MasukChapter 1.2
Habang binabasa ang nilalaman ng mga mensahe ay di niya mapigilan magalit sa kasinungalingang nilalaman nito. ”At kung kanino nanggaling ang mga mensahe? Saan pa kundi galing sa gago niyang ex-boyfriend. ” Sumabog ang WeChat group nila. Kahit wala pang nangyayari sa kanila ng dating nobyo ay pinapakalat nitong nagpadagdag raw sya ng dibdib, mapangahas at nagkukunwaring inosente pero nasa loob pala ang kulo niya. Sa madaling salita gusto nitong makaganti sa ginawa niyang pagpapakalat sa bidyo nito. Huminga ng malalim si Aleighna, naniniwalang may dahilan ang lahat ng nangyari. Nais ng Diyos na makita niya ang tunay na mukha ng gago na ito nang mas maaga, kaya naman nasaksihan niya ang eksenang iyon. Nang araw na iyon ay tinawagan niya ang kanyang ama na si Harry at sinabing pumapayag na sya sa alok nito. Dumating ang mag-ama sa mansyon ng pamilyang Stone at di maipagkakaila na sobrang yaman nga ng mga ito. Sa labas ng mansyon ay mapapansin mo na kaagad ang napaka-gandang pagka arkitekto sa naturang mansyon na napipintahan ng puti at pilak. At kung ano ang ikinaganda sa labas ay mas lalo namang ikinaganda sa loob. Sasalubong sayo ang napakalaki at napakagandang chandelier na nababagay sa napakahaba nitong staircase. Sa kanilang pagdating ay kaagad sila sinalubong ng mag-asawang Stone ngunit walang Bradley ang sumalubong sa kanila. Dahil alam ng mag-asawang Stone na pumapayag na nga si Angeleigh na pakasalan ang kanilang anak ay hindi nila maitago ang kanilang pananabik, lalong-lalo na si Mrs. Stone na matagal ng gustong magkaroon ng isang anak na babae. Iisa lang ang kahilingan ni Angeleigh sa kanila; ang ipa rehistro muna ang kanilang kasal. Ang dahilan niya ay kailangan maging legal ang lahat. Kung tungkol sa kasal, hindi niya ito kailangan. Walang pag aatubili na pumayag kaagad ang kabilang panig, at natatakot pa nga silang magbago ang isip ni Angeleigh at bigla itong umatras sa kasal. Nagkasundo kaagad ang magkabilang panig, at direktang inimbitahan ng ama ni Bradley ang mga tauhan ng Korte Suprema sa kanilang tahanan upang mas mapabilis ang pag pro proseso sa sertipiko ng kanilang kasal. Sa oras na ito habang naghihintay sa pagtatapos ng pag pro proseso ng kanilang kasal ay naisipan ni Angeleigh na mag ikot-ikot muna sa mansyon. Habang pinagmamasdan ang mga muebles at mga panauhin sa mansyon ay may larawang naka tawag sa kanya ng pansin. Larawan ito ng isang lalake at tama nga ang paglalarawan dito ni Shanice, na ang gwapo nga nito ,matangos ang ilong, mapula ang mga labi na para bang hinahalina ka na halikan mo ito at lalong-lalo na ang kanyang mata na para bang ika'y matutunaw habang tinititigan ka niya. Kahit pa napaka bata pa ng lalake sa naturang larawan ay di mo talaga maitatago ang angkin nitong kagwapuhan. Napapa isip na nga lang sya na kung hindi pa ito nagkaroon ng malubhang sakit ngayon ay hindi pa niya ito makikilala at mapapangasawa. Matapos ang ilang oras ay inabot ni Mrs. Stone sa kanya ang sertipiko ng kanilang kasal, kinuha naman niya ito at maingat na isinilid sa kanyang bag. Kumuha din ito ng isang black card at ibinigay kay Angeleigh. Bagama't walang kasal na naganap ay pareho pa rin ang dowry na ibinigay sa kanya. Binigyan din sya ng pera nito para sa kanyang araw araw na gastusin. Sa madaling salita, napaka bukas palad niya at napakalaking tulong nito para sa kanyang buhay. Hindi na sya tumanggi at tinanggap ito habang nagpapasalamat sa kabaitan ng mga ito sa kanya. Muli niyang tiningnan ang sertipiko ng kanilang kasal at napako ang tingin niya sa pangalan ng asawa “Bradly Xavier Stone.” at sya na rin ngayon si Mrs. “Angeleigh Victoria Lim-Stone. ” Iniisip nyang muli ang napangasawa, alam kaya nito na ipinakasal ito ng mga magulang kahit pa sa kinakaharap nitong sitwasyon? Pag-alis sa mansyon ng mga Stone kasama ang kanyang ama ay di niya mapigilan tingnan ang mukha nito at kitang-kita niya ang pag kislap ng mga mata nito at di maalis alis na ngiti sa labi nito at naisip niya. “Siguro ay napakarami ng napagkasunduan at Ibinigay sa inyo ni Mr. Stone, hindi ba ama?. ” Nagulat si Harry sa tinuran ng anak at di sya makatingin dito ng diretso ”Ano ba ang pinagsasabi mo?. ” “Huwag ka nang magpanggap ama”, Huminto si Aleighna at direktang tiningnan ang ama sa mga mata. “Naisip mo ba na bago mo natanggap ang lahat ng benepisyo na ipinangako nila sayo ay may isang anak kang ibinenta para maisakatuparan ang lahat ng mga plano mo. ” Napatigalgal at nahihiyang tumingin si Harry sa anak “Leigh”... Itinaas ni Angeleigh ang kanyang kamay, ayaw ng marinig kung ano man ang sasabihin ng ama. Nauna na nga siya rito naglakad, mahinahong sinabi “Ito na ang huling pagkakataon. Huwag mo na akong kontakin muli . ” At nauna na nga siyang umalis dito at hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nito. Alam na ni Shanice na ganap na ngang rehistrado ang kasal nila ni Bradley Xavier Stone at ngayon pa lang parang nalilito na sya sa mga pinaggagawa niyang desisyon at humantong na nga sya sa ganito. Sa kasamaang palad, huli na ang lahat para umatras ngayon. “Napakawalang-awa talaga ng tatay mo, kahit alam niyang hukay iyon na nababalot ng apoy, itinulak ka pa rin niya. Bobo ka rin, bakit mo agad kinuha ang sertipiko ng kasal? Kung pahihirapan ka niya, pwede kang tumakas bago binigay sayo ang sertipiko, pero kung ikaw ang unang kukuha ng sertipiko, walang saysay na tumakas ka kung gusto ka nilang patayin. ” Balisa, galit, at namumula ang mga mata, Nag-aalala si Shanice sa magiging kahihinatnan ng kaibigan. Nakaramdam ng init sa puso si Angeleigh sa nakikitang pag-aalala ng kaibigan. Napaka swerte niya talaga dito. Ngumiti siya at inalo ang kaibigan “Nasa akin ang sertipiko ng aming kasal, pero wala akong balak magpakita sa kanya . ” Tinitigan sya ni Shanice. Tuso ang mga mata ni Aleighna; kahit medyo malisyoso ang mga iniisip niya, totoo ang mga iyon. “Hindi ba’t sinabi mong hindi sya mabubuhay pagkalipas ng Pebrero sa susunod na taon? Wala pang tatlong buwan ang natitira. Magtatago muna ako, at kapag mahina na sya para mang gulo, diyan na ako magpapakita na ako sa kanya. Maganda ang plano ni Aleighna pero sadya talagang napakalupit ng tadhana sa kanya. Hindi nagtagal pagkatapos niyang sabihin iyon,may lumapit sa kanya. “Mrs Angeleigh Victoria Lim-Stone? ”. Yes? Sino po sila? Paumanhin madame, pero pinapasundo po kayo sa akin. “Gusto makilala ni Mr. Stone ang kanyang asawa. ”Chapter 11 Tiningnan lamang siya ni Bradley ng matalim at saka siya nilagpasan at umakyat sa ka silid nito. Narinig ni Aleighna ang malakas na kalabog ng pinto, pero lalong lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi. Kinuha niya ang mga pinagkainan at nagtungo sa kusina upang hugasan ang mga ito.Pagbalik sa kanyang malaking silid, humiga si Aleighna sa kama pero hindi siya magawang dalawin ng antok.Hindi naman siya maselan sa higaan, pero kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog.Kinuha niya ang kanyang cellphone, at biglang tumunog ito. May tumatawag na numero na hindi niya kilala.Alas-dose na ng gabi, at sa oras na ito ay bihirang may tumatawag sa kanya mula sa mga kakilala niya.Matagal na nagri-ring ang telepono, tila hindi titigil hangga't hindi sinasagot.Sa huli, sinagot din ni Aleighna ang tawag."Aleighna... gusto kitang makita."Hindi niya kilala ang numero, pero pamilyar na pamilyar sa kanya ang boses.Mahina ang boses ni Jameson, at tila nagmamakaawa, "Pwede mo ba ak
Chapter 10 Nagulat si Aleighna nang marinig niyang muli ang sabi nito, "Mag-asawa kayo, hindi pwedeng hiwalay ang tirahan niyo.""Balak ko sana na ipatira kayo sa mansyon, pero naisip ko na baka maistorbo namin kayo, kaya binawi ko na lang ang ideya.”"Alam mo naman ang gusto ko, at alam mo rin ang pinagdadaanan ko. Sana mabigyan mo agad ng anak si Bradley."Dito na dumako ang usapan.Alam na alam ito ni Aleighna, at pumayag naman siya noon."Mommy, gusto ko rin naman po, pero si Bradley..." Nag-atubili siyang magsalita, alam niyang maiintindihan ito ni Mrs. Stone.Sabi ni Mrs. Stone, "Huwag mo na siyang intindihin. Hindi mahalaga ang proseso, basta tama ang resulta."Ramdam ni Aleighna ang matinding kagustuhan ni Mrs. Stone na magka apo. Natatakot siya na baka nga ay wala nang maraming oras si Bradley.Pero kahit gusto niyang magbuntis, kailangan ding pumayag si Bradley.At higit sa lahat, ayaw na ayaw ni Bradley ang ganu'n, halos patayin na nga sya nito sa pagka disgusto nito sa ka
Author's Note: Hello love's! Sorry, ngayon lang nakapag update ang inyong author! Para bumawi sa inyo mga readers ko, may pa give-away ako sa inyo. Kapag umabot ng 300 views ang novel natin ay magpapa cashji ang inyong author sa first 10 na mag fo-follow sa akinPasasalamat ko sa inyong walang tigil na pag supporta sa MTAWB. Follow me at I add nyo sa library niyo ang Married to a Wicked Billionaire para mas maging updated kayo sa mga ganap ng ating novel at pa giveaways. Thankiess! Chapter 9 Dumilim na ang paligid.Pagpasok ni Bradley sa istasyon ng pulisya, nakita niya si Aleighna na nakaupo sa isang upuan. Gulong-gulo ang buhok, gusot-gusot at punit ang blouse, may sugat at pasa ang mukha at bagama't halatang pagod na pagod na, tuwid pa rin ang kanyang upo.Mag-isa itong nakaupo doon, parang isang pusang nawalay sa may-ari at walang matakbuhan.Nang makita ni Aleighna ang paparating, naningkit ang kanyang malungkot na mga mata. Pero nang makilala niya kung sino ito, nagulat
Chapter 8.2 Content Warning: This chapter includes themes of sexual violence and assault. Reader discretion is advised.Pilit kumakawala si Aleighna pero mas malakas ito.Hinihila siya nito papasok at binuksan ang pinto ng kotse.Habang lumalaban siya, lalo itong nanggagalaiti.Itinulak siya nito papasok kaya napahiga siya sa upuan.Sinipa niya ito gamit ang paa pero sumampa ito papasok sa loob ng sasakyan."Jameson, nababaliw ka na ba?!."Galit na galit siya kaya sinuntok at sinipa niya ito. Kinuha niya ang cellphone at susi at paulit-ulit na hinampas sa mukha at ulo nito.Kahit na babae siya at mas malakas ito sa kanya ay hindi hahayaan ni Aleighna na saktan siya nito. Kaya sa abot ng kanyang makakaya ay pinag sisipa at pinagsusuntok niya ito. Hindi inaasahan ni Jameson na ganito katapang at kalakas ang babae. Kung may hawak lang itong kutsilyo, paniguradong napatay na siya nito.Hinawakan niya ang mga kamay nito, ikinulong ang mga binti nito at umibabaw dito. Kung hindi niya
Chapter 8 Umuwi si Aleighna. Dahil sa ulan at ginaw, lalong lumala ang kanyang sipon.Barado ang ilong, sumasakit ang ulo at lalamunan.Uminom siya ng gamot at nagtalukbong ng kumot, yumuko at niyakap ang sarili.Mag-isa lang siya sa kama at ang tagal bago i uminit.Pagsapit ng madaling araw, hindi na niya kinaya. Nagsuot siya ng makapal na jacket at sumakay ng taxi papuntang ospital.Habang naka dextrose at lutang ang isip, napansin niya na lahat ng pasyente sa paligid ay may kasama. Hindi niya maiwasang mainggit.Mabagal ang oras at ayaw niyang matulog.Pinipilit niyang gisingin ang sarili at paminsan-minsan ay sumisilip.Nagpunta si Bradley para sa check-up at aksidenteng nakita si Aleighna na nakaupo sa gilid.Nakayuko ito, magulo ang buhok, at may karayom sa kamay. Sa dami ng tao, siya ang mukhang nakakaawa dahil wala itong kasama. Biglang tumingala si Aleighna at nagtama ang paningin nila."Bradley..." awtomatiko niyang tawag.Pero parang wala itong nakita at dumiretso lang it
Chapter 7 Nawala ang ngiti sa mga labi ng lahat at napalitan ito ng pagtataka.Natigilan si Terrence, tiningnan ang walang singsing na daliri ni Aleighna, at saka ngumiti. "Para lang tanggihan ako, gagawa ka talaga ng kahit anong dahilan."Alam ni Aleighna na hindi ito maniniwala.Paano naman niya isasama si Bradley doon para patunayan ito kung ayaw nga nitong may makaalam na mag-asawa silang dalawa. "Kung ganoon, tawagin mo ang asawa mo at ipakilala mo sa akin," nakangiting hamon pa rin ni Terrence.Kinagat ni Aleighna ang kanyang labi. "Busy kasi siya...""Aleighna," putol ni Terrence sa sasabihin pa sana niya. "Sinundan kita mula sa China hanggang dito sa Pilipinas. Seryoso ako at gusto talaga kita."Wala siyang pakialam sa itsura niya sa paningin ng iba. Taimtim ang kanyang mga mata. "Kung totoo ngang may asawa ka na, rerespetuhin ko at babatiin kayo. Pero kung nagdadahilan ka lang para umiwas, sa tingin ko hindi mo na kailangang gawin 'yon.""Bigyan mo naman ako ng pagkakataon,







