Share

Chapter 4

Author: Ilaria
last update publish date: 2026-10-18 17:11:44

Masama ang gising ko, kaya wala akong ganang makipag-usap. Panay din ang pag-iwas ko kay Zayn dahil nahihiya ako sa kaniya. Isang linggo na rin 'yun, pero nakakahiya pa rin kasi talaga! Buti na lang talaga wala na naman siya dahil busy siya sa trabaho.

Ayaw ko sanang makipagkita kahit kanino, pero wala akong nagawa nang dumating bigla si Zaila sa penthouse ni Zayn at may dalang mga gown.

"Bakit kasama ako?" takang tanong ko. "Hindi naman ako dumadalo sa gano'n," dagdag ko pa. Anong alam ko sa mga gala party?

"Well, Lola said na ikaw na lang muna ang representative ni Kuya Zayn since hindi siya makakapunta due to an emergency. Asawa ka niya, so ikaw na lang," paliwanag ni Zaila. Napangiwi ako at tamad na ngumuya ng tinapay. "Besides, Lola wants to introduce you! Nando'n din si Kuya Zyrus, Ziren, at Ate Eireen!" excited pa nitong sabi.

Kumunot ang noo ko. Sino ang mga 'yun?

"Sino sila?" tanong ko. "Hindi sila familiar."

"Ah, pinsan namin si Ate Eireen, tapos kapatid ni Kuya Zayn sila Kuya Zyrus at Ziren," paliwanag niya at naupo sa tabi ko. "Kaya sumama ka na kasi wala ka rin namang magagawa." Tumawa pa siya at tsaka ako hinila patayo sa inuupuan.

Wala naman talaga akong magagawa. Naligo na agad ako at nagulat na lang ako nang marami nang tao sa loob ng kwarto. May naka-set up na ring chairs, mirror, at lights, tsaka mga makeup. Hindi ko na rin nagawang magtanong pa dahil mabilis na akong pinaupo ni Zaila sa high chair at sinimulan akong ayusan. Black glittering off-shoulder fitted dress ang pinasuot niya sa 'kin. Nakalugay ang buhok ko habang kulot ang dulo no'n, pinasuot din ako ni Zaila ng silver na high heels at ng ano-ano pang accessories. Sa sobrang tagal ng proseso, hindi ko na namalayang gabi na at deretso na agad kami sa venue.

Kabado ako. Hindi ako familiar sa ganito, hindi ko alam ang dapat gawin, at hindi ko alam kung matutuwa ba ang mga tao sa 'kin.

Kumunot agad ang noo ko nang mag-ring ang cellphone ko na niregalo ni Lola Allyza sa 'kin. Unknown number 'yun. Kahit walang kasiguraduhan kung sino 'yun, sinagot ko pa rin ang tawag. "Hello?"

"Where are you?"

"Zayn..." gulat kong sabi. Wala siyang paramdam sa 'kin, maski sa social media, kaya hindi ko maiwasang magulat. "Ikaw pala..."

"Hindi naka-save ang number ko sa 'yo? Asawa mo 'ko, Gianna," inis niyang sabi.

Napanguso naman ako. Malay ko ba? "Nasa'n ka?"

"Nasa sasakyan, papunta na kami sa gala night. Ikaw ba— Ay, bastos!" Inis kong tiningnan ang cellphone nang patayin niya bigla ang tawag. Nakakainis naman 'to! Napakabastos na asawa!

Masungit kong nilingon si Zaila nang marinig ko siyang bumungisngis. "Ang cute niyo ni Kuya."

Cute?! Pa'no naging cute 'yun?! Bastos nga, eh! Kung kailan nagiging maayos at malabo na ako sa kaniya, dumadali siya! "Ewan ko r'yan sa kuya mo, nakakainis. Hindi na nga ako inuuwian, tapos ganito pa? Akala mo kung sino! Tapos papatayan pa ako ng tawag?! Maghiwalay na lang kaya kami!" maktol ko. Nakakainis naman kasi talaga.

Tinawanan lang ako ni Zaila. Tamo 'tong babaeng 'to! Kaya nang makarating kami sa venue, bad mood ako. Pilit lang ang ngiti ko nang ipakilala ako sa ilang tao. Nakakawalang-gana rin pala kapag napapansin ko agad na may panghuhusga silang tingin at sinasabi sa 'kin sa tuwing ipinapakilala nila akong asawa ni Zayn. Hindi naman dapat ako apektado dahil anong pakialam ko sa sasabihin nila? Pero ewan ko, mas nawalan ako ng gana.

