Share

Married to my Enemy for Convenience
Married to my Enemy for Convenience
Author: Ilaria

Chapter 1

Author: Ilaria
last update publish date: 2026-10-18 12:44:26

"Woman for hire..." basa ko sa nakatarpaulin. Bahagya akong natawa at lumapit kay Manong Guard.

"Hiring po ba kayo?" malaki ang ngiting tanong ko kay Manong Guard ng mansiyon na nadaanan ko. Halata namang hiring sila dahil nakapaskil sa labas ng mansiyon ang malaking sign na naghahanap sila ng babaeng kayang gawin ang lahat. Sa totoo lang, weir at nakakatawa ang nakapaskil, pero desperada na ako.

Wala na akong pera. Ubos na ang perang baon ko rito sa Maynila. Idagdag pa na ayaw akong tigilan ng mga pinag-utangan ni Kairo kakatawag sa 'kin. Kailangan kong bayaran 'yun dahil pangalan ko ang nakasalalay dito. Isa pa, kailangan ko ring mabawi ang lupang iniwan ng ina ko. 'Yun na nga lang ang iniwan ni Mama sa 'kin, eh.

"Oo, Ineng. Ilang taon ka na muna? Bawal kasi ang minor sa trabahong 'yun," seryosong sabi ni Manong Guard at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Hindi ko mapigilan ang sariling hindi mapasimangot! Cute size lang kaya ako ganito, 'no!

"Twenty-five years old na ako, Manong!" tuwa ko at tumayo nang maayos. "Ano po ba 'yang trabaho na 'yan? Legit ba 'yan? Talagang stay-in tapos walang kaltas ang sahod? Sagot lahat ng mga benefits and pension ko at ibang bagay?" panigurado ko pa. Mahirap na, eh; mukha na akong pera ngayon, pero parang ang hirap kasing maniwala. Wala rin nakalagay kung magkano ang sahod, baka mamaya sobrang baba.

"Oo, Ineng. Kaso siguraduhin mo na kayo mo gawin ang trabahong 'yan," banta niya. Kinabahan ako bigla.

"Bakit po? Magbebenta ba 'yan ng laman?"

"Hindi, mahirap 'yan, pero hindi laman ang ibebenta mo," sagot niya. "Kung interesado ka pa rin, pasok ka. Deretso ka, may maid do'n; sabihin mo aplikante ka, dadalhin ka niya kay Donya," paliwanag ni Manong.

Tumango na lang ako. Hindi naman siguro 'to illegal? Mukha namang disenteng tao ang may-ari ng mansiyon, tapos halatang mayaman talaga.

Ngumiti na lang ako kay Manong Guard tsaka naglakad papasok. Malayo rin ang lakaran kaya nakakapagod din nang marating ko ang pintuan; hindi pa ako nakakatok ay bumukas na 'yun at isang ginang ang bumungad sa 'kin.

"Good afternoon po! Aplikante po ako!" pakilala ko agad.

Tiningnan niya lang ako tsaka binuksan nang mas malaki ang pintuan. Pumasok agad ako at bahagyang tumawa. "Wow..." Hindi ko napigilan ang sariling hindi mamangha.

Vintage ang itsura ng bahay, maganda, mabango, at halatang hindi basta-basta ang may-ari! Pakiramdam ko tuloy sumakses na ako sa buhay!

"Akyat ka sa ikalawang palapag, unang kwarto sa kanan, katok ka muna bago pumasok. Nando'n ang Donya," derederetso niyang sabi at iniwan na ako ro'n. Saan ba nakatira ang mga tao rito? Sa snow? Ang lalamig, ha?

Agad kong sinunod ang utos no'ng ginang. Maingat at walang ingay ang galaw ko hanggang sa marating ko ang kwartong sinasabi. Huminga ako nang malalim at inayos ang sarili tsaka ako pumasok sa loob ng kwarto.

Malamig na simoy ng aircon agad ang bumungad sa 'kin. Agad kong natanaw ang isang matandang babae; maputi ito, maski ang buhok nitong puting-puti ay magandang tignan, idagdag pa ang mga suot nitong alahas na kumikinang-kinang. Kabado tuloy akong lumapit sa kaniya, ngunit nang humarap siya sa 'kin ay malaki ang ngiti niya sa labi.

"Good afternoon, Hija. I am Lola Allyza, ikaw?"

"Gianna po, Ma'am," sagot ko. "Magandang hapon din po."

"Be seated, please," aniya, na siya namang agad kong sinunod. "To be honest, ayaw ko na patagalin pa 'to. Are you sure na you really needed this job?"

"Yes po, kahit ano po 'yan basta... 'Wag po illegal, ha? Desperada na po ako, pero ayoko maging masamang tao," pagsasabi ko ng totoo. Natawa naman siya sa 'kin. "Anong klaseng trabaho ba?"

