共有

Kabanata 2

作者: blazers990
Andrea's POV

Kinabukasan pagkatapos ng shooting incident, nagising ako sa ingay ng phone ko—sabay-sabay ang notifications. May matinding sakit ng ulo, inabot ko ang phone ko, at nagulat sa mga nakikita ko. Viral na ang nangyari. Social media puno ng galit at paminsang awa para sa akin, kumakalat ang mga komento na kinokondena si Edward.

“Imagine marrying a man who'll dive in front of a bullet—but only if it’s for someone else.”

“What kind of man abandons his future wife in a life-threatening situation?”

“Poor Andrea… deserve niya ng taong maalala talaga kung sino ang fiancé niya.”

Umiikot ang tiyan ko sa galit at lungkot habang binabasa ang mga comments.

Tumunog ang phone ko.

Daddy’s calling…

“Andrea,” malakas ang boses niya, halata ang nakatagong galit. “I’ve seen the news. The engagement is over, Andrea. Hindi ko papayagan na mapanood lang ang anak ko na may dugo sa braso habang niyayakap siya ng ibang babae.”

“Dad, please,” bulong ako, ang boses ko ay parang pumipitik na. “Hindi ganiyan. Edward… hindi siya nakapag-isip nang malinaw. Split-second decision lang sa kaguluhan.”

Kahit pinapaliwanag ko siya, may maliit na boses sa isip ko na nagtatanong: Pero hindi ba instinct niya dapat protektahan ako?

“A split-second decision na pwedeng ikamatay mo, Andrea! Naiintindihan mo ba ‘yan? Kung tinamaan ka ng bala sa dibdib—”

“Pero hindi,” putol ko, hindi ko kayang isipin ang na nagawa ‘yon ni Edward sa akin. “Dad, mahal ko siya. Labindalawang taon na kami. Hindi mawawala lahat ng ‘yon dahil sa isang pagkakamali.”

Tumahimik siya ng mahabang sandali bago huminga nang malalim si Daddy. “Palagi kang sobrang mapagpatawad, tulad ng Mommy mo. Fine. Pero kung ilalagay ka niya sa panganib muli—”

“Hindi niya gagawin ‘yon, Dad,” putol ko ulit, kahit may halong duda sa puso ko.

Pagkatapos no’n, dumating si Edward kasama ang mga magulang niya—sina Antonio at Carmen Anderson. Habang maingat na tinakpan ni Carmen ang tunay niyang emosyon sa isang maskara ng magalang na pag-aalala, malinaw naman ang totoong nararamdaman ni Antonio. Nakayuko ang balikat nito, puno ng pagsisisi ang mga mata, at bawat salitang binibitawan niya ay parang may mabigat na dalang bigat sa dibdib niya.

“Andrea, dear,” si Carmen ang unang lumapit, ang designer heels niya kumakatok sa marble floor ng malakas at tiyak, na parang bawat tunog ay tumatagos sa katahimikan. "We are so deeply sorry about what unfolded. It must have been absolutely terrifying for you—having something so unthinkable happen right before your eyes.”

Lumapit si Edward sa tabi niya, ang tingin niya ay puno ng tapat at walang halong pagsisisi na parang dumadaloy sa bawat linya ng mukha niya. “Andrea, hindi ko maipaliwanag sa salita ang nararamdaman ko. Hindi ko talaga naisip nang malinaw ang nagawa ko kahapon. The second I registered what I’d done, a cold horror washed over me. Please… I beg you to forgive me.”

Tumingin ako sa mga mata niya—ang parehong mata na minahal ko noon pa at tumango. “I understand, Edward. It was a chaotic situation.”

Para maayos ang lahat—pamilya at media ay naglabas kami ng joint statement. Sinabing misunderstanding lang ang nangyari. Unti-unti, humupa ang media frenzy at parang bumalik sa normal ang buhay namin

Sa mga sumunod na araw, maalalahanin at mapagmahal si Edward. Kasama niya ako sa lahat ng wedding preparation—cake tasting, venue inspection, lahat. Akala ko, siguro nga, momentary lapse lang ang nangyari. Unti-unti, nawala ang duda ko at pinalitan ng excitement para sa nalalapit na kasal namin.

Dumating na rin ang araw. Ang Villamor-Anderson wedding ang pinaka-usap-usapan sa Makati, libu-libong bisita sa grand ballroom na ginawang fairytale setting. Crystal chandeliers nagbigay ng soft glow sa roses at lilies ng Anderson family, habang ang string quartet ay mahinang tumutugtog.

Nakatayo ako sa likod ng entablado kasama ang aking ama, ang aking puso ay mabilis na tumitibok sa kagalakan at paghihintay. Ang aking puting gown na pangkasal, na may masusing detalyadong telang burda at mga palamuti na perlas ay espesyal na ginawa para sa akin, at naramdaman kong para akong isang prinsesa kapag isinusuot ko ito.

“Nervous, sweetheart?” tanong ni Daddy, hawak ang braso ko para pakalmahin ako.

Bago ako makasagot, narinig ko ang master of ceremonies. “Ladies and gentlemen, please welcome our handsome groom, Mr. Edward Anderson!”

Nagpalakpakan ang mga tao, pero segundo ang lumipas, wala pa rin si Edward. Unti-unting humina ang palakpakan, napalitan ng bulungan. Ang MC nag-effort pa ring magpatawa, pero halata rin sa mukha niya ang pag-aalala kung bakit hindi pa rin lumalabas si Edward.

