分享

Chapter 3

last update publish date: 2026-08-08 22:51:18

AZ:

NANGHIHINA at hirap na hirap akong naglakad na lumipat sa kama ko. Nang maihiga ko na ang katawan sa kama, tuluyang bumigay ang katawan ko. Ramdam kong inaapoy ako ng lagnat, pero hindi ko na magawang asikasuhin ang sarili ko. My throat was painfully dry. Even breathing felt exhausting.

I tried to sit up and reach for the glass of water on my bedside table, but the moment I lifted myself, dizziness washed over me. Umiikot ang paningin ko at hindi kayang gumalaw ng katawan ko, maski kamay ko!

I fell back against the pillow.

"T-tubig, please."

My voice was barely a whisper. Mabibigat ang paghinga ko at sobrang kirot ng ulo ko na parang sasabog! I stared at the glass sitting only a few inches away. But it felt like it was a mile away.

I tried again.

My arms trembled. But I couldn't even lift myself properly. Sobrang tuyong-tuyo na ang lalamunan ko at uhaw na uhaw na ako, pero hindi ko kaya. Hindi ko magawang maikilos ang katawan ko.

I closed my eyes and curled beneath the blanket, hoping the fever would somehow disappear by morning. Kahit malabo, umaasa akong titignan ako ni mama at aasikasuhin. Kahit na ni minsan–hindi nila ako inasikaso. Tumulo ang luha ko habang mariing nakapikit, nakabaluktot at nanginginig ang katawan. Hanggang sa tuluyan na akong nakaidlip.

When I woke up the next morning. I tried to sit up, but my head spun immediately. Napahawak ako sa ulo ko na parang pinipiga ang bawat braincells ko sa sobrang kirot nito. Umiikot pa rin ang paningin ko at dama ko ang panginginig ng katawan ko kahit inaapoy ako ng lagnat. Inabot ko ang cellphone ko sa mesa at tinawagan ang mama. I dialed her number several times before she answered my call.

“Ano na naman ba, AZ? Nasa labas kami,” saad nito na ikinapikit ko.

I took a deep breath. My parents were already gone. The house was silent. Napalunok ako na huminga munang malalim bago nagsalita.

“Mama, may lagnat–”

“Sige na, I have to hung up. Nandito na ang kausap namin ng papa mo, oh siya nga pala, ayusin mo na ang mga gamit mo d'yan ha?”

After saying that–she ended the call. Napalapat ako ng labi, pinipigilang tumulo ang luha. Nanghihina akong ibinaba ang cellphone ko sa mesa at ‘di na namalayan ang pagtulo ng luha ko.

Ilang minuto akong nakatulala sa kawalan at luhaan bago napatahan ang sarili nang maalala ang kaibigan ko. I wipe my tears and took a deep breath. My fingers trembled as I reached for my phone once again.

I called my best friend. Just a few seconds , she answered my call.

"Hello, AZ? Where are you?"

"Hi, I'm home, Trace."

My voice sounded horrible even to my own ears. There was a pause before she speak again.

"What's wrong with you? Okay ka lang ba?"

Mapait akong napangiti na napapikit. "I have a fever kaya gan'to ang boses ko, bes."

"What? Since when?" gulat nitong tanong na bakas ang pag-aalala.

"Last night."

"Are you alone?"

"Yeah. Uhm, are you free today? Hindi ko kasi kayang gumalaw, bes. I need your help." Pakiusap ko.

There was silence on the other end.

Then Tracy cursed. "Fvck them. Don't move, bes. I'm coming."

Pagkababa ng linya, nakahinga akong maluwag. At last, may tutulong na din sa akin. Muli akong nahiga at binalot ang sarili ng kumot saka itinulog saglit. Less than an hour later, Tracy practically dragged me out of the house and into her car.

Since highschool, we are bestfriend. May kaya ang pamilya ni Tracy kumpara sa amin. Simple lang naman kami e. Ang papa ay isang professor sa university, ang mama naman ay may maliit na lomihan.

"You should've called me last night, AZ! Look at yourself oh? Gusto mo na bang mamatay?" pagalit nito sa akin habang patungo kami ng hospital.

"I thought it would go away." Mahina kong sagot.

"You thought a fever this bad would just disappear? Girl naman. Mag-alala ka rin naman para sa sarili mo. Saka, what happened to you yesterday? Akala ko ba lalabas tayo? You're not answering my calls. May problema ba?" sunod-sunod niyang tanong na pasulyap-sulyap sa akin at nagmamaneho ito.