"You are Gianna?" Napalingon ako sa gilid ko nang may magsalitang babae. Mataray ang aura nito at silver na gown ang suot nito, idagdag pa ang kumikinang niyang mga alahas sa buong katawan. "You are Zayn's wife?"

"Oo, problema mo?" tanong ko. Sino naman 'to? Anong eksena naman 'to?

"I can't believe this. He married you? For what? Sa'ng pamilya ka ba galing? Hindi ako familiar sa surname mo. Anong family business niyo?" sunod-sunod niyang tanong. "Abogado at CEO si Zayn... Tapos nagpakasal lang siya sa muchacha?!"

"Oh, pakialam mo?" balik na tanong ko sa kaniya. Arte nito. Badtrip ako, tapos dagdag pa siya? Akala mo kung sino. "Problema mo, ha? Eh, ako ang pinakasalan?"

"Baka ginayuma mo si Zayn!"

"Bakit ko naman gagayumahin 'yun?" inis kong tanong at tumayo sa pagkakaupo. "May gusto ka ba sa asawa ko? Sorry ka na lang dahil kasal na kami!"

"I can't believe this!"

"Eh 'di 'wag ka maniwala!" bulyaw ko sa kaniya. Akala niya ba magpapa-api ako? Ano ako, nasa K-drama? "Pwede ba? Kung may problema ka sa buhay, 'wag mo 'kong idamay. Nanahimik ako rito, so please, leave me alone."

"Anong ginawa mo para pakasalan ka ni Zayn, ha?" tanong niya. Hindi niya yata talaga matanggap ang realidad. "I can't believe this, it's impossible!"

"Eh, kasal na nga, Ate? Ano bang problema mo?" iritang-irita kong tanong. "Pwede ba, tigilan mo na ako—"

"Gia." Mabilis akong napalingon sa likuran nang may tumawag sa 'kin. Hindi ako pwedeng magkamali; kilalang-kilala ko ang boses na 'yun. Kaya nang makita si Zayn na nakatayo ro'n, nanlaki talaga ang mata ko. Anong ginagawa nito rito?

"Bakit ka nakikipag-away?" tanong niya agad nang makalapit siya sa 'kin.

"Hindi ako nakikipag-away," pagtatanggol ko sa sarili ko. "Siya itong sumugod sa 'kin, Zayn. Nanahimik ako rito."

"'Wag kang gagawa ng gulo." Hindi ko alam kung banta ba 'yun. Sumama ang mukha ko at mariin siyang tinitigan. "Ako nang bahala."

"Hindi ako gumagawa ng gulo, Zayn. Nanahimik ako rito, nakaupo, walang ginagawang masama. Siya itong sumugod sa 'kin. Bakit parang kasalanan ko pa?" hindi ko makapaniwalang tanong. Iritang-irita na ako, bwisit. "Mali ko agad porket ako ang nakita mo? Ano? Ako ang sisihin mo?"

"Hindi sa gano'n, 'wag ka lang gagawa ng—"

"Hindi ako gagawa ng gulo, Zayn..." mariin kong sabi at bumuntonghininga. "Bahala ka sa paniniwalaan mo. Kausapin mo 'yang babaeng 'yan nang manahimik. Pagod ako, marami akong iniisip, at wala ako sa mood ngayon. Bahala ka," derederetso kong sabi at tinalikuran na siya. Naglakad na ako sa kung saan, bahala na kung saan makarating.

Sobrang sama ng loob ko. Asawa ko siya, tapos ganito siya sa 'kin? Parang kasalanan ko agad lahat, na para bang ang sama-sama kong tao sa kaniya.

Malalim ang paghinga ko nang marating ko ang labas ng venue. Agad akong nakakita ng swimming pool. Inalis ko ang suot na heels at walang pasabing naupo sa gilid no'n at inilubog ang paa ko.

"Para bang ako ang pinakamasamang tao?" inis kong bulong. Ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko. Awayin mo na ako sa lahat, pero pinakaayoko ang sisihin ako sa bagay na hindi ko naman ginawa. "Nakakainis, ako itong asawa niya? Tapos parang kasalanan ko agad?" Mapakla akong natawa at napailing.