"Magiging asawa ng anak ko," walang pag-aalinlangan niyang sagot. "Marami na naging aplikante, pero sa tuwing nalalaman nilang kailangan nilang ikasal sa anak ko, umaayaw sila—"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Lola Allyza at tumayo agad sa kinauupuan. Kasal?! Seryoso ba siya?! Kakagaling ko lang sa relasyon! Naloko na nga ako, binaon pa ako sa utang! Tapos ikakasal ako?! Ayoko namang matali, 'no!

"Hija, look, let me explain muna! Ikakasal ka sa anak ko dahil natatakot akong mamatay na wala siyang asawa. Kasal na ang mga kapatid niya, at siya na lang ang hindi," paliwanag niya pa.

"Pero, Ma'am, bakit kasal? Hindi ba pwedeng maid na lang? Tsaka parang ang hirap—"

"Fifty thousand monthly salary, bukod pa ang Philhealth, SSS, Pag-ibig, at Health Card mo. May libreng bahay, allowance, at kung gusto mo, bibigyan kita ng magandang trabaho... Just please, accept this job. This is not just a job, honestly; this is a responsibility,"

seryosong-seryoso niyang sabi.

Marahan akong napabalik sa inuupuan. Ang laki kasi ng offer, sayang naman, di ba? Single na rin naman ako, tsaka magiging asawa lang naman ako, wala na akong kailangang gawin pa, easy money na 'to kumbaga. Tsaka para mapamukha ko sa gagong ex ko na kaya kong maghanap ng lalaking much better sa kaniya!

"Sino po ba ang magiging asawa ko?" nakangiti kong tanong. "Basta po hindi serial killer, ha?"

Tumawa na naman siya; funny talaga akong tao, eh. Isipin mo, maski si Donya ay natatawa sa 'kin.

"You know what, Hija? You are funny. Pakiramdam ko, matutuwa ka rin sa anak ko. Maybe he is cold, arrogant, and snobber, but he's a good man. Pwede natin siyang puntahan sa opisina niya kung gusto mo—"

Hindi natapos ni Lola Allyza ang sasabihin nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Sabay kaming napalingon do'n, at mabilis nanlaki ang mata ko nang makita ang lalaking nakatayo sa harapan namin ngayon.

"Buti naman nagpunta ka, anak. Here's Gianna, your bride. Gianna, this is Zayn, my son," magiliw na pakilala ni Lola Allyza sa 'kin.

Inis akong napatayo at walang-ano-anong sinugod ang anak niya. Malakas ko itong sinampal. "Gago ka!"

"Hija, bakit mo sinampal ang anak ko?!" gulong-gulo na tanong ni Lola Allyza.

Kahit sino ay maiinis kapag nakita ang lalaking pinaasa ka sa wala! Sigurado na ako, eh! Handa na ako sa kasal, kaso dito?! Sa abogadong 'to ako ikakasal?! 'Wag na lang!

"What the fuck?!" inis na sabi ni Zayn.

"What the fuck ka rin! Paasa ka! Ano?! Nandito ka lang pala!" inis na inis ako. Nilingon ko si Lola Allyza. "Pasensya na po, hindi ko kayang pakasalan ang anak niyo—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang bumagsak si Lola Allyza. Nanlaki ang mata ko at dali-dali siyang nilapitan.

Ano ba naman 'to?! Pa'no ako aalis nito bigla?!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 5

    1Masakit ang puson ko nang magising ako kinabukasan. Pagkauwi kasi namin, umalis agad si Zayn dahil nagkaroon ito ng emergency bigla. Sakto namang nagkaroon ako. Tuloy sobrang sama ng pakiramdam ko; pakiramdam ko nabugbog ang puson ko kahit hindi naman, para na akong lumpiang gulay na nakabaluktot sa kama ngayon. Pawis at kunot ang noo ko nang lingunin ang cellphone na nagre-ring ngayon. Malalim akong bumuntonghininga at kinuha 'yun. Nang makitang si Lola Allyza 'yun ay wala akong nagawa kundi sagutin ang tawag. "Hello, Apo! Busy ka ba today?" magiliw na tanong ni Lola. "Magmamall kasi kami ni Zaila, gusto mo bang sumama? Ibibili na rin kita ng mga bagong gamit mo!" dagdag pa nito. Gustuhin ko man ay hindi kaya ng katawan ko. Gusto ko lang mahiga, umiyak, at magmukmok sa kama. Ganito naman kasi ako lagi kapag nagkakaroon; sanay na akong nakahiga lang. Paminsan ay kailangan ko pa ring kumilos noon dahil ayaw kumilos ni Kairo sa bahay. "Masama po pakiramdam ko, 'La," dahilan ko. Tot

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 4

    Masama ang gising ko, kaya wala akong ganang makipag-usap. Panay din ang pag-iwas ko kay Zayn dahil nahihiya ako sa kaniya. Isang linggo na rin 'yun, pero nakakahiya pa rin kasi talaga! Buti na lang talaga wala na naman siya dahil busy siya sa trabaho.Ayaw ko sanang makipagkita kahit kanino, pero wala akong nagawa nang dumating bigla si Zaila sa penthouse ni Zayn at may dalang mga gown."Bakit kasama ako?" takang tanong ko. "Hindi naman ako dumadalo sa gano'n," dagdag ko pa. Anong alam ko sa mga gala party?"Well, Lola said na ikaw na lang muna ang representative ni Kuya Zayn since hindi siya makakapunta due to an emergency. Asawa ka niya, so ikaw na lang," paliwanag ni Zaila. Napangiwi ako at tamad na ngumuya ng tinapay. "Besides, Lola wants to introduce you! Nando'n din si Kuya Zyrus, Ziren, at Ate Eireen!" excited pa nitong sabi.Kumunot ang noo ko. Sino ang mga 'yun?"Sino sila?" tanong ko. "Hindi sila familiar.""Ah, pinsan namin si Ate Eireen, tapos kapatid ni Kuya Zayn sila Ku

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 3

    "Lola, bawal ba talaga ako rito?" nakangiwi kong tanong.Kakalabas lang ni Lola Allyza sa ospital, halos tatlong linggo rin siya ro'n. Wala yata akong ginawa sa tatlong linggong 'yun kundi ang umuwi sa penthouse ni Zayn na sobrang boring at dalawin si Lola Allyza sa ospital. Wala naman kasi ang asawa ko; may hearing daw, eh. Bahala siya, pakialam ko ba naman sa kaniya?"Hija, kailangang magkasama kayo lagi ni Zayn," sagot ni Lola. "Tsaka pabaya ang batang 'yun sa sarili. Alam ko namang hindi pa kayo nagkakasundo ngayon, pero sana alagaan mo ang apo ko," pakiusap pa nito.Tumango ako. "Ako bahala ro'n, Lola." Hindi niya naman kailangang isipin 'yun. "Bubusugin ko si Zayn lagi," ng sama ng loob. "Okay na po ba kayo? Mamimili po kasi sana ako ng stock sa penthouse at mga gamit ko.""Okay na ako, pasasamahan kita kay Zaila," aniya at ngumiti. "Magkakasundo kayo no'n. Pinsan ni Zayn 'yun, kaedad mo lang siya, kaso madaldal 'yun, Hija.""Okay lang po." Ngumiti ako. At least may makakabondin

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 2

    "This is your fault." Umirap ako nang marinig ang boses ni Zayn. Ang kapal din talaga ng lalaking 'to! Kasalanan ko?! Kasalanan ko pa?! Siya nga itong may malaking kasalanan sa 'kin!Bakit kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya pa? Ayaw ko sa kaniya, galit ako sa kaniya. Sinong hindi magagalit?! I met him before sa province namin! Bisita siya ro'n sa pinagtatrabahuhan kong resort. Dahil special guest siya, maayos ang trato sa kaniya. Nalaman kong sikat at magaling siyang abogado. Gusto kong kasuhan no'n si Kairo, lalo na ang pagbebenta ni Kairo ng lupain ni Mama nang wala kong paalam. Nangako si Zayn sa 'kin na tutulungan niya ako nang walang kapalit na pera. Iniwan niya sa 'kin ang number at email niya, pero wala akong natanggap na kahit ano.Halos tatlong buwan ko siyang kinukulit! Hanggang sa nalaman kong naka-block na ako sa kaniya! Tapos ngayon makikita ko siya?! At siya pa ang magiging asawa ko?! Nakakairita!"Bakit naging kasalanan ko? Ako ba ang sakit ni Lola?" pilosopo kon

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 1

    "Woman for hire..." basa ko sa nakatarpaulin. Bahagya akong natawa at lumapit kay Manong Guard."Hiring po ba kayo?" malaki ang ngiting tanong ko kay Manong Guard ng mansiyon na nadaanan ko. Halata namang hiring sila dahil nakapaskil sa labas ng mansiyon ang malaking sign na naghahanap sila ng babaeng kayang gawin ang lahat. Sa totoo lang, weir at nakakatawa ang nakapaskil, pero desperada na ako.Wala na akong pera. Ubos na ang perang baon ko rito sa Maynila. Idagdag pa na ayaw akong tigilan ng mga pinag-utangan ni Kairo kakatawag sa 'kin. Kailangan kong bayaran 'yun dahil pangalan ko ang nakasalalay dito. Isa pa, kailangan ko ring mabawi ang lupang iniwan ng ina ko. 'Yun na nga lang ang iniwan ni Mama sa 'kin, eh."Oo, Ineng. Ilang taon ka na muna? Bawal kasi ang minor sa trabahong 'yun," seryosong sabi ni Manong Guard at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.Hindi ko mapigilan ang sariling hindi mapasimangot! Cute size lang kaya ako ganito, 'no!"Twenty-five years old na ako, Manong!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status