ログインChapter 3.2
Padami na ng padami ang mga nakikusyoso sa naganap na komosyon at maririnig mo ditong nakiki marites na ang mga ito kung ano ang totoong nangyari. Kaya hinila at inilayo na ni Shanice ang kaibigan. Hinaplos muli ni Jameson ang kanyang nasampal na pisngi at sinigawan ang lumalayong si Aleighna. “Aleighna, tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo! Humanda ka! . ” Sa hindi kalayuan, nasaksihan ni Bradley ang buong eksena, kasama na ang pagsampal ni Aleighna sa lalaki. Nagulat naman si Landon sa nasaksihan at may pagka-Amazona pala ang napangasawa ni Mr. Stone. “Mr.Stone, Ang lalaking iyon ay si Jameson Fuentabella, kilala bilang isang notorious playboy. Ilang araw na ang nakalipas, isang video nito ang kumalat sa internet. Ngayon ay tila ang taong nag record at nag post ng video ay si Madam Aleighna. ” Matagal nang pinabura ni Jameson ang naturang video ngunit may nakuha pa ding kopya si Landon nito, inabot ang telepono at ipinakita kay Bradley ang video. Pinanood ni Bradley ang naturang video ngunit wala kang makikitang emosyon dito habang pinapanood ito. Tumikhim si Landon at itinabi ang telepono , at sinabing, “Hindi kilalang mabait na tao si Mr. Fuentebella. Lalong-lalo na ayaw nitong mapahiya sa napakaraming tao, panigurado maghihiganti ito kay madam Aleighna. ” “She should own up her own actions and face its consequences.” walang pag aatubili na saad ni Bradley “ If he wants to get back at her then she deserves it. ” Anak ng tupa! Dapat ba niyang ipaalala ulit dito na asawa na nito ang pinag uusapan nila at di ibang tao. Nanahimik na lamang siya at di alam ang kung ano susunod na sasabihin. “Kaya ba, makikipag divorce ka pa rin sa kanya?. ” Hindi na mapigilan itanong ni Landon kay Bradley ngunit binigyan lamang siya nito ng napaka lamig na tingin. Sa kabilang banda, ay napapaisip si Bradley kung bakit iniisip niya ang mukha ng mapanlinlang na babae. Nanatili pa rin si Angeleigh sa bahay nina Shanice hanggang sa dumilim. Nangangalaiti naman sa galit si Shanice sa dati niyang nobyo habang nag-aalala na baka gumanti nga si Jameson sa kanya. Gayunpaman, hindi natatakot si Aleighna sa maaaring gawin ng dating nobyo. . “Bakit kaya hindi tayo humingi ng tulong sa asawa mo? Tutal, asawa ka na niya. Siya ang pahaharapin natin sa gago mong ex, tingnan lang natin kung hanggang saan ang tapang ng gagong yun. ” “Naririnig mo ba ang sinasabi mo Shanice?, Ako? Hihingi ng tulong sa lalaking yun? Eh kulang na nga lang patayin niya ako sa sakal sa sobrang inis niya sa akin eh. ” Mas natatakot pa nga sya sa asawa kesa sa gago niyang ex. Hindi niya pa gaanong nakikita ang tunay nitong ugali, pero base sa nasaksihan niya kanina ay masasabi niyang sa likod ng nakapaka gwapo nitong pagmumukha ay nagtatago ang mala demonyong ugali nito. “At tiyaka ayaw ko siyang ituring na parang tunay na asawa, mag asawa nga kami pero hanggang sa papel lang, period. ” Labas sa ilong niyang sabi. “Kung ganon, Ano ang dapat nating gawin? Hindi natin alam kung anong plinaplano ni Jameson laban sayo, Bakit hindi ka nalang kaya dito tumira at ng may kasama ka. ” “Wala siyang gagawin sa akin, at kung meron man; alam mo namang kaya ko ang sarili ko. ” Paulit-ulit niyang tiniyak kay Shanice na walang mangyayaring masama sa kanya at proprotektahan niya ang kanyang sarili, kaya wala na itong nagawa kundi pauwiin sya. Ang bahay na kanyang tinitirhan ay isang two-storey apartment, may dalawa itong kwarto at napakalaki ng espasyo ng kanyang salas kaya tamang tama lang ito sa kanya. Regalo ito ng kanyang ama, bago pa pinakasalan nito ang kanyang madrasta. Dati-rati kasi ay napakalapit niya sa kanyang ama, Daddy's girl nga sya kung tutuusin, pero lahat ng iyon ay nagbago ng muli itong magpakasal. Iwinaksi ang mga iniisip tungkol sa pamilya, naisipan niya muna maligo bago magpahinga. Katatapos lang niyang maligo at nakahiga na siya sa sofa habang nanunuod ng isang thriller series entitled “Paradise.” , nang sunod-sunod niyang makita na umilaw ang kanyang telepono. Hindi pamilyar sa kanya ang naturang numero, kaya nag-aalinlangan siyang sagutin ito. Huminga muna siya ng malalim bago naisipang sagutin ang tawag. “Sino ito? . ” “Tomorrow, 8 am sharp. Be at the court, We will file our divorce papers. ” Pagkarinig niya ng malamig na boses sa kabilang linya ay kaagad niya itong nakilala, ang tumatawag pala sa kanya ay ang asawa. Napaisip siya kung paano nito nakuha ang kanyang numero ngunit napagtanto niyang isang mayaman at makapangyarihang tao ang kanyang asawa, napakadali lang dito na hanapin ang kanyang numero. Napa-upo si Angeleigh ng marinig ang tinig ng asawa sa kabilang linya , pilitin man niyang itago ang nagbabadyang ngiti sa kanyang mga labi ay di niya pa rin maiwasan. Masaya siyang marinig ang boses nito. Pilit pinapakalma ang sarili ay banayad niyang sinagot ang asawa “ Nagpakasal ako sayo Mr. Stone upang makasama at makapiling ka habang buhay, kaya kung inaakala mo na basta-basta nalang kitang papakawalan,pwes manigas ka. ” “Nasa tamang pag-iisip ka ba ngayon,babae? Alam mong may sakit ako pero pumayag ka pa rin magpakasal sa akin o baka tama nga ako na pera ko lang ang habol mo sa akin?. ” Maanghang na tanong sa kanya ni Bradley. Oo, inaamin niya mukha nga siyang pera. Sino ba ang hindi mga mukhang pera sa panahon ngayon, na lahat na ata ng mga bilihin ngayon nagsi mahalan na. Naisip ni Aleighna ngunit di niya ito magawang sabihin kay Bradley. “Cat got your tongue?, you know that I'm right. Hintayin mo munang mamatay ako bago mo makuha ang yaman ko. ” Bagama't inaasahan na niyang ganoon talaga ang mga possibleng mangyari ay hindi niya pa din maiwasan masaktan kapag napapaisip siya tungkol dito. “Huwag mong sabihin yan, advance na ang mga medical technologies ngayon, at may mga gamot na ding ginawa para sa iba't-ibang sakit; anuman ang sakit mo ay tiyak na gagaling ka kaagad. ” “Makipag cooperate ka lang sa mga pinapagawa ng mga doctor sayo ,at nandito din ako handang umalalay sayo . ” Hindi alam ni Aleighna kung saan siya humugot ng lakas at nasabi niya ito kay Bradley. Kahit na ipinagkasundo lamang sila ng mga magulang ay di niya pa rin maiwasan mag-alala para rito. Sa kabilang linya naman ay natahimik si Bradley, iniisip kung tunay ba talagang nagaalala sa kanya ang babae o magaling lang talaga itong magpanggap. “Don't even pretend to care for me, cause your not; I don't wanna hear this from you, you understand?!. ” Nabigla naman si Aleighna sa pagsigaw nito sa kabilang linya, mainitin talaga ang ulo nito. “Maghanda ka na para bukas babae, baka nakakalimutan mo, hindi pa din ako sang-ayon sa pagpapakasal sayo. ” Mabilis naman itong kinontra ni Aleighna. “Baka nakakalimutan mo din, ang nagpa sertipiko ng ating kasal ay ang mga magulang mo, kaya kung gusto mo talaga makipag divorce sa akin ay magsabi ka muna sa kanila. ” “You don't know me, woman. I can do anything in just one snap. ” “Ganoon ba? Oh edi, Sige goodluck sayo, Matulog ka na at ayaw ko pa naman napupuyat ang hubby ko, Byeeerrss.” Mabilis na ibinaba ni Aleighna ang tawag, hindi na hinintay pang makasagot ang asawa. Paniguradong nagngingitngit na ito sa galit sa kanya ngayon. Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya sa mangyayari sa kanya kinabukasan. Kinabukasan ay nakapaghanda na si Aleighna sa kanyang sarili para sa magiging lakad niya sa araw na iyon. Habang naghihintay ng masasakyan na taxi ay biglang may humintong magarang na sasakyan sa kanyang harapan. Ibinaba ng driver ang salamin ng sasakyan at mas nabigla siya kung sino ang sakay nito. Si Mrs. Stone nakangiting kumakaway sa kanya at iniimbintahan siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Nalilito at kinakabahan man ay pumasok si Aleighna sa sasakyan,iniisip kung ano ang kaya mangyayari sa kanya sa araw na ito.Chapter 11 Tiningnan lamang siya ni Bradley ng matalim at saka siya nilagpasan at umakyat sa ka silid nito. Narinig ni Aleighna ang malakas na kalabog ng pinto, pero lalong lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi. Kinuha niya ang mga pinagkainan at nagtungo sa kusina upang hugasan ang mga ito.Pagbalik sa kanyang malaking silid, humiga si Aleighna sa kama pero hindi siya magawang dalawin ng antok.Hindi naman siya maselan sa higaan, pero kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog.Kinuha niya ang kanyang cellphone, at biglang tumunog ito. May tumatawag na numero na hindi niya kilala.Alas-dose na ng gabi, at sa oras na ito ay bihirang may tumatawag sa kanya mula sa mga kakilala niya.Matagal na nagri-ring ang telepono, tila hindi titigil hangga't hindi sinasagot.Sa huli, sinagot din ni Aleighna ang tawag."Aleighna... gusto kitang makita."Hindi niya kilala ang numero, pero pamilyar na pamilyar sa kanya ang boses.Mahina ang boses ni Jameson, at tila nagmamakaawa, "Pwede mo ba ak
Chapter 10 Nagulat si Aleighna nang marinig niyang muli ang sabi nito, "Mag-asawa kayo, hindi pwedeng hiwalay ang tirahan niyo.""Balak ko sana na ipatira kayo sa mansyon, pero naisip ko na baka maistorbo namin kayo, kaya binawi ko na lang ang ideya.”"Alam mo naman ang gusto ko, at alam mo rin ang pinagdadaanan ko. Sana mabigyan mo agad ng anak si Bradley."Dito na dumako ang usapan.Alam na alam ito ni Aleighna, at pumayag naman siya noon."Mommy, gusto ko rin naman po, pero si Bradley..." Nag-atubili siyang magsalita, alam niyang maiintindihan ito ni Mrs. Stone.Sabi ni Mrs. Stone, "Huwag mo na siyang intindihin. Hindi mahalaga ang proseso, basta tama ang resulta."Ramdam ni Aleighna ang matinding kagustuhan ni Mrs. Stone na magka apo. Natatakot siya na baka nga ay wala nang maraming oras si Bradley.Pero kahit gusto niyang magbuntis, kailangan ding pumayag si Bradley.At higit sa lahat, ayaw na ayaw ni Bradley ang ganu'n, halos patayin na nga sya nito sa pagka disgusto nito sa ka
Author's Note: Hello love's! Sorry, ngayon lang nakapag update ang inyong author! Para bumawi sa inyo mga readers ko, may pa give-away ako sa inyo. Kapag umabot ng 300 views ang novel natin ay magpapa cashji ang inyong author sa first 10 na mag fo-follow sa akinPasasalamat ko sa inyong walang tigil na pag supporta sa MTAWB. Follow me at I add nyo sa library niyo ang Married to a Wicked Billionaire para mas maging updated kayo sa mga ganap ng ating novel at pa giveaways. Thankiess! Chapter 9 Dumilim na ang paligid.Pagpasok ni Bradley sa istasyon ng pulisya, nakita niya si Aleighna na nakaupo sa isang upuan. Gulong-gulo ang buhok, gusot-gusot at punit ang blouse, may sugat at pasa ang mukha at bagama't halatang pagod na pagod na, tuwid pa rin ang kanyang upo.Mag-isa itong nakaupo doon, parang isang pusang nawalay sa may-ari at walang matakbuhan.Nang makita ni Aleighna ang paparating, naningkit ang kanyang malungkot na mga mata. Pero nang makilala niya kung sino ito, nagulat
Chapter 8.2 Content Warning: This chapter includes themes of sexual violence and assault. Reader discretion is advised.Pilit kumakawala si Aleighna pero mas malakas ito.Hinihila siya nito papasok at binuksan ang pinto ng kotse.Habang lumalaban siya, lalo itong nanggagalaiti.Itinulak siya nito papasok kaya napahiga siya sa upuan.Sinipa niya ito gamit ang paa pero sumampa ito papasok sa loob ng sasakyan."Jameson, nababaliw ka na ba?!."Galit na galit siya kaya sinuntok at sinipa niya ito. Kinuha niya ang cellphone at susi at paulit-ulit na hinampas sa mukha at ulo nito.Kahit na babae siya at mas malakas ito sa kanya ay hindi hahayaan ni Aleighna na saktan siya nito. Kaya sa abot ng kanyang makakaya ay pinag sisipa at pinagsusuntok niya ito. Hindi inaasahan ni Jameson na ganito katapang at kalakas ang babae. Kung may hawak lang itong kutsilyo, paniguradong napatay na siya nito.Hinawakan niya ang mga kamay nito, ikinulong ang mga binti nito at umibabaw dito. Kung hindi niya
Chapter 8 Umuwi si Aleighna. Dahil sa ulan at ginaw, lalong lumala ang kanyang sipon.Barado ang ilong, sumasakit ang ulo at lalamunan.Uminom siya ng gamot at nagtalukbong ng kumot, yumuko at niyakap ang sarili.Mag-isa lang siya sa kama at ang tagal bago i uminit.Pagsapit ng madaling araw, hindi na niya kinaya. Nagsuot siya ng makapal na jacket at sumakay ng taxi papuntang ospital.Habang naka dextrose at lutang ang isip, napansin niya na lahat ng pasyente sa paligid ay may kasama. Hindi niya maiwasang mainggit.Mabagal ang oras at ayaw niyang matulog.Pinipilit niyang gisingin ang sarili at paminsan-minsan ay sumisilip.Nagpunta si Bradley para sa check-up at aksidenteng nakita si Aleighna na nakaupo sa gilid.Nakayuko ito, magulo ang buhok, at may karayom sa kamay. Sa dami ng tao, siya ang mukhang nakakaawa dahil wala itong kasama. Biglang tumingala si Aleighna at nagtama ang paningin nila."Bradley..." awtomatiko niyang tawag.Pero parang wala itong nakita at dumiretso lang it
Chapter 7 Nawala ang ngiti sa mga labi ng lahat at napalitan ito ng pagtataka.Natigilan si Terrence, tiningnan ang walang singsing na daliri ni Aleighna, at saka ngumiti. "Para lang tanggihan ako, gagawa ka talaga ng kahit anong dahilan."Alam ni Aleighna na hindi ito maniniwala.Paano naman niya isasama si Bradley doon para patunayan ito kung ayaw nga nitong may makaalam na mag-asawa silang dalawa. "Kung ganoon, tawagin mo ang asawa mo at ipakilala mo sa akin," nakangiting hamon pa rin ni Terrence.Kinagat ni Aleighna ang kanyang labi. "Busy kasi siya...""Aleighna," putol ni Terrence sa sasabihin pa sana niya. "Sinundan kita mula sa China hanggang dito sa Pilipinas. Seryoso ako at gusto talaga kita."Wala siyang pakialam sa itsura niya sa paningin ng iba. Taimtim ang kanyang mga mata. "Kung totoo ngang may asawa ka na, rerespetuhin ko at babatiin kayo. Pero kung nagdadahilan ka lang para umiwas, sa tingin ko hindi mo na kailangang gawin 'yon.""Bigyan mo naman ako ng pagkakataon,