“Naaksidente si Lewis kahapon e–”

“O e ano naman kinalaman ng hilaw mong bayaw, aber?” sarkastikong tanong nito.

Alam niya kasing may gusto ako kay Lewis. Sinusuway nga ako na tigilan ko na pero hindi ko naman masuway ang puso ko.

“Uhm, nadaanan ko ‘yong sport car niya sa daan kaya bumaba ako, ayon, nailigtas ko siya bago sumabog ang sasakyan niya. Kaya nawala na sa isip ko ang lakad natin. Ang dami kasing nangyari e.” Sagot ko.

Nangunotnoo ito na napasulyap sa akin. Bakas ang katanungan sa mga mata.

“What do you mean, bes? May hindi ka ba sinasabi sa akin?”

Napahinga akong malalim bago muling nagsalita. Sinabi sa kanya ang mga nangyari kahit nanghihina ako. Ang mga nangyari sa daan, sa hospital. . . at sa bahay. Knowing her? Hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ko sasabihin ang lahat.

“Siraulo talaga ‘yang pamilya mo. Ibang tao nga, kahit alagang pusa o aso, kapag lilipat sila ng tirahan ay dadalhin ang mga alaga nila e. Ano'ng tingin nila sa'yo? Iiwan ka na nga dito, ibebenta pa ang bahay niyo? Ibang klase,” nagngingitngit na saad nito.

Mapait akong napangiti. “Hayaan mo na. That's their house–not mine.”

“Haist. Ano pa nga ba?”

ILANG minuto pa, nakarating na kami sa hospital. The moment we arrived, Tracy rushed me inside.

“Bes naman, bakit dito? Mahal dito–”

“Hwag ka nang makipagtalo at nakakatakot ‘yang taas ng lagnat mo,” pagalit nito.

Dinala nila ako sa emergency room. Nahihilo na din ako at ramdam na hindi maigalaw ang katawan maski kamay ko. I closed my eyes. I heard people around me, what was happening around me. The bright lights. The nurse, doctors and all their questions.

But everything became a blur. Dinig ko namang nakikipag-usap si Tracy sa mga nurses habang inaasikaso ako ng doctor at sinusuri. My eyes remained closed. I didn't have the strength to open them. A few minutes later, I felt myself being moved somewhere.

"Why didn't her family bring her here?"

I heard a woman's voice. Kung hindi ako nagkakamali, si Ma'am Chel iyon–ang ina ni Lewis. Hindi na ako nagulat at dito lang naman sa Madrigal Hospital ako dinala ng kaibigan ko. Ito kasi ang pinakamalapit na hospital pero may kamahalan lang.

"They don't mind po, ma'am. Wala namang pakialam ang pamilya nito kahit tumirik na ang mga mata ni AZ sa taas ng lagnat," Tracy answered.

Her voice sounded angry. Gusto ko ngang suwayin ito at nakakahiya pero–hindi ko magawa. Hinang-hina ako at kahit ibuka ang labi o magdilat ng mata ay ‘di ko na magawa.

“Pwede ba naman iyon? My poor AZ. Sinabihan ko siyang mag-stay na lang dito kahapon pero umuwi pa din e.” Dinig kong saad ni Ma'am Chel saka may humaplos sa ulo ko.

"She told me she had been running a fever since last night, ma'am. She was alone in the house when I arrived. Mabuti nga po at natawagan niya pa ako kanina, ma'am, baka kung hindi–tumirik na ang mata niya doon." Saad ni Tracy na nanggigigil.

"Alone?"

"Opo. Her parents weren't even there."

"That's strange."

“Ang mahalaga po ay nandito na siya, ma'am. Ligtas na ang kaibigan ko,” saad ni Tracy na lihim kong ikinangiti.

“Still, hija. Kawawa naman si AZ. Hindi pa nga magaling ang mga sugat nito mula kahapon sa insidente e. How comes they did not notice their own child having a high fever like this?”

I wanted to open my eyes. I wanted to tell them that it was fine. That my parents probably had their reasons. But my body wouldn't cooperate. I could hear everything. Every voice. Every footstep. Every worried whisper. Pero wala akong sapat na lakas para kumilos o magsalita.

"She saved my Lewis's life. How could they leave her alone while she's this sick?" dinig kong saad ni Ma'am Chel.

