envelope.Nagbabakasakali siyang bak
Kakaibang experience ang pinagdaanan niya kasama ang lalaki sa napakagandang resort na iyon. Ibang-iba sa dati nilang setup. Masayang-masaya siya sa bawat araw na lumilipas sa lugar na iyon. Doon niya lang din naramdaman na asawa niya ang lalaki, dahil lahat ng ginagawa ng married couple ay ginagawa nila.Wala silang sinayang na oras. Kada araw ay nagto-tour sila sa buong lugar at ginagawa ang mga activities doon—swimming, walking, zip line, at picture taking din sila na hindi niya inaasahang sasabayan ng lalaki. Pagdating naman ng gabi, pinagsasaluhan nila ang mainit na physical type of love.Kaya nalungkot siya dahil pauwi na sila ngayong araw. Hiniling niya na sana walang magbago. So far, okay naman dahil nag-uusap na sila sa loob ng sasakyan, pero nasa likuran pa rin siya."Nag-enjoy ka ba?" tanong nito kaya inangat niya ang tingin."Oo naman, sobra. Salamat ha," malapad na ngiting tugon niya.Ngiti lang ang isinukli nito.Lumipas ang ilang oras at nakarating na sila sa tapat ng g
Kinabukasan, inaasahan na ni Queen na magbabago na ang pakikitungo ng lalaki sa kanya, na tulad ng dati, pero nagulat siyang paggising niya ay nakayakap pa rin siya sa lalaki at nakaunan sa dibdib nito. Inangat niya ang ulo at itinukod ang siko sa unan para pagmasdan ang natutulog na lalaki. Hindi niya maiwasang padulasin ang kanyang kamay sa mukha nito."Ang gwapo mo talaga..." mahinang usal niya saka ngumiti. Siniksik niya ang katawan sa lalaki.Sana ganito na lang tayo lagi, pero alam kong hindi puwede. Hanggang isang buwan lang... Hiram lang kita, ih...Pinahid niya ang luha nang maramdamang gumalaw ang lalaki."Good morning," nakangiting bati niya.Kinusot nito ang mga mata tapos tumingin sa kanya. Akala niya ay itutulak siya nito, pero nagulat siyang ngumiti ito."Morning..""Bangon na at maligo.." mahinang usal niya saka bumangon para makabangon din ang lalaki.Bumangon nga ito at tumayo sa kanilang gilid, habang siya ay inayos ang pagkakatapis ng kumot sa katawan, pero napatil







