Share

Chapter 5

Author: Ilaria
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-18 23:16:41

1Masakit ang puson ko nang magising ako kinabukasan. Pagkauwi kasi namin, umalis agad si Zayn dahil nagkaroon ito ng emergency bigla. Sakto namang nagkaroon ako. Tuloy sobrang sama ng pakiramdam ko; pakiramdam ko nabugbog ang puson ko kahit hindi naman, para na akong lumpiang gulay na nakabaluktot sa kama ngayon.

Pawis at kunot ang noo ko nang lingunin ang cellphone na nagre-ring ngayon. Malalim akong bumuntonghininga at kinuha 'yun. Nang makitang si Lola Allyza 'yun ay wala akong nagawa kundi sagutin ang tawag.

"Hello, Apo! Busy ka ba today?" magiliw na tanong ni Lola. "Magmamall kasi kami ni Zaila, gusto mo bang sumama? Ibibili na rin kita ng mga bagong gamit mo!" dagdag pa nito.

Gustuhin ko man ay hindi kaya ng katawan ko. Gusto ko lang mahiga, umiyak, at magmukmok sa kama. Ganito naman kasi ako lagi kapag nagkakaroon; sanay na akong nakahiga lang. Paminsan ay kailangan ko pa ring kumilos noon dahil ayaw kumilos ni Kairo sa bahay.

"Masama po pakiramdam ko, 'La," dahilan ko. Totoo naman kasi, baka maging alagain pa ako kung sakali. "Sa susunod na lang po ako sasama."

"Uminom ka na ba ng gamot?" nag-aalala niyang tanong. "Naku, sinong kasama mo? Kaya mo ba?"

"Kaya ko po. Busy po si Zayn, kaya ayos lang po ako. Sige na po, enjoy po kayo ni Zaila," malambing kong sabi tsaka pinatay ang tawag.

Muli akong dumapa sa kama at mariing pumikit. Bahala na, mawawala rin ito. Itutulog ko na lang 'to.

Pero kahit anong pilit kong matulog, gising na gising pa rin talaga ako. Wala pa akong kain, wala pa akong tulog, tamad na tamad akong gumalaw, kaso ang gulo pa rin ng bahay... Nakakainis namang buhay 'to!

Kahit nanghihina, pinilit kong tumayo sa kama at lumabas ng kwarto. Gano'n na lang ang gulat ko nang sa paglabas ko ay siya namang pagpasok ni Zayn sa penthouse—may dalawang paper bag 'to sa magkabilang kamay. Halatang nagulat din siya nang makita ako.

Nang lingunin ko ang sarili, simpleng T-shirt na puti at cycling shorts lang ang suot ko, at wala pa akong bra!

"Gago!" Mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto at nag-lock do'n. "Anong ginagawa niya rito?! Ang aga naman niyang umuwi!" hiyang-hiya kong sigaw.

Marahas na buntonghininga ang pinakawalan ko tsaka naglakad papuntang bathroom at nag-ayos na ng sarili.

Nang matapos ako, agad akong lumabas ng kwarto. Nakita ko agad si Zayn na nasa dining area. Mabilis na namangha ang mga mata ko nang makitang may nakahaing pagkain sa lamesa—kanin, sinigang, fruits, at juice.

"Ginawa mo lahat 'to?" mangha kong tanong. Ayoko pa sanang maniwala, pero sa laki ng ngisi sa labi niya, sigurado akong siya ang naghanda ng lahat. "Marunong ka palang magluto."

"Of course, marami akong kayang gawin, Gianna," aniya. Nagulat pa ako nang ipaghila niya ako ng upuan. Hindi na ako nagreklamo at naupo na lang doon. "Masama raw pakiramdam mo? Bakit? Anong nangyari?"

"Nagka-mens ako," sagot ko. Hindi ko lang sigurado kung naiintindihan niya 'yun. "Ganito talaga ako kapag nagkakaroon, eh," paliwanag ko pa.

"May gusto ka bang kainin? Cravings? Gawin?" sunod-sunod niyang tanong. "May pads ka pa ba? May heat pad ka?"

Natawa ako nang bahagya. "Alam mo ang mga 'yan? Daming time, attorney?"

"Common things naman 'yan, Gia. Okay ka lang ba? Masakit pa? Gusto mo bang ibili kita ng heat pad?"

"Mabait ka rin pala, 'no?" Hindi ko napigilan ang sariling ngumiti at nagsimulang magsandok ng pagkain.

Nang makita niya 'yun ay mabilis niyang inagaw sa 'kin ang panandok at siya na ang nagpatuloy na magsilbi sa 'kin. Gentleman din pala ang lalaking 'to.

"Maayos naman kasi talaga ako, sadyang hindi lang maganda ang simula nating dalawa," aniya. Napatango ako bilang pagsang-ayon. "About that..."

Nang maramdama kong lumiit ang boses niya, taka ko siyang nilingon. "Ano 'yun?"