Maya pa'y may boses ng lalake ang nagsalita–si Sir Leon.

"Move her to the presidential floor. Make sure she gets everything she needs." May diing utos nito.

“Yes, sir.”

Then darkness swallowed me again. Kahit paano, kampante na ang loob kong magpatangay sa matinding pagkahilo.

*****

When I finally woke up, the room was unfamiliar. I slowly opened my eyes. The first thing I noticed was the IV attached to my hand. Kumpara kaninang umaga, mas maayos na ang pakiramdam ko. Hindi na ako gano'n kahina.

I blinked several times. The room was enormous. Elegant furniture. Soft lighting. A private bathroom. A huge window overlooking the city. I looked around. Tahimik na ang paligid at walang ibang tao dito.

But then I noticed someone sleeping beside my bed.

"Trace."

She was sitting on a chair with her head resting against the edge of my mattress. One of her hands was still holding mine. She must have fallen asleep while watching over me.

A small smile tugged at my lips.

At least I had her. I slowly turned my head toward the sofa. Someone was sleeping there too. A tall young man with dark hair, sharp features, and fair skin.

I recognized him immediately. Tiger Madrigal. Lewis's older brother. I glanced at the clock. Pasado alasdose na ng gabi. Kung hindi ko pa kitang madilim na sa labas ay hindi ko mapapansing gabi na pala. Maghapon akong nakatulog.

"AZ?"

Napalingon ako sa kaibigan ko na bagong gising. Namumula pa ang mga mata nitong inaantok at pagod. I forced my smile.

“How do you feel, bes?” nag-aalalang tanong nito.

"I'm okay, bes."

She sighed in relief. "You're finally awake. Are you hungry?"

I nodded. "Gutom na nga,” mahina kong sagot.

Tumayo ito na ngumiti. “Sandali lang. May pagkain dito–” yumuko ito saka bumulong. “Dala ng mga Madrigal. Ang swerte natin ha?” she teased me.

“Magtigil ka nga.”

Mahina itong natawa. She walked toward the small table and picked up a container.

"I'll heat this up."

"It's okay, gutom na–”

"Saglit lang ito, bes. Mas masarap ang lugaw kung mainit." Sagot nito saka kumindat pa.

I smiled weakly. Nagtungo ito sa mini kitchen at ininit ang dala. Few minutes later, she came back with a bowl of warm porridge. Umuusok pa iyon. Amoy pa lang no’n ay nakakagutom na!

"Here." Anito na maingat inilapag sa mesa ang dala.

She carefully helped me sit up. Medyo mahina pa ang katawan ko, pero kaya ko naman na.

"Slowly." She reminded me.

She blew on the spoon before offering it to me.

“Ah,” anito.

Napanguso ako. "I can eat by myself. Ginagawa mo naman akong bata e."

“Hwag ka nang umapila at hindi mo pa kaya." Pagalit nito sa akin.

I sighed. “Opo.”

She fed me patiently. Lihim akong napangiti na masarap nga ang lugaw. For the first time since I woke up, I felt something warm in my chest. Someone was taking care of me. Not because they had to. But because they wanted to.

“Dahan-dahan lang. Hindi naman kita aagawan,” biro nito nang muntik akong masamid.

Inabot niya ang tubig na pinainuman muna ako. “Sorry, gutom na gutom na ako e. Kagabi pa ako walang kain,” pag-amin ko.

“Haist, kaya bumigay ang katawan mo e.” Anito na sinubuan akong muli.

We were halfway through the bowl when we heard movement from the sofa. Tiger had woken up. He rubbed his eyes before walking toward us. Bakas din ang pagod sa mga mata nito.

"You're awake." Aniya na sinalat pa ako sa noo.

I nodded. Pilit akong ngumiti dito. "How are you feeling?"

"Mas okay na po, sir–"

He pulled a chair closer. “Kuya Tiger na lang. Do you need anything?" saad nito.

I shook my head. "O-okay po, k-kuya. Okay na po ako, pasensiya na sa abala.” Nahihiya kong sagot.

Tumango naman ito na ngumiti at hinaplos pa ako sa ulo.

"If you need medicine, food, anything at all, just tell me, okay? Siya nga pala, nasa kabilang silid lang si Lewis, kasama sina daddy. Kapag kaya mo na ang sarili mo, you can visit him. Wala pa siyang malay hanggang ngayon," anito na ikinalunok ko.

