Share

Chapter 14

Author: Queen Amore
last update Last Updated: 2025-08-05 17:12:52
Kate

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga nang ma-i-park ko ang kotse sa garahe ng mansion namin. At nang mapatay ko ang makina ng kotse ay doon lang ako bumaba.

Humakbang na din ako papasok sa loob ng mansion. Wala na iyong dating saya sa dibdib ko habang papasok ako sa loob, hindi ko maipaliwanag pero ang bigat ng nararamdaman ko, siguro dahil makikita ko na naman ang mag-iinang dahilan kung bakit nawala ang atensiyon ng Papa ko sa akin.

Nandito ako ngayon dahil tinawagan ako ng Papa ko para doon mag-dinner. Nalaman kasi niya mula kay Marie na nandito na ako ng Pilipinas. Tatlong araw na ako dito pero ngayon lang niya iyon nalaman. At kung hindi pa sinabi ni Marie na bumalik na ako ng Pilipinas ay hindi pa niya maiisip na tawagan ako.

Ipinilig ko naman ang ulo ko para maalis iyon sa isip ko nang makaramdam na naman ako ng kirot sa puso. Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

At pagpakaposok na pagkapasok ko ay natigilan ako sa paglalakad nang mapatuon ang tingin ko sa sof
Queen Amore

Hindi bali Kate, ipa-pamper ka naman ni Sir Sungit. May nawala pero may mas humigit na dumating. Happy reading! Huwag niyo po sanang kalimutan na mag-comment. 😘

| 29
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ann Ponsaran
wala bang POV c trey
goodnovel comment avatar
mycaptain❤️
kate diba pag allergic sa seafood nangangati pag kumain yaan mo na si Marie nga makati sobramg kati di naman allergic noh..abangan mo si Sir.Sungit baka maglaway pati si Marie bwahhahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Married to a Hot-Tempered CEO   Chapter 80

    Kate "I'm sorry," wika ni Trey sa akin sa masuyong boses habang yakap-yakap niya ako. Naramdaman ko nga ang paghigpit ng pagkakayakap niya sa akin at ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo. Hinayaan naman ako ni Trey na umiyak. Hinayaan ko din ang aking sarili na ilabas ang sakit na nararamdaman ko ng sandaling iyon. Hindi naman kasi ako nasasaktan dahil sa mga naririnig at nababasa kung masamang komento nila sa akin sa social media. Nasasaktan ako dahil nakapa-unfair ni Papa sa akin. Gaya ng sinabi ko sa kanya, ako ang tunay na anak, dugo't laman niya ako pero hindi man lang niya ako magawang paniwalaan, hindi man lang niya ako ma-protektahan. Dapat nga tinatanong niya ako kung okay lang ako, kung kailangan ko ba ng tulong para mawala iyong mga kumakalat na balita sa akin. Pero sa halip na iyon ang sabihin niya ay hinuhusgaan na niya agad ako na para bang totoo ang lahat ng naririnig niya. She's my father, dapat nga ay ito ang mas nakakalaaman sa akin, na hindi ko magagawa ang be

  • Married to a Hot-Tempered CEO   Chapter 79

    Kate Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga ng itigil ko ang minamaneho kung kotse sa garahe ng bahay namin. Tumawag kasi sa akin ang Papa ko at pinapapunta niya ako sa bahay dahil gusto niya akong makausap. At kahit na hindi ko siya tanungin kung ano ang sasabihin niya ay alam kung napabalitaan na niya ang balitang kumakalat sa social media dahil sa akin o baka sinabi na iyon ni Mae dito. Kilala ko ang stepsister ko, kapag may hindi magandang nangyayari sa akin ay agad niya iyong sinusumbong sa Papa ko. Hindi lang basta sinusumbong dahil dinadagdagan pa niya ng kwento para ako ang mapasama sa Papa ko. At ang Papa ko naman ay agad na naniniwala kay Mae. Minsan nga ay hindi na lang ako nagsasalita o pinagtatanggol ang sarili ko dahil wala namang nangyayari. Si Mae pa din ang pinaniniwalaan ni Papa. Akmang lalabas ako ng kotse ng mapatigil ako ng tumunog ang ringtone ng cellphone ko. At nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay nakita kong si Trey ang tunatawag sa akin. S

  • Married to a Hot-Tempered CEO   Chapter 78

    Kate Akala ko ay tapos na ang kumakalat na balita sa akin sa opisina dahil pina-announce ni Trey sa HR Manager asawa niya ako at walang agawan na nangyari sa pagitan ng kababata niya. Pero may mas malala pa pala dahil hindi lang sa kompanya niya iyon kumakalat kundi sa buong bansa pa. Kilalang personalidad kasi ang involve kaya naipabalita iyon sa social media--si Lea ang kababata niyang artista. Ako daw ang third party sa hiwalayan ng dalawa. Nagtataka nga ako paggising ko ng maaga ng makatanggap ako ng sunod-sunod na request sa social media ko, hindi lang iyon, sunod-sunod din akong nakatanggap ng message galing sa hindi ko kilalang tao. May nagta-tag din sa akin at nang tingnan ko iyon ay do'n ko nalaman ang kumakalat na balita tungkol sa akin. Kaya no choice ako kundi i-locked ang profile ko at i-private ang ilan sa mga social media account ko. Dahil kung hindi koniyon gagawin ay sigurado akong hindi ako titigilan. Baka kahit hindi ko ginagamit ang cellphone ko at ma-lowbat iy

  • Married to a Hot-Tempered CEO   Chapter 77

    Kate Akala ko ay graduate na ako sa tsismis nang ibalik ko sa dati ang paraan ng pananamit ko. Pero hindi pala dahil may panibago na namang tsimis na kumakalat sa buong kompanya. At tungkol na naman sa akin iyon. At sa pagkakataong iyon ay mas mabigat ang kumakalat na tsismis sa kompanya ni Trey. Hindi na ako ngayon isang mangkukulam. Isa na akong mang-aagaw. At inagaw ko daw si Trey sa girlfriend niyang artsita--si Lea. Nang malaman ko nga iyon ay hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mga mata. Hindi ko nga din napigilan na question-in ang kribilidad ng empleyado ni Trey. Ganoon ba ang ilan sa mga empelyado niya? Kung hindi bully ay naniniwala sa mga fake news na ikinakalat ng taong walang magawa sa buhay? Simula kasi noong makita kami ng empelyado niya na sabay na pumasok at idagdag pa na magkahawak kamay ay nakarinig na ako ng bulungan. At iyon nga, inagaw ko daw si Trey kay Lea, inakit ko daw siya para hiwalayan ang girlfriend niya. Hindi ba alam ng empleyado ni Trey na wala n

  • Married to a Hot-Tempered CEO   Chapter 76

    Kate Napatingin ako sa gawi ni Trey nang makita ko ang pagbaba niya ng kotse ng ihinto ng driver ang minamaneho sa parking lot ng Juarez of Group of Companies ng makarating kami do'n. Sabay kaming pumasok na dalawa dahil sa condo niya ako natulog. Gusto nga ni Trey na magsama na kaming dalawa sa condo niya. Iyon naman talaga daw ang dapat dahil mag-asawa na kami. Sa totoo lang ay gusto ko din na mangyari iyon dahil gusto ko siyang makasama, gusto kung lagi siyang nakikita. Gusto ko bago ako matulog ay mukha ni Trey ang nakikita ko at kapag nagising naman ako ay siya pa din ang nakikita ko. Pero hindi ko naman maiwan-iwan ang condo ko. Kaya napag-desisyonan namin ni Trey na salitan na lang kami. Isang linggo ako sa condo niya at sa susunod na linggo ay sa condo ko naman. Wala namang problema iyon kay Trey dahil kung ano ang gusto ko ay susuportahan niya ako. Sa totoo lang ay ramdam ko na espesyal siya sa akin. Ramdam ko ang pagmamahal na sinasabi niya. At simula pa lang ay h

  • Married to a Hot-Tempered CEO   Chapter 75

    Kate "I'm sorry," paghingi ko ng paunmanhin kay Trey nang makasakay kami sa kotse niya nang umalis na kami sa bahay ng aking ama pagkatapos ng family dinner Napatigil naman si Trey sa akmang pagbuhay sa makina ng kotse nang marinig niya ang boses ko. Napasulyap nga din siya sa akin at nang magtama ang mga mata namin ay napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya. "Why are you saying sorry to me, Kate?" tanong niya sa akin. "Sa nasaksihan mo sa pamilya ko," sagot ko sa kanya "Lalo na sa inasal ng ng stepmother at stepsister ko," dagdag ko pa. Sa totoo lang ay nahihiya ako kay Trey dahil unang beses niyang ma-meet ang pamilya ko ay nasaksihan na niya ang drama ng pamilya ko. Lalo na iyong inasal nina Tita Celine at Mae. Sinabi pa ni Mae kay Trey na binayaran ko siya para magpanggap na asawa ko dahil sa nangyari nga sa amin ng ex kong cheater. Pero nagbago naman ang ugali ng dalawa nang malaman nila kung sino ang asawa ko. Lalo na noong malaman nila na siya ang may-ari ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status