Se connecter
Malawak ang ngiti ni Queen habang nakaupo sa loob ng kotse. Sabado ng hapon iyon. Gaya ng dati, siksikan ang mga sasakyan at pasahero sa kalsada, pero wala roon ang atensyon niya kundi sa lalaking katabi niya. Labimpitong taon na ang lumipas mula nang magkakilala sila, pero ganoon pa rin ang pakiramdam ni Queen sa tuwing malapit ito sa kanya, palaging nanlalambot ang loob niya.
Katabi niya si King Lex sa back seat.
“Ang bango niya,” bulong ng isip ni Queen habang nilalanghap ang pamilyar nitong amoy.
Halos magkadikit na ang kanilang mga braso. Sa laki ng katawan ni King Lex at sa kaliitan ng lumang kotse na sinasakyan nila, para na ring nakasandal si Queen sa kanya. Napapikit siya nang bahagya.
“Ang sarap sigurong makulong sa mga braso nito,” pumasok sa isip niya, kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib. Kaunting galaw lang ni Queen, halos magdikit na ang kanilang mga pisngi at labi.
“Ay, grabe,” mahinang bulalas ni Queen. Parang may humuhukay sa kanyang sikmura at gustong kumawala ng puso sa dibdib niya sa sobrang kaba at kilig.
Ngunit biglang naglaho ang init na iyon. Pumasok sa isip ni Queen ang ginawa ng lalaki sa kanya. Hindi niya inasahan na ang dalawang linggong honeymoon vacation nila ay mauuwi sa ganoon. Hindi niya akalaing iiwan siya nito at babalik lang pagkatapos ng dalawang linggo na parang walang nangyari. Wala man lang paliwanag.
Alam niyang hindi gusto ni King Lex ang kasal na ito, pero kailangan ba talagang iparamdam sa kanya nang ganoon kabigat?
Ang honeymoon suite na para sana sa kanilang dalawa ay nauwi sa lalaki at sa two years girlfriend nitong si Lyka. Gusto niyang manumbat, pero wala siyang karapatan. Kaya sa loob ng kanyang isip, mapait siyang ngumiti.
“Queen, nandito na tayo,” sabi ni King Lex.
Napakurap si Queen nang marinig ang boses na matagal nang nakaukit sa kanyang isip. Dahan-dahan siyang napatingin dito at tumango. Sumunod siya sa pagbaba ng sasakyan, habang pinipigilan ang mabigat na buntong-hininga.
Hay. Husband niya ito.
“Husband,” mahinang usal ni Queen sa sarili.
Bahagya siyang ngumiti. Masarap sana pakinggan ang salitang iyon, pero mas masakit isipin na sa papel lamang siya asawa nito. Wala nang higit pa roon.
“Tama na, Queen. Baka iiyak mo na naman iyan mamaya,” bulong ng isip niya. Kaya napailing siya at nagpatuloy sa paglakad, kasabay ni King Lex.
Tahimik silang kumain sa hapag-kainan kasama ang kanilang mga magulang.
“So, kumusta ang bakasyon ninyo?” tanong ni Papa ni Queen.
Nagbaba ng tingin si Queen. Paano niya sasabihin na hindi siya ang kasama ni King Lex sa Tagaytay, kundi ang girlfriend nitong si Lyka? Wala naman siyang karapatan magalit. May kasunduan sila, magpanggap na masayang mag-asawa sa harap ng kanilang pamilya. Kahit kabaliwan, pumayag siya. Dahil iyon lang ang paraan para mapanatili niya ito sa buhay niya, kahit hiram lang, kahit peke lang.
Alam ni Queen ang pakiramdam na asawa niya ito pero hindi niya ito pwedeng angkinin.
Naalala pa niya ang mga salitang binitawan nito sa kanya.
“Remember this, Queen. I didn’t marry you because I like you or love you. I did this because it’s the only way to gain my parents’ full support. So don’t expect me to treat you as my wife. If there’s someone I want to marry, it’s Lyka, not you. Let’s just pretend for two years for the sake of our families. After that, we filed for divorce. Got it?”
Hindi makalimutan ni Queen kung paano ito tinalikuran ng malamig, habang siya ay naiwan na pilit kinakalma ang sariling hindi bumigay.
Napakurap si Queen at napatingin muli kay King Lex. Natigil ito sa pagsubo at ngumiti sa ama niya.
“Okay naman, Pa. We did enjoy it together, right, baby?” sabi ni King Lex habang hinawakan ang kamay ni Queen na nakapatong sa mesa.