Inabot nito kay Tracy ang bowl at siya na ang nagpakain sa akin. Nahihiya man, tinanggap ko na lamang. Hanggang sa maubos iyon at dinala ni Tracy sa kitchen ang pinagkainan ko.

“Your friend said everything. Kapag kailangan mo ng tulong, kahit ano pa iyan, hwag kang mahihiyang magsabi sa amin, okay?” wika nito na seryoso.

I stared at him for a moment. He was genuinely concerned. That made me remember the problem waiting for me outside the hospital. Napalapat ako ng labi. Nakakahiya pero kung iisipin ko–ako rin ang mahihirapan kung hindi ako magpapatulong. Dahil imposible namang iwanan ako ng pera nila mama e kaya nga nila ibebenta ang bahay para may magamit sila patungong America.

"Uhm, actually. . . "

He looked at me. "Yes?"

I swallowed. "Could I ask you for a favor, kuya?"

"Of course. Say it." Anito.

Napalapat ako ng labi, nahihiya akong magsabi. But I have no other choice. Aalis na sila mama at wala pa akong nahahanap na malilipatan.

"I. . .I need help finding a place to stay, kuya. I need an apartment. Para makalipat na ako paglabas ng hospital.”

“Gusto mo ba sa bahay ka na muna, bes?” alok ni Tracy na ikinailing ko.

“Hwag na, bes, nakakahiya kina tita. Ang dami ko na ngang utang sa’yo e. Isa pa, medyo malayo ang bahay niyo sa trabaho ko e.” Pagtanggi ko.

Napahinga ito nang malalim na tumango. Tahimik naman si Kuya Tiger na nakikinig sa amin.

“Yong murang apartment lang sana. Something close to my workplace would be better. Para hindi na ako mamamasahe pagpapasok ng trabaho at uuwi. Magkano lang naman ang sahod ko sa kumpanya e. Hindi no'n kayang icover ang bills, apartment, groceries, transportation ko at iba pa." Nahihiyang saad ko.

"If you want, I have a condo." Saad ni Kuya Tiger na ikinalingon namin dito.

“Hmm?”

"It's near your workplace, AZ. You can stay there.” Alok nito.

I shook my head immediately. "Hwag na, kuya. I can't afford your condo. Apartment lang po ang kaya ng budget ko.”

"You don't have to."

I frowned. "What do you mean po?"

"You can stay there." I stared at him.

"Stay there?" ulit kong tanong na ikinatango nito.

"Aha. For free."

My eyes widened. “Po?!”

Nagulat ako na napatakip ng palad sa labi! Baka kasi iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko!

“Kuya, I'm not saying na bigyan mo ako ng matitirhan. That's not what I meant. Nakakahiya sa'yo. Ang ibig kong sabihin, magpapahanap sana ako ng apartment sa inyo, habang nandito pa ako sa hospital,” paliwanag ko na ikinangiti nito.

“I'm not thinking that way, AZ. You asked my help, that's why I offered my condo,” sagot nito na ikinailing ko.

"I can't just live there without paying, kuya. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Baka mamaya, mag-away pa kayo ng asawa mo, hwag na lang po.”

Tinapik niya naman ako sa balikat. "It's okay, AZ. Kakausapin ko na lang ang asawa ko tungkol doon. The place is empty anyway. Pero, panatilihin mong malinis doon ha?"

"Pero–"

"You saved my brother's life, AZ.”

His expression became serious. Napalunok ako na hindi nakaimik.

"Our family owes you. Maliit na bagay lang ito, kumpara sa ginawa mong pagligtas kay Lewis" Anito na kalmado.

I shook my head. "I didn't save him because I wanted something in return, kuya."

“We know. Pero kailangan mo ng tulong, AZ. Tanggapin mo na lang, okay?” sagot naman nito.

"Bes, take it." Segunda ni Tracy.

I looked at her. "Bes–"

"What? You're worried about rent, transportation, food, everything. This solves at least one major problem. Malaking bagay na iyong hindi mo poproblemahin ang renta mo sa tirahan mo monthly at pamasahe daily.” Aniya na kinukumbinsi ako.

Napangiwi ako. Nilingon si Kuya Tiger na nakaupo sa gilid ko.

"Okay lang po ba talaga? Hindi po kayo magkakaproblema ng asawa mo, kuya?" I asked him.