"I am so sorry for not responding to your text or emails... Kahapon ko lang nalaman, kinalkal ng secretary ko lahat... Mali namin, mali ko. Nasa spam ka all this time at binalock ka niya sa number na naibigay ko dahil inakala niyang scammer ka," paliwanag niya. Napabuntonghininga na lang ako. "I am so sorry, Gia... Kung gusto mo, tutulungan pa rin kita ngayon."

"Pa'no naman? Asawa na kita. Hindi pwedeng ikaw ang hahawak ng kaso ko, tsaka hindi ko nga alam kung nasaan ang gagong 'yun," sabi ko. "'Wag na lang nating isipin. Kung nakokonsensya ka lang kaya mo gustong gawin 'to, 'wag na lang, Zayn."

"No," aniya at humawak sa palad ko, kaya hindi ko tuloy magawang sumubo muli. "Kukuha tayo ng magaling na abogado. Marami akong kilala. I know na bawal na akong maging abogado mo, but that doesn't mean hahayaan ko na lang 'yun. Now that I am your husband, tingin mo papayag akong hindi makulong ang ex mong 'yun?" may gigil niyang sabi. "Look, Gia, you have me now. Gagawin ko ang lahat makuha mo lang ang hustisya mo, so let me help you this time..."

Marahan kong nabitawan ang kutsara sa kamay ko at binawi ang isang kamay ko sa kaniya. Titig na titig si Zayn sa akin, at naninibago ako bigla.

Ramdam ko namang seryoso siya sa sinasabi niya, ramdam kong gusto niya talaga akong tulungan pero... pagkatapos ng nangyari noon, nawalan na ako ng pag-asa. Nasira niya ang tiwala ko, nasaktan ako, nadurog, at ayoko nang maulit pa 'yun... Kaya hindi ko alam kung magagawa ko ba siyang pagtiwalaan sa ganitong bagay, lalo na ngayong wala namang kasiguraduhan ang relasyon naming dalawa.

"Hindi ko alam," sagot ko. "Ayoko muna isipin 'yan, Zayn." Marahan akong tumayo sa pagkakaupo at uminom ng tubig. "Salamat sa niluto mo, thank you sa effort. Pasensya na sa abala, pero babalik na ako sa kwarto," seryoso kong sabi.

Akmang lalagpasan ko na sana siya nang matigilan ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Bakit—"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang hapitin niya ako bigla sa bisig niya. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat na napatitig sa kaniya. Akmang magtatanong sana ako ngunit huli na dahil mabilis niyang sinakop ang labi ko gamit ang labi niya.

Mariin akong napahawk sa coat na suot niya, hindi alam ang gagawin nang mas dumiin ang halik niya sa 'kin. Maingat ngunit mapusok ang bawat halik niya sa 'kin. Nang bitawan niya ang labi ko ay halos maubos na ang hininga ko.

Tangina, bakit niya ako hinalikan?!

"Para saan 'yun?" gulong-gulo kong tanong sa kaniya. "Gago ka ba?"

"Ang sarap mo pala halikan," hirit niya bigla. "That's my peace offering, my dearest wife. So go to your room and rest, bibili lang ako ng mga gamit at pwede mong kainin para mas gumaan ang pakiramdam mo," malambing niyang sabi, at walang pasabing tumayo at iniwan ako roon.

Natulala naman ako sa kinauupuan at hindi makapaniwala sa pangyayari. Gago, hinalikan talaga ako ni Zayn?! Ano ba naman 'tong puso ko?! Sobrang bilis na naman ng tibok! Nakakainis!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 5

    1Masakit ang puson ko nang magising ako kinabukasan. Pagkauwi kasi namin, umalis agad si Zayn dahil nagkaroon ito ng emergency bigla. Sakto namang nagkaroon ako. Tuloy sobrang sama ng pakiramdam ko; pakiramdam ko nabugbog ang puson ko kahit hindi naman, para na akong lumpiang gulay na nakabaluktot sa kama ngayon. Pawis at kunot ang noo ko nang lingunin ang cellphone na nagre-ring ngayon. Malalim akong bumuntonghininga at kinuha 'yun. Nang makitang si Lola Allyza 'yun ay wala akong nagawa kundi sagutin ang tawag. "Hello, Apo! Busy ka ba today?" magiliw na tanong ni Lola. "Magmamall kasi kami ni Zaila, gusto mo bang sumama? Ibibili na rin kita ng mga bagong gamit mo!" dagdag pa nito. Gustuhin ko man ay hindi kaya ng katawan ko. Gusto ko lang mahiga, umiyak, at magmukmok sa kama. Ganito naman kasi ako lagi kapag nagkakaroon; sanay na akong nakahiga lang. Paminsan ay kailangan ko pa ring kumilos noon dahil ayaw kumilos ni Kairo sa bahay. "Masama po pakiramdam ko, 'La," dahilan ko. Tot