Tuluyan akong naluha. Naiiyak ako sa galit. Bahala siya. Pwede na bang mag-divorce na lang kaming dalawa? Ayoko na, Lord.

"Gianna." Mabilis kong pinalis ang luha ko nang marinig ko siya sa likuran ko. "Masama ba ang pakiramdam mo? Umuwi na lang tayo."

"Kaya kong umuwi mag-isa," malamig kong sabi at tumayo sa pagkakaupo. "Bumalik ka na sa loob baka hanapin ka pa ng mga tao," utos ko sa kaniya.

Ngunit umiling siya at dali-daling lumapit sa 'kin. Laking gulat ko nang hawakan niya bigla ang magkabilang siko ko. "Zayn—"

"Sorry..." Mas nagulat ako sa sinabi niya. "Hindi naman kita sinisisi. Ayoko lang magkaroon ng gulo, at alam kong sa inyong dalawa, ikaw ang matinong mag-isip."

"Sana sinabi mo na lang nang maayos, hindi 'yung nagmumukhang kasalanan ko lahat," masama ang loob na sabi ko. "Napilitan lang naman ako rito. Ayoko namang ipakilala sa mga tao. Ayoko ng atensyon, Zayn."

"I know, kaya nga uuwi na tayo." Maliit siyang ngumiti sa 'kin. "Sorry na, bati na tayo, okay?"

Hindi ako sumagot, tumango na lang ako. Marahan niya akong inalalayan paupo sa isang upuan sa may pool area at may kinuhang towel para punasan ang paa ko. Gulat pa ako nang siya mismo ang nagsuot ng heels ko tsaka ako hinila paalis.

Kabadong-kabado ako nang maramdaman ang kakaibang tibok at saya sa puso ko. Alam ko ang ibig sabihin no'n, at ayoko ng pakiramdam na 'yun.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 5

    1Masakit ang puson ko nang magising ako kinabukasan. Pagkauwi kasi namin, umalis agad si Zayn dahil nagkaroon ito ng emergency bigla. Sakto namang nagkaroon ako. Tuloy sobrang sama ng pakiramdam ko; pakiramdam ko nabugbog ang puson ko kahit hindi naman, para na akong lumpiang gulay na nakabaluktot sa kama ngayon. Pawis at kunot ang noo ko nang lingunin ang cellphone na nagre-ring ngayon. Malalim akong bumuntonghininga at kinuha 'yun. Nang makitang si Lola Allyza 'yun ay wala akong nagawa kundi sagutin ang tawag. "Hello, Apo! Busy ka ba today?" magiliw na tanong ni Lola. "Magmamall kasi kami ni Zaila, gusto mo bang sumama? Ibibili na rin kita ng mga bagong gamit mo!" dagdag pa nito. Gustuhin ko man ay hindi kaya ng katawan ko. Gusto ko lang mahiga, umiyak, at magmukmok sa kama. Ganito naman kasi ako lagi kapag nagkakaroon; sanay na akong nakahiga lang. Paminsan ay kailangan ko pa ring kumilos noon dahil ayaw kumilos ni Kairo sa bahay. "Masama po pakiramdam ko, 'La," dahilan ko. Tot

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 4

    Masama ang gising ko, kaya wala akong ganang makipag-usap. Panay din ang pag-iwas ko kay Zayn dahil nahihiya ako sa kaniya. Isang linggo na rin 'yun, pero nakakahiya pa rin kasi talaga! Buti na lang talaga wala na naman siya dahil busy siya sa trabaho.Ayaw ko sanang makipagkita kahit kanino, pero wala akong nagawa nang dumating bigla si Zaila sa penthouse ni Zayn at may dalang mga gown."Bakit kasama ako?" takang tanong ko. "Hindi naman ako dumadalo sa gano'n," dagdag ko pa. Anong alam ko sa mga gala party?"Well, Lola said na ikaw na lang muna ang representative ni Kuya Zayn since hindi siya makakapunta due to an emergency. Asawa ka niya, so ikaw na lang," paliwanag ni Zaila. Napangiwi ako at tamad na ngumuya ng tinapay. "Besides, Lola wants to introduce you! Nando'n din si Kuya Zyrus, Ziren, at Ate Eireen!" excited pa nitong sabi.Kumunot ang noo ko. Sino ang mga 'yun?"Sino sila?" tanong ko. "Hindi sila familiar.""Ah, pinsan namin si Ate Eireen, tapos kapatid ni Kuya Zayn sila Ku

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 3

    "Lola, bawal ba talaga ako rito?" nakangiwi kong tanong.Kakalabas lang ni Lola Allyza sa ospital, halos tatlong linggo rin siya ro'n. Wala yata akong ginawa sa tatlong linggong 'yun kundi ang umuwi sa penthouse ni Zayn na sobrang boring at dalawin si Lola Allyza sa ospital. Wala naman kasi ang asawa ko; may hearing daw, eh. Bahala siya, pakialam ko ba naman sa kaniya?"Hija, kailangang magkasama kayo lagi ni Zayn," sagot ni Lola. "Tsaka pabaya ang batang 'yun sa sarili. Alam ko namang hindi pa kayo nagkakasundo ngayon, pero sana alagaan mo ang apo ko," pakiusap pa nito.Tumango ako. "Ako bahala ro'n, Lola." Hindi niya naman kailangang isipin 'yun. "Bubusugin ko si Zayn lagi," ng sama ng loob. "Okay na po ba kayo? Mamimili po kasi sana ako ng stock sa penthouse at mga gamit ko.""Okay na ako, pasasamahan kita kay Zaila," aniya at ngumiti. "Magkakasundo kayo no'n. Pinsan ni Zayn 'yun, kaedad mo lang siya, kaso madaldal 'yun, Hija.""Okay lang po." Ngumiti ako. At least may makakabondin

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 2

    "This is your fault." Umirap ako nang marinig ang boses ni Zayn. Ang kapal din talaga ng lalaking 'to! Kasalanan ko?! Kasalanan ko pa?! Siya nga itong may malaking kasalanan sa 'kin!Bakit kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya pa? Ayaw ko sa kaniya, galit ako sa kaniya. Sinong hindi magagalit?! I met him before sa province namin! Bisita siya ro'n sa pinagtatrabahuhan kong resort. Dahil special guest siya, maayos ang trato sa kaniya. Nalaman kong sikat at magaling siyang abogado. Gusto kong kasuhan no'n si Kairo, lalo na ang pagbebenta ni Kairo ng lupain ni Mama nang wala kong paalam. Nangako si Zayn sa 'kin na tutulungan niya ako nang walang kapalit na pera. Iniwan niya sa 'kin ang number at email niya, pero wala akong natanggap na kahit ano.Halos tatlong buwan ko siyang kinukulit! Hanggang sa nalaman kong naka-block na ako sa kaniya! Tapos ngayon makikita ko siya?! At siya pa ang magiging asawa ko?! Nakakairita!"Bakit naging kasalanan ko? Ako ba ang sakit ni Lola?" pilosopo kon

  • Married to my Enemy for Convenience   Chapter 1

    "Woman for hire..." basa ko sa nakatarpaulin. Bahagya akong natawa at lumapit kay Manong Guard."Hiring po ba kayo?" malaki ang ngiting tanong ko kay Manong Guard ng mansiyon na nadaanan ko. Halata namang hiring sila dahil nakapaskil sa labas ng mansiyon ang malaking sign na naghahanap sila ng babaeng kayang gawin ang lahat. Sa totoo lang, weir at nakakatawa ang nakapaskil, pero desperada na ako.Wala na akong pera. Ubos na ang perang baon ko rito sa Maynila. Idagdag pa na ayaw akong tigilan ng mga pinag-utangan ni Kairo kakatawag sa 'kin. Kailangan kong bayaran 'yun dahil pangalan ko ang nakasalalay dito. Isa pa, kailangan ko ring mabawi ang lupang iniwan ng ina ko. 'Yun na nga lang ang iniwan ni Mama sa 'kin, eh."Oo, Ineng. Ilang taon ka na muna? Bawal kasi ang minor sa trabahong 'yun," seryosong sabi ni Manong Guard at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.Hindi ko mapigilan ang sariling hindi mapasimangot! Cute size lang kaya ako ganito, 'no!"Twenty-five years old na ako, Manong!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status