"No. Hindi naman namin ginagamit iyon e. I know my wife, maiintindihan no'n ang sitwasyon mo, AZ." Tugon naman nito.

Napangiti ako na nangilid ang luha. Para akong nabunutan ng tinik na nakatarak sa dibdib ko. For the first time in days, I felt a little lighter.

"Thank you, kuya. I promise po, iingatan ko ang condo mo at panatilihing maayos at malinis iyon." Naluluhang pasasalamat ko na ikinatango nito.

"You're welcome, AZ. Hwag kang mahiyang magsabi sa amin kapag may problema o kailangan ka, okay?” saad nito saka iniabot ang calling card sa akin. “You can call me if you need anything.”

Inabot ko iyon at napayuko na tumulo ang luha. Hindi man ako pinalad sa pamilya, pero may mga tao pa ring nakahandang tumulong sa akin sa oras ng kahinaan ko. Masakit lang dahil sa ibang tao ko pa ito naranasang itrato na may halaga ako.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Married to a Heart That Was Never Mine R18+   Chapter 3

    AZ: NANGHIHINA at hirap na hirap akong naglakad na lumipat sa kama ko. Nang maihiga ko na ang katawan sa kama, tuluyang bumigay ang katawan ko. Ramdam kong inaapoy ako ng lagnat, pero hindi ko na magawang asikasuhin ang sarili ko. My throat was painfully dry. Even breathing felt exhausting. I tried to sit up and reach for the glass of water on my bedside table, but the moment I lifted myself, dizziness washed over me. Umiikot ang paningin ko at hindi kayang gumalaw ng katawan ko, maski kamay ko! I fell back against the pillow. "T-tubig, please." My voice was barely a whisper. Mabibigat ang paghinga ko at sobrang kirot ng ulo ko na parang sasabog! I stared at the glass sitting only a few inches away. But it felt like it was a mile away. I tried again. My arms trembled. But I couldn't even lift myself properly. Sobrang tuyong-tuyo na ang lalamunan ko at uhaw na uhaw na ako, pero hindi ko kaya. Hindi ko magawang maikilos ang katawan ko. I closed my eyes and curled beneath the bl

  • Married to a Heart That Was Never Mine R18+   Chapter 2

    AZ: HABANG nasa daan, gulong-gulo ang isipan ko sa mga nangyari. Ang plano ko sana ngayong araw ay lumabas kasama ang kaibigan kong si Tracy dahil day off namin. Pero heto at ang daming nangyari. By the time I arrived home, the sun was already beginning to set. My entire body ached. My palms were scraped, my elbow was bruised, and there were several cuts along my arms from the shattered glass. Masakit ang buong katawan ko at gusto ko na sanang magpahinga. Ramdam ko ring malapit ng bumigay ang katawan ko. But none of that mattered compared to the relief I felt knowing Lewis was alive. Matapos kong magbayad sa driver, bumaba na ako sa taxi at pumasok ng gate. Tahimik ang bahay. I pushed open the front door. The house was unusually quiet. I expected to see Leonor somewhere in the living room, probably complaining about something while mama attended to her. But only my parents were there. Papa was sitting on the sofa, while mama stood near the window with her arms crossed. Kita

  • Married to a Heart That Was Never Mine R18+   Chapter 1

    AZ: It was just another ordinary sunny morning in the Fuentes house. Sabado ngayon at wala akong pasok sa trabaho. Kaya naman ang sarap ng gising ko. I had just left my bedroom and was about to head downstairs for breakfast when hushed voices coming from my father’s study room caught my attention. At first, I hesitate. Hello, hindi ko naman ugaling makimarites noh? The door wasn't completely closed. Curious, I slowed my steps and quietly walked closer. I knew I shouldn't eavesdrop, but something about the tense atmosphere made me stop. Ewan ko. Kinakabahan ako at parang may hudas ang bumubulong sa akin na makinig ako. Napasilip ako sa loob. Si mama, si papa at si ate ang naroon. Nakaupo sa sofa ang mga magulang namin. Nasa harapan nila si ate, nakaluhod at mukhang umiiyak. "Mama, Papa, please? Just this once. Pagtakpan niyo ako sa kanya,” umiiyak nitong pakiusap sa mga magulang namin. Her voice was trembling. Ano na naman kayang ginawa nito ngayon? "I can't do it. May pl

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status