Biglang nagkaroon ng commotion sa backstage. Isang malakas na sampal ang tumunog, sumunod ang malakas na boses ni Tita Carmen.

“Edward Anderson, bumalik ka rito ngayon din!”

Bago ko maproseso ang nangyari, dumaan si Edward sa tabi ko, ang mukha niya ay maputla, at determinado. Tinanggal niya ang groom boutonnière, at saglit na nagkatinginan kami.

“Andrea, I’m sorry,” bungad niya, halatang nagpa-panic. “Margaret fell… she’s hurt. Hindi ko siya puwedeng iwan lang. We’ll… we’ll reschedule the wedding, just a few days.”

Parang gumuho ang mundo ko. Lahat ng saya, antisipasyon, pangarap… nawala sa isang segundo. Halata na ang warning signs simula pa no’ng shooting incident, pero pinili ko kayang balewalain.

Nangunot ang mukha ng ama ko sa galit. “Edward, you can’t just—”

Pero si Edward… wala na. Naglaho na ang mga yapak niya habang mabilis siyang tumakbo patungo sa exit, iniwan akong nakatayo lang sa gitna ng ballroom sa aking wedding gown—isang nag-iisang pigura sa gitna ng mga naguguluhang bisita na nakatitig sa akin. Ang pangarap ko para sa araw na ito, nagkalat at nadurog.

Parang may pumutok sa loob ko. Pagkatapos ng lahat, preparation, pagdepensa ko sa kaniya sa lahat… pinili pa rin niya si Margaret. Hindi ko siya puwedeng hayaang umalis ng ganito.

“Edward!” sigaw ko, hinahawakan ang gown ko habang hinahabol siya. Ang high heels ko kumakatusok sa paa, bawat hakbang ang paalala ng lahat ng gagawin ko para sa taong hindi gagawin iyon para sa akin.

Pagdating ko sa hotel lobby, nakita ko siya sa labas, handang tumawid sa kalsada papunta sa waiting car. Pumwersa akong pumasok sa pinto, desperadong habulin siya.

“Edward, please!” sigaw ko, tumapak sa kalsada, at patuloy pa rin siyang hinahabol.

Umalingawngaw ang kalansing ng preno sa paligid, at lumingon ako para makita ang isang itim na kotse na biglang lumiko para iwas sa akin. Sa pagmamadali kong makaiwas, nawalan ako ng balanse at bumagsak nang malakas sa kalsada, ang dating puting gown ko ngayo’y nabahiran na ng dumi at dugo mula sa mga gasgas na palad ko.

Sa pagkalabo-labo ng mga luha ko, nakita ko si Edward. Tumigil siya saglit, at nagkatinginan kami. Magkahalo ang pagkalito at guilt sa kaniyang mga mata…pero hindi siya huminto. Sumakay siya sa kotse.

Pinili niya ulit si Margaret.

Sa sandaling iyon, parang may bahagi ng puso ko ang tahimik na namatay, unti-unting nawawala sa mundo dahil iniwan akong mag-isa sa sakit at pagkabigo ng taong mahal ko.
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival   Kabanata 63

    Dylan’s POV“I’m thinking about how to seduce you.”Parang may tumama sa akin nang diretso ang mga salita niya. Biglang lumiit ang loob ng sasakyan, parang masyadong mainit, masyadong sikip. Nakatitig lang ako sa kaniya, pinapanood ang hiya at pagkabigla na dahan-dahang kumalat sa mukha niya nang ma

  • Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival   Kabanata 62

    Andrea’s POVMalalim ang naging buntong-hininga ko nang makaalis na ang lahat mula sa private dining room. Sa wakas, kaming dalawa na lang ni Dylan.Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang lipstick stain sa kwelyo niya. Paulit-ulit nitong hinihila ang atensyon ko, parang neon sign na kumikislap. Nan

  • Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival   Kabanata 61

    Binigyan siya ng manager ng warning glare, pero kinuha pa rin nito ang ilang tablets at ipinapasa kay Andrea.Si Andrea, na nagdesisyong yakapin na lang ang kahihiyan, ay tinanggap iyon nang maayos. “Thank you.”Biglang dumilim ang ekspresyon ni Dylan.Ang ideya na si Cris ang nagbibigay ng kahit an

  • Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival   Kabanata 60

    Third Person’s POVSumikip ang mga mata ni Cris nang mapansin niya ang lipstick stain sa collar ni Dylan. Ang matingkad na pulang marka ay halos sumisigaw kung ano ang nangyari sa pagitan ng mag-asawang Romero papunta rito.Alam niyang sinasadya iyon ni Dylan, isang tahimik pero malinaw na deklarasy

  • Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival   Kabanata 59

    Andrea’s POVParang may butterflies sa tiyan ko habang iniisip ang dinner ngayong gabi. Ito ang unang pagkakataon na lilitaw ako sa publiko katabi si Dylan bilang Mrs. Romero. Business dinner pa at isang setting kung saan bawat tingin ay sinusukat, bawat salita ay maingat na pinipili.Kaya, siyempre

  • Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival   Kabanata 58

    Pero kahit gano’n… may something sa tono niya na parang personal. Parang may pag-aangkin. Possessive, even.Kinagat ko ang labi ko, kabado, at binuksan ang Twittèr. Tuluyan nang nawala ang trending hashtag na #AndreaAndCris. Napabuntong-hininga ako sa ginhawa habang napasandal sa upuan. Ginawa niya

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status