Pilit na ngumiti si Queen at tumango, kahit taliwas sa nararamdaman niya.
“That’s good to hear. Dahil nag-enjoy kayo. By the way, we have something to tell you,” sabi ni Papa niya.
Nagkatinginan ang mga magulang nila. Kumislap ang mga mata ng matatanda bago sabay-sabay na tumango.
“At dahil nasa tamang edad na kayo, nag-decide kaming bilhan kayo ng bahay para doon kayo tumira. Hindi ba, kumare at kumpare?” masayang anunsyo ng ama ni Queen.
Napangiti ang ama ni King Lex at sumang-ayon.
Sumulyap si King Lex kay Queen. Mariing naglapat ang panga nito, halatang hindi nagustuhan ang narinig, pero pinigilan ang sarili.
“What do you think, guys?” tanong ng mama ni King Lex.
Tumingin si Queen kay King Lex, hindi alam ang isasagot. Nagulat siya nang muli nitong hawakan ang kanyang kamay sa ibabaw ng mesa.
“Okay naman po sa amin ni Queen. Marami pong salamat,” sagot ni King Lex na may ngiti sa labi pero hindi umabot sa mga mata.
Tumango na lang si Queen at bahagyang ngumiti.
“That’s good,” masayang sabi ng mama nito.
“At dahil gabi na at pagod kayo sa biyahe, mas mabuti na dito na lang kayo magpalipas ng gabi. Okay lang naman, diba, Mare?” dagdag pa nito.
Tumango lamang ang kanyang ina upang pagsang-ayon, hindi rin makailang masaya ito sa naging desisyon ng mga magulang ni King Lex.
Wala na sila nagawa kundi sumunod sa desisyon ng mga nakatatanda, habang ang bigat sa dibdib niya ay unti-unting bumabalot sa katahimikan ng gabi.
Dumating na ang gabi. Tahimik silang kumain ni King Lex sa kusina, habang sabak niya si Lexandra na di inalis ang tingin sa ama. Kahit sinusubuan niya ito, titig na titig ito sa lalaking walang imik na kumakain.Nang matapos na niyang pakainin si Lexandra, nilagay niya ito sa sahig sa gilid niya para makakain siya, pero di siya makakain nang maayos dahil di mawala ang mata niya sa anak sa takot na baka umalis ito sa pwesto. Tumayo si King Lex na kinangat niya ng tingin."Kumain ka, ako na nagbabantay sa kanya..." seryosong sabi nito bago pa man siya makapagsalita.Tinaas ni Lexandra sa lalaki ang dalawang kamay nito, ibig sabihin gusto niyang magpabuhat sa lalaki. Ito ang unang pagkakataong gustong magpabuhat ni Lexandra sa lalaki. Madalas kasi siya lang ang gusto nito.Binuhat naman agad siya ng lalaki. Di maalis ang mata niya sa dalawa na nakaupo sa harap niya. Pag pinagtabi mo sila, di makakailang mag-ama sila. Umiwas siya ng tingin at nagsimulang kumain. Mamaya pa, napatingin siya
Inalis ni Queen ang suot-suot na shades at huminga siya nang malalim nang makababa na siya sa airplane. Yes, she is coming back home with her baby Princess. Babae ang anak nila, magdadalawang taon na ito. Her name is Lexandra. Napangiti siya nang lumapit sa kanya ang kanyang yaya na hawak-hawak si Lexandra, naka-angat ang kamay nito sa kanya, gustong magpabuhat."Aww, miss mo na agad si Mommy, baby ko hmm..." nakangiting ani niya habang kinuha si Lexandra, at yumakap naman ito sa kanya.Si Lexandra ay kamukhang-kamukha niya, pero pag pinagmasdan mo ito nang mabuti, masasabi mong nakuha nito ang mata sa ama at ang labi. Pati ugali ay sa ama-tahimik pero malambing. Gustong-gusto rin nito kapag hinihimas ang ulo niya, just like her. Noong unang buwan niya sa States, she didn't know how to survive; araw-araw hinahanap niya ang presensya ng lalaki. Parang mababaliw siya sa kakamiss rito lalo pa't ito ang pinaglihi niya. Kaya naman isa sa mga unan nito ang dinala niya nang umalis siya-iyon
Meanwhile, hindi alam ni King Lex kung ano ang gagawin.Gusto niyang pigilan ang babae, pero hindi niya magawa. Natulos lang siya sa kinatatayuan niya.Gusto niyang magsalita. Yakapin ito.Pero wala siyang masabi.Habang lumalakad ito palayo sa kanya, pakiramdam niya unti-unting bumabawas ang buhay niya.Nang makalabas na ito ng bahay nila, napaupo siya sa sahig at natulala.Pero mabilis din siyang tumayo nang marinig ang huni ng kotse.Mula sa kwarto nila, tanaw niya ang kotseng sinasakyan ni Queen.Gusto niyang bumaba at pigilan ito, pero wala naman siyang mairason.Lumipas ang isang linggo.Pakiramdam ni King Lex, talaga ngang nawala ang kalahati ng buhay niya.Wala siyang ganang kumain. Ganoon din sa trabaho.Nakakulong lang siya sa kwarto nila ni Queen, yakap-yakap ang unan ng babae.Inaalala niya ang mga halakhak nito, ang lambingan nila sa loob ng silid na iyon.Mula nang umalis ang babae, hinahanap-hanap na niya ang lambing nito-ang ngiti, ang luto, ang amoy, at ang pag-aalaga
Isang linggo na ang nakaraan. Nasa loob siya ngayon ng banyo, hawak-hawak niya ang pregnancy test.Yes, she tried one para malaman kung tama ang kutob niya, at ang resulta ay nagpatigil sa mundo niya.It’s positive...Halo-halo ang nararamdaman niya—saya, lungkot, pag-aalala, at kaba.Huminga siya nang malalim saka nagdesisyong magpa-test sa ospital para makasiguro.Ilang minuto lang ang nakalipas, nasa harap na siya ng ospital. Kinakabahan man, pero pinatatag niya ang loob niya at pumasok na.Dalawang araw ang makalipas, lumabas na ang result at positive—buntis nga siya.She is one week pregnant.Hawak-hawak niya ang envelope sa kamay niya.Dalawang envelope.Dalawa dahil kanina lang din dumating ang annulment papers nila ni Lex.Oo, kailangan niyang ibigay ito sa lalaki.Hangga’t hindi ito nagsasabing hindi matutuloy, tuloy iyon.Ngayon nga, nanginginig ang mga kamay niya.Patungo siya ngayon sa opisina ng lalaki.Gusto niyang ibigay ang dalawang envelope.Nagbabakasakali siyang bak
Kakaibang experience ang pinagdaanan niya kasama ang lalaki sa napakagandang resort na iyon. Ibang-iba sa dati nilang setup. Masayang-masaya siya sa bawat araw na lumilipas sa lugar na iyon. Doon niya lang din naramdaman na asawa niya ang lalaki, dahil lahat ng ginagawa ng married couple ay ginagawa nila.Wala silang sinayang na oras. Kada araw ay nagto-tour sila sa buong lugar at ginagawa ang mga activities doon—swimming, walking, zip line, at picture taking din sila na hindi niya inaasahang sasabayan ng lalaki. Pagdating naman ng gabi, pinagsasaluhan nila ang mainit na physical type of love.Kaya nalungkot siya dahil pauwi na sila ngayong araw. Hiniling niya na sana walang magbago. So far, okay naman dahil nag-uusap na sila sa loob ng sasakyan, pero nasa likuran pa rin siya."Nag-enjoy ka ba?" tanong nito kaya inangat niya ang tingin."Oo naman, sobra. Salamat ha," malapad na ngiting tugon niya.Ngiti lang ang isinukli nito.Lumipas ang ilang oras at nakarating na sila sa tapat ng g
Kinabukasan, inaasahan na ni Queen na magbabago na ang pakikitungo ng lalaki sa kanya, na tulad ng dati, pero nagulat siyang paggising niya ay nakayakap pa rin siya sa lalaki at nakaunan sa dibdib nito. Inangat niya ang ulo at itinukod ang siko sa unan para pagmasdan ang natutulog na lalaki. Hindi niya maiwasang padulasin ang kanyang kamay sa mukha nito."Ang gwapo mo talaga..." mahinang usal niya saka ngumiti. Siniksik niya ang katawan sa lalaki.Sana ganito na lang tayo lagi, pero alam kong hindi puwede. Hanggang isang buwan lang... Hiram lang kita, ih...Pinahid niya ang luha nang maramdamang gumalaw ang lalaki."Good morning," nakangiting bati niya.Kinusot nito ang mga mata tapos tumingin sa kanya. Akala niya ay itutulak siya nito, pero nagulat siyang ngumiti ito."Morning..""Bangon na at maligo.." mahinang usal niya saka bumangon para makabangon din ang lalaki.Bumangon nga ito at tumayo sa kanilang gilid, habang siya ay inayos ang pagkakatapis ng kumot sa katawan, pero napatil







