Se connecterChapter 3
Sinuyod ng mga mata niya ang kaakit-akit nitong pigura. Kinakabahan si Aleighna at napapaisip siya sa mga naging desisyon niya;hindi na siya pwedeng umatras kaya pikit mata na lamang niyang tinanggap ang magiging kahihinatnan niya. Hinawakan niya ang laylayan ng kanyang damit at hinila ito pataas. Lumabas ang kanyang balingkinitan at puting baywang, kitang-kita ang gilid ng kanyang puting bra sa kanyang itim na sweater. Bigla siyang itinulak palayo ni Bradley, ang mukha nito ay puno ng pagka disgusto at pandidiri sa kanya. Muntik nang matumba si Aleighna, ngunit ng makabawi sa kanyang balanse, pero sa loob loob niya ay nagdiriwang ang kanyang kalooban. Ang kanyang mukha ay nagkunwaring inosente at nagrereklamo. Sinulyapan ni Bradley ang mapagpanggap na babae; handa talaga nitong gawin ang lahat para sa pera. Isipin na ng lalake na mukha siyang pera, ngunit hindi ba nito iniisip na maiiwanan siya nito at dadalhin niya habang buhay ang titulong pagiging biyuda nito. Maaari niya itong balewalain, ngunit para sa kanya ang kasal ay hindi dapat maging isang laro lamang. “Umalis ka!. ” Galit si Bradley sa pagiging mapagkunwari ng babaeng ito. Pakiramdam ni Aleighna ay dininig ng mga anghel ang kanyang mga dasal, sa loob loob niya ay labis siyang natuwa dahil sa wakas ay makaka alis na rin siya ngunit kailangan magkunwaring nag aatubili siyang umalis. “Hubby.” Nairita si Bradley sa narinig “Huwag mo ng hintaying kaladkarin pa kita palabas dito babae. ” Walang pag-aalinlangan, hinubad ni Aleighna ang suot na sweater, kinuha ang kanyang coat at dali-daling umalis. Pagkalabas niya ng club, sa wakas ay nakahinga sya ng maluwag. Hindi man lang siya giniginaw nang walang suot na coat, kinakabahan pa rin sya magpa hanggang ngayon sa nangyari kani-kanila lamang. Nakakakaba at napaka mapanganib ang naranasan ni Aleighna sa piling ni Bradley, ngunit buti nalang at nakauwi itong walang galos at anumang pinsala sa pagkikita nilang dalawa. At muntikan na siya doon. Kinabukasan, inimbitahan ni Aleighna si Shanice kumain sa isang ekslusibong restawran. “Napakatapang mo talaga gurl, how to be you po.? ” Hindi napigilan ni Shanice ang humanga sa kaibigan. Hinawakan ni Aleighna ang braso ni Shanice, “Ang swerte ay pumapabor sa mabubutjng tao. ” Naisip ni Shanice. “Hindi ka ba natatakot na baka may gawin siya iyo?. ” “Dahil sa kanyang itsura, pangangatawan at pagiging mayaman nito hindi malabong maakit ako sa kanya. ” “Hmmm? . ” Kumunot ang noo ni Shanice sa naging sagot niya. “Sa totoo lang , hindi naman masama kung magkakaroon ako ng anak sa kanya, ” dagdag ni Aleighna “Magiging maganda pa ang magiging lahi namin. ” Ngumisi si Aleighna at binalaan siya ni Shanice na huwag sumobra. Kung babanggitin nga daw nito ulit ang diborsyo, dapat tanggapin na lang niya. Ang mahirap sa pagiging mag-asawa ay ang karahasan sa tahanan, at ang karahasan sa tahanan ay kabilang sa pinag aalitan ng mag-asawa kung saan walang gaanong mabigat na parusa sa pang-aabuso dito sa lugar natin. “Alam ko,. ” sagot ni Aleighna kay Shanice at alam niyang kapag ganito na kaseryoso ang kaibigan ay kailangan mo talaga makinig dahil lang ng sinasabi nito ay may sense. Pagkatapos ng hapunan, medyo kumalma na si Shanice at bumabalik nanaman ang kakulitan nito. Nag-uusap at nagtatawan ang dalawa habang naglalakad sa mall nang biglang napahinto si Aleighna. Kumunot din ang noo ni Shanice at tiningnan kung saan ba nakatingin ang kaibigan “Ayy may gago. ” Ayaw makita ni Aleighna makita si Jameson, hindi dahil sa hindi pa siya nakaka move on dito kundi kumukulo pa ang dugo niya kapag nakikita ito. “Tara na. ” Hinila ni Aleighna si Shanice upang umalis na sa lugar na iyon. Tumaas naman ang kilay na napatingin sa kanya si Shanice “ Ano ang kinakatukan mo? Ako ang haharap sa gago at hindi pa kami nagkakaharap. ” Pagkasabi nito ay inalis ni Shanice ang pagkakahawak niya at itinaas nito ang manggas ng sariling damit , nagpapakitang handang makipag suntukan. Himawakan siya muli ni Aleighna “Hindi naman sa natatakot ako sa kanya, kundi ayaw ko lang makipag away ka sa isang hayop at baka makagat ka pa ng rabies nito. ” Nang marinig ito ay , dumura si Shanice “Oo nga, nakakatakot iyon at nakakadiri. ” Tumalikod na sila at naglakad palayo. “Aleighna.” Naabutan at hinarangan ni Jameson ang kanilang dinaraanan. Pinrotektahan ni Shanjce si Aleighna at naghahandang harapin si Jameson. Hinila ni Aleighna si Shanice sa kanyang tabi,hinarap ng diresto si Jameson, “Ano ang kailangan mo?. ” “Ginawa mong miserable ang buhay ko, ano sa tingin mo ang kailangan ko?. ” Nangangalaiti sa galit na sabi ni Jameson. Habang nagsasalita siya ay biglang inabot ni Jameson ang kanyang kamay ngunit muli niya itong nabawi. Sa galit, mas marahas na hinawakan ni Jameson ang pulso ni Aleighna. Ngunit sinampal sya ng pagka lakas lakas ni Aleighna sa pisngi, na sa sobrang lakas nito ay ramdam pa ng mga palad nito ang magaspang na pisngi ni Jameson. Lumingon si Jameson kay Aleighna at nagbabaga na sa galit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. “Aleighna, ang lakas ng loob mo na saktan ako!. ” “Dapat kang matuwa na sampal lang ang inabot mo sa akin at hindi ako nakapag dala ng kutsilyo. ” Puno ng poot ang mga mata ni Aleighna, ”At kung guguluhin mo ulit ako, pupunta ako sa bahay nyo at mag iiskandalo.” Si Aleighna kasi ang tipo ng babae na walang inaatrasan na laban,lalong-lalo na kapag alam nitong nasa tama siya. Hindi pa gaano magkakilala si Aleighna at Jameson kahit sila ay magka relasyon; kadalasan ay sa telepono at WeChat sila nag uusap. Si Aleighna ay palaging banayad at maalalahanin; ang tingin lamang ni Jameson sa kanya ay isang kaakit-akit ngunit masunuring babae. Hindi nya inaasahan na ganito pala ang tunay nitong ugali. Kailangang patahimikin niya ang babaeng ito.Chapter 11 Tiningnan lamang siya ni Bradley ng matalim at saka siya nilagpasan at umakyat sa ka silid nito. Narinig ni Aleighna ang malakas na kalabog ng pinto, pero lalong lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi. Kinuha niya ang mga pinagkainan at nagtungo sa kusina upang hugasan ang mga ito.Pagbalik sa kanyang malaking silid, humiga si Aleighna sa kama pero hindi siya magawang dalawin ng antok.Hindi naman siya maselan sa higaan, pero kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog.Kinuha niya ang kanyang cellphone, at biglang tumunog ito. May tumatawag na numero na hindi niya kilala.Alas-dose na ng gabi, at sa oras na ito ay bihirang may tumatawag sa kanya mula sa mga kakilala niya.Matagal na nagri-ring ang telepono, tila hindi titigil hangga't hindi sinasagot.Sa huli, sinagot din ni Aleighna ang tawag."Aleighna... gusto kitang makita."Hindi niya kilala ang numero, pero pamilyar na pamilyar sa kanya ang boses.Mahina ang boses ni Jameson, at tila nagmamakaawa, "Pwede mo ba ak
Chapter 10 Nagulat si Aleighna nang marinig niyang muli ang sabi nito, "Mag-asawa kayo, hindi pwedeng hiwalay ang tirahan niyo.""Balak ko sana na ipatira kayo sa mansyon, pero naisip ko na baka maistorbo namin kayo, kaya binawi ko na lang ang ideya.”"Alam mo naman ang gusto ko, at alam mo rin ang pinagdadaanan ko. Sana mabigyan mo agad ng anak si Bradley."Dito na dumako ang usapan.Alam na alam ito ni Aleighna, at pumayag naman siya noon."Mommy, gusto ko rin naman po, pero si Bradley..." Nag-atubili siyang magsalita, alam niyang maiintindihan ito ni Mrs. Stone.Sabi ni Mrs. Stone, "Huwag mo na siyang intindihin. Hindi mahalaga ang proseso, basta tama ang resulta."Ramdam ni Aleighna ang matinding kagustuhan ni Mrs. Stone na magka apo. Natatakot siya na baka nga ay wala nang maraming oras si Bradley.Pero kahit gusto niyang magbuntis, kailangan ding pumayag si Bradley.At higit sa lahat, ayaw na ayaw ni Bradley ang ganu'n, halos patayin na nga sya nito sa pagka disgusto nito sa ka
Author's Note: Hello love's! Sorry, ngayon lang nakapag update ang inyong author! Para bumawi sa inyo mga readers ko, may pa give-away ako sa inyo. Kapag umabot ng 300 views ang novel natin ay magpapa cashji ang inyong author sa first 10 na mag fo-follow sa akinPasasalamat ko sa inyong walang tigil na pag supporta sa MTAWB. Follow me at I add nyo sa library niyo ang Married to a Wicked Billionaire para mas maging updated kayo sa mga ganap ng ating novel at pa giveaways. Thankiess! Chapter 9 Dumilim na ang paligid.Pagpasok ni Bradley sa istasyon ng pulisya, nakita niya si Aleighna na nakaupo sa isang upuan. Gulong-gulo ang buhok, gusot-gusot at punit ang blouse, may sugat at pasa ang mukha at bagama't halatang pagod na pagod na, tuwid pa rin ang kanyang upo.Mag-isa itong nakaupo doon, parang isang pusang nawalay sa may-ari at walang matakbuhan.Nang makita ni Aleighna ang paparating, naningkit ang kanyang malungkot na mga mata. Pero nang makilala niya kung sino ito, nagulat
Chapter 8.2 Content Warning: This chapter includes themes of sexual violence and assault. Reader discretion is advised.Pilit kumakawala si Aleighna pero mas malakas ito.Hinihila siya nito papasok at binuksan ang pinto ng kotse.Habang lumalaban siya, lalo itong nanggagalaiti.Itinulak siya nito papasok kaya napahiga siya sa upuan.Sinipa niya ito gamit ang paa pero sumampa ito papasok sa loob ng sasakyan."Jameson, nababaliw ka na ba?!."Galit na galit siya kaya sinuntok at sinipa niya ito. Kinuha niya ang cellphone at susi at paulit-ulit na hinampas sa mukha at ulo nito.Kahit na babae siya at mas malakas ito sa kanya ay hindi hahayaan ni Aleighna na saktan siya nito. Kaya sa abot ng kanyang makakaya ay pinag sisipa at pinagsusuntok niya ito. Hindi inaasahan ni Jameson na ganito katapang at kalakas ang babae. Kung may hawak lang itong kutsilyo, paniguradong napatay na siya nito.Hinawakan niya ang mga kamay nito, ikinulong ang mga binti nito at umibabaw dito. Kung hindi niya
Chapter 8 Umuwi si Aleighna. Dahil sa ulan at ginaw, lalong lumala ang kanyang sipon.Barado ang ilong, sumasakit ang ulo at lalamunan.Uminom siya ng gamot at nagtalukbong ng kumot, yumuko at niyakap ang sarili.Mag-isa lang siya sa kama at ang tagal bago i uminit.Pagsapit ng madaling araw, hindi na niya kinaya. Nagsuot siya ng makapal na jacket at sumakay ng taxi papuntang ospital.Habang naka dextrose at lutang ang isip, napansin niya na lahat ng pasyente sa paligid ay may kasama. Hindi niya maiwasang mainggit.Mabagal ang oras at ayaw niyang matulog.Pinipilit niyang gisingin ang sarili at paminsan-minsan ay sumisilip.Nagpunta si Bradley para sa check-up at aksidenteng nakita si Aleighna na nakaupo sa gilid.Nakayuko ito, magulo ang buhok, at may karayom sa kamay. Sa dami ng tao, siya ang mukhang nakakaawa dahil wala itong kasama. Biglang tumingala si Aleighna at nagtama ang paningin nila."Bradley..." awtomatiko niyang tawag.Pero parang wala itong nakita at dumiretso lang it
Chapter 7 Nawala ang ngiti sa mga labi ng lahat at napalitan ito ng pagtataka.Natigilan si Terrence, tiningnan ang walang singsing na daliri ni Aleighna, at saka ngumiti. "Para lang tanggihan ako, gagawa ka talaga ng kahit anong dahilan."Alam ni Aleighna na hindi ito maniniwala.Paano naman niya isasama si Bradley doon para patunayan ito kung ayaw nga nitong may makaalam na mag-asawa silang dalawa. "Kung ganoon, tawagin mo ang asawa mo at ipakilala mo sa akin," nakangiting hamon pa rin ni Terrence.Kinagat ni Aleighna ang kanyang labi. "Busy kasi siya...""Aleighna," putol ni Terrence sa sasabihin pa sana niya. "Sinundan kita mula sa China hanggang dito sa Pilipinas. Seryoso ako at gusto talaga kita."Wala siyang pakialam sa itsura niya sa paningin ng iba. Taimtim ang kanyang mga mata. "Kung totoo ngang may asawa ka na, rerespetuhin ko at babatiin kayo. Pero kung nagdadahilan ka lang para umiwas, sa tingin ko hindi mo na kailangang gawin 'yon.""Bigyan mo naman ako ng pagkakataon,