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 4

    Masama ang gising ko, kaya wala akong ganang makipag-usap. Panay din ang pag-iwas ko kay Zayn dahil nahihiya ako sa kaniya. Isang linggo na rin 'yun, pero nakakahiya pa rin kasi talaga! Buti na lang talaga wala na naman siya dahil busy siya sa trabaho.Ayaw ko sanang makipagkita kahit kanino, pero wala akong nagawa nang dumating bigla si Zaila sa penthouse ni Zayn at may dalang mga gown."Bakit kasama ako?" takang tanong ko. "Hindi naman ako dumadalo sa gano'n," dagdag ko pa. Anong alam ko sa mga gala party?"Well, Lola said na ikaw na lang muna ang representative ni Kuya Zayn since hindi siya makakapunta due to an emergency. Asawa ka niya, so ikaw na lang," paliwanag ni Zaila. Napangiwi ako at tamad na ngumuya ng tinapay. "Besides, Lola wants to introduce you! Nando'n din si Kuya Zyrus, Ziren, at Ate Eireen!" excited pa nitong sabi.Kumunot ang noo ko. Sino ang mga 'yun?"Sino sila?" tanong ko. "Hindi sila familiar.""Ah, pinsan namin si Ate Eireen, tapos kapatid ni Kuya Zayn sila Ku

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 3

    "Lola, bawal ba talaga ako rito?" nakangiwi kong tanong.Kakalabas lang ni Lola Allyza sa ospital, halos tatlong linggo rin siya ro'n. Wala yata akong ginawa sa tatlong linggong 'yun kundi ang umuwi sa penthouse ni Zayn na sobrang boring at dalawin si Lola Allyza sa ospital. Wala naman kasi ang asawa ko; may hearing daw, eh. Bahala siya, pakialam ko ba naman sa kaniya?"Hija, kailangang magkasama kayo lagi ni Zayn," sagot ni Lola. "Tsaka pabaya ang batang 'yun sa sarili. Alam ko namang hindi pa kayo nagkakasundo ngayon, pero sana alagaan mo ang apo ko," pakiusap pa nito.Tumango ako. "Ako bahala ro'n, Lola." Hindi niya naman kailangang isipin 'yun. "Bubusugin ko si Zayn lagi," ng sama ng loob. "Okay na po ba kayo? Mamimili po kasi sana ako ng stock sa penthouse at mga gamit ko.""Okay na ako, pasasamahan kita kay Zaila," aniya at ngumiti. "Magkakasundo kayo no'n. Pinsan ni Zayn 'yun, kaedad mo lang siya, kaso madaldal 'yun, Hija.""Okay lang po." Ngumiti ako. At least may makakabondin

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 2

    "This is your fault." Umirap ako nang marinig ang boses ni Zayn. Ang kapal din talaga ng lalaking 'to! Kasalanan ko?! Kasalanan ko pa?! Siya nga itong may malaking kasalanan sa 'kin!Bakit kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya pa? Ayaw ko sa kaniya, galit ako sa kaniya. Sinong hindi magagalit?! I met him before sa province namin! Bisita siya ro'n sa pinagtatrabahuhan kong resort. Dahil special guest siya, maayos ang trato sa kaniya. Nalaman kong sikat at magaling siyang abogado. Gusto kong kasuhan no'n si Kairo, lalo na ang pagbebenta ni Kairo ng lupain ni Mama nang wala kong paalam. Nangako si Zayn sa 'kin na tutulungan niya ako nang walang kapalit na pera. Iniwan niya sa 'kin ang number at email niya, pero wala akong natanggap na kahit ano.Halos tatlong buwan ko siyang kinukulit! Hanggang sa nalaman kong naka-block na ako sa kaniya! Tapos ngayon makikita ko siya?! At siya pa ang magiging asawa ko?! Nakakairita!"Bakit naging kasalanan ko? Ako ba ang sakit ni Lola?" pilosopo kon

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 1

    "Woman for hire..." basa ko sa nakatarpaulin. Bahagya akong natawa at lumapit kay Manong Guard."Hiring po ba kayo?" malaki ang ngiting tanong ko kay Manong Guard ng mansiyon na nadaanan ko. Halata namang hiring sila dahil nakapaskil sa labas ng mansiyon ang malaking sign na naghahanap sila ng babaeng kayang gawin ang lahat. Sa totoo lang, weir at nakakatawa ang nakapaskil, pero desperada na ako.Wala na akong pera. Ubos na ang perang baon ko rito sa Maynila. Idagdag pa na ayaw akong tigilan ng mga pinag-utangan ni Kairo kakatawag sa 'kin. Kailangan kong bayaran 'yun dahil pangalan ko ang nakasalalay dito. Isa pa, kailangan ko ring mabawi ang lupang iniwan ng ina ko. 'Yun na nga lang ang iniwan ni Mama sa 'kin, eh."Oo, Ineng. Ilang taon ka na muna? Bawal kasi ang minor sa trabahong 'yun," seryosong sabi ni Manong Guard at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.Hindi ko mapigilan ang sariling hindi mapasimangot! Cute size lang kaya ako ganito, 'no!"Twenty-five years old na ako, Manong!